logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

MARGARETH POV
“Daddy… “ tawag ko sa aking Ama. Pag mulat ko sa aking mata at naka langhap pa ako ng kaka-ibang amoy.
“Sir, gising na si Margareth, “ rinig kong boses ni Yaya, na halatang nag-alala sa kanyang boses. Pagtingin ko sa paligid ko, nakita ko si Daddy na mukhang nag-alala at naiyak na lang ako bigla dahil nakita ako ang aking ama na buhay at nasa tabi ko pa siya.
“Dad! “ Hindi ko mapigilan ang hindi ma luha sa nararamdaman kong saya dahil akala ko yun tawag na natanggap ko ay totoo.
Agad naman akong niyakap ni Dad, habang si Yaya ay lumabas muna at ngumiti pa saakin bago umalis. Alam ko na nag -alala sila saakin dahil nakikita ko sa kanilang mukha.
“Are you ok now anak,? “ tanong saakin ni Dad, halata sa kanyang mukha ang lungkot kaya niyakap ko siya.
“akala ko Daddy, may nangyari ng masama sayo, “ tanong ko sa kanya habang ako ay umiiyak.
“Why you crying Hija? Akala ko ang Anak ko matapang at matatag, “ biro pa niyang sagot sabay natuwa pa siya sa kanyang sinabi saakin. Kaya hindi ko na rin napigilan pa ang ngumiti.
“Daddy, akala ko may nangyari nang masama sayo, “ tanong ko sa kanya. Pinunasan muna niya ang pisngi ko dahil puno na ang luha gamit ang kanyang mga palad,
“Anak, walang mangyayari na masama saakin, don’t worry to dad ok, “ sagot pa niya saakin at nakangiti na naman siya, kaya napayakap ako ulit sa kanya,
“Daddy, “ yun nalang ang lumabas sa bibig ko at ginala ko pa ang paningin ko at napansin ko nasa loob ako ng private room sa hospital.
Kaya napakunot noo pa ako, napansin naman ako ni Dad.
“Do you forget what happened to you 2days ago Anak? “ tanong niya saakin, na para bang may na-alala siya sa nangyari.
Medyo nagulat pa ako sa sinabi niyang dalawang araw na daw ang nakalipas? But why? Na sagot naman agad ang tanong ko sa aking sarili ng nagsalita ulit si Daddy.
“Nang natagpuan ka namin, nawalan ka ng malay at agad ka namin dinala sa dito sa hospital hija, sabi ng mga bantay mo, hinarang daw kayo ng mga armadong kalalakihan. But don’t worry hija they all in jail now. “ Pa tuloy ni Dad sa kanyang sinabi. At bumalik nga saakin ala-ala ang nangyari sa madaling araw na yun. Kaya naman kumalas ako sa yakap ni Dad.
“Dad, what happened? Did you see the man who help me? Where is he now? “ sunod-sunod na tanong ko pa sa kanya, nakita ko pa sa Daddy ko na napakunot noo siya, mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
“Man? “ pag-ulit ni Daddy sa aking sinabi. Na para bang big deal yun sa kanya. Hindi rin naka lusot saakin na medyo ngumiti pa ang aking ama ngunit panandalian lang at napalitan na naman ng lungkot ang kanyang mukha.
“Yes Dad, he is a man. He save me Dad, “ Sagot ko sa Daddy ko, ngunit umiling lang siya na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko, kaya medyo nalungkot pa ako.
“You don’t believe me, isn’t it? “ medyo nagtatampo kong boses sa kanya, dahil hindi nga naniniwala ang aking ama sa akin sinasabi.
“Anak, wala ka naman kasama no’n dumating kami, mabuti nalang at walang nangyari na masama sayo, at bigla ka na lang nawalan ng malay. Kaya dinala ka na namin agad dito sa hospital kasama ang iba mo pang bantay. “ mahaba-habang paliwanag ni Dad saakin.
Pero alam ko sa sarili ko at nakita ko mismo may nagligtas saakin. Yun nga lang dahil sa madilim ang oras na yun hindi ko nakita ang kanyang mukha pero sigurado ako na isa siyang lalaki. At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla-bigla nalang kumabog ang aking puso dahilan upang mapa hawak pa ako, napansin naman ako ni Dad.
“Are you ok hija? “ Nag-alala na tanong ni Dad saakin, kaya naman ngumiti ako at humarap sa kanya at tinanong ko ulit siya kung wala talaga silang nakita na tumulong saakin sa oras na yun at kung bakit dalawang araw na ako dito sa hospital.
“Dad, are you sure na wala talaga kayong nakita na lalaki? I mean my hero duh! And why you tell me that I have already two days here at hospital? “ maarte ko pang tanong sa aking Ama, hindi kasi talaga ako maka paniwala na hindi talaga nila nakita ang lumigtas saakin, at kung bakit dalawang araw na ako dito sa hospital.
Nakita ko naman si Dad na medyo napangiti pa siya sa sinabi ko, hindi ko alam kung saan ba siya napangiti, doon ba sa sinabi kong lalaki or doon sa endearment na ginamit ko, and OMG lumaki pa ang aking mga mata ng balikan ko ang aking sinabi at nahalata naman ni Dad.
“Ehem! Well, I’m sorry to say anak, wala talaga kaming nakita na ibang Tao sa pinangyarihan ng barilan kung saan kayo tinambangan, maliban lang sa mga armadong kalalakihan but don’t worry as I said may kinalalagyan na sila. And as you said na meron kang HERO , nagpapasalamat ako at niligtas ka. And about your question why you here at the hospital is, you sleep two days from losing your consciousness anak, “
Mahaba-habang paliwanag na naman ni Dad saakin, medyo napangiti pa siya sa sinabi niya na hero ko kasi nilakasan pa niya talaga ang pagka bigkas. Pero ano daw, dalawang araw akong walang malay?
“You mean Dad, dalawang araw akong walang malay? “ balik tanong ko sa kanya, tumango naman siya bilang sagot. At siya naman ang balik ni Yaya na may bit-bit ng dala. Kung hindi ako nagkakamali mga pagkain yun at may kabuntot pa siyang isa sa mga bodyguard ko.
“Sir, Eto ang pagkain, Marga anak halika kana at makakain kana anak, dalawang araw ka ng tulog d’yan, “ Aya saamin ni Yaya, napangiti pa ako sa aking Yaya dahil ramdam ko ang pag-alala at pagmamahal niya saamin, lalo na saakin.
Hindi na kasi siya itinuring na iba ni Dad, para kay Daddy kapatid ang turing niya kay Yaya.
“Yaya, I miss you! “ bulalas ko sa kanya at agad akong tumayo at niyakap siya, medyo nagulat pa ang aking Yaya sa ginawa ko. Habang di Dad napangiti naman.
“Naku bata ka, ok ka na ba hah, ? “ Medyo nagulat pa siya at nag-alala na tanong saakin kaya tumango ako bilang sagot. Alam ko naman na mahal niya ako.
“O siya, at lalabas ako, e check ko lang ang mga bantay mo kung pwede na silang lumabas. Pepito ikaw na ang bahala sa senyorita mo. Soledad aalis na ako ikaw na ang bahala rito hah. “ bilin pa ni Dad sa kasama ni Yaya kanina, parang bago ang mukha niya dahil hindi naman siya kasama sa mga bodyguards ko kaya nagtaka pa ako. Napansin naman niya ako.
“Sir, hindi pa ako kilala ni ma’am, “ sabi niya sa aking ama na pa kamot-kamot sa kanyang batok,
“ ok naman si Pepito dahil magandang lalaki naman siya, hindi ngalang bagay sa kanya ang pangalan niyang mabantot sa kanyang itsura, pero wala parin tatalo sa aking super hero! “
Na sabi ko sa aking sarili at bigla nalang akong naubo dahilan para mapansin ako dahil kinain ko na ang bigay ni Yaya saakin. Nagutom din kaya ako no!
“ Dahan-dahan Anak, walang a-agaw sayo, “ biro pa saakin ni Yaya kaya kunwari ko pa siyang sinamaan ng tingin, natuwa naman siya saakin dahil nakita ko naman ang ngumiti na ang kanyang mukha hindi katulad kanina na puro pag-alala talaga ang nakikita ko sa kanya.
“Anyway anak, siya si Pepito ang isa sa mga bantay mo, dahil ang iba ay nagpapagaling pa, don’t worry anak mapagkatiwalaan siya dahil matagal ko na siyang bodyguard, siya lang kasi ang pwede kong pagkatiwalaan muna. Habang nagpapagaling pa ang iba. “
Pagtatapos ni Daddy sa kanyang sinabi at tuluyan na siyang lumabas sa akin kwarto.
Tatlo nalang kaming naiwan sa loob, sinulyapan ko pang minsan ang aking bagong bodyguard e mukhang seryoso na ang kanyang mukha.
“Yaya kilala mo? “ bulong ko sa Yaya ko, dahil medyo malayo naman saamin ang bodyguard at malaki-laki naman ang kinuha ni Daddy na kwarto ko. Sinagot naman ako ni Yaya ng pabulong din.
“E’ ang alam ko anak, matagal ng bodyguard siya ng Ama mo, kasi nakikita ko naman siya minsan sa mansion kapag umuuwi si Sir, “ paliwanag ni Yaya saakin. Hindi naman tsismusa ang aking Yaya no, dahil ako naman ang nagtanong. Mukha naman nakalahata si bagong bodyguard dahil napatikhim pa siya!
“Ahem, Ma’am kung may kailangan lang kayo sa labas lang po ako, “ paalam niya saamin, partikular saakin, tinangu’an ko lang siya bilang sagot dahil nanibago pa ako sa kanya. Mukha naman mabait ang isang to, hindi katulad ng mg bodyguards ko na mukhang pakialamero. At tuluyan ng lumabas si Pepito.
Pagkatapos ang mag hapon na pag stay ko sa hospital mula kanina pag gising ko ay bumalik si Daddy, kanina pa kasi akong nagrereklamo na gusto ko nang umuwi dahil ayaw ko ang amoy ng hospital pati ang Yaya ko gusto na din daw umuwi.
Ayaw pa sa nang pumayag ni Dad dahil hindi pa daw ako naka recover ngunit mapilit ako buti na lang at sinakyan naman ako ni Yaya, isa ito sa dahilan kung bakit love ko ang aking Yaya.
Sinabi din niya saakin na pinuntahan daw ako ni Joy dito kahapon, natuwa naman ako sa sinabi ng Yaya ko saakin. At si Carla naman daw tumawag kanina dahil nasa ibang Bansa siya. Isang Modelo kasi si Carla at kung saan-saan sila nakakapunta dahilan ng kanyang project. And I’m happy for her.
“Ready kana Anak? “ nakangiti na tanong ni Yaya saakin. Mukhang masaya siya at lalabas na ako sa hospital, kanina kasi ayaw niya at baka daw mabinat pa ako wala naman akong sakit, isa pa iniisip ko ang aking trabaho sa kumpanya. Dahil kung dalawang araw na ako dito, ibig sabihin yun din ang absent ko sa kumpanya namin.
Kahit pa sinabi ni Dad na ok lang sa kanya na mag absent ako, ay hindi ako pumayag dahil unfair naman sa mga empleyado namin, isa pa ok naman na ako. Wala naman akong tama ng baril or hindi naman ako nasaktan, siguro nga at nabigla lang ako oras na yun, at masaya ako na ok naman ang aking Ama.
Kina-usap din niya ako about what happened, nung natanggap niya ang tawag ng mga bodyguard ko at hindi niya agad na sagot dahil tulog daw siya sa oras na yun, pati rin sa mansion.
Kaya habang nasa byahe kami ay ginising daw siya ni Pepito at sinabi ang kalagayan namin mabuti nalang daw at may kilala si Dad sa Baguio at agad nakapag responde ang mga police at yun nga ng natagpuan nila akong walang malay.
Pero hindi talaga ako naniniwala na walang nag ligtas saakin. Dahil meron talaga E’ iniisip ko pa kung panaginip lang ang lahat, but No, It is real. Alam ko at ramdam ko totoo na may lumigtas saakin.
Who are you? Mga katanungan sa isip ko!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (204)

  • avatar
    a******g@gmail.com

    Super nakaka excite ang bawat eksena, parang nanonood lang ako ng movie 😍😊 thanks sa nagsulat nito 🤗❤

    16/07/2022

      0
  • avatar
    a******8@gmail.com

    Wow ang ganda nito guys! Basahin niyo nakkatuw na nakakaba dahol sa action at syempre may kilig din. 😍😍😍 Nakakatuwa si Margareth hahaha

    15/07/2022

      1
  • avatar
    m******1@gmail.com

    Grabe ang astig ng story,detalyado lahat. Parang nanonuod lang ako ng sine 😍

    11/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด