logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

"Oo. Kitang kita namin kanina yung awa niya sayo, yung concern. Malapit ka na sa tagumpay mo
brother!" wika ni Kenneth.

"Kaya nagpapasalamt din ako sa tulong niyo. Kung hindi niyo 'ko tinulungan para mawala sa eksena si
Miko, hindi ko mararating ang level na ito. Saka hindi rin lang si Miko, pati rin si Ella."

"Brother ka namin kaya tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya," wika ni Kenneth.

"Umalis na tayo rito at baka makita pa tayo ni Ella. Pagod pa naman ako, gusto ko nang magpahinga."

"Ako rin, pagod na rin ako."

"Me, too."

"Mag-iisip pa ako sa mga sunod kong hakbang. Ay naku, ano ba 'tong pinasok ko? Pero hindi dapat ako
susuko. Nararamdaman kong malapit na ako sa tagumpay."

"Tama 'yan, bro."

Dumeretso sa raket si Mylene.

"Mabuti nandito ka na? Ang tagal mo, ha. Kanina pa ako
naghihintay," reklamo sa kanya ng kaibigan niya

"Pasensya na, frenny. Maraming ganap sa school kaya ngayon lang ako."

"Pasalamat ka, napakiusapan ko yung may-ari ng pagtatrabahuan mo ngayong gabi."

"Thank you, frenny, ha?" Niyakap niya ito at hinahalik halikan.

"Tama na nga, nakakadiri ka. Ikaw talagang babae ka, para kang lalaki."

"Thank you talaga! Wait lang magbibihis lang ako," usal niya saka pumasok siya sa banyo.

"Oo. Anlakas mo sa akin, eh. Saka naaawa rin ako sayo. Ikaw kasi, may mga magulang ka naman. Bakit
pinapapagod mo nang sobra ang sarili mo sa pagtatrabaho? Anong oras na, oh? Magpupuyat ka na
naman."

Ngumiti sa kanya si Mylene. "That's life. Malas ko lang dahil kailangan ko magtrabaho kahit may magulang ako. Saka sabi ko naman sayo, para makatulong din ako sa pamilya ko. Mabawasan yung gastusin sa bahay, lalo na't marami kami at ako ang panganay." Niyakap naman siya ng kaibigan niya.

"Kaya nga proud ako na may kaibigan akong gaya mo. Sige, pumasok ka na ro'n."

"Sige. Thank you ulit." At tuluyan na nga siyang pumasok sa loob.

Ang raket ngayon ni Mylene ay isang tagahugas ng pinggan at tagalinis ng kusina, sa isang restaurant ang
pinagtatrabahuan niya.

8 pm na at matatapos siya ng 9 pm. Isang oras ang trabaho niya.

Kinuha niya ang mga ginamit na pinggan at nilagay sa washing area. Bago naghugas, kinuha muna niya
ang mga ginamit na mga utensil at inayos.

₱500 ang binibigay sa kanya. Malaki, 'di ba, kahit isang oras lang? Isang oras pero lumalagpas din dahil sa
dami ng huhugasan at kailangan niyang matapos mahugasan ang mga naiwan pati ang paglilinis sa
kusina ay kailangan niyang gawin kahit lumagpas ng isang oras.

Umaabot siya ng isang oras at kalahati. Hindi naman siya nagrereklamo dahil malaki nang tulong ang ₱500 na lumalagpas ng isang oras.

Minsan, napapagalitan pa siya dahil ang ilan sa mga hinuhugasan niya ay may kaunting sebo. Nakakuha
na siya ng dalawang warning at kapag naging tatlo ay matatanggal na siya.

Kaya sinisigurado niyang nuhugasan niya nang maayos dahil ayaw niyang matanggal. Ang laki pa naman
ng sahod at malaking kawalan sa kita niya.

Nang matapos na siya ay ibinigay na sa kanya ng boss niya ang pera.

"Thank you po!"

"Hay, natapos din." Pupunta naman siya sa huling raket—ang pagiging janitress sa isang company.

Mabilis siyang pumunta sa locker room para magbihis. Masungit pa naman yung boss niya.

Narinig niya na ang bosy nito kaya napaharap siya.

"Oh, Ms. Gomez. Ngayon ka lang ba? Ha?"

"Kanina pa ako, Ma'am. Hindi niyo lang po napansin," pagsisinungaling niya.

"Talaga?"

"Opo."


"Sige na. Magbihis na kayo."

"Opo, Ma'am."

Monthly ang sahuran dito at ang sinasahod niya ay 7k. 2 hours. kaya hanggang 12 am lagpas.

Minsan, sa may locker area na siya natutulog. Bumibili na lang siya ng tinapay at iyon ang hapunan niya nang may kasamang tubig.

Mga 6 am or 7 am, uuwi siya sa kanila para kumain at maligo at ginagawa ang ilang gawaing bahay at pagkatapos, diretso na sa school. Iyan ang ikot ng buhay ni Mylene Gomez. Siya na ang nagpapaaral sa
sarili niya since grade 5.

Nagtataka ba kayo, bakit walang pakialam ang pamilya niya sa kanya kahit puyat at pagod na siya?

Oo, walang pakialam ang mga magulang niya sa kanya. Sa magkakapatid, siya lang ang hindi pinapansin at inaalagaan. Rason naman nila, siya ang panganay kaya dapat daw maging responsable siya sa lahat ng mga bagay. Alagaan niya mga kapatid niya at isantabi muna ang pansariling kaligayahan. Unahin muna ang mga kapatid kaysa sa sarili.

Sa totoo lang, naiinggit siya sa mga kapatid niya dahil mabuti pa sila inaalagaan, minamahal, at concern
ang mga magulang sa kanila.

Naiinggit siya dahil mabuti pa sila ay nakakatulog sila nang maayos.

Naiinggit siya dahil mabuti pa sila, hindi na kailangan magpagod sa trabaho para makapag-aral.

Mabuti pa sila, may mga magulang na hinahatiran ng gatas tuwing gabi. Mabuti pa sila, may mga magulang na gigising sa kanila sa umaga para pumasok. Mabuti pa sila, may mga magulang na naghahanda ng meryenda sa kanila tuwing nagugutom sila tuwing nagre-request sila. Mabuti pa sila, may mga magulang na nagmamahal.

Madalas kapag hindi na kaya ni Mylene ay umiiyak siya sa kwarto niya. Kapag hindi niya na kaya, kakanta siya sa paborito niyang videoke-han at doon binubuhos ang bigat na nararamdaman.


Yung pakiramdam na, may pamilya ka, pero hindi mo man lang malapitan kapag may problema.

Yung may magulang ka, pero hindi mo ramdam na may magulang ka na nag-e-exist.

Sa tuwing nasa bahay siya, pakiramdam niya ibang tao siya. Napapansin lang siya kapag may kailangan sila, kung tungkol man sa pera o kung uutusan siya.


All those things, kinakaya ni Mylene. Dahil kapag hindi siya naging matatag, ayon sa kanya, siya lang ang lalong mahihirapan.

Life is not all about how you live according to your plan, to your desire. Life is all about how you make things easy, how to control it and live it, even if it's really difficult, going with the flow, ika nga nila.

7 am na siya nakarating sa bahay. Kinuha niya ang walis at winalisan ang harap ng bahay nila.

Pagkatapos magwalis, as usual, nakatambak ang hugasin. Bago naghugas ng mga pinggan, nagsaing
muna siya at inayos ang mga upuan saka kinuha ang mga papel na nagkalat. Pinunasan niya ang lamesa dahil madumi ito saka na naghugas.

"Mylene, nandiyan ka na pala," wika ng mama niya.

"Opo. Kararating ko lang po."

"'Di ba, sahod mo bukas? Pahiram muna ng pera. Mahina kasi benta sa mga gulay natin. Itong isang
kapatid mo, may sasalihan siya sa school nila."

"Magkano naman po?"

"4k lahat kasi may panggagamitan kami sa iba." Gusto man magreklamo at tumanggi ni Mylene, hindi niya ginawa. Baka kasi kapag tumanggi siya, isumbat na naman nila ang gastos sa pagpapalaki sa kanya.

"Opo, 'Nay. Bukas po."

"Oh, sige. Pagkatapos mo riyan, maghanda ka ng makakain natin. Maaga pa kaming pupunta sa palengke ng tatay mo. Saka itong mga kapatid mo, papasok din nang maaga. Buti nakauwi ka nang maaga
ngayon."

"Opo." Napabuntong-hininga na lang si Mylene ng pagkaalis ng kaniyang magulang.


Lumapit ang bunsong kapatid niya sa kanya. "Ate, ayos ka lang po ba? Kumain ka na po ba?"

Tanong ng nag-iisang kapatid ni Mylene na concern sa kanya.

Ngumiti sa kanya si Mylene. May kinuha siya sa bulsa at binigay sa kapatid. "Hindi ko nakalimutan ang
paborito mong tinapay."

Nagpasalamat naman ito at niyakap siya.


"Ate, pagod ka na ba? Naaawa ako sayo, ate. Kung malaki lang ako, ako na mismo ang gagawa ng mga
gawain sa bahay na ito. Ang tatamad kasi ng mga kapatid natin." Ngumiti lang si Mylene.

"Hindi mapapagod si ate dahil nandiyan ka. Ikaw ang vitamin ni ate kaya palaging malakas si ate at hindi
napapagod."

"Pero, ate, kapag pagod ka na, pwede naman magpahinga o tumigil. Kapag pagod ka na, ayos lang po
umiyak." Parang matanda 'tong kapatid ni Mylene kapag nakipag-usap.


"Ang drama mo, ha. Sige na, umupo ka na ro'n. Ihahanda ko na ang pagkain ng aking munting prinsesa,"
usal niya sabay halik sa kapatid.

Sa kabilqng banda, nasa gate si Ella. Inaabangan niya si Axelle. "Friend, mauna ka na sa room.

Hihintayin ko muna si Axelle."

"Oh, sige, friend."

Nakita niyang pumasok ang dalawang kaibigan ni Axelle kaya lumapit at tinanong ang dalawa.

"Bakit hindi niyo kasama si Axelle? Saan siya? May lagnat ba siya? Masama ba pakiramdam niya?
Kawawa naman siya. Siguro puntahan ko siya sa bahay niya," O.A. na mga tanong ni Ella.

"O.A. naman n'yang mga tanong mo," sagot sa kanya ni Kenneth.

"Oo nga."

"Saan ba siya? Bakit hindi niya siya kasama?"

"Ayaw ka niyang makita," bulong ni Markus.

"Ano? Narinig ko sinabi mo, ha!" bulyaw niya kay Markus.

"Ano bang sinabi ko, ha?"

Ayaw ulitin ni Ella ang sinabi ni Markus dahil nasasaktan siya kaya binalewala niya na lang.

"'Wag niyo nga ako pinagloloko? Saan ba kaibigan niyo?" Nagagalit na siya.

"Maaga siyang pumasok dahil may kakausapin siya," wika ni Kenneth.

"Sino naman kakausapin niya, ha?"

"Ewan namin. Pumunta ka na lang sa room para hindi ka na magtatanong pa," wika ni Markus.

Nagtatago sa kotse si Axelle dahil ayaw niyang kulitin nang kulitin siya ni Ella.

Nakita ni Axelle naglakad na paalis si Ella kaya lumabas siya at pumunta sa mga kaibigan.

"Nauubos ang oras ko sa pagtatago," inis na sinabi niya.

"Ikaw kasi, bro, kinulam mo siya ng kapogian mo kaya baliw na baliw sayo," pagbibiro ni Markus.

"Ano na, bro? Ano nang next na plano mo?" tanong sa kanya ni Kenneth.

Ngumiti si Axelle. "Manood lang kayo at makikita ninyo ang kayang gawin ng isang Axelle Maldrid. Hahaha."

Naunang pumasok sa school si Mylene kaysa kay Axelle. Sinalubong siya sa gate ni Miko.

"Hindi ka nagpaalam sa akin kagabi, ah? Nag-alala tuloy ako nang sobra sayo."

"Sorry, ah? Nagmamadali kasi ako, eh. May hinahabol akong raket."

"Nagtatampo lang ako pero hindi ako galit. Hindi ko kayang magalit sayo, 'no!"

"Talaga? Hindi ka galit?"

"Ayaw mo maniwala?Gusto mo yakapin kita?"

"Sige nga." Ngumiti si Miko sa panghahamong sinabi ni Mylene.

Nagulat naman ang binata dahil bigla siyang niyakap ni Mylene. "Ang bagal mo. 'Yan, bati na tayo, ah?"

Ilang segundo bago siya nakasagot nang pautal-utal pa. "Tara na nga. Gamitin natin 'tong papel na
medal."

"Ay muntik ko nang makalimutan. Maramin pa naman akong papel na medal,” pinakita niya kay Miko.

"Dami niyan, ah?"

"Oo. Itong iba kasi, binigay sa akin."

"Nino naman?"

"Yung slave ko." Nalungkot si Miko sa narinig niyang sagot kay Mylene.

"Mamayang last subject sa hapon, may practice kami sa music club. Pumunta ka, ha? Panoorin mo
akong kumanta."

"Oo naman. Unang practice mo 'yan kaya hindi ako mawawala.Pupunta ako. Papanoorin kita."

"Tara, kuha na tayo ng snacks sa canteen."

"Oo. Nagugutom na rin ako."

Nang palabas na sila ng Canteen, nasalubong nila si Axelle.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa kanya ni Mylene.

"Traffic kasi, e." Kinuha niya ang bag ni Mylene pati ang ilang snacks nito.

Sinabihan din ni Axelle ang mga kaibigan na sa tuwing nandiyan si Miko ay kausapinn nila ito nang
kausapin para ma-solo niya si Mylene.

"May pupuntahan muna tayo," singit ni Axelle.

"Saan naman?"

"May ipapakita lang ako sayo."

"Ano na naman yun?"

"Basta. Doon mo na malalaman."

Tumingin siya kay Miko. "Pwedeng huwag ka nang sumama. Between lang 'to sa aming dalawa. Master
and slave."

Tumingin si Miko kay Mylene. "Mauna ka na sa classroom, Miko. Susunod na lang kami."

"Tara na," sabat ni Markus habang hinihikayat si Miko na mauna na sila sa classroom.

Nakita ni Miko ang panghaharot ni Axelle kay Mylene kaya napayuko siya at naging malungkot habang
naglalakad papuntang classroom.

Binuksan ni Axelle ang pinto nang makarating na sila sa kung saan mahahanap ang sinasabi niyang
ipapakita niya kay Mylene.

"Surprise!"

Nakadekorasyon ang loob ng court. May mga naka-banner na heart at umiilaw ito.

Tanging nagbibigay liwanag sa loob ang mga maliliit na bombilya na parang mga alitaptap. Hindi naman napigilan ni Mylene na mapamangha sa ganda nito.

"Tara, pasok na tayo para maisara natin ang pinto na ito para lalo pang gaganda."

It's like a fantasy. Sobrang ganda talaga sa loob lalo na't may mga iba't ibang kulay ng ilaw.

"Ang ganda. Ang ganda!" yun lang ang paulit-ulit na sinabi ni Mylene. Natuwa si Axelle dahil nagustuhan
niya ito.

"Sabi ko sayo, may alam ako sa relasyon. Alam ko kung paano manligaw at i-surprise ang babae.

"Lahat ba ng ito, dahil doon?"

"Oo. Just to prove na mali ang sinabi mo sa akin."

"Loko ka talaga kahit kailan, puro ka pa-prove." Napangiti siya sa sinabi ni Mylene.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (114)

  • avatar
    TU PA Kun

    good

    25d

      0
  • avatar
    saronajasmine

    akala ko happy ending na sila, nakakaiyak yung ending grabe

    06/08

      0
  • avatar
    Julius Escala

    it's good read

    04/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด