logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6

SERYOSONG tumingin ang lalaki sa kanya bago nagsalita. “Sorry miss, napag-utusan lang kami ng may-ari ng bangkong pinagkakautangan ng pamilya niyo. Kung hindi niyo mababayaran ang ni-loan niyong isang milyong piso sa bangko ay kukunin namin kung ano ang napagkasunduang kapalit. Kaya kukunin namin ang ilang mga mahahalagang bagay sa inyo katulad ng bahay, furniture, appliances, kotse at kompanya ninyong palugi na. Sige na, kung wala ka nang iba pang tanong ay babalik na ako sa trabaho ko.” Sagot nito pagkatapos ay agad ng umalis sa harapan niya na hindi na hinintay ang sasabihin niya.

Natigalgal siya sa sinabi ng isang lalaking nakasuot ng itim na amerikana. Hindi niya alam kung ano bang dapat ang maramdaman niya ngayon. Malulungkot ba siya, o maaawa sa kalagayan ng pamilya niya.

“Mama, anong gagawin natin niyan ngayon? Shocks, anong sasabihin sa akin ng mga kaklase ko nito? Ano? Saan na tayo titira nito? Mama, ayaw kong manirahan sa kalsada na parang pulubi kapag kinuha na nila ang bahay sa atin.” Nagmamaktol na sabi ni Blesie sa kanyang ina.

“Ano ba, Blesie? Tumigil ka nga! Alam mo ng ganito ang kalagayan natin tapos kung ano-ano pa ‘yang iniisip mo!” Inis na sabi niya sa kapatid. Naramdaman niya na lang na unti-unting may pumapatak na luha sa kanyang mga mata.

“Mama, wala na bang pag-asa para mabayaran ang pagkakautang natin sa bangko?” Tanong niya na may kaunti pang pag-asang nararamdaman sa kanyang dibdib. Tumingin ulit siya sa loob ng kanilang bahay. Kung kanina ay may mga appliances noong bago siya pumasok sa school ngayon ay ang natitira na lang ay ang sala set na gawa sa kahoy.

Naging blangko ang mukha ng kanya ina. Mayamaya ay biglang humarap sa kanya. “Tingin ko tumigil ka muna sa pag-aaral para matulungan mo ako sa pagkalap nang malaking halaga. Hihingi naman ako ng tulong sa ilang mga kaibigan ko para kahit papaano ay mabawasan ng kaunti ang utang natin. Hindi ko na alam kung ano pang puwedeng gawin para mabayaran ang utang natin. Kung hindi lang siguro nagkasakit nang malubha ang daddy mo, at hindi siya namatay. Wala sana tayo sa ganitong sitwasyon.”

Nanghihinang napaluhod na lang si Akhi nang maalala ulit ang kanyang ama. “Sana papa kapiling ka pa namin ngayon. Hindi ko na po alam ang puwede kong gawin para makatulong sa pamilyang ‘to. Please po sana bigyan niyo kami nang lakas para harapin ang bawat pagsubok ng Diyos sa amin.” Ayaw man niyang tumigil sa pag-aaral ngunit wala siyang magagawa dahil siguradong kapag di niya sinunod ang mama niya ay maaaring pagmulan pa ito ng away nila.


Lumipas ang dalawang linggo na naging abala siya sa paghahanap ng trabaho. Tatlong semester na lang sana ay magtatapos na siya sa kolehiyo. Pero dahil kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya ay ginawa niya upang makatulong sa pamilya niya. Siya ang matanda sa kanila ng kapatid niya kaya siya na lang ang nagsakripisyo.

Pagkagawa niya ng Curiculum Vitae ay agad na naghanap siya sa Indeed, Jobstreet, at maging sa Facebook kung saan may nagpo-post ng tungkol sa job hiring.

Habang nagmumuni-muni ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cell phone na nakapatong sa kanyang side table. Sinagot niya agad ang tawag pagkakita niya sa pangalan ng kanyang bestfriend. Alam niyang nagtataka na ito sa hindi niya pagpasok.

“Hello Girl, bakit dalawang linggo ka nang hindi na pumapasok sa school? Miss na kitang loka ka! Sige na, pumasok ka na kasi.” Nanghihikayat, at may himig pagtatampong sabi ng kanyang makulit na kaibigan.

“Ganyan ba ang paraan mo para sabihing sobrang miss mo ako? Grabe ha, ang sakit talaga sa tainga ang boses mo. Parang naging kaboses mo tuloy si Mahal dahil sa pagsigaw mo ay naging matinis ang boses mo. By the way, hindi na pala ako papasok. Naisip ko kasing medyo boring na sa school kaya magtatrabaho na lang ako.” Pilit niyang pinasaya ang tinig para hindi mag-alala ang kaibigan.

“Pero Akhi? Talaga bang nabo-bored ka lang sa school o pinatigil ka lang ng mama mo na mag-aral?” Naninigurong tanong pa ni Allysa sa kanya.

Kahit di niya nakikita ang kaibigan ay alam niya kung ano ang reaksyon nito ngayon. Lagi kasi itong kontra sa mga ginagawa niya lalo na kapag may kinalaman sa mama, at kapatid niya.

Habang nag-uusap sila ng kanyang kaibigan ay narinig niya ang tinig ng kanyang ina. “Akhi, ano ba ‘yang ginagawa mo pumasok ka na sa trabaho mo!” Sigaw ng mama niya sa kanya.

“Opo mom!” Sagot niya sa malungkot na tinig. Gusto pa sana niyang makipag-usap kay Allysa nang matagal dahil ilang linggo rin silang hindi nagkita nito pero kailangan niya na ring pumunta sa bahay ng tuturuan niya. Wala rin kasing sapat na oras para makapagkuwentuhan sila kahit may cell phone siya dahil abala siya sa maraming bagay.

“Sige na, Allysa. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Next time na lang ulit tayo mag-usap,” alanganing sabi niya sabay pindot sa end call.

Hindi niya na hinintay ang sagot ni Allysa dahil baka mahabang paliwanagan na naman ang gagawin niya rito.

Dalawang minuto rin niyang tinitigan ang kanyang cell phone bago siya nagpasyang ilagay ito sa bulsa ng kanyang maong na pantalon. Nakita niyang masama ang tingin sa kanya ng kanyang mama habang isinusukbit niya ang bag pack sa kanyang likod.

“Alam mo na Akhi ang gagawin mo mamayang pag-uwi mo. Ibigay mo sa akin ang lahat ng sahod mo para bukas ay ipambabayad ko sa bangko at pangdagdag ng gastusin natin sa bahay.”

“Okay po mommy…” matamlay na sagot niya. Lumapit si Akhi sa kanyang ina para humalik sa pisngi nito bago umalis ngunit tinabig lang siya nito.

Nakita niyang kumunot ang noo ng mama niya. “Sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo.”

Laglag ang balikat na naglakad na siya palabas ng kanilang bahay para pumasok sa kanyang trabaho. Dahil nga wala pa siya sa wastong gulang para magtrabaho ay nag-apply siya bilang private tutor ng isang batang babae.

Saktong pagtawid niya sa kabilang kalsada ay biglang huminto ang kotse na laging naghahatid-sundo sa kanya. Agad siyang pumasok sa likod ng kotse at maayos na umupo. Buong biyahe lang siyang tahimik na nagmamasid sa labas ng bintana. Ilang minuto rin kasi ang gugugulin niya para makarating sa bahay ng tuturuan niya.

Mabuti na lang ay kinuha siya ng mommy ng tuturuan niya kahit na bata pa siya at wala pa siyang degree para magturo.

Pagdating niya sa bahay ng tutee niya ay sumalubong na agad si Alice sa kanya.

“Hi Ate Akhi, na-miss po kita!” masiglang sabi ni Alice sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.

“Hello rin baby Alice. How’s school?” masayang tanong niya kay Alice.

“School was great,” masayang sagot ni Alice. “Pero mas gusto ko pang nandito sa bahay at tinuturuan mo ate.”

Ngumiti muna siya bago sumagot kay Alice. “Iba pa rin ang school sa private tutor, Alice. Mas masayang matuto kapag may mga kaklase o kaibigan kang kasama sa isang silid-aralan habang nakikinig ka sa aralin na itinuturo ng guro ninyo. Anong pag-aaralan natin ngayon? Nagsulat ka ba ng mga notes mo?

Ngumiti muna sa kanya si Alice bago nagsalita. “Oo naman ate. Ako pa ba?”

Aaminin niya noong una ay nahihirapan siyang pakitunguhan it. Marami kasi itong naiisip na kalokohang gawin para lang mapaalis ang mga nag-tu-tutor sa kanya. Katulad ng pagbibigay ng cake na puno ng chili powder o kaya naman ay bibigyan nito ng alahas ang tutor nito tapos kapag kumagat sa ipinain niya ay isusumbong na nagnakaw ito.

Matalino kasi si Alice. Alam nito kung anong ugali mayroon ang mga tao. Isa si Alice sa mga taong hindi madaling magtiwala kaya umiisip ito ng mga ganoong bagay. Hindi naman pinaniniwalaan ng ina nito ang mga isinusumbong sa kanya, kilala niya kasing maloko ang anak.

Ngunit dahil na rin sa kahihiyang naramdaman ay kusa na lang ang mga itong umaalis. Pang-lima na siya sa naging tutor ni Alice pero siya lang ata ang nagkaroon ng suwerte na mapasunod ito. Kaya nga laking tuwa ng magulang nito na siya ang nagtuturo sa anak nila.

Kailangan lang kasi ni Alice ng mag-re-remind sa kanya na gawin ang mga project at assignment. Dahil parehong abala ang magulang nito sa pag-aasikaso ng negosyo ng kanilang pamilya.

Narinig niyang may papalapit sa kanila kaya napalingon siya. Alam niyang mommy ito ni Alice dahil siya lang naman ang mahilig pumasok sa kuwarto ng anak nito.

“Hi Akhi, naku wala na atang bukambibig ang anak ko kung hindi ikaw. Ano kayang gayuma ang ibinigay mo sa kanya para mapatino mo siya ng ganyan?” nakangiting sabi sa kanya ng ina nito.

Isang maganda, at sopistikadang tingnan ang mommy ni Alice na si Tita Danella. Kahit mayaman ang mga ito ay hindi ito naging matapobre sa kanya pati ang asawa nito. Kahit may anak na ay mapagkakamalan mo na parang dalaga pa rin dahil sa likas nitong ka-sexy-han.Napailing na lang siya dahil sa labis na paghanga sa mommy ni Alice.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด