logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Maltreated Wife's Comeback

The Maltreated Wife's Comeback

JenyxViolet


Prologue

"A-Aray," mahinang daing ko nang mauntog ang ulo ko sa edge ng glass table namin matapos akong sampalin nang malakas ni Cyrus.
Sobrang sakit niyon at pakiramdam ko'y namaga agad ang pisngi ko sa ginawa niya.
"Napakalandi mo talagang babae ka!" sigaw niya at hinila ang buhok ko.
"W-Wala akong ginagawang m-masama, Cyrus," umiiyak na sabi ko dahil ayun naman ang totoo.
Hindi ko alam kung ano na naman itong sinasabi niya. Anong malandi ako? Kahit kailan ay hindi ako naging malandi!
"Anong wala?! Ano 'yung nakita ko ha? May kasama kang ibang lalaki! Slut! Kaya pala 'di ka umuwi kagabi."
Napayuko ako dahil tagos na tagos ang mga masasakit na sinabi niya. Siya lang naman ang lalaki sa buhay ko pero pinaghihinalaan niya pa rin akong may lalaki ako.
"W-Wala talaga akong ginagawang masama, Cyrus. Mahal na ma—"
"Manahimik ka, babae! Kahit anong gawin mo . . . malandi ka pa rin!" malamig na putol nito sa sasabihin ko. Hindi na tuloy tumigil ang pag-agos ang mga luha ko.
Gano'n, gano'n kababa ang tingin niya sa 'kin— ang tingin sa 'kin ng 'asawa ko'. Oo, asawa ko na hindi naman ako tinuring na asawa.
"All this shit is just because of that fvcking arrange marriage, Dania. Don't assume that I will love you back," mariing sambit nito at saka lumuhod para magkatapat kami. Oo nga naman, this is just an arrange marriage, ano pa bang magagawa ko? "Because I will never love you!" Saka niya 'ko sinampal ulit.
Bumaling na naman ang mukha ko sa kabila. Pakiramdam ko nga ay namanhid na 'to sa pagsampal niya.
"Oo na. 'Wag mo nang ipamukha sa 'kin," nakayukong sagot ko habang humihikbi.
Kailangan pa ba talagang paulit-ulit niyang sabihin sa 'kin 'yan? Oo, alam ko na 'yan. Alam ko namang una pa lang ay hindi niya 'ko mahal.
"Good. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo." Tinapik niya ang ulo ko na para ba akong aso kaya hindi ko mapigilang kumuyom ang kamao ko. "Huwag na 'wag ka nang lalandi ulit, ha? Masasaktan ka lang, Dania . . . Sinasabi ko sa 'yo,” malamig na dugtong niya at tumayo kaya napaangat ako ng ulo at masama siyang tiningnan. "Huwag mo 'kong titingnan nang ganiyan!"
"Hindi ako aso, Cyrus . . ." mahinang sabi ko na ikinataas ng kilay niya.
"I don't care—"
"Hindi ako aso para tapikin mo lang nang gano'n ang ulo ko, hindi ako aso para pasunudin mo sa lahat ng pinapagawa mo! Hindi ako aso para gawin mong alila!" puno ng sakit na sambit ko habang tinititigan siya nang matalim.
Wala akong ibang natanggap kun'di ang blangko niyang expression na parang ipinapakitang wala talaga siyang pakialam sa sinasabi ko. Ang sakit lang na pinaparamdam niya talagang wala lang ako sa kaniya.
"I don't fvcking care! Huwag na huwag mo 'kong susumbatan at pagsasabihan nang ganiyan!" sigaw niya sa mukha ko pero 'di ko pinansin yo'n at nagpatuloy lang din.
Siya lang ba ang may karapatang magsalita rito?
"Hindi rin ako baboy . . ." mahinang dugtong ko at napahikbi. Ang sikip sa dibdib.
"Tigil-tigilan mo 'ko sa kadrama—"
"Hindi ako baboy para baboy-babuyin mo lang at gamitin nang gamitin hanggang sa malaspag! Tapos iiwanan mo ako kapag nagsawa ka na," umiiyak na usal ko sa kaniya habang nakahawak sa tapat ng dibdib dahil sa sobrang kirot na nararamdaman ko rito..
Ang sakit, e. Masakit para sa 'kin sabihin ang mga 'yon dahil ayun ang totoong nararamdaman ko.
Naghahalo-halo na ang emosyon ko! Naaalala ko kasi ang mga sapilitan niyang paggalaw sa 'kin . . . he raped me. Yes, it's what we called rape because he used force for Pete's sake!
"Pakialam ko? Ikaw ang pumasok sa buhay ko, so you deserves a punishment. Gagalawin kita kung gusto kitang galawin," mariin at matigas na sagot niya.
Ganiyan siya kababoy, 'tang ina.
"Pero babae ako, Cyrus! I deserve some respect! Kahit respeto na lang, Cyrus! Kahit katiting na respeto lang . . . Ang mga babaeng katulad ko ay nangangailangan ng respeto at pagmamahal! Hindi 'yung ginagawa lang kaming parausan para ma-satisfy kayo sa mga pangangailan n'yo kapag nag-iinit kayo! Nakaka-'tang ina kayong mga lalaki," mahabang lintanya ko na punong puno ng hinanakit.
Totoo naman kasi di 'ba? Babae ako at ayun ang kailangan ko. Hindi ako laruan o bed warmer!
Hinawakan niya nang mariin ang panga ko kaya napadaing ako sa sakit. "I dont fvcking care, Dania! Para sa 'kin . . . isa ka lang malanding babae na kailangan dumihan."
Bahagyang nanlaki naman ang mata niya nang marahas akong lumayo sa kaniya kaya nabitiwan niya ang panga ko. Tinaliman niya ako ng tingin na parang hindi nagustuhan ang ginawa ko.
Tumawa ako nang pagak at pinunasan nang marahas ang mukha kong may luha. "Tama nga naman . . . marumi na ako— dahil ikaw mismo ang kumuha ng kalinisan ko! And oh yeah, you're right, you don't have a fvcking care! Kaya wala ka ring pake kung ano mang gagawin ko! Kung manlalaki man ako o hindi dahil wala ka ngang pake! At isa pa, para sabihin ko sa 'yo, hindi ako nanlalalaki, ikaw ang mas malandi sa 'ting dalawa!" matapang na sigaw ko na ikinaigting ng panga niya at nakita ko rin ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit.
"Ginagalit mo talaga ako."
Lalapitan niya sana ko pero umatras ako.
"Oo nga pala, Cyrus. Buntis ako at ikaw ang ama. See? 'Tang ina nabuntis mo na 'ko dahil sa kababuyan mo!" sigaw ko sa mukha niya.
Three weeks na 'kong buntis at dahil 'yon sa ginawa niyang sapilitang pakikipagtalik sa akin.
"Hindi akin 'yan."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Napakakapal talaga ng mukha niya para sabihin sa 'kin 'yan samantalang siya lang ang nakagalaw sa 'kin!
"Sa ibang lalaki mo yan, ipalaglag mo."
Natulala ako sa sunod niyang sinabi. Mas bumilis ang pagtulo ng luha ko. Kahit sa anak namin ay wala rin siyang pakialam. Anong klase ba siyang lalaki? Napakagago niya.
“Alis nga,” sabi niya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.
Napadaing ako nang malakas niya 'kong tinulak dahilan para masubsob ako sa lamesa at lalo pa 'kong napadaing nang tumama ang tyan ko sa edge niyon.
Maluha-luha kong sinundan ng tingin si Cyrus na papaakyat na ngayon sa taas. Sobrang sakit ng tyan ko!
Napatingin ako sa binti ko nang maramdaman kong parang may umaagos. Nanginig ang mga kamay at labi ko dahil sa nakita.
"O-Oh my . . . " Napaiyak ako nang mas malakas nang makita ko ang dugo roon.
A-Ang baby ko!
Kahit nahihirapan ay lumakad ako palabas ng bahay namin at lumabas ng gate. Magpapara pa lang sana ko ng taxi nang bigla akong nanghina at nawalan ng malay.
———
Napaungol ako nang maalimpungatan ako. Napapikit-pikit pa 'ko nang masilaw ako sa liwanag.
Nasaan ako?
Tumingin ako sa paligid at puro puti lang ang nakita ko.
"Gising na po pala kayo, ma'am."
May pumasok na nurse kaya nalaman kong nasa hospital pala ako. Mabilis akong napaupo at napahawak sa tiyan ko kahit nanghihina pa talaga ako.
"B-Baby ko?" kinakabahang tanong ko na ikinatigil ng nurse. "Nasaan ang baby ko?!" pasigaw na ngayong tanong ko.
Naalala ko ang nangyari sa bahay. S-Shit, itinulak niya ako kaya ako nagdugo at napunta rito sa hospital!
"Sorry po, ma'am, pero w-wala na po ang baby mo," mahina at halatang kinakabahang sagot niya kaya 'di ko maiwasang mapatayo at magwala sa loob ng kwarto.
Lahat ng nakita ko sa katabing table ng kama ko ay itinapon ko. Sinipa-sipa ko ang paa ng kama kahit nanghihina ako. Masakit ang katawan ko pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ngayon. Gusto ko nang magising at sabihin nila sa 'kin na buhay pa ang anak ko!
Panaginip lang ito, please. Panaginip lang . . .
"Ma'am! Huminahon po kayo!"
"Pvtang ina kasalanan niya 'to," umiiyak na sabi ko at tumakbo palabas kahit na masakit ang katawan ko at hinahabol ng nurse.
Nalagpasan ko ang mga guard dahil busy sila sa pagkukwentuhan at tatanga-tanga.
Agad akong pumara ng taxi nang makarating ako sa labas. Wala akong ibang ginawa niyon sa loob ng sasakyan kun'di umiyak nang umiyak habang yakap-yakap ang tiyan ko. Ganito pala kasi kasakit 'yon, parang sobrang laki ng nawala sa sistema ko.
Nanghihinang tumakbo ako papasok sa bahay nang makarating ako rito. Hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa niya!
Pagpasok ko, nakita ko agad ang magulong bahay. Ang daming basag na vase at salamin na nakakalat sa sahig. Maging ang mga sofa ay wala na sa tamang ayos.
"Saan ka na naman galing, babae?" Napatingin agad ako sa sumigaw. Si Cyrus na madilim na naman ang awra.
"Wala na . . ." Nangunot naman ang noo niya sa sinambit ko. "Wala na ang baby ko! Kasalanan mo 'to!" sigaw ko at umiyak habang nakaduro sa kaniya.
Bakit ba hindi ko na lang siya saktan?
"Wala akong pake, 'di ko naman anak yo'n at isa pa, dapat namatay ka na rin," matigas na sabi nito kaya napatawa na naman ako nang mapait.
Hindi niya anak? Dapat namatay na lang ako?
Ganiyan talaga katigas ang puso niya? Napakababa ng tingin niya sa 'kin para isiping hindi niya anak ang dinala ko. Ilang beses niya nang naapakan ang buong pagkatao ko at ngayon, hinihiling niya na ring sana namatay na lang ako.
Mahal na mahal ko ang lalaking 'to pero hindi ko alam na papatayin lang din ako ng mga salita niya.
"B-Bakit ba ayaw mong maniwala? Three weeks ago nang galawin mo ako! Ikaw ang nakakuha ng iniingatan ko tapos sasabihin mong hindi sa 'yo? Nakakagago ka na talaga!" hagulgol ko at tinakpan ang mukha.
"Still, I don't fvcking care," mariin niyang sagot kaya 'di ko na naman maiwasang mapakuyom ang kamao. "Magpa-file na ako ng annulment paper. Lumayas ka na ngayon sa pamamahay ko at pirmahan mo na lang ang mga papers na ipapadala ko sa 'yo. May iba akong gustong maging asawa kaysa sa 'yo. Huwag na huwag ka na ring magpapakita sa 'kin."
Siya pa ang may lakas ng loob na makipaghiwalay.
Dahil sa inis ko sa mga sinabi niya, kumuha ako ng isang parte ng nabasag na vase. Nasugatan pa ang kamay ko dahil sa mariing paghawak ko rito.
"What the fvck are you doing?" galit na ngayong tanong niya habang matalim ang titig sa akin.
Wow? Acting that he care?
"You don't have a fvcking care. Annul-annul pang nalalaman, edi tapusin na natin dito.” Tumawa ako at pinunasan ang luha ko. "Napakatarantado mo kasing lalaki, wala akong ibang ginawa kun'di sundin at mahalin ka pero ito lang ang gagawin mo, pinatay mo ang baby ko na parang kinamatay ko na rin! I should follow him or her instead."
Ngumiti ako nang mapait sa kaniya. Mukha namang lumambot ang expression niya pero agad ding bumalik sa pagkagalit.
Hindi ko alam pero parang dumaan ang sakit at awa sa mga mata niya pero 'di ko 'yon pinansin.
"’Di mo rin naman pala ako kayang mahalin, mas mabuti nang mawala na lang ako . . .wala naman nang nagmamahal sa 'kin," mahinang sabi ko at tinapat ang hawak ko sa tapat ng puso ko. Oo, puso. "Ano pang saysay ng pusong 'to kung sa isang tao lang naman tumitibok, at doon pa sa maling tao?"
"Sige, ituloy mo," mahinang sabi niya na parang nagbabanta. "Kapag tinuloy mo 'yan, pinatunayan mo lang na mahina ka."
Nginitian ko pa rin siya. Akala niya naman mapipigilan niya 'ko?
"As you wish . . ."
"Dania, you dont need to do— Shit! What the fvcking hell?!" napasigaw siya bigla nang tuluyan kong itinurok ang hawak ko sa puso ko.
I love you . . .

หนังสือแสดงความคิดเห็น (54)

  • avatar
    JA NE

    grabi namn🥺

    9d

      0
  • avatar
    OrginoJepoy

    ksjshidjsjuwjsbhsjsjsiidjsjeoek

    21/07

      0
  • avatar
    JM Rebosto

    so good

    17/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด