logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

YASHAN's POV
“Shan!”
Napahinto ako sa akmang pag-sakay sa kalesa ng marinig ang boses ng taong ilang taon rin na nag-alaga sa akin matapos mamatay ng aking mga magulang sampung taon na rin ang nakararaan.
Her name is Geniva Lusban. Nasa edad fourthy five at siya rin ang matalik na kaibigan ng mga magulang ko.
Nakatayo siya sa gate ng paaralan na kahapon lang ay pinasukan ko pa. Ang Sintle High. Siya rin kasi ang headmistress sa paaralan na 'yon.
“Mag-iingat ka roon, huwag mong kalilimutan na padalhan ako ng mensahe.”
Itinapat niya sa akin ang kanang braso kung saan nakatungtong si Aru na agad namang lumipad papunta sa akin.
“I will,” Mahina kong tugon ng makapatong sa balikat ko si Aru
“Take care of yourself too.” Ngumiti ako at nakita ko naman siyang natigilan pero kalaunan ay malapad rin na ngumiti tsaka kumaway
“Ngayon lamang kita nakitang ngumiti, Shan. Sinasabi ko na nga ba at mas bagay sa'yo ang nakangiti. Gawin mo 'yan ng madalas kaysa palaging blangko ang ekspres'yon ng mukha mo.”
Ngumiwi ako dahil sa sinabi niya.
“Susubukan ko,”
“Mabuti kung gano'n. Huwag mo rin kalilimutan ang mga paalala ko sa'yo. Mas maganda kung ipapakita mo sa iba na mabait ka. I-enjoy mo rin ang pananatili sa loob ng akademya, kung may problema na mangyari at kailangan mo ako ay huwag kang mag-dadalawag isip na ipadala si Aru. Kahit anong oras at araw ay sisiguraduhin ko na darating ako roon para sa'yo.” Pumiyok siya kaya naiwas ko ang tingin
“Masyado kang ma-drama, Geniva. Isang taon lang naman tayong hindi magkikita subalit alam naman natin na may araw kung saan pwedeng dumalaw ang mga estudyante mula sa akademya sa kanilang mga tahanan. Uuwi ako rito at magkikita rin ulit tayo.” Sambit ko
Napatawa naman siya, “Ikaw talagang bata ka, wala ka man lang talagang ka-sweetan sa katawan 'no? Hindi ito ang tamang oras para maging matigas, okay? Hindi naman magugunaw ang Lirmia kung kahit minsan lang ay sasakyan mo ang pagda-drama ko.” Aniya kaya napailing ako
“Walang gulong o pakpak ang pagda-drama mo, Geniva. Hindi umaandar at hindi lumilipad kaya pa'no ko ito sasakyan?” Turan ko kaya siya naman ang ngumiwi
“Napaka-pilosopo mo talaga, Shan. Isa 'yan sa dapat mong iwasan na gawin sa loob ng akademya. Mga bagong Lithians ang makakasama mo roon kaya naman subukan mong maging friendly. Mas mabuti rin kung makikipag-kaibigan ka kaysa gumawa ng maraming kaaway. Iba ang mga estudyante sa akademya na iyon kaysa rito sa paaralan natin kaya naman paniguradong hindi ka nila aatrasan at maaaring sila pa ang mag-umpisa ng gulo kapag hindi nila nagustuhan ang ugali mo.” Seryosong sabi niya kaya inilipat ko ang tingin sa mga ka-schoolmates sa Sintle High na nakadungaw sa gate at agad na nagsi-iwas ng tingin matapos mapansin na tinitingnan ko sila
Tss.
“Hindi ako pupunta roon para magustuhan nila. Ano naman kung ayaw nila sa akin? Gano'n rin naman ako sa kanil—Oo na. Susubukan ko.” Mabilis kong bawi matapos makita na balak niya na naman akong tadtarin ng kan'yang pangaral
Ngumisi naman siya, “Gawin mo shan at huwag lang subukan. Umiwas ka sa gulo hanggat maaari, nai-intindihan mo? Lalo na kung walang kwenta ang dahilan.”
“Tss, fine.” Pag-sang-ayon ko nalang
“May sasabihin ka pa ba? Dahil kung oo ay hindi rin ito ang tamang oras para ro'n. Kaunting oras nalang at maiiwanan na ako ng tren. Ayos lang naman sa akin ang hindi tumulo—”
“Umalis ka na.” Putol niya sa sasabihin ko kaya napailing nalang ako
She's really serious for wanting me to attend that school and become part of it.
Pinagtatabuyan niya ako sa takot na mag-bago pa ang desisyon ko at hindi na talaga tumuloy sa pag-alis.
“Tss, aalis na ako.”
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi matapos ko siyang talikuran.
Mami-miss ko ang lugar na 'to at mami-miss ko rin siya.
“Paalam Shan!”
Tuluyan na akong sumakay sa kalesa na maghahatid sa akin papunta sa sentral ng Eranos Kingdom kung nasaan ang tren na sasakyan namin papunta sa akademya.
Isang oras rin ang magiging b'yahe para makarating sa sentral dahil nasa dulo pa ng Eranos ang bayan na pinanggalingan ko.
Balak pa ngang sumama ni Geniva para ihatid ako sa sentro subalit tumanggi ako.
Kailangan siya sa Sintle High at kaya ko naman na pumunta do'n kahit hindi siya kasama.
Hinagod ko ang ulo ni Aru na lumipat sa hita ko at doon nahiga.
Ipinikit ko ang mata at napailing nalang matapos maramdaman ang ilang presens'ya na nasa paligid namin at hindi na ako nagulat pa matapos biglaan na huminto ng kalesa dahil sa pag-sulpot ng ilang kalalakihan na pawang may mga peklat sa mukha at katawan.
Ang mga may-ari ng presens'ya kanina.
“A sudden visitors huh?” Napailing nalang ako matapos kong imulat ang mata at makita na nakikipag-laban sa mga ito ang kutsero.
Five.
There's a total five of them na nilabanan ang kutsero na ngayon ay pinaglalaruan na ng mga ito.
“H-huwag niyo 'kong papatayin parang awa niyo na. May pamilya akong binubuhay.” Sambit ng kutsero
“Anong pakialam namin tanda? Ang lakas ng loob mong lumaban tapos ngayon ay magma-makaawa ka?” Sinipa ito ng isa sa mga lalaki
“Pinahirapan mo pa kami gayo'ng wala ka naman palang magagawa.” Inapakan ito sa likuran ng isa pang lalaki
“Kung hindi ka sana nanlaban at ibinigay nalang sa amin ang kalesa mo at mga gamit na sakay nito ay hindi ka na sana nasaktan.”
“Hindi ba mga pre?” Nilingon nito ang mga kasamahan tsaka sila nag-tawanan.
Obviously, they are lying.
Nanlaban man o hindi ang kutsero ay sasaktan pa rin nila ito.
“Hoo!” Ibinaba ko ang tingin kay Aru na itinuturo ang kutsero gamit ang kan'yang kanang pakpak
“Ayoko,” Sambit ko dahil nais niyang tulungan ko ito
“Hoo! Hoo!” I sighed dahil patuloy siya sa pangungulit.
“Fine! Just stop annoying me.” Iritado akong lumabas ng kalesa tsaka pinatunog ang aking leeg
“Hey! What you're doing right now is kinda unfair, don't you think?” Agaw pansin ko sa mga ito at nilingon naman nila ako
“Woah! Tingnan niyo 'to mga pre. May sakay pala ang matandang 'to.”
Naikot ko nalang ang mata matapos sumulpot ng isa sa kanila mula sa aking likuran at tutukan ako ng dagger sa leeg.
Teleportation huh? Not bad.
“Tss. Bibigyan kita ng pagkakataon para magamit pa ng mas matagal 'yang braso mo. Stay away from me and leave peacefully.” Sambit ko rito habang kalmado pa rin na nakatitig lang sa kutsero
“Pft! Matapang ka babae huh? Pero hindi ito ang pagkakataon kung saan pwede kang mag-demand.” Ngising aniya at idinampi pa ang kan'yang dagger sa aking leeg
Ngumisi naman ako, “It's not a demand but a warning you bastard.” Hinawakan ko ang pulsuhan niyang may hawak na dagger gamit ang kanan kong kamay while i summoned my sword at my left hand tsaka ko iyon isinaksak sa kan'yang tagiliran
Ramdam ko naman ang pag-talsik ng dugo sa aking balikat na mula sa kan'yang bibig.
Nilingon ko siya tsaka ko hiniwa gamit ang espada ko ang kan'yang kanang braso na hawak ko ang pulsuhan.
He screamed because of pain bago siya natumba sa lupa.
“Tss.” Pinahid ko ang dugong tumalsik sa aking pisnge gamit ang likuran ng aking palad bago ko ini-hagis ang pinutol na braso sa apat na kasamahan nito na bigla namang napaatras
I turned back my gaze to the bastard who dared to threaten me. Nakahiga siya ngayon sa lupa habang bumubulwak ang dugo mula sa kan'yang bibig, tagiliran at putol na braso.
“I told you didn't I? Leave and you'll be able to enjoy having two arms for the rest of your disguisting life but you didn't listen.” Malamig kong sabi habang pinapanood kung paano siya mangisay at tumirik ang kan'yang mga mata bago siya tuluyan na malagutan ng hininga
Nilingon ko ang apat niyang kasamahan na bakas ang gulat at takot sa mukha.
Ngayon ko lang napansin ang tattoo na tigre sa kanilang braso.
Kumunot ang noo ko.
GERPEIA.
If I wasn't mistaken they are notorious for stealing and beating their victims.
Kilala ang grupo nila hindi lang sa bayan ng Sintle kung hindi maging sa kalapit rin na mga bayan.
Hindi ko inaasahan na makaka-engkwentro ko sila.
“You guys are the group of criminals called Gerpeia aren't you?” Isang mapag-larong ngisi ang gumuhit sa labi ko at kita ko naman kung paano sila sunod-sunod na mapalunok
“L-let us leave and we'll never come back here agai—”
“No. Why would I?” Putol ko sa sasabihin nila
“I heard that you guys are strong kaya nga hindi kayo mahuli-huli e. But why are you asking me now to just let you go?” Ngising sambit ko
Bumakas naman ang inis sa kanilang mukha.
“Damn it! Let's just take care of this bitch. Marami tayo kaysa sa kan'ya.” Sambit ng isa at kahit nagda-dalawang isip ay sumang-ayon nalang ang tatlo
Sabay-sabay nila akong inatake using their Vi but I managed to dodge all of their attacked.
Bumagsak sila sa lupa matapos kong iwasiwas ang espada na walang palyang hiniwa ang parte ng katawan nila na natamaan.
Napuno tuloy ng hiyawan at daingan ang buong paligid.
“I only show mercy once and there's no more second chance. If you accepted it, then live. But if you ignored it then you'll die.” Ngumisi ako habang nakaupo sa likuran ng isa sa kanila na ngayon ay nakadapa sa lupa at wala na ang ulo.
Pumunit ako sa tela ng suot nitong damit tsaka iyon ipinunas sa espada ko na puno ng dugo.
Nang makitang makintab na ulit iyon ay tsaka ko iyon ini-unsummoned.
I stood up tsaka inilibot ang paningin ko sa paligid. The three of them are still alive pero sa dami ng dugo na nawala sa kanila ay paniguradong maya-maya lang ay mamamatay na rin sila.
I can say that they had the skills. No wonder at hirap ang mga kawal na hulihin sila. Pero malas lang nila dahil ako ang nakaharap nila.
They are strong for other Lithians but not for me.
Nilingon ko ang kutsero na bakas rin ang gulat at takot sa mukha dahil sa kan'yang nasaksihan.
Shall I kill him too?
“Hoo! Hoo!” Napabuntong hininga nalang ako dahil kay Aru na mukhang nahalata kung ano ang iniisip ko kaya naman agad siyang umiling.
“Tss,”
“To all Lithians who wants to enter LITHAN ACADEMY please go to the central now. The train will gonna leave thirty minutes from now.”
“Holy shit!” I cussed matapos marinig ang anuns'yo ng malaking speaker na nasa sentral.
Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa dapat kong puntahan.
“S-salamat sa pag-ligtas sa akin ija,” Nabalik ang tingin ko sa kutsero na ngayon ay nakatayo na
Wala na ang mga pasa nito kanina at sugat. Aakalain mo na hindi ito nabugbog kanina.
“Ito ang Vi ko, ilang minuto nga lang ang kailangan upang magamit ko ito. Mabuti na nga lang at nilabanan mo sila e, dahil kung hindi ay paniguradong patay na ako ngayon dahil hindi pa gumagana ang Vi ko ” Sambit niya pa
So, ito pala ang Vi niya? He can heal himself. Kaya pala wala siyang vi na ginamit kanina laban sa Gerpeia but I wouldn't deny that he's good fighter. Atleast kahit papaano ay nagawa niyang labanan ang Gerpeia.
“Anong pangalan mo ija?”
“Are you thankful to me for saving you?” Instead of answering ay tinanong niya rin ito
“H-huh? Oo naman, ija.”
“Good. Then stop asking me and just give me that.” Itinuro ko ang kalesa
“P-pasens'ya na ija pero hindi maaari. Ito nalang kasi ang pinag-kukuhanan ko ng pera upang mabuhay ang pamilya k—”
“Enough.” Hinilot ko ang sentido dahil hindi naman ako interesado sa lagay ng pamilya niya, “May pabuya ang sino man na makakahuli sa mga kriminal na 'yan 'di ba?” Tanong ko tsaka itinuro ang gerpeia na ngayon ay mga wala na talagang buhay.
“Oo ija, kalahating milyon ang bawat isa sa kanila.”
“Good. Then you can have them kapalit ng kalesa mo.” Sambit ko
Lumaki naman ang kan'yang mga mata, “S-sigurado ka ba ija?”
“Do you think I am the type who jokes?” Kunot noo kong sabi at mabilis naman itong umiling
“Kung ayos lang talaga sa'yo, pumapayag na ako.”
“Dapat lang,” Bulong ko tsaka sumakay sa unahan ng kalesa na inuupuan ng mga kutsero at mabilis iyong pinaandar paalis
“Maraming salamat ija!”
Napailing nalang ako.
I didn't saved him dahil simula palang naman ay wala na akong balak na gawin iyon. I killed those idiots because they are annoying.
I didn't commited crimes. Oo, labag sa batas ng Lithians ang pumatay subalit hindi roon kasali ang gerpeia.
Maraming na biktima na mayayaman ang mga ito kaya naman nag-sanib pwersa ang mga ito upang magkaro'n ng karapatan ang kahit na sino upang patayin o hulihin ang gerpeia.
Kaya nga maraming nag-hunting sa mga gerpeia pero lahat sila ay nabigo hanggang sa wala ng nangahas pang kalabanin ang mga ito.
Kaya nga patay man o buhay na madala sa kawal ang gerpeia ay may gantimpala pa rin na matatanggap ang kung sino mang nakahuli sa mga ito.
I do not care about the rewards.
I don't need it dahil wala naman ako no'ng pag-gagamitan.
May ipon ako at hindi naman mahirap si Geniva kaya hindi namin kailangan ang pabuya na iyon.
“Try to be careful!”
“Hindi ka ba marunong mag-paandar ng kalesa?!”
“Hey, bastard! Come back here!”
Hindi ko pinansin ang mga lithians na muntik ng mabunggo ng kalesang sinasakyan ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko sa kabayo nito.
Ang iba nga sa mga ito ay na subsob matapos tumalon para lang maiwasan ako.
Kaunting minuto nalang kasi at maiiwanan na ako ng tren kaya kailangan kong mas lalo na mag-madali.
Panigurado kasi na walang katapusan na sermon ang matatanggap ko mula kay Geniva sa oras na bumalik ako sa bayan ng Sintle dahil naiwanan ako ng tren.
S'yempre itatanong niya kung bakit ako na iwanan at kakailanganin kong sabihin sa kan'ya na napalaban ako at kapag nalaman niyang pumatay ako ay paniguradong yari ako lalo sa kan'ya.
Ayaw niya pa naman na pumapatay ako ng kapwa Lithians, ano man ang dahilan.
Well, I do not mind killing a Lithians lalo na kung ako ang trip na guluhin ng mga ito.
Marami na akong puntik na mapatay but Geniva always stopped me and I had no choice but to do so. Takot ko lang sa bunganga niya na wala ng preno sa oras na maibuka niya.
Ang sakit pa naman sa tenga ng kan'yang boses.
Napangisi ako matapos mapunta ang tingin kay Aru na nakaupo sa hita ko at nakasubsob ang mukha sa tiyan ko habang ang mga pakpak ay mahigpit na nakayakap sa bewang ko.
He seems scared.
“Buti nga sa'yo.” Sambit ko bago inihinto ang kalesa ng sa wakas ay nakarating din ako sa sentral.
Pinag-titinginan ako ng mga Lithians doon dahil sa isang dalaga na kagaya ko ang nag-paandar sa kalesa ng sobrang bilis subalit hindi ko sila binigyan ng atens'yon.
Tingnan at pag-usapan nila ako hanggat gusto nila dahil wala naman akong pakialam.
Lumipad si Aru papunta sa ulo ko at doon pumatong kaya naman tumayo na ako tsaka kinuha ang dalawa kong maleta bago bumaba sa kalesa.
Iniwanan ko lang iyon sa gitna ng daan. Bahala na sila kung anong gagawin nila ro'n. Hindi naman 'yon sa akin e.
Tinabig ko ang mga nakaharang sa daraanan ko. Mga magulang na halos ayaw pang humiwalay sa kanilang mga anak.
Sinamaan tuloy nila ako ng tingin pero hindi ko sila pinansin.
Tss. Bakit hindi nalang nila isama pauwi ang mga anak nila gayo'ng ayaw naman pala nilang malayo ito sa kanila?
Nagmumukha tuloy silang mga tanga.
Pumasok ako sa loob ng tren at agad na naupo sa bakanteng upuan na nasa bandang hulihan.
“Kindly go inside of the train now. We'll gonna take our leave now.”
“Finally.” Bulong ko matapos marinig ang anuns'yo sa speaker
Sumandig ako sa sandalan ng inu-upuan ko bago ko ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pag-andar ng tren papunta sa aming destinasyon.
WAKAS NG KABANATA 1

หนังสือแสดงความคิดเห็น (303)

  • avatar
    Azumihusky

    Interesting story author. Highly recommended. 💞💞💖💖

    15/08/2022

      0
  • avatar
    minaphrodite

    This is a nice story!! Blurb pa lang, maganda na. :> Keep on writing 💗

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Rose Galamiton

    love this story ms.a nahanap korin to sa wakas 😍😍😍😍😍

    06/04/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด