logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

KIT'S P.O.V
Titig na titig ako sa papel na hawak ko. Pinapagawa niya lang naman ako ng essay na 1,500 word count.
Hindi ko alam pero ang sakit ng pakiramdam ko. Umaasa ba ako na maging maayos kami?
"Ano iyan?" naitago ko bigla ang hawak kong criteria ng essay.
"Wala." ngumuso siya at umirap.
"Ang yayabang ng mga iyon, akala mo kung sinong siga."
"Siga naman talaga sila." totoo naman, balita ko ay maraming lalaki ang ilag sa kanila.
"Nakakaasar! Lalo na yang Deter na yun! Parehas sila lahat!"
"May kasalanan ka pa sa akin Cane." pagbibiro ko dito. She pouted.
"Sorry na Kit..Nainis ako eh. Ganito na lang, libre ko ang lunch mo sa paparating na sports fest! Game?"
Oo nga pala, magaganap na ang uniweek one week from now kaya nag uumpisa ng maghanda ang lahat.
"Manonood tayo ng sports tapos punta tayong photo booth!" sabi ko nga maligalig si Cane kapag ako lang ang kausap.
Tumango ako at umayos ng upo ng dumating na ang guro.
"As you all know, uniweek is coming. So I am giving this class a whole project. And that is to create a booth, I want to see reports of capital used, income and demand chart. Its up to you what booth do you like."
Sa buong oras ng klase ay binigyan kami ng guro ng oras para magplano. Sa huli ay napagdesisyunan ng klase na magtayo ng Milktea Shop. Kung sa bagay yun naman ang trend ngayon.
Maaga natapos ang klase, kaya nakatambay kami ngayon ni Cane sa white bench kung saan nagpapalipas ng oras ang mga estudyante.
Marami ang estudyante dito ngayon. Sa bagay ay biyernes malamang ay maaga ring natapos ang subjects nila.
"Kit?"
"Hmm?" mula sa paggawa ng essay ni Yvo ay napatingin ako kay Cane.
"Hindi kaba napapagod?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"Kasi..dapat nagpapahinga kana ngayon eh." Nakatingin siya sa akin ngayon ng may halong awa at ayoko nun. I always hated to see their pity for me. Ngumiti na lang ako.
"Ayos lang ako, wag mo nang intindihin iyon."
" Ano ba kasing nagawa mo sa Yvo na iyan para ganyanin ka niya. Natandaan ko pang pinahiya ka niya noon sa harap ng maraming estudyante ah?" Isa rin siguro siya sa nakakita na pinagpupunit ni Yvo ang mga books at notebooks ko noon.
"You can tell me Kit, kaibigan mo na ako."
Siguro nga, oras na rin para magtiwala sa iba. Kahit pa malaman ni mama na may kaibigan ako. May sarili akong desisyon at gusto ko nang maging katulad na lang ng ibang normal na tao.
Kinwento ko sa kanya ang nangyari noong first day hanggang sa nangyari sa guidance.
"Ang babaw naman nun." nakakunot ang noo niyang sabi sa akin.
Mababaw ba talaga? Pero nahatulan siya ng suspension. Magdadalawang linggo rin bago siya nakabalik.
"Malakas ang kutob ko Kit, iba na iyan. Ang tagal tagal na niyon!"
Ano namang ibang dahilan niya? Meron nga ba? Tama naman si Cane, kung tutuusin sariling kasalanan niya na iyong nangyari sa kanya. Malas ko lang dahil ako ang nakasaksi.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Ano naman yung ibang dahilan niya?"
"Malay ko, baka nagpapa pansin lang!" irita naman na ang boses niya ngayon.
'That... is my own reason to keep.' Pag alala ko sa sagutan namin noon sa corridor. Meron nga siyang sinabi na may sarili siyang rason kung bakit.
"Dyan ka lang."
"Saan ka pupunta?"
"Mag cr lang."
Sa totoo lang, hindi naman Cr ang pupuntahan ko. Narating ko ang rooftop ng Department building. Umupo ako sa mga sirang upuan na nakalagay doon.
I just want to breathe. Pagod na ako. Buti na lang at walang nakatambay dito, wala naman talagang tatambay dito dahil maraming tambayan sa baba na mas magaganda.
Naiinis na rin ako sa sarili ko, nitong mga nakaraang araw ay panay ang isip ko kay Yvo, masyado na akong nagiging madrama. Madrama na nga sa bahay pati din naman dito sa school. Naiinis na tinadyakan ko ang upuan sa gilid, nagkandahulog tuloy yung iba.
"Are you suicidal?" napa pitlag ako ng may magsalita sa likod ko. Doon ko nakita si Caleb. Iyong lalaking nanggulat sa akin noon at lalaking nakakita na nasa tapat ako ng pintuan ni Yvo.
"Hey, are you okay?" nakatulala na pala ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko.
Sumimangot ang mukha ko ng makuha ang ibig niyang sabihin.
"Hindi ako pumunta dito para magpakamatay." hindi ko napigilang umirap.
Tumawa lang siya saka umupo sa katabing upuan ko. Kahit hindi ako nakatingin ay nararamdaman kong nakatingin siya sa mukha ko.
Naiinis na tiningnan ko siya. "Huwag ka ngang tumitig."
Muli nanamang tumawa ito. Naiinis ako dahil nasira ang moment ko. Pumunta ako dito para mag isip pero nasira iyon dahil nandito siya.
"Then what are you doing here?"
Akala ko pa naman ay seryoso siyang tao, hindi naman pala, dahil pangiti ngiti ito sa akin ngayon.
"Wala ka na doon."
"May tinatago ka palang kasungitan."
Mas lalong nalukot ang muka ko sa sinabi niya. Oo nga, hindi  ko rin alam kung bakit ang sungit ko sa kanya, samantalang hindi ako makapalag sa iba. Lalo na kay Yvo.
"Nag iisip ako. Ayos na?"
Tumawa nanaman siyang muli.
"Ang drama mo naman, kailangan talaga sa rooftop?" humagikhik ito na parang baliw.
Sa inis ko ay nahampas ko siya sa braso at bahagyang napangiti.
"Pakealam mo ba? Gusto kong gayahin iyong nasa mga movie."
Kaya siguro nagagawa kong mag sungit ako sa kanya dahil alam kong mabait siya. Napahinto ako nang makitang seryoso na ulit siyang nakatitig sa akin.
"Bakit?" Umiling iling siya
"Mas bagay sayo'ng nakangiti." nag-init ang pisngi ko sa tinuran niya.
"Huwag kang assuming, wala akong sinasabing maganda ka." napatigil ang pag iisip ko sa sinabi niya.
"Wala akong ini isip na ganon no at saka kahit hindi mo sabihin alam kong maganda ako!"
"Oh? Who told you?"
"Marami, hindi ko na mabilang." napanguso ako sa tanong niya.
"Yeah, you're beautiful.." kakaibang klase ang titig niya biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napahawak ako doon.
"Heh bolero kakasabi mo lang kanina na hindi."
"I was just joking Jane." napatigil ako sa sinabi niya.
"Kilala mo ako?"
"Who would not? You are famous, especially to the male population."
Totoo nga yata ang sinabi ni Cane sa akin.
Tumingin ako sa kanya.
"Caleb ang pangalan mo diba?"
" Yes. Jhon Caleb Alvarez, I'm glad you still remember."
"Business Ad ka rin? Fourth year?"
Tumango siya.
"E-edi classmate mo si Yvo?" Nananantyang tanong ko sa kanya.
"Yes." hindi ako nakapag salita.
" I know, what Yvo is doing to you."
"Sino bang hindi nakaka alam." mapait na sabi ko.
"Yung sinabi mo nga pala noon na mag ingat ako kay Yvo, anong ibig mong sabihin dun?"
Sumeryoso ang itsura niya. " Just be careful around him. Dont let him deceive you."
Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang dapat isipin. Gusto ko na lang matapos to.
"Anong ibig mong sabihin?"
Umiling lang siya at bumuntung hininga. Hindi siya sumagot. Nakatitig ako sa kanya naghihintay ng sagot. Sa paraan kasi ng pananalita niya ay tila may alam siyang hindi ko alam.
Lumipas pa ang ilang segundo pero nagkakatitigan lang kami.
"Please... anong sinasabi mo? Decieve me? How can that happen when he was never nice to me?" naguguluhan kong tanong.
He sighed and looked at me. "You're a nice girl Kit, pretty and innocent, you shouldn't associate yourself with people like Yvo."
Nakatitig kang din ako sa kanya. I am confused of his words.
"Promise me, iiwasan mo siya." he said.
My forehead creased. "Bakit? Bakit mo sinasabi ito ngayon sa'kin?" naguguluhan kong tanong.
He chuckled then patted my head again.
"Yvo is vicious, hindi siya tumitigil hanggang hindi nakukuntento. He is hard headed stubborn and I know he is giving you a tough time.." he trailed and eyes lingered on me. Napayuko ako, he pity me.
"And it's okay to cry Kit.." Umiling ako. My mother does not like crying.
"You can Kit," pang uudyok niya.
Naramdaman ko na lang na nasa bisig niya na ako at yakap ng mahigpit. Sa kilos niya ay mas tuluyan akong naiyak. Ganito siguro talaga, kapag may nagpapatahan sa iyo, mas mapapaiyak ka. I can't cry at home then I will cry here.
Pinunasan niya ang muka ko ng panyo. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Mula sa may pagka singkit niyang mata, sa ilong niyang matangos at sa labi niyang mapula pula. He got the kissable lips. I admit nakaka inggit iyon. Parang pang babae.
I saw his adams apple bob up and down. Tumikhim siya kaya napatingin ako sa mata niya. Inilagay niya sa kamay ko ang panyo na kulay blue. Saka hinila ang kamay ko paalis ng rooftop.
"May klase kapa ngayon?"
"Wala na.."
Ngumiti siya na lalong nagpasingkit ng kanyang mga mata.
"May pupuntahan tayo."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด