logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

— Dania —
Nagising ako dahil sa isang ingay mula sa labas ng kuwarto ko. Mabigat ang katawan na umupo ako sa kama kaya nakita ko ang sarili ko sa full body-sized mirror na nasa harap ng kama ko.
Namumugto ang mata. Gulo-gulo ang buhok. May pasa sa braso. Naka-gown pa rin.
Nakatulog pala ako kakaiyak kagabi. Buti nga nakatulog ako kahit nagwawala si Cyrus kagabi sa kwarto niya.
Pero mukhang nagwawala pa rin siya hanggang ngayon. Ang ingay mula sa labas at ang pasigaw-sigaw niya ang patunay.
Napabuntong hininga na lang ako bago dahan-dahang tumayo. Napapadaing pa 'ko dahil sa sobrang sakit ng katawan ko pero kinaya ko pa rin.
Nagbihis ako saglit bago dahan-dahang pinihit ang doorknob ng kwarto ko at lumabas.
Napansin kong bukas ang pinto ng kwarto ni Cyrus but he was not there. Siguro nasa baba na siya.
"Ahrg! Fvck this life! Dania!" Rinig kong nagwawalang sigaw ni Cyrus sa baba.
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kahit masakit pa ang katawan, pinilit kong magmadaling bumaba para puntahan siya. Naglalakad pa lang ako sa hagdan ay nilapitan agad ako ni Cyrus at marahas na hinawakan sa braso.
"Nasaan ang pagkain?! 10:00 na! What kind of wife are you?" mariing tanong nya habang mariin ding nakatingin sa akin kaya napapikit ako dahil sa takot.
"S-Sorry, ngayon lang k-kasi ako nagising," nauutal at kinakabahang sagot ko.
Napabuga naman siya ng malakas na hangin bago ako hinila pababa nang tuluyan kaya muntik na 'kong mapatid.
"Linisin mo 'yan, ha! At magluto ka," utos niya sa 'kin habang nakaturo sa living room namin na sobrang kalat. Nagkalat ang mga basag na decorations sa bahay, pati na ang nga gamit noon sa ibabaw ng round table table, wala na rin sa tamang placement ang mga sofa. "Also clean my room. Understood?" dugtong niya kaya sunod-sunod akong napatango na lang.
Malakas niya naman akong binalibag sa sahig kaya napadaing ako, lalo na at tumukod ang braso ko sa isang basag na vase.
Tiningnan ko ito at halos manlumo na naman ako nang makitang nadudugo na ang braso ko. Shit, may kalakihan ang bubog na bumaon sa 'kin at sobrang sakit niyon.
"A-Aray," umiiyak na ngayong daing ko at tumingin kay Cyrus pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at mabilis na umakyat na sa taas.
Dumaing na ako pero hindi niya man lang chineck kung ano'ng nangyari sa 'kin. Napahikbi ako at yumuko. Talagang wala siyang pakialam sa 'kin.
Lalo akong napaiyak dahil hindi lang sakit sa braso kong may sugat ang iniinda ko, kun'di pati na rin ang pinaparamdam sa 'kin ni Cyrus.
Ang sakit lang na walang pakialam sa 'yo ang asawa mo.
Pumikit ako nang mariin at lakas loob na hinugot 'yon. Pinigilan ko ring sumigaw dahil sa sakit.
Napatingin ulit ako sa living room habang hawak pa rin ang braso ko. Sobrang kalat, marami na naman akong lilinisin. Tapos pati ang kuwarto pa ni Cyrus.
Hindi na ako nag-abalang kumuha ng first aid kit at dumiretso agad sa kusina.
Nagluto na lang ako ng bacon, ham, egg, and hotdog then fried rice para sa almusal. Hindi pa bumababa si Cyrus kaya naglinis muna ako.
Napapadaing ako sa bawat lakad ko dahil may mga bubog sa sahig. Nahihirapan akong maglinis dahil masakit na ang paa ko at dumudugo na. Dapat pala ay nagtsinelas ako. Pinulot ko naman na kanina ang mga bubog at kasalukuyan ko nang winawalis ang sahig kaso may naaapakan pa rin talaga akong maliliit.
Nakahanda na ang pagkain sa lamesa at hinihintay ko na lang na bumaba si Cyrus dito.
Nakaupo ako sa sofa at iniinda ang mga sugat ko nang marinig ko ang mga yabag ni Cyrus na pababa ngayon ng hagdan.
"What are you doing? Pinaglilinis kita, ha!"
Dahil sa gulat ay napalunok ako at napatayo sa sigaw niya.
"S-Sorry, nagpapahinga—"
"You don't have any rights to take a rest! All you need to do is do what I told you to do!" mariin niyang putol sa sinasabi ko kaya napayuko ako.
It was just to obey him.
Not to love him.
Mabilis naman siyang pumasok ng kitchen kaya nagpatuloy na lang ako sa paglilinis. Pinulot-pulot ko ang mga nabasag at nilagay sa garbage bag.
Natigilan ako nang may marinig akong mga nabasag galing sa kusina. Napalingon ako ro'n. Napapikit ako at huminga nang malalim.
Nagwawala na naman ba siya?
Paika-ika naman akong nagmamadaling lumakad papuntang kitchen. Hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko na ang sigaw niya sa pangalan ko.
"Dania!"
"W-Wait lang," bulong ko na mukhang hindi naman niya narinig.
Pagpasok ko ng kusina ay nakatumba na ang lamesa at natapon na lahat ng pagkain.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang galit na mukha ni Cyrus.
What the hell did he do? Pagkain yon! Pagkain ang tinapon niya, ang sinayang niya.
"B-Bakit mo—"
"Anong klaseng pagkain 'yan? Fvck! Hindi ka talaga marunong magluto. I gotta go. Baka kung ano pang magawa ko sa 'yo," inis niyang sabi at mabilis na lumabas.
Binangga niya pa ako nang hindi ko inaasahan kaya natulak ako pagilid at malakas na napasandal sa pader. Napa-form into ‘O’ ang bibig ko nang maramdaman ko ang gumuhit na sakit sa likod ko.
"P-Pero, Cyrus," pigil ko na lang sa kaniya imbis na magreklamo tungkol sa pagbangga niya sa 'kin.
Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin kaya napayuko na lang ako at hinintay siyang lumabas.
Mayamaya ay narinig ko na ang malakas na kalabog ng main door ng bahay namin kaya napadausdos ako sa sahig at sunod-sunod na tumulo ang mga luha.
"H-Hindi pa 'ko k-kmakain,” umiiyak na sabi ko sa sarili ko.
Dahan-dahan muna akong tumayo at binuksan ang refrigerator. Nanlumo ako at bumagsak ang balikat nang wala na 'kong makitang ibang pagkain. Naubos na ang stock namin.
Paano ako kakain? Wala akong pera dito kahit singcong duleng.
Napahilamos na lang ako ng mukha at nahihirapang itinayo ulit ang lamesa. Mabigat ang lamesa kaya nahirapan ako.
Itinapon ko na ang mga nasayang na pagkain at nilinis ang buong bahay. Sumunod ay umakyat ako sa kwarto ni Cyrus at nilinisan iyon.
Pagpasok ko ay sobrang gulo ng kwarto niya. 'Yung tipong hindi ko na makilala. Lahat ng gamit niya ay nakakalat. Ang mga unan at labahin ay nagkalat sa sahig, napansin ko pa ang paa ng study table niya na may bali. Mukhang sinipa niya. Ganito siya magwala kagabi.
Galit na galit talaga siya sa 'kin at napakainit ng ulo niya.
Kung may magagawa lang ako para umalis dito, e. Kaso magagalit sila mom and dad.
Kahit pagod na 'ko ay inayos ko na lang ang kwarto niya. Marami ring nabasa at may mga tulo pa ng dugo sa sahig.
Sinaktan na naman niya pala ang sarili niya . . .
Lagi niya nang sinasaktan ang sarili noong live-in pa lang kami. Ngayong kasal na kami, parang mas lalala pa ang pananakit niya sa 'kin. Napasinghap na lang ako at umiling.
Habang nag-aayos ako ay napatingin ako sa picture frame na nasa study table niya. Himala at hindi niya 'to binasag.
Bakit nga naman niya babasagin ang picture nila ng mahal niya, 'di ba?
How sad lang na hindi ako ang nasa picture at hindi ako ang mahal niya.
Bakit ba kasi ako nagmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba?
Ang saya-saya nya rito, oh. Pareho silang nakangiti at may chemistry talaga.
Samantalang kaming dalawa ni Cyrus ay wala pang ni isang picture na makikitang masaya talaga siya. 'Yung wedding picture namin? Ayun, nakasimangot siya at masama ang tingin ng mata. Ganoon n'ya 'ko kaayaw maging asawa.
Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik ang picture tsaka naglinis.
Pagkatapos kong maglinis ay napahawak ako sa tyan ko dahil kumakalam na ito sa gutom. I need to eat na talaga.
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at naghalungkat sa mga gamit ko. Nagbabakasakaling may pera kahit walang pag-asa dahil kinuha 'yon lahat ni Cyrus.
Napatigil lang ako sa paghahanap nang mag-ring ang phone ko. Napalabi ako at mabilis na kinuha 'yon. Sinagot ko agad nang makita kung sinong tumatawag.
“Hi, Dania? Kumusta ka na diyan? Kayo ni Cyrus?”
Si Bhella ito, matalik kong kaibigan.
"O-Okay naman kami dito, Bhella," sagot ko.
Nagsinungaling lang naman ako sa bestfriend ko.
“Sure? Baka naman sinasaktan ka lang ng impaktong 'yan? Last time I checked you, ang dami mong pasa at sugat,” nag-aalalang sabi paninigurado pa niya.
Peke akong tumawa nang mahina. "Ano ka ba, ako naman ang gumagawa ng mga sugat na 'to," pagsisinungaling ko.
“Okay. Siguraduhin mo lang, ah.”
"Oo, Bhella. Oo nga pala, punta ka rito sa bahay. Dala ka ng pagkain ah," sambit ko. Siya lang makakatulong sa 'kin na mapawi ang gutom ko.
“Ha? Bakit?” takang tanong niya.
"Basta magdala ka. Love you! Bye."
Pinatay ko na ang tawag at umupo. Makakakain na 'ko nito, sa wakas! Tinapon kasi Cyrus lahat, wala tuloy akong makain.
Naghintay pa ako kay Bhella. Mayamaya pa ay may bumusina sa labas kaya bumaba ako at binuksan ang pinto.
"Magbihis ka, sa labas na tayo kumain," sigaw niya nang maibaba niya ang bintana ng kotse niya.
"Ha?"
Hindi ako pywedeng lumabas. Magagalit sa 'kin si Cyrus sigurado. Sasabihin niya, nakikipaglandian na naman ako.
"Bilis na," napatango na lang ako dahil nagugutom na talaga ako. Kahit alam kong bawal akong lumabas, wala akong choice dahil ang importante ay makakain ako.
Mabilis akong pumasok ulit at nagbihis tsaka bumaba at pumasok sa kotse niya.
"Saan mo gusto?" tanong niya habang ini-start na ang kotse
"Kahit saan, basta may pagkain," tugon ko lang at tipid na ngumiti.
"Gora." Pinaadar niya na ang kotse. "Wala ba kayong pagkain?" usisa niya na ikinatango ko.
"Naubos na laman ng ref. namin. Wala namang iniwan na pera si Cyrus."
Napatango na lang siya sa sagot ko.
Pagkarating namin sa isang restaurant ay pumasok agad kami ro'n. Agad namang um-order si Bhella.
Mayamaya pa ay dumating na ang pagkain kaya nilantakan ko na ito. Sunod-sunod ang pagsubo ko at hindi ko na inalintana kung makita man akong ganito ng ibang customer.
Gutom na gutom talaga kasi ako!
"Gutom na gutom, bes?" natatawang tanong ni Bhella na sunod-sunod kong ikinatango habang walang tigil sa pagsubo. "Hindi na subo tawag diyan, e. Lamon na," dugtong niya kaya napairap ako.
Kung alam niya lang kung gaano ako kagutom at kapagod sa mga pinaggagawa sa 'kin ni Cyrus.
Magwala ba naman at itapon ang pagkain? Gustong gusto ko siyang sampalin kanina pero nanghihina ako. Hindi ko rin kaya dahil siguradong mas masakit at malakas ang igaganti niya sa 'kin.
"Ano 'yan?" biglang tanong ni Bhella sa gitna ng pagkain ko kaya tumaas ang kilay ko. Nginuso niya naman ang kamay kong may sugat.
"Ah, wala 'to. May nabasag kasi ako kanina. Nasanggi ko 'yung vase namin kaya nasugatan ako," pagsisinungaling ko. Tumango naman siya kaya napahinga ako nang malalim.
Alam ko kasing may time na hindi naniniwala sa 'kin si Bhella. Malakas pang-amoy niyan,e.
Pagkatapos naming kumain ay naggala-gala kami ni Bhella. Pumunta kami sa Ocean Park, Zoobic, at museums.
Pagkatapos ng paggala namin ay dumiretso kami sa condominium unit niya dahil gabi na. Mamaya na raw ako umuwi dahil madaling araw naman na raw umuuwi ang asawa ko.
Siya rin daw naman ang maghahatid sa 'kin pauwi. Pumayag na lang ako kahit gusto ko nang umuwi.
"Basta Dania, kapag may ginagawang hindi maganda sa 'yo si Cyrus, sabihin mo lang, ah?" bilin niya sa 'kin habang nanonood kami sa T.V. Tumango naman ako. "Bestfriends tayo, no secrets, okay?"
Napalingon ako sa kaniya. Nakataas ang dalawang kilay niya sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at napayuko. Na-guilty naman ako dahil doon. Nagsisinungaling ako sa kaniya kahit bestfriend ko pa siya.
Alam ko kasi na magsusumbong siya kina mom pag sinabi ko ang totoo. At kapag nalaman nila, magagalit sila kay Cyrus. At kapag nagalit sila kay Cyrus, magagalit sa 'kin si Cyrus at lalo akong sasaktan.
Ako lang rin ang madedehado.
I'm actually jumping into conclusions, right?
Nabalik ako sa reyalidad nang mag-ring ang phone ko. Napapalunok ko itong tiningnan dahil wala namang ibang tatawag sa 'kin kun'di si Cyrus.
Cyrus is calling . . .
Nanginginig ang kamay kong sinagot ko 'yon.
"He—"
"Where the hell are you?" Napapikit naman ako dahil sa sigaw niya. "Bakit wala ka rito sa bahay?!"
Shit. Bugbog na naman ako pagdating sa bahay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (54)

  • avatar
    JA NE

    grabi namn🥺

    9d

      0
  • avatar
    OrginoJepoy

    ksjshidjsjuwjsbhsjsjsiidjsjeoek

    21/07

      0
  • avatar
    JM Rebosto

    so good

    17/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด