logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

— Dania —
"S-Sorry pero nandito lang ako sa—"
“Go home, woman,” mariing putol niya sa sinasabi ko kaya napatango ako kahit 'di naman niya 'ko nakikita.
"Ito na. T-Teka lang, pauwi na," sagot ko at mabilis naman niyang ibinaba ang tawag kaya tumingin ako kay Bhella na nakakunot noo na ngayon. "K-Kailangan ko nang umuwi, Bhella."
"What? Nandoon na ba ang asawa mo?" tanong niya na ikinatango ko. "E bakit parang natataranta ka?" tanong nIya ulit kaya mas lalo akong nataranta.
Napailing-iling ako at kinurot ang sarili kong balat sa kamay. I gulped and looked away.
"Ano kasi . . . Basta kailangan ko nang umuwi," mahinang sagot ko. "Pwede mo ba 'kong ihatid?"
"Tell me, Dania. Sinasaktan ka ba ni Cyrus at parang takot na takot ka sa kaniya?" panibagong tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango. "Sigurado ka?" Tumango naman ako pero napabuntong hininga lang siya.
Agad naman akong nag-isip ng puwedeng alibi sa kaniya.
"Ah kasi . . . Baka nagugutom na ang asawa ko, alam mo namang kailangan ko siyang paglutuan ng pagkain at ipaghanda," pagsisinungaling ko.
Pero ang totoo, pag-uwi ko, pananakit agad ni Cyrus ang sasalubong sa 'kin. Okay lang 'yan, Dania. Tiisin mo na lang.
"Okay sige, tara na." Agad siyang tumayo kaya tumayo na rin ako.
Lumabas na kami ng condominium at pumunta sa parking lot para sumakay sa kotse nya.
Hindi ako nagsalita sa buong byahe. Natulala ako. Natulala ako dahil iniisip ko kung anong gagawin sa 'kin ni Cyrus pagkauwi ko. Kung anong sakit ba ang mararansan ko sa kaniya mamaya.
Ganito naman ako lagi noon pa, natutulala tsaka iisipin ang mangyayari.
Advance mag-isip?
Tss nagawa ko pang magbiro, ha.
"Nandito na tayo, Dania. Nag-aabang na nga ang asawa mo."
Napatingin naman ako sa labas nang magsalita si Bhella.
Nakita ko si Cyrus na nasa tapat ng main door ng bahay namin kaya agad akong bumaba ng kotse. Nakita ko naman siya na lumakad papuntang gate at sinalubong ako.
Ibinaba ni Bhella ang bintana ng kotse niya at nagpaalam sa 'kin. Nagpaalam naman din ako pero hindi pa siya umalis agad at mukhang hinintay pa si Cyrus.
"Saan kayo galing?" mahinahong tanong ni Cyrus sa 'min.
"Iginala ko lang ang bestfriend ko, baka kasi hindi na maulit," sarkastikong tugon ni Bhella. "Kapag nalaman kong sinasaktan mo si Dania, dudungusan ko talaga 'yang pagmumukha mo!" matapang at seryoso niyang sabi.
Napatingin naman sa 'kin si Cyrus at saglit na tinaliman ako ng tingin kaya napatungo ako.
"Pwede ka nang umalis,” pagtataboy niya kay Bhella kaya ini-start na niya ang kotse at tumingin ulit sa 'kin.
"Bye, Dania! Take care. Mag ingat ka sa mga bakulaw," paalam niya ulit at saglit na tiningnan si Cyrus kaya sinamaan siya ng tingin ng asawa ko. "Bye!"
Hinintay namin ni Cyrus na umalis si Bhella. Nang makaalis siya ay walang nagsalita sa 'min. Pareho lang kaming nanatiling nakatayo doon at siguradong tinitingnan niya 'ko nang masama.
Dahan dahan naman akong humarap sa kaniya at tama nga ako, masama ang tingin niya.
"G-Gutom ka na ba?" tanong ko at inunahan siyang maglakad papasok. "I-Ipagluluto kit— a-aray!" Napatigil at napadaing ako nang may biglang humila sa buhok ko habang naglalakad ako. "A-Aray ko, Cy!"
"Hindi ka talaga marunong sumunod!" gigil niyang saad habang kinakaladkad ako papasok ng bahay.
Napapikit na lang ako dahil parang matatanggal ang anit ko sa ginagawa niya. Hindi na lang ako umangal hanggang sa buksan niya na ang pinto at tinapon ako sa loob.
"Ah, shit!" daing ko dahil ang sakit sa pwet niyon.
"Ang sabi ko, h'wag kang lalabas—"
"Wala ka namang sinabi!" putol ko sa kaniya kaya biglang tumalim ang titig niya sa 'kin. Napatikom tuloy ako ng bibig at napayuko. "S-Sorry . . ."
"Are you cutting me off?! At kahit wala pa 'kong sinabi, dapat alam mong hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na 'to!" sigaw niya na nagpapikit sa 'kin nang mariin.
"Ano 'yon? Ikukulong m-mo 'ko di—" Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil sobrang sama na ng tingin niya sa 'kin.
"Damn you!" inis niyang sigaw at sinipa ako sa hita bago nilagpasan. "Magluto ka! Nagugutom ako. Sarapan mo sana, ha!" huling sigaw niya bago padabog na umakyat. "Walang hiyang buhay 'to!"
Ano bang gagawin ko sa 'yo, Cyrus, para lang mahalin mo 'ko at maging mabait ka sa 'kin?
Ginagawa ko ang lahat! Nagpapaka-martyr ako, nagiging battered wife at hindi ka iniiwan tapos . . . tapos . . .
Ahrg!
Isipin pa lang na wala na kong pag-asa sa kaniya, sobrang sakit na. Pero kung diyan siya masaya, ang saktan ako. Edi sige. Saktan niya lang ako.
Dahan-dahan akong tumayo at ininda ang sakit ng katawan. Paika-ika naman akong dumiretso sa kusina at umupo muna sa upuan.
Napatakip ako sa mukha ko at umiyak.
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ba 'ko magiging ganito?
Until when do I need to be your just wife on paper, Cyrus? Kailan mo ba 'ko kikilalanin bilang mahal mo at hindi lang bilang asawa mo?
Asawa mo sa papel.
Nagulat na lamang ako nang may humampas sa table. Natigilan ako sa pag-iisipa t nanlalaki matang napatingala kay Cyrus.
"'Di ba ang sabi ko, magluto ka! Ano 'yan? Nagdadrama ka na naman?" galit na sigaw sa 'kin ni Cyrus kaya mabilis akong napatayo.
"S-Sorry," natatarantang sagot ko at mabilis na lumapit sa ref.
Padabog naman siyang umupo sa upuan kaya napatitig ako sa kaniya.
Don't tell me na panoorin niya 'ko?
N-No.
"What are you waiting for?! Cook!"
Mabilis naman akong kumuha ng ingredients. Bakit nga pala may laman na ulit 'tong ref? Ah, siguro nagpabili lang siya kanina.
Kahit naiilang ay nagluto ako sa harap niya. Titig na titig kasi siya sa 'kin kaya medyo naiilang ako sa kaniya. Feeling ko kakainin niya 'ko.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagluluto. Nagluto ako ng pininyahan dahil paborito niya 'yon.
Nang matapos ay inihanda ko 'yon sa harap niya pero wala man lang akong nakitang emosyon sa mukha niya kaya napabuntong hininga na lang ako.
Sana magustuhan niya para hindi niya 'ko saktan ulit.
Uupo na sana ako sa harap niya nang tingnan n'ya 'ko nang masama. Napasinghap naman ako.
Nagugutom na 'ko.
"Alis. Mamaya ka kumain pagtapos ko," utos niya kaya napatango na lang ako at mabagal na lumabas ng kusina.
Napabuga ulit ako ng hangin at sinilip siya sa loob. Tuloy-tuloy ang pagsubo niya at mukhang nasasarapan siya.
Napangiti na lang ako nang tipid at umupo muna sa sofa dito sa living room.
Kailangan mo muna magpigil ng gutom, Dania. Titirhan ka naman siguro niya ng pagkain, 'di ba?
Walang sabi-sabing lumabas si Cyrus ng kusina. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at nilagpasan lang bago umakyat sa taas.
Bumagsak na lang ang balikat ko. Akala ko pupurihin niya 'ko at magpapasalamat siya kaso imposible nga pala 'yon.
Pumasok ako ng kusina at nangapa ng pagkain. Wala nang pininyahan sa lamesa kaya tiningnan ko ang ref dahil baka nilagay niya lang doon ang tira.
Nanlumo ako nang makita kong wala man lang pagkaing natira. Bagsak ang balikat na umupo ako sa upuan.
Inubos niya ba 'yon?
Mukhang nasarapan talaga siya at hindi niya na 'ko tinirhan. Pero nagugutom na talaga ako.
Tumingin ulit ako sa ref at wala na naman itong laman dahil sakto lang ang pinamili niya at mukhang pang pininyahan lang talaga.
Anong kakainin ko?
Napahawak naman ako sa tyan ko. Sobrang sakit na kasi at gutom na gutom na talaga ako.
Tiningnan ko kung may kanin pa at meron pa naman. Wala kong choice kun'di kainin na lang 'to kesa magutom ako.
Naglagay ako ng kanin sa plato at kinuha ang lagayan ng asukal. Asukal na lang ang uulamin ko. Wala namang ulam, e.
Umiiyak na sumubo ako ng pagkain. Sa buong buhay ko kasi ngayon lang ako kumain ng ganito . . . na asukal ang ulam.
Masarap.
Sobrang sarap, grabe. Matamis, e.
Nakatulala at umiiyak lang akong sumusubo. Minsan ay nilalagyan ko pa ng toyo para pang sabaw.
Gano'n ka walang awa si Cyrus.
Hindi niya talaga 'ko pakakainin.
Pagtapos kong kumain ay nilagay ko lang basta-basta sa lababo ang pinagkainan ko at bumalik sa upuan.
Nabusog naman ako. Okay lang.
Napa-face palm na lang ulit ako at umiyak. Umaasa kasi akong bababa ulit si Cyrus para tingnan ako.
Kung kumakain ba 'ko kahit wala namang pagkain?
Kung okay lang ba ako?
Kung anong ginagawa ko ngayon?
Puro ako asa kahit wala namang pag-asa at napaka-imposible.
Si Cyrus? Gagawin 'yon? Funny.
Napahiga na lang ang ulo ko sa lamesa. Nakatingin ako sa labas ng pinto at umaasa ulit na papasok si Cyrus para sabihan akong matulog na.
Nakakatawa ka, Dania.
Ilang minuto pa ang hinintay ko para hintayin siya pero wala talaga, e. 'Wag na kasing umasa, Dania.
Mapait na lang akong napangiti at dahan-dahang pumikit.
'Wag nang umasa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (54)

  • avatar
    JA NE

    grabi namn🥺

    9d

      0
  • avatar
    OrginoJepoy

    ksjshidjsjuwjsbhsjsjsiidjsjeoek

    21/07

      0
  • avatar
    JM Rebosto

    so good

    17/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด