logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 4

TUWING pagkagising sa umaga ay walang ibang inisip si Akhi kung di ang kanyang pamilya. Kasalukuyan niyang hinuhugasan ang bigas para isaing sa rice cooker. Nang matapos niyang mahugasan ang bigas ay agad na niyang isinalang sa rice cooker saka pinindot ang switch para mapunta sa cook. Dahil apat na scoop lang ang iniluto niya ay ilang minuto lang siyang maghihintay para maluto ang kanin.


Kumuha na siya sa refrigerator ng ipipritong almusal para bago siya pumasok ay makakain siya. Saka pati na rin ang pagkagising ng kapatid, at mommy niya ay may makain ang mga ito dahil ayaw niyang mapagalitan na naman siya ng mommy niya kapag hindi siya nakapagluto ng pagkain.


Makalipas ang ilang minuto nang makaluto siya ng kanin, hotdog pati ng itlog ay agad niyang inilagay sa lamesa saka siya kumuha ng plato pati kutsara't tinidor para makakain muna bago pumasok. Habang nakaupo't kumakain ay itinuloy niya ang pagmumuni-muni niya.


Wala naman sa kanya noon kung siya ang laging gumagawa ng gawaing bahay, dahil ‘yon naman talaga ang tungkulin niya bilang panganay na anak ng pamilya nila pero ngayon pakiramdam niya ay turing sa kanya ng mga ito ay katulong. Suwerte na lang niya dahil di siya nito pinapatigil sa pag-aaral kaya nagpapasalamat pa rin siya kahit papaano.


“Kailan kaya ako matatanggap at mamahalin ng sarili kong pamilya? Baka siguro kapag pumuti na ang uwak.” Napangiti na lang siya sa isiping 'yon. “Tama na nga…kailangan ko ng pumasok sa school dahil tiyak ko inaabangan na niya ako,” Umiiling-iling na sabi niya sa kanyang isip habang nagsisimula nang maglakad papunta sa kanyang kuwarto.


Dalawampung minuto ang nakalipas pagkatapos niyang maligo at magbihis ay isinukbit niya agad ang kanyang maliit na lumang bagpack na kulay itim na ibigay din sa kanya ng daddy niya. Tagpi-tagpi na ito ng mga telang itinahi niya sa mga butas sa bandang zipper at sukbitan ng bag. Ayaw niyang palitan ito dahil 'yon na lang ang isa sa alaala na iniwan sa kanya ng yumaong ama.

Pagkababa ay agad na siyang nagmadaling umalis para pumasok. Mayamaya lang kasi ay gigising na rin ang demonyita niyang kapatid kaya bago pa masira ang araw niya ay kailangan niya ng umalis. Pagkalabas niya sa pinto ng kanilang bahay ay siniguro muna niyang dala niya ang susi ng kanilang bahay na palihim niyang pina-duplicate kung sakali mang mahuli siya nang uwi. Napangiti siya nang masiguro na nasa loob ng kanyang bag ang susi kaya agad niyang sinarado ang pinto at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng gate ng kanilang bahay. Kung hindi niya ginawa ang ipa-duplicate ang susi ng pinto ay malamang na lagi siyang natutulog sa labas ng kanilang bakuran.


MAYAMAYA ay nasa tapat na siya ng gate ng kanilang school. Dali-dali siyang nagpunta sa favorite spot nila ng kanyang kaibigan upang magpahinga at ipagpagpatuloy ang kanyang isinusulat kahapon dahil mamaya ay ipapasa na nila sa kanilang masungit na professor na si Tibursio. Bumagay ang pangalan ng boss nila dahil bukod sa makaluma na ang pangalan ay umayon din sa paraan ng pagtuturo nito na makaluma na rin.


"Hi Akhi, ang aga mo talagang pumapasok. Dito ka ba natutulog sa school natin?” nagbibirong sabi sa akin ni Allysa habang naglalakad papalapit sa kinuupuan niyang bench na paborito nilang tambayan malapit sa round table na may puno ng Acasia sa gitna. Nang makalapit si Allysa sa kanya ay agad nitong ibinaba ang mini bagpack sa lamesa malapit sa bag niya.


“Kung hindi lang kita kaibigan Allysa baka nabato ko na sa ‘yo ‘tong hawak kong notebook.” Nakairap na sabi niya habang itinutuloy ang pagsusulat dahil naudlot ang kanyang ginagawa. “Alam mo naman na palagi akong maagang umaalis sa bahay namin dahil ayaw kong makita ang kapatid ko saka para makaiwas na rin sa galit ni mommy.”


“Hay naku, kung ako sa ‘yo lalayasan ko 'yan sila. Huwag kang mag-alala sa bahay ko puwede ka namang tumira roon. Para saan pa't nagkaroon ka ng kaibigang mayaman.” Ngiting sabi niya sabay nangalumbaba sa kanyang harapan.


Umismid naman siya sa huling sinabi ng kanyang kaibigan. “Huwag na, kaya ko pa namang pagtiisan ang kapatid ko at si mama. Ang mahalaga ay di niya ako pinatitigil sa pag-aaral. Kaunting panahon na lang ay makagagawa na rin ako ng paraan para malaman ang itinatagong baho ng pamilya ko kung mayroon man."



“Tama ‘yan girl. Kung tama ang kutob mo na hindi mo sila kaano-ano ay makakaganti ka na rin sa demonyitang kapatid mo at sa mama mo na parang ginagawa ka ng katulong sa bahay niyo. Sana di na lang namatay ang daddy mo para hindi ka nahihirapan ng ganyan. Tingnan mo ang sarili mo, talo mo pang may anak na sampu dahil sa napapabayaan mo na ang sarili mo.” Nang-aasar na sambit ni Allysa sa kanya.


“Hindi na siguro kailangan ‘yon dahil alam kong malulungkot si daddy kapag ginawa ko ‘yon.” Puno nang pang-unawang sabi niya sa kaibigan. “Saka wala naman akong dapat pagandahan para mag-ayos ng sarili ko e. Alam mo namang sakto lang ang pera ko para panggastos sa school uunahin ko pa ba ang magpaganda? Di naman ako mayaman katulad mo kaya bahala na kung ano ang itsura ko. Basta ayos na sa akin ang magpulbo at magsuklay ng buhok.”


“If I know ‘yong kapatid mong si Blesie lahat ng gusto nabibili. Ewan ko ba sa ‘yo at nagpapakamartir ka.” Nakahalukipkip na sabi ni Allysa habang matamang nakatingin sa kanya. “Balik tayo sa isinusulat mo. Ano ba ‘yan?” Tanong niya sabay lapit ng mukha niya sa isinusulat ko.


“Ito?” Turo niya sa hawak sinusulatan niyang notebook. Mukhang nakalimutan na naman ng bestfriend niya na may assignment silang dapat gawin, at ngayon ang deadline.



“Oo, para saan ba ‘yan?” Tumatangong sabi ni Allysa pagkatapos ay lumipat ng sa kanyang tabi para umupo.



“Naku, mukhang nakalimutan mo na namang may assignment tayo sa Algebra." Nakangising sabi niya habang nakatingin sa magiging reaksiyon ng kaibigan niya. Alam na niyang magugulat, at mapapamura na naman ito.


“SHIT! Oo nga pala, nakalimutan kong gawin ang assignment ko. Terror pa naman ang professor natin diyan. Pakopya naman o! Sige na, ililibre kita sa lunch at snacks." Sabi niya sabay kapit sa braso ko, at nagmamakaawa ang itsura.


Tumango na lang siya bilang sagot dahil sino ba siya para tumanggi sa kaibigan niya? Give and take lang naman sila. Saka limandaang piso na lang ang mayroon siya at kaunting barya na badyet niya para sa isang buwan. Kaya makakatulong ang panlilibre ni Allysa para di mabawasan ang panggastos niya. Makakatipid pa siya.


“Sige na nga. If I know talaga namang kinalimutan mo gawin ‘yon para kumopya sa akin. Style mo bulok. Isip ka naman ng bago sa susunod ‘yong di na halata.” Nakangiting sabi ko sabay abot sa katatapos ko lang na sinagutang tanong.


“Ano ka ba? Papahirapan ko pa ba sarili ko? Alam mo namang maganda lang ako. Hindi katulad mo na maganda na, matalino pa. Kaya nga kaibigan kita e.” Alanganing ngumiti si Allysa sa kanya pagkatapos ay kinuha ang notebook na iniabot niya.



“Edi wow!” Sabay na sabi nilang dalawa pagkatapos ay tumawa nang malakas. Napatingin na lang sa kanila ang ibang estudyante na dumadaan malapit sa kanila. Siguro dahil para silang mga batang tumatawa na parang wala nang bukas. Basta sa mga simpleng bagay pati sa mga kalokohan ay magkasundo sila ni Allysa.


Napatingin siya sa kanyang relong pambisig. Malapit na palang mag-alas siyete. “Allysa, bilisan mong komopya ha? Malapit na mag-umpisa ang klase natin kaya alalahanin mo.”


“Oo na, huwag kang mag-alala bibilisan ko. Saka huwag mo namang ipangalandakan na komokopya ako sa iyo.” Nahihiyang sabi ni Allysa habang lumilingon-lingon sa paligid.


Napangiti na lang siya habang natutuwang nakatitig sa kanyang kaibigan na nagkukumahog komopya ng mga sagot niya sa kuwaderno. Simula noong nagsama't naging mag-bestfriend sila ni Allysa ay ganito na lagi ang ginagawa nila. Dahil nga likas na mabait ang kaibigan, kahit na mapang-asar kung minsan ay nagkakasundo sila sa mga bagay-bagay kahit na madalas ay nangongopya ito sa kanya ng mga sagot lalo na sa Algebra. Parang si Allysa na rin kasi ang pumalit sa puwesto ng kanyang kapatid na si Blesie. Siguro kung hindi lang masama ang ugali nito ay magkasundo rin sila nito.


"Tapos ka na bang magsulat Allysa? Bilisan mo na kasi ilang minuto na lang ay magbe-bell na. Naku mamaya di na tayo papasukin ni Sir Tibursio kapag na-late tayo sa kanya ng pasok." Paalala niya sa kaibigan sabay kuha ng kanyang bag saka isinukbit sa kanyang balikat. Inisip niyang bitbitin na lang niya ang notebook mamaya papunta sa room nila.


"Oo na friend! Ito na, nagmamadali na nga e!" Sagot niya habang nagmamadali na sa pagsusulat. "Yes! Nakatapos din. Mabuti na lang talaga ang galing ng kinopyahan ko." Dagdag pang sabi ni Allysa sabay sarado ng mga kuwaderno, at tago ng itim na ballpeng may tatak na Panda na ginamit niya pangsulat sa kanyang bag.

"Tara na!" Yayang sabi niya dahil pitong minuto na lang ay tutunog na ang bell. Hudyat na mag-uumpisa na ang kanilang klase.


Malalaki ang kanilang mga hakbang na naglakad sila papunta sa kanilang klasrum. Mabuti na lang ay sa 2nd floor ang klasrum nila tapos pagkakaliwa nila ay unang pinto lang 'yon kaya hindi sila pagpapawisan ng bongga sa pag-akyat.


Pagkaakyat nila ni Allysa sa hagdan, at makarating sila sa tapat ng kanilang klasrum ay pakiramdam nilang pareho na para silang nakipag-marathon sa olympics dahil sa sobrang bilis ng tibok ng kanilang puso, at may mga butil-butil na pawis ang umaagos mula sa kanilang mukha papunta sa leeg.


"Sa wakas, at wala pa si Sir Tibursio!" Tuwang sabi ni Allysa.


Sabay na silang naglakad papasok. Nakita nilang may mangilan-ngilan na silang mga kaklase na abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Ang iba naman ay tumango, at ngumiti bilang pagbati sa kanila na ginantihan din naman nila ng pagtango, at pagkamay.

Saktong pag-upo nila sa may pang-apat na linya malapit sa may bintana na magkatabi ay dumating naman ang kanilang professor. Agad na nagsiayos na ang lahat sa pag-upo, pagkatapos ay inilabas ng bawat isa ang kanilang mo notebook. Dahil nakalabas na ang notebook niya dahil bitbit lang niya ito mula nang magmadali silang umakyat ni Allysa ay maayos niyang inilagay ito sa kanyang desk kung saan mamaya ay ipapasa na lang niya kapag sinabi ng professor nila.

"Good morning Sir Tiburcio!" Sabay-sabay na bati naming lahat sa kanya.

"Good morning too!" Tipid na tugon nito pagkatapos ay agad na nag-umpisa ng kanyang pagtuturo. Buong isang oras ay nakinig lang kami sa kanya kahit na ang iba ay kunwaring nakikinig lang dahil sa takot na mapahiya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด