logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

EVERYONE is staring at the two of us and whispering, I can even hear them bad mouthing her that made me glared at them.
They don't have the right to insult my entertainment, tsk.
“M-Magandang umaga rin,” she blushed.
Though she doesn't care at all because all of her attention is on me right now, napangiti ako.
“Huh? Wait, you're familiar?” nag salubong ang kilay ko nang umepal si Isaac. “Where did I see you again?”
“H-Huh? Pasensya na. Hindi kita kilala,” muntik na ako matawa nang basagin siya ni stupid girl.
“Really?” napapahiyang salita niya.
“Tol! Who is she? Introduce us to this beautiful girl,” utos ni Isaiah.
Umayos ako ng tayo at taas ang isang kilay na tumingin sa kanilang dalawa, they are looking at me curiously then staring at her.
“B-Beautiful? M-Maganda daw a-ako,” kunot noong napatingin ako kay Amara.
“Aba! Bakit ikaw lang ang maganda?! Maganda rin naman ako ah,” nag salita ang isang babae na kasama niya.
“Tumigil ka. Ako ang main character dito,” mataray na sagot ni Amara.
“Pakyu!”
Hindi siya pinansin ni Amara at humarap sa aming tatlo.
“S-Salamat sa complement,” nahihiya at namumula ang mukha niya, hindi ko alam kung bakit nairita ako bigla.
“What's your name my lad–”
“No,” madiin kong sagot at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni stupid girl pagkatapos ay hinila na siya paalis.
“Uwah!”
“Hoy! Saan mo dadalhin si Ara?!” gulat na sambit ng kaibigan niya.
“Ara, kalma ka lang ah! Bawal ang marupok, 'wag kang bibigay kaagad!” sigaw rin ng kaibigan niyang maingay.
“Storm, mag dala ka ng condom!” doon ako natigil sa sinigaw ni Isaac, sa galit ko ay ipinakita ko sa kaniya ang middle finger ko.
“Gago ka Isaac,” rinig ko pang sambit ni Isaiah.
Puro sigaw lang nila ang naririnig ko hanggang sa wakas ay nakalayo na rin kaming dalawa. Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makapasok na kami sa university, pinagtitinginan kami nang lahat ng estudyante na madadaanan namin pero wala akong pakialam.
“S-Saan tayo pupunta?” hindi ko siya sinagot.
Nakarating kami sa garden, pinaupo ko siya sa bench pagkatapos ay nahiga ako at ginawang unan ang lap niya.
I saw her face flushed and her eyes looked away from me.
“Pfft….” pinigilan ko ang matawa at nag tagumpay naman ako.
Tanging kaming dalawa lang ang nasa garden, tulad noong unang pagkikita namin ay sumasayaw na naman ang buhok niya sa hangin habang ang mga dahon naman ay nahuhulog mula sa puno dahil sa hangin.
Now that I am staring at her, she looks just like an average girl. She has brown short hair with bangs, brown round eyes, chubby cheeks, and red lips. She looks cheerful and full of positiveness. Mukhang wala rin siyang alalahanin, happy go lucky. Hindi siya mukhang tanga, huwag lang siya kikilos at magsasalita.
I don't know why she looks magical to me the first time I met her when in fact she looks just like an average girl, everyone calls her the lowest and studid girl.
Mukhang naiilang na siya mula sa pagtitig ko, my lips form into smirk. Mukha na siyang tomato sa sobrang pagkapula ng kaniyang mukha. Gano'n kalaki ang epekto ko sa kaniya, kahapon ko lang siya nakilala pero komportable na kaagad ako sa kaniya.
“Bakit tayo nandito?”
“Because I dislike crowded places and people.”
“P-People rin ako, huwag mong sabihing sa mata mo ay nakikita mo ako bilang isang hayop o baka naman alien? Sabihin mo, a-ano ako sa mata mo?!” nagpapanic na litanya niya.
What the?! Gano'n na kaagad kalayo ang narating ng utak niya.
“You look stupid in my eyes,” natatawa kong sagot.
“P-Pero tao naman ako sa mata mo 'no?” hindi niya ipinagkailang tanga siya, ibig sabihin ay tanggap niya na tanga siya.
“You look like a fruit.”
“A-Ano?” nanlaki ang mata niya at kumuha ng salamin, pagkatapos ay nagpapanic na tinignan ang kaniyang sarili sa salamin. “Hindi naman ako prutas sa salamin. Na'ko! Dapat mo na yata ipatingin ang mata mo,” nag aalala siya na nakatingin sa akin. “Anong klaseng prutas ako sa'yo? Huhu,” ilang segundo na lang ay maiiyak na siya.
“You look like a fine-apple,” pick up lines ko.
Natahimik siya na parang pinoproseso pa nang kay tagal sa kaniyang utak ang banat ko.
“P-Pineapple?! Uwaaahhhh! Marami akong mata!”
“PFFT...HAHAHAHAHA!” hindi ko na napigilan, humagalpak na ako sa tawa habang siya ay natigilan naman sa pag iyak.
Hindi niya nakuha ang pick up lines ko, tanga talaga.
“What I meant is you look fine,” paglilinaw ko.
“Huh? Ewan ko, bagyo. Hindi ko na sigurado kung fine ako,” kumunot ang noo ko. “Wala akong sakit pero sabi mo kasi mukha akong pineapple kaya 'di ko na alam kung fine ako, sa tingin ko hindi ako fine! Ikaw ba? Fine ka ba?”
Napabuntong hininga na lang ako.
“Whatever,” bumangon na ako mula sa pagkakahiga at umayos ng upo.
“Bakit ayaw mo nga pala sa mga tao? Ayaw mo rin ba sa sarili mo? Kasi tao ka rin ih.”
“Because they are cheaters and liars. You're right I don't like myself too,” because even if she cheated on me I still love her.
“Lahat ng tao manloloko at sinungaling dahil lahat tayo hindi marunong makuntento.”
“That's why I dislike them.”
“Pero hindi ibig sabihin no'n ay aayawan mo na rin sila, huwag mong isasarado ang pinto mo. Kung niloko ka nila ibig sabihin lang no'n ay nasa maling tao ka at padating pa lang ang tamang tao para sa'yo, kung nag sinungaling naman sila, It's either for your own good or for their own good. Minsan kailangan mong panatilihing bukas ang pinto mo para sa mga aalis at sa mga papasok dahil gano'n ang takbo ng buhay.”
Kahit na isip bata siya palagi ay mukha siyang matured ngayon. Actually, mas mukhang matured pa siya kaysa akin.
“Iyon ang sabi sa akin ni Mamay,” napapoker face ako.
Binabawi ko na ang sinabi ko.
“You must really love your mother.”
“Huh?”
“I noticed that you always mention her to me.”
“Ahhh, oo. Sobrang mahal ko siya,” I saw her smiled, her smile is so pretty. “Kaso wala na siya, nasa langit na kasi siya.”
Natigilan ako samantalang hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti sa labi niya, habang nasa langit ang kaniyang paningin.
“I'm sorry.”
“Hmm? Bakit?” she gave me a puzzled look.
“I shouldn't have brought a topic about he–”
“Okay lang, gustong-gusto ko na naalala siya eh. Lagi siya nag ku-kuwento sa akin tungkol sa mga fairytale pero ang laging kinukuwento niya sa akin ay kay Cupid and Anteros.”
“ 'Di ba dapat cupid and psyche?”
“May sariling version siya ng myth,” natatawa niyang sagot. “Writer si Mamay at may sinulat siyang libro tungkol kay Cupid at Anteros, kaso hindi siya mabenta pero hindi tumigil sa pagiging writer si Mamay. Matapos ang ilang taon ay sumikat rin ang mga librong sinusulat niya.”
“What's her name?”
“Venus Finley, lagi ako nagbabasa ng librong sinulat niya at halos lahat ng sinulat niya ay magaganda. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pumatok ang Cupid at Anteros, sa lahat ng sinulat niya ay doon ako pinakanagandahan.”
Napupukaw ang interes ko sa Mamay niya, napakabait siguroniya. Masuwerte pa rin pala ako dahil nandiyan palagi sa tabi ko si Mommy, spoiled na spoiled ako sa kaniya.
“Anyway, do you want to eat later together?”
“T-Talaga?!” biglang kuminang ang mata niya.
“Yes,” ngiting sagot ko.
“Sige, gusto ko iyan! May baon nga pala akong pagkain at ako ang nag luto no'n, bibigyan kita mamaya.”
“Really? Thanks. Malapit na pala mag simula ang klase,” napatingin ako sa wrist watch ko tsaka na tumayo. “Let's go, ihahatid na kita sa classroom niyo.”
“S-Sigurado ka?”
“Yes.”
“Mag kaaway ang section natin. Baka mapaaway ka,” simangot niyang sambit.
“No one can fight me. Don't worry,” ngumiti ako to assure her.
I lend her my hand to help her stand at namumula niyang inabot ang kamay ko, tinulungan ko siya makatayo.
Nag lakad na kami at nakarating sa pinaka dulo, sa dulo kasi ang classroom nila. Ang classroom nila ay katabi ng trash can, ang ibang upuan na ginagamit nila ay sira na, marami ring kalat sa classroom nila at wala sa ayos ang arrangement ng upuan nila.
Habang dumadaan kami ay nakatingin sa amin ang mga classmate niya na nakatambay sa hallway, they all look like a bully. Nang makita rin ako ng mga classmate niya ay nagsilabasan silang lahat, nakatungo lang naman siya sa sahig sa hiya.
“Oh? Si boss may kasamang lalaki!”
“Sino ba ang kasama ni boss?”
“Bobo! Hindi mo 'yan kilala? Siya 'yong….sino nga ba siya tol?”
“Tanga niyo! Siya ang highest mula sa Section A!”
“Ooohhh! Yung section ng mga A, animal?”
“Eh bakit nga kasama siya ni boss?”
What the? Boss ang tawag sa kaniya ng lahat? Maging ang mga mukhang bully sa hallway ay boss ang tawag sa kaniya. Take note, malalaki ang katawan nila.
“H-Huwag mo silang pakinggan,” ngusong sambit niya. “Dito na lang, hehe. Salamat,” tumigil kami sa harap ng pinto.
“No prob. Gotta go now, see you later.”
“Okay!” nag salute pa siya sa akin na ikinatawa ko, bago na umalis.
“Uwaahh! Boss sino 'yon, huh?”
“Boss! Siya ba 'yong sinasabi mo sa aming first and last love mo?”
“Boss, iiwan mo na ba kami?”
“Doon ka na sa Section A, animal? Huhu!”
“Boss, 'wag mo kami iiwan!”
Narinig ko pa ang mga lalaki na tumatawag sa kaniyang boss at nagsilapitan sa kaniya nang mag lakad ako paalis.
“Huwag niyo ngang pag kumpulan si Ara, mga motherfucker kayo!”
Natigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanila, hindi ko na siya makita dahil pinapaligiran na siya ng mga classmate niya. Mahigit nasa sampu silang lahat, pitong lalaki at tatlong babae.
Bakit parang bigla ako nainis? Hmm...whatever.
Nag patuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom.
Tinambakan ako ng mga tanong nila Isaac pero hindi ko iyon nasagot, thanks to our lecturer.
Mabilis na pumatak ang oras at breaktime na.
“Narinig ko masarap daw ngayon ang mga food sa cafeteria,” saad ni Isaiah.
Palabas na kami ng classroom namin.
“Ahh! Kaya pala nagmamadaling umalis ang lahat ng classmate natin para hindi maubusan,” Isaac.
“Hindi ako makakasabay ngayon sa inyo kumain kaya mauna na kayo,” sambit ko, ang buong attention ay nasa cellphone ko habang nagtitipa.
“Oh men! Nag pa-reserve pa naman din na ako in advance para hindi tayo maubusan!” pagrereklamo ni Isaac, hindi ko siya pinansin.
To: Stupid girl
I am going to wait for you at the rooftop. I am hungry, make sure not to make me wait for long or else I will eat you.
Hmmm...hindi naman masyado wild ang salita ko 'no? Sakto lang naman, tsaka isa pa sigurado naman ako na kikiligin siya.
“Tol! Sino ba kasi ang textmate mo?!” nanlaki ang mata ko nang biglang huklatin ni Isaac ang phone ko dahilan para hindi ko sinasadya na mapindot ang send button. “What the?! Ang wild mo tol, ah! So you are still talking to her? I thought you will going to become bore right away. So, dadaan ang dalawang araw na makikipaglandian ka sa kaniya?”
“Give me back my phone, fvcker!” he raised his hand to surrender to me before giving my phone back. “Tsk, kalalaki mong tao pakialamera ka!”
“Babae lang ba puwedeng maging pakialamera?” he sulked.
“Of course bastard, alam mo ba kung anong tawag sa'yo?” Isaiah.
“Ano?”
“Pakialamero!”
“Pakyu.”
“Ang tawag sa mga babae ay pakialamera pero ang tawag naman sa'yo ay pakialamero.”
“Gago!”
Hindi ko na sila pinansin at walang paapaalam na umiba na ng direksyon para marating ang rooftop, nakarating ako sa rooftop pero may lock 'yon. Actually, bawal ang mga student sa rooftop kaya naka-lock ang pinto but since I am the son of the university's big stockholders they gave me the key and permission para makapunta sa rooftop.
The wind greeted me when I opened the door, I smiled at the breeze. Nag lakad ako papunta sa reilings at tinanaw ang baba, makikita mo ang buildings at ang field sa baba kung saan naglalakad ang mga estudyante, may mga grupo ng estudyante rin ang nakatambay sa bench at nakaupo sa field.
Natigil ang paningin ko nang makita si Amara na naglalakad papunta dito sa building habang may nakasunod sa kaniyang grupo ng kalalakihan at dalawang babae, classmate at kaibigan niya siguro. Nakita ko na tumakbo palayo si Amara sa kanila pagkatapos ay tumigil at tinaas ang kamay na para bang pinapatigil niya ang mga kasama niya na sundan siya, natawa ako nang tila nalugmok ang mga kasama niya.
Tumango ang mga kasama niya sa kaniya bago na siya kumaway sa kanila at masayang tumakbo papasok dito sa building, habang ang mga kasama naman niya ay tinaas ang paningin kung saan ang kinatatayuan ko. I can see their glaring eyes up here as if they can see me, I can see them glaring in my direction.
Lugmok na nag lakad na sila papunta sa cafeteria, parang mga aso sila at si Amara ang kanilang amo.
Narinig kong bumukas ang pinto.
“Haaah...hiningal ako!” binaling ko ang aking paningin kay Amara na kadarating lang.
Nakahawak siya sa tuhod niya bilang suporta habang hinahabol ang kaniyang hininga. Naririnig ko rin ang panay na pag tunog ng heartbeat monitor niya hanggang sa unti-unti itong tumahimik, hindi niya pa napapansin ang presensya ko.
“Kinasusuklaman ko talaga ang hagdan, sana may elevator or escalator man lang dito sa unibersidad para naman hindi ako napapagod ng ganito!” ang dami na kaagad niyang nasabi.
“Pffft….ha!” pinigilan ko ang matawa at nilapitan siya, buti na lang may dala akong tubig. “Here,” inabot ko sa kaniya ang tubig na dala ko.
“B-Bagyo! Nandito ka na pala,” gulat niyang sambit.
Malamang, hindi naman siya makakapasok sa rooftop kung siya ang nauna dito.
“Salamat,” tinanggap niya ang tubig na alok ko tsaka iyon ini-straight na ininom.
I was stunned when I saw water dripping from her lips. After she dranked the water, she wiped her wet lips using the back of her hand. I gulped at the sight of her wiping her lips, but shaked my head to move away all of the dirty thoughts inside of my head.
Pawis na pawis siya, hindi naman ako hiningal at pinagpawisan no'ng umakyat ako papunta dito sa rooftop. Ang hina naman ng stamina niya.
Kinapa ko ang aking bulsa para hanapin ang panyo ko pero wala akong panyo na nakapa, baka naiwan ko sa classroom.
Bumalik ulit ang paningin ko sa noo niya at kusang kumilos ang kamay ko para punasan ang pawis niya gamit ang aking kamay, natigilan lamang ako nang mapansing napaatras siya sa kinilos ko.
“S-Sorry, you're sweating but I don't have a handkerchief to lend for you.”
What's wrong with me?! Napatingin ako sa kamay ko na basa dahil sa pawis niya at tinago iyon sa aking likuran.
“O-Okay lang. Siya nga pala, kain na tayo baka nagugutom ka na.”
Mabilis niya ako tinalikuran para itago ang hiya at pamumula sa kaniyang mukha pero kitang-kita ang pamumula sa tainga niya.
Nag lakad siya papunta sa armchair na nakatambak lamang malapit sa amin at naupo doon.
“You're right on time. Nagugutom na ako,” ngiting sambit ko at pinaharap ang isang armchair sa kaniya, tsaka na naupo.
Nilabas niya ang lunch box niya na dalawang magkapatong at ang malaking mineral bottle of water na kasiya lamang sa aming dalawa.
Are we going to share the water? Isn't that an indirect kiss? N-No, stop thinking like that Storm! Bumuga ako ng hininga para pakalmahin ang aking sarili.
“A-Ah, sorry isang pares na kutsara at tinidor lang ang dala ko. Hindi ko kasi napaghandaan ito,” nanlaki ang mata ko at napatingin sa kutsara niya.
We are going to share utensils?! That's an indirect kiss, even if I had a girlfriend I never kissed her so this is a bit too much for me.
“P-Pero sa susunod maghahanda na ako ng dalawang kutsara at tinidor. P-Pasensya na,” ngusong sambit niya.
Napatingin na naman ako sa labi niya pero agad ako umiwas ng tingin.
“It's okay,” I will allow her to make an indirect kiss with m–.
“T-Talaga?! Na'ko, pasensya na talaga ah. Sa ngayon itong tinidor muna ang gamitin mo habang kutsara naman ang gagamitin ko,” she stupidly chuckled.
“What?” nag salubong ang kilay ko kaya natigilan siya.
“B-Bakit? Ayaw mo ba ng tinidor?” mas lalong tumulis ang nguso niya. “Sige na nga, sa'yo ang kutsara. Sa akin naman ang tinidor. Hehe, kain ka na!”
Binigay niya sa akin ang kutsara at ang isang box ng pagkain, habang hawak naman niya ang tinidor.
“What the?” she flinched when I reacted again.
I thought we would share the fork and spoon? Tsk, this stupid girl.
“Gusto mo rin ng tinidor? Gusto mo parehas na kutsara't tinidor? Huhu,” mangiyak-ngiyak na siya. “S-Sige na, ito na! Magkakamay na lang ako, huhu.”
Binigay niya sa akin ang hawak niyang kutsara, pero hindi ko iyon kinuha.
She's so stupid, but she's cute. What the hell?! She's too cute.
“Ayaw mo rin na mag kamay ako? Sige, hindi na ako kakain.”
“PFFFT….HAHAHAHAHAHA!” hindi ko napigilan na humagalpak ng tawa dahil sa mga pinagsasabi niya, kaya natigil siya sa pag iyak at ngumuso ulit.
“Tinatawanan mo naman ako ngayon, sumosobra ka na ah! Binubully mo ako,” mas lalo ako natawa sa sunod niyang litanya.
Ang mukha niya ay tila nagtatampo, she's like a puppy.
Bumuga ako ng hininga para ikalma ang sarili at sumandok na ng pagkain sa lunch box gamit ang kutsara na bigay niya, habang siya naman ay nakasimangot na pinapanood ako.
“Here, say ahhh!” nawala ang pagkakasimangot niya nang subuan ko siya at nagtatakang nakatingin sa akin. “Let's just share the spoon, now eat.”
Tulalang sumunod siya sa akin at parang bata na ngumanga, pagkatapos ko siyang subuan ay tulala pa rin siya sa akin na ngumuya.
“Quit staring. You're going to melt me,” natatawa kong sambit na ikinamula niya at ikinababa ng paningin sa kaniyang lunch box.
“S-Salamat.”
“By the way, who are those students you are always with?”
Pagkatapos ko siya subuan ay kumuha ulit ako ng pagkain sa lunch box at madiing napalunok habang nakatingin sa kutsara, bumuga ako ng malalim na hininga bago iyon sinubo.
Indirect kisses! Nevermind….this is nothing.
Inangat ko ang aking paningin sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya na nagheheraman kami ng spoon, so I shouldn't mind this.
“Kaibigan ko at mga classmate ko rin sila,” ngiting sagot niya bago ko ulit siya sinubuan ng pagkain. “Ang pangalan ng dalawang kaibigan ko ay Astrid at Irie, 'yong laging kalmado na kaibigan ko ay si Astrid at 'yong abnormal naman ay si Irie.”
Tsk, puro mga lalaki kaibigan niya at dalawang babae lang.
“Why are they calling you boss?” I asked.
She was about to open her mouth but stopped halfway when I asked that question.
“Eat,” madiing utos ko sa kaniya kaya pinagpatuloy niya ang pagkain.
“W-Wala lang 'yon,” nanliit ang mata ko sa kaniya dahil halata ang nerbyos niya na para bang may tinatago siya sa akin.
“Sa tingin ko gusto ka nila makasabay kumain,” asik ko.
“Oo nga eh, hindi pa nga sila titigil sa pag sunod sa akin kung hindi pa ako magkukunwaring galit.”
“You're like a chicken.”
“A-Ano?! K-Kanina prutas ako sa paningin mo, ngayon naman ay hayop?! May mali na nga talaga sa mata mo. Hayaan mo pagkauwian na sasamahan kita magpatingin sa mata,” naiiyak niyang litanya.
“You're like a chicken while they are like a cheek. The moment they are born they are always following their mother,” napanguso siya pagkatapos ay uminom ng tubig. “Cute,” I chuckled, narinig niya ang sinabi ko dahilan nang pagkamula niya.
“Sino? Ako?” nahihiyang tanong niya.
“Nope. 'Yong katabi mo,” sarkastiko kong sagot.
Sino pa ba ang kasama ko? Siya lang naman.
Natigilan siya at tila naging bato mula sa kaniyang kinauupuan, unti-unting namutla rin ang mukha niya pagkatapos ay nilipat ang paningin sa gilid niya.
“W-WAAHH!” sigaw niya at mabilis na tumayo at nag tago sa aking likuran na ikinagulat ko. “N-Nasaan? Nasaan na ang multo, bagyo?! Huhu! Baka dinadalaw ako ni Mamay, alam naman niyang matatakutin ako tapos dumadalaw siya. Bumalik na po kayo sa langit, please!”
Humagalpak na naman ako ng tawa dahil sa mga pinagsasabi niya, ramdam ko rin ang panginginig niya habang tumitingin sa paligid.
“B-Baka sinusundo na ako ni Mamay. Huwag ka tumawa, hindi ngayon ang oras ng pag tawa.”
Natigilan ako nang maramdaman ko siya sa likuran ko, pumulupot ang kamay niya sa akin at ramdam ko rin ang hininga niya sa batok ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
“M-Move,” I can feel my cheek burning.
“Huh?”
“You are too close from me,” halos ibulong ko na lang 'yon.
“Wah! Pasensya na,” kumunot ang noo ko dahil hindi pa rin siya dumidistansya sa akin. “K-Kasi naman sabi mo may multo, dito muna ako sa tabi mo,” ngusong sambit niya.
“I'm just joking, walang multo.”
“Niloloko mo ako!” nakahinga ako ng maluwag nang dumistansya na siya sa akin at bumalik na sa kaniyang upuan. “Hindi 'yon nakakatuwa! Takot ako sa multo,” nakasimangot siya.
“I'm sorry.”
“Okay lang, pasalamat ka guwapo ka at malakas ka sa akin.”
“Thank you,” I said with a smug smile.
“Yabang,” she pouted that made me chuckle.
“May ipagmamayabang naman ako,” uminom na ako ng tubig. “Here. You need to eat,” tsaka ko siya sinubuan ulit.
“Salamat,” nahihiyang ngumiti siya habang nangangamatis na naman sa sobrang pula ang kaniyang mukha.
Ang laki ng epekto ko sa kaniya, simpleng kilos ko lang ay ganito na ang epekto sa kaniya.
To be continued!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Carla May Balondo

    so good momen

    22h

      0
  • avatar
    Precious Mare Benedicto

    nice

    19/06

      0
  • avatar
    AnnCherry

    keep doing the good work and if I will love the story more, I will continue giving you a tip!

    27/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด