logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

MARGARET POV
“Mommy, I wan’t to ride that, “ narinig ko ang boses ng isang batang babae sa kanyang Ina sabay turo ng mga Banka sa may lake.
Napasulyap pa ako sa kanya at nakatingin din s’ya saakin at kumaway, kaya naman sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti.
Ang sweet nilang tignan na mag Ina, nakikita ko sa kanila na mahal nila ang bawat isa, kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na mainggit.
Limang taon ako ng huli kong nakasama ang aking Ina. Siguro kasing edad ko lang ang bata. Bigla ko tuloy na miss si Mommy.
Habang naglalakad ako dito sa Burnham Park napansin ko na naka buntot na naman ang mga bodyguard ko saakin.
Buti na lang din at medyo malayo-layo naman ang space nila kaya ok na rin.
Habang busy ako sa pagkuha ng picture sa lahat ng madaanan ko ay bigla nalang ako nabunggo ng isang bata.
Dahilan ng muntik na akong matumba at buti nalang may sumalo saakin.
Hindi ko muna pinansin ang taong sumalo saakin, kasi ang bata ang inaalala ko.
Isa pa baka isa sa mga bodyguard ko ang sumalo saakin kaya binaliwala ko.
“Sorry po ate, “ hinging paumanhin ng bata na nakabangga saakin, para s’yang nahiya sa ginawa dahil nalungkot pa ang kanyang mukha, kaya naman nginitian ko.
“It’s ok, be careful next time, wala bang masakit sayo? “ Malambing na sagot ko sa kanya upang hindi matakot, dahil nararamdaman ko na parang takot siya.
Mag thank you sana ako sa taong sumalo saakin kanina ngunit bigla na lang siya nawala, kaya nagkibit balikat nalang ako. Kaya mas lalo akong naniniwala na isa nga sa mga bantay ko.
Nginitian ko pa ulit ang bata bago ko iniwan, at nakita ko naman na tumakbo na siya at nakipaglaro na sa kapwa n’yang bata.
Aminin ko sa sarili ko nakakatanggal ng stress ang tanawin dito sa Baguio.
Malamig at sariwa ang simoy ng hangin at kulay Green ng mga halaman sa paligid ang sarap siguro tumira dito, hindi katulad ng Manila na amoy usok ang hangin doon.
Marami na rin akong napasyalan na pwedeng puntahan dito sa Baguio.
Ang Mines View Park, Botanical Garden, Burnham Park, Tree Top Adventure, BenCab Museum. Marami pa naman ang hindi ko napuntahan kaya lang kapos na ako sa oras siguro bukas nalang ang iba.
Dahil may kunting oras pa ako, napili ko ang Strawberry Farm La Trinidad.
Nagtanong na din ako sa mga taong nakakasalamuha ko ang sabi nila medyo malayo pa daw dito.
Nasa City kasi ako, kaya pupuntahan ko yun kahit pa malayo, total naman may oras pa ako, sinulyapan ko pa ang wristwatch ko at 2pm na pala ng hapon.
Kaya naman pala kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan.
Just kidding! Naramdaman ko lang talaga ang gutom.
Hindi kasi ako kumain ng pang umagahan kanina, dahil sa excite kong mamasyal.
Marami naman ang restaurant sa paligid kaya napili kong dito na lang muna ako kumain at baka hindi ko mapuntahan ang Strawberry Farm kung bumalik pa ako sa aking suite.
Pumasok na ako sa isang restaurant, napansin ko lahat sila nakatingin saakin.
Akala nila siguro isang Artista ang pumasok sa restaurant, napangiti pa ako sa aking naisip.
Well, totoo naman, kung hindi lang siguro ako inasigned ni Dad sa kompanya baka isang Modelo na ako ngayon.
“Welcome Ma’am, This way po, “ Bati ng staff saakin nginitian ko naman siya, at ginaya niya ako sa isang lamesa na pang dalawahan.
Habang ang mga bodyguard ko ay nakasunod parin sila saakin.
Bahala na din silang omorder ng pagkain nila dahil may allowance naman sila na bigay ni Dad.
“Ma’am, ano po ang order niyo,? “ tanong ng waitress saakin, na para bang nahiya pa s’ya. Kaya naman ngitian ko. Mukhang nagulat pa sa ginawa ko.
“Yung Specialty n’yo please, thank you! “ nakangiti kong sagot sa kanya, mukhang masarap ang food nila dito, napalaway pa ako saakin naisip.
“Ok Ma’am, just wait a while po, ok lang ba sa inyo Ma’am? “ tanong pa niya saakin, habang nakangiti na siya, pansin ko lang lahat ng staff dito lahat smiling face, well not bad.
“Yeah, It’s ok, “ nakangiti kong sagot sa kanya sabay sulyap sa paligid ko, dahil nakatingin parin ang lahat saakin, kung sabagay hindi naman pangungutya ang nakikita ko sa kanilang mga mukha, kundi paghanga.
Habang hinihintay ang order ko, ay inilabas ko ang aking camera upang tignan ang mga kuha ko kanina.
Napangiti pa ako dahil ang Ganda talaga ng tanawin dito sa Baguio.
Bakit ko nga ba ngayon ko lang naisipan ang pumunta dito? Sigurado ako na babalik ulit ako dito at kasama ko na ang aking mga kaibigan.
“Excuse me ma’am, eto na po ang order niyo, “ nagulat pa ako sa bigla nalang pagsulpot ng isang waitress sa harap ko, muntik ko pang nabitiwan ang aking camera sa pagkagulat, siguro dahil na rin sa malayo na naman ang aking imahinasyon.
“Sorry ma’am, “ Medyo nahiya pa ang waitress ang alam niya kasalanan niya ang pagkagulat ko, nakonsyensya tuloy ako.
“It’s ok, ganun talaga ako, Don’t worry I’m ok, “ nakangiti ko naman na sagot sa kanya.
Andito na ako ngayon sa Strawberry Farm sakto ang buwan na dating ko dito, dahil si sabi ni manong, ang isa sa taga-alaga sa farm na itong buwan daw na ito ang araw na maraming bunga ang Strawberry.
Nakakatuwa dahil totoo nga, madami talaga ang bunga!
Dahil sa excite ko, hindi ko namalayan na naparami na pala ako ng Pitas.
At punong, puno na pala ang aking dalang basket. Natuwa pa ako sa aking itsura.
Dahil para akong isang bata na pinayagan na maglaro sa labas ng aking mga magulang.
Kasi kung saan ang maraming bunga tinatakbo ko talaga para Pitasin.
Wala din akong pakialam sa kapwa kong dayuhan na parang pinapanood pa ako.
Basta nag e-enjoy ako sa ginagawa ko. Hindi ko namalayan ang oras ng padilim na pala.
Ngunit ayaw ko pa umuwi sa suite ko. I want to enjoy more! Susulutin ko ang araw na ito.
Sinulyapan ko na rin ang mga bodyguard ko, wala naman nagbago, nakasunod parin sila saakin.
Hindi ko naman naramdaman ang pagud, ang totoo ay nag enjoy talaga ako.
Kahit paano nawala ang stress ko sa sarili. Para akong nakahinga ng maluwag.
“Thank you Baguio, for relieving my stress from my work, “ bulong ko pa sa hangin.
Nakabalik na kasi ako saakin suite. Tapos na rin akong kumain.
Napagpasyahan kong ipabukas ko nalang ang umuwi. Total tinapos ko naman lahat ng pwedeng tapusin noon Friday.
Andito ako ngayon sa labas ng balcony at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
“Hi Mom, How are you there, ? “ Tanong ko habang nakatingala ako sa langit at nakatingin sa mga bituin.
Na para bang masasagot ako sa tanong ko, hindi ko tuloy namalayan na may luha na pala akong dumaloy saakin pisngi.
“ I know your happy there right now, “ hindi ko mapigilan ng hindi mapiyok sa pagsasalita.
I don’t care kung may makarinig saakin, isa pa hindi naman nila ako kilala.
“Don’t worry about me and Dad, I’ll take care of him, even sometimes his head really stubborn, “ sumbong ko kay Mommy na akala mo naman narirnig ako, E’ bituin nga ang mga kausap ko habang nakatingala ako sa langit.
Napangiti pa ako sa sinabi ko sa aking Ina dahil sa ugali ni Dad. Totoo naman kasi, habang tumatanda, tumitigas din ang ulo.
But I love my Dad somuch. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa balcony, nagising lang ako dahil sa subrang lamig dahil naramdaman ko pang tumagos sa balat ko, sanhi ng aking paggising.
Tinignan ko pa ang oras sa wristwatch ko mag aaluna na pala ng madaling araw.
Ibig sabihin natagalan talaga ako sa labas, buti nalang walang nangyaring masama saakin. Kung sabagay naman hindi naman magkakadikit ang bawat balcony dito.
Pumasok na ako sa loob ng aking suite at tinuloy ko na ang naudlot kong tulog.
Binalot ang buong paligid ng isang malakas na tunog ng cellphone ko sa bedside table na siyang nagpaggising saakin ng gulat.
Dahil hindi tumitigil ang tunog, ay sinagot ko na ng hindi ko tinignan kung sino ang tumawag.
“Yes hel_” hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita sa kabilang linya.
“ Patay na si Don George Bernardo, nasa morgue na ang bangkay n’ya, “ Sabi ng taong tumawag saakin, at pinatay agad ang tawag.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng marinig ko ang balitang yun.
Pakiramdam ko blanko lahat ng laman ng utak ko, ni hindi ako makapag isip ng tama.
Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko umiyak ako ng malakas at gisingin ang aking mga bodyguard.
Basta ang gusto kong gawin ngayon ay makauwi sa bahay at makita si Daddy.
“Pag labas ko ng akin suite ay nakita kong nakabantay pala sa harap ng pintuan ko ang tatlong bodyguard.
“Ready the Car, I wan’t to go back to Manila now! “ sigaw ko sa kanila habang puro luha na sa aking mukha.
Medyo nagtaka pa sila, dahil siguro saaking itsura. S’ya naman ang labas ng kwarto ang iba pa nilang kasama.
“Ma’am, Ipabukas nalang po natin, Gabi na po baka ano pa ang mangyari sa daan, “ Naramdaman kong may pag alala sa mukha na sagot ng aking bodyguard ngunit hindi ko siya pinakinggan.
“No! Ayaw ko, gusto kong makita si Daddy please, umuwi na tayo, “ nanghihina kong boses sa kanila, na para bang nagmamakaawa na ako.
Ang gusto ko lang naman ay makita si Daddy.
“Ma’am, calm down, ano po ba ang nangyari? “ tanong ulit ng bodyguard habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.
“I don’t know, someone calling me, and he said my Dad his de___” hindi ko na tinuloy ang sagot ko dahil humagulgol n ako ng iyak.
“Please, I want to go back home, “ iyak ko sa kanila, nakita ko din naman ng taranta sa kanilang mukha.
“Natawagan mo ba ang mga Tao sa Mansion? Si Don natawagan mo? “ Sunod-sunod na tanong ng head nila sa mga kasamahan niya. At iling lang ang bilang sagot ng bawat isa sa kanila.
Habang ako umiiyak parin, ni hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.
“ok, Men, get ready uuwi tayo! “ rinig kong sigaw ng head sa mga bodyguard ko kaya nabuhayan ako ng loob.
Ngunit hindi nakaligtas saakin ang itsura ng mga bodyguard ko. Para silang mga balisa lahat. Pero binaliwala ko dahil ang nasa isip ko ay si Daddy.
Habang nasa kalagitnaan kami ng daan ay bigla nalang tumigil ang aking sinasakyan. Dahil si Daddy lang ang laman isip ko hindi ko pinansin kung ano ang nangyayari.
Nagulat ako dahil binaril ang sasakyan namin. At hindi lang isa kundi maraming beses kaming pinaulanan ng bala. Even though I was brave, hindi ko maiwasang matakot dahil na corner kami sa loob ng kotse. Nanginginig ako sa takot at hindi ko alam ang gagawin. Naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi dahil ang nasa isip ko ay katapusan na ko na. Ngunit biglang bumukas ang pinto sa may side ko at may humila sa saakin palabas.
“Who are you? What do you what from me? “ matapang ko parin na tanong sa kanya kahit nanginginig na ako sa subrang takot. Pero hindi sumagot ang humila saakin, hindi ko rin maintindihan ang puso ko dahil bigla nalang kumabog. Siguro nga dahil na rin sa nangyayari ngayon at nalaman ko about kay Dad. Ngunit bigla nalang akong napasigaw sa lakas ng putok ng baril sa gawi namin ng taong humila saakin. Niyakap pa ako ng humila saakin na para bang hindi ako matamaan ng bala. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil sa subrang takot ko ay nawalan na ako ng malay. Basta ang alam ko, siya ang aking super hero.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (204)

  • avatar
    a******g@gmail.com

    Super nakaka excite ang bawat eksena, parang nanonood lang ako ng movie 😍😊 thanks sa nagsulat nito 🤗❤

    16/07/2022

      0
  • avatar
    a******8@gmail.com

    Wow ang ganda nito guys! Basahin niyo nakkatuw na nakakaba dahol sa action at syempre may kilig din. 😍😍😍 Nakakatuwa si Margareth hahaha

    15/07/2022

      1
  • avatar
    m******1@gmail.com

    Grabe ang astig ng story,detalyado lahat. Parang nanonuod lang ako ng sine 😍

    11/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด