logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

KIT'S P.O.V
Maaga pa lang ay pumasok na ako. Holding the books, I anxiously wait for Reevo and his friends. Hindi ko maiwasang maalala kung bakit ako nasa sitwasyon ko ngayon.
It was the first day of school and the first day of my college life. Hindi ko kabisado ang eskwelahan at hindi ako nakasama sa orientation para sa amin noon dahil inalagaan ko si mama, naglasing siya ng sobra at nagkasit kaya imbes na umatend ay pinili ko na lang na alagaan siya sa bahay.
Nagtanong ako sa guard ng direksyon. Tinahak ko ang sinabi niya ngunit humantong ako sa di mataong lugar. Puro patay na halaman ang nakikita ko. Kahit ganon ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng naturang silid.
Sa pagliko ko sa isang pasilyo ay iba ang nadatnan ko. Isang lalaki na nakatalikod at halatang naninigarilyo. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Matangkad at saktong pangangatawan. Sa pagbuga niya ng usok ay kumalat ang matamis na amoy sa paligid ngunit para sakin ay masakit sa lalamunan iyon. Hindi napigilan ay napaubo ako ng sunod sunod. Napalingon ang lalaki at saka naniningkit ang matang tiningnan ako.
"Who are you?" matigas ang boses nito at maangas ang dating. May hikaw sa kaliwang tainga, matangos din ang ilong niya. Ang labi niya naman ay mapula na tila ba hindi naninigarilyo. Maganda din ang hugis ng kanyang mukha. He looks rugged with his prominent jaw.
"I said who are you and what are you doin' here?" I snapped from my thoughts when he forcefully held my wrist.
"Hinahanap ko po yung Business Department B-building" lakas loob kong hinila ang kamay ko kahit na mukha siyang kakain ng tao sa itsura niyang magkasalubong ang kilay niya.
Akma siyang magsasalita ng tila natigilan siya.
"Damn these fuckers wont stop arent they?"
Tumingin ito sa akin ng masama na ikinaatras ko.
"Dont you ever tell anyone you saw me here, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo..." puno ng pagbabanta ang tono niya saka siya tuluyang nawala sa aking paningin.
Maya maya pa ay may dumating na isang gurong lalaki na galit at hinila ako kung saan.
Natagpuan ko ang sarili sa guidance office at tinanong ng kung ano ano ng guro.
"Ms. Trias, you saw Mr. Yvaroa smoking in there, no?" kusang umalingawngaw ang banta ng lalaki sa akin.
Napalunok ako at at saka mabilis na umiling sa guro.
"W-wala po akong nakita." hindi makatinging sabi ko sa guro. Dismayadong napabuntung hininga ang guro.
"Ms. Trias kung magsisinungaling ka siguraduhin mong galingan mo. Alam mo bang maaari kang magkaroon ng record dito kung pagtatakpan mo si Yvaroa?Gusto mo bang ipatawag ang magulang mo dito?"
No! I don't want to give my mother another head ache. Siguradong hindi lang sermon ang aabutin ko pag nagkataon!
"Tell me honestly kung ayaw mong madamay dito. Listen, that kid is a headache and he needs to learn his lesson."
Wala akong choice kundi ikwentong nakita ko siyang naninigarilyo doon. Sabi ng guro ay takot daw ang mga studyanteng isumbong ito kaya walang patunay na gumagawa ito ng kababalaghan sa loob ng paaralan, kaya laking pasalamat sa akin ng guro. Nabalitaan ko ngang binigyan ito ng suspension, mula noon ay kakaiba ang tingin sa akin ng mga estudyante.
Minsan ng papasok ay hinarang ako ng pamilyar na lalaki. May panunuya ang tingin nito sa akin at tila ay galit.
"So it's you... didn't I warn you na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa oras na isumbong mo ako?"
Napalunok ako sa kaba ng humakbang ito paabante saka inangat ang kamay. Sa pag aakalang sasaktan niya ako ay napapikit ako, ngunit hinablot nito ang bag ko at saka kinalat ang laman sa hallway at saka niya pinunit ang mga notebook at libro ko kasama na ang assignments ko.
Natutuod at naiiyak na pinanood ko siyang gawin lahat ng iyon. Hindi ako makapaniwala, totoong may ganitong tao! Hindi lang sa books at TV! Gusto ko siyang sigawan at pigilan sa kanyang ginagawa.
Ngunit wala akong magawa dahil wala naman akong laban. Umaasa ako na may isa man lang sa istudyante ang tumulong sa akin ngunit parang tulad ko ay wala ring magawa ang mga ito.
My mother is right, world is cruel...Weak would be devour by those who are strong...
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko habang nakatingin sa nagkalat na gamit ko. Ngumisi ito sa akin na tila nasisiyahan sa kanyang nakikita.
"See? Wala kang magawa? Try to disobey me again and you'll see."
Magmula noon ay ginawa niya ng impyerno ang buhay ko. Pinapagawa ng assignments, nang uutos at nambubuyo.
Sa tuwing ginagawa niya iyon ay nakakaramdam ako ng galit maging pati sa sarili ko. I hated feeling weak and feeling inferior towards him.
***
Mula sa pagkakupo ko sa isang bench malapit dito sa classroom ng mga fourth year ay may humintong bulto sa aking harapan.
Napatayo ako sa pagkaalerto. Napatingala ako sa kanya. Napapikit ako saglit sa bahagyang pagtama ng araw sa aking mukha otomatikong iniharang ko ang palad sa sinag ng araw. Pagdilat ay nabungaran ko ang pagtitig ng itim nitong mata. Seryoso itong nakatingin na tila ba ay may hinahanap sa aking mukha.
Naiilang na nagbaba ako ng tingin at dali-daling inilahad sa kanya ang tatlong libro. Bawat isa ay may nakaipit na sagot sa isang printed paper. Kumpleto iyon kasama na ang kanyang pangalan.
Reevo Emmanuel I. Yvaroa SBAHM 4
"Tapos ko na po." binawi niya ang titig at tinignan ang kamay kong nakalahad. Kinuha niya iyon at seryosong sinuri ang mga sagot. Sana lang ay ayos sa kanya iyon. Sa library kahapon ay inaral kong mabuti kung paano i solve at i-compute ang mga iyon.
"Nice Yvo! Edi may ipapasa ka na ngayon!" tumawa ang isa niyang kaibigan na si Deter. I know their names dahil bukang bibig din sila ng mga kaklase kong babae.
"Ayos! matalino ka pala Kitarni no?" I was surprised na alam ng kaibigan niya ang pangalan ko, sa isang buwan ng pananatili ko dito ay hindi ako nakikipag usap kung hindi naman academic related isa pa ay wala gustong kumausap sa akin. Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang malungkot.
Gusto ko din sanang magkaroon ng kaibigan. Lagi akong naiinggit sa mga kaklase kong babae, lahat sila ay may kanya kanyang circle of friends.
Hindi naman ganoon kalakas ang loob ko para makipaglapit sa mga kaklase ko.
Magmula ng maghiwalay si mama
at papa ay naging mahigpit si mama sa lahat ng bagay. She got trust issue's na pati ako ay nasasakal na. Madaming bawal at nasanay na akong laging nasa bahay lang.
"Shut up Dino! May crush ka ata kaya inalam mo pangalan eh"
"Oy di ah, lagi kong naririnig na pinaguusapan siya ng mga lalaki dito kaya alam ko no." Dino guy laughed and looked at me. Napaiwas ako ng tingin,
bakit kung magusap sila ay parang wala ako dito?
Bago ko pa marinig ang isasagot nila ay napagpasyahan ko nang umalis. Hindi ako kumportable sa pinag uusapan nila at sa isang taong kanina pa nakatitig sa akin.
They didn't even have the decency to talk about me privately, talagang kailangan na naririnig ko pa?
"Ahm, alis na po ako." patakbo akong umalis sa harap nilang tatlo ng walang lingon lingon.
Saktong pagkarating ko sa classroom ay dumating na ang guro para sa first subject.
" I will give you an activity, this would be by twos. Do you want to choose or magbunutan tayo?" Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang groupings.
"Maam, choose nalang po para comfortable kame sa groupmate namen"
"Yes po maam, choose po!"
Sunod sunod na choose ang gusto ng lahat kaya sa huli ay iyon ang nasunod. Habang abala ang lahat sa pagpili ng kagrupo ay nanlulumo akong nakaupo sa aking upuan. Namataan ko ang isang kaklase kong lalake na nakatingin sa akin. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito saka tumayo sa upuan.
Yayayain niya akong maging partner?
Kung ako ang tatanongin, kahit sino ay ayos lang sa akin. Wala naman akong pagpipilian.
"Hi." isang boses babae ang nagsalita sa may gilid ko. Pagkalingon ko ay isang maputing babae na may pagkasingkit ang mata at nakasalamin ng bilog ang natingin sakin.
"Pwede ikaw na lang partner ko?" nahihiyang tanong nito sa akin. Pagtingin ko sa lalaki kanina ay nakasimangot itong bumalik sa kanyang upuan at nanghila ng isang kapares.
"Sigurado ka? Gusto mo akong maging partner?" gulat ako ng may kumakausap sa akin.
"Oo eh, parang parehas kasi tayo. Walang masyadong kakilala." nakangiti na ito sa akin ngayon.
"S-sige tayo na lang. Pasensya na...pero hindi ko alam ang pangalan mo." nanantya ang boses ko. Ngunit sa loob ko ay natutuwa akong may kumausap sa akin.
Kanina lang ay iniisip kong magkaroon ng kaibigan ngayon ay may nakikipagusap sa akin!
Humagikhik ito
"Arcane Gem Galvez, Cane for short." naging masigla ang boses niya bigla, taliwas ng kanina.
"Kitarni Jane Trias, Kit for short."
Inilahad ko ang aking kamay. Tinanggap niya naman.
"Alam ko na ang pangalan mo, sikat ka nga eh."
"Sikat ako dahil kila Reevo?" napa buntunghiniga ako sa naisip.
"Hindi lang iyon, maganda ka kasi kaya sikat ka." nag init ang pisngi ko sa hiya.
"Maganda ka di naman Cane." I complimented.
Black eyes complimented her and brown eyes to mine.
"Pareho tayo! we're really destined to be bestfriend." Humagikhik ulit ito na tila kinilig kaya napangiti din ako.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด