logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER SIX - Beware Of Jules

KAHIT PAPAANO AY gumaan ang pakiramdam ni Mirian nang maikwento niya sa mga kaibigan ang nangyari sa kanila ni Jeff.
Syempre pa, kanyanan ng pang-aalo sa kanya ang mga ito.
Sabi ni Carmela, "Naku, friend, hindi ko alam na may pinagdadaanan kang mabigat. Sorry, hindi man lang kita nadamayan."
Si Tim naman, kahit minsanan lang niya makakwentuhan. "We're here for you, bilib din ako sa lakas ng loob mo, nakayanan mo `yung itago?"
While Jarvis said, "Kapag naman may problema ka, `wag mong sosolohin. Sige ka, baka mamaya malaman ko na lang, e uminom ka na ng silver cleaner."
At nangyari din ang pinaka-aayawan niya. Kaya hindi siya nagkwento muna, e, kasi ayaw niyang makarinig ng panglalait patungkol kay Jeff, hindi dahil nasasaktan s'ya para dito, kundi dahil naiinis siya sa katotohanang nabulag s'ya na ang ex niya ay:
"Sobrang kapal ng mukhang magpalit ng jowa na mas matangkad pa sa kanya. Ano bang height ng lalaking 'yon? Juice colored, kalalaking tao, bansot!" ayon kay Carmela.
"And have you noticed his ab? Its just an ab. No s. Iisa kasi. Hindi `yun abs, those are flabs na pilit niyang tinatago, kaya laging loose ang mga suot, e." Hindi siya makapaniwalang nanggaling `yun kay Tim.
"I hate to say this, but despite the fact that he's a short guy with a beer belly, feeler masyado `yung ex mo, akala yata, e gwapo siya. Seriously, Mirian, anong nagustuhan mo ro'n?" dagdag pa ni Jarvis.
Hindi pa natapos doon ang panlalait ng mga ito sa ex niya. At siya naman, hindi makaangal, kasi totoo lahat ng sinabi ng mga ito. Kahit nga siya ay napaisip kung ano nga bang nakita niya rito at nakatagal sila ng eight months.
Siguro nga kasi inlove na inlove siya rito... ‘Yuhhhhhck!!!’
Pasalamat na rin siya at wala na sila nito. Hindi si Jeff ang perfect guy na inakala niya.
Napabuga na lang siya ng hangin. Nalulungkot din naman siya kahit papa'no. Kaya lang, ganoon talaga, e, kung hindi siya magmo-move on, e mangungulubot lang siya na parang ampalaya. Bitter.
IMBES NA TUMULOY sa opisina nila pagkatapos mag-lunch ay napagpasyahan ni Mirian na magpahangin sa rooftop ng gusali nila. Tutal may twelve minutes pang natitira sa lunch break. Hindi naman siguro siya masisisante kung ma-late siya ng ilang minuto.
Noong emo pa siya sa "break up" nila ni Jeff ay dito siya tumatambay. Kaya nga niya nakita ang eksena ni Allen Renner, e...
Kung tutuusin pala ay si Jeff ang may kagagawan kung bakit siya sinisindak ng bampirang killer ng kapwa nito. "Bwisit pala talaga ang bwisit na Jeff na 'yon."
Kamusta na kaya si Allen? May ilang linggo na niya itong hindi nakikita.
Lumapit siya sa panig ng rooftop kung saan tanaw ang opisina nito. At ayun, nakita nga niya si Allen, nakaupo sa likod ng malapad nitong mesa at may kausap na lalaking sa palagay niya ay empleyado nito.
Pumangalumbaba siya sa kongkretong railings at pinagmasdan pa ito. Kahit na malayo, e OK na rin.
"Kamusta ka na, Allen, the vampire vampire slayer?"
"I'm perfectly fine, Miss Ilusorio, why did you ask? Nobody gives Allen Renner some title like what you just did." Pinalaki niya ang boses at kunwari'y ginawa ang magiging sagot nito.
"Suplado mo naman..." wala sa loob na sambit niya. Pero kung ang pagbabasehan ay ang ilang palitan nila ng salita ay maaari ngang ganoon ang sagot nito.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin ang kausap nito.
"Pssst, tingin ka rito,” nangngiting bulong niya.
At sa pagkagulat niya ay tumingin nga sa direksyon niya ang lalaki. Tumayo pa ito at lumapit sa bintana, nakipagtitigan sa kanya.
"Shet!" Halos matumba siya sa gulat dito, kaya nagmamadali siyang tumalikod at—“Aray! Punye— ta..."
Kaharap na niya si Dracula.
"Why do you want me to look at you?" anito.
Ngangang wagas naman siya... Nakakapanood siya ng vampire movies at ayon nga roon ay mabilis talagang kumilos ang mga ito pero nakakamangha pa rin na maka-experience ng ganoong chorva sa realidad.
"A... A-ano..." Ambilis ng heartbeat niya. ‘Natatakot na 'ko, shet! Anuba?!' hiyaw ng brain niya.
Nakatingin lang ito sa kanya, isang talampakan lang yata ang agwat nila.
"What? I'm asking you, why do you want me to look at you? Do you need anything?"
"A... A-ano..."
"Yes?"
"A... A-ano..."
Tila nabwisit na ito sa kaka-replay niya kaya pumorma na ito na lalakad palayo and poof! Kung gaano ito kabilis dumating ay ganoon din kabilis nawala.
"Nasaan na 'yon?!" Para siyang timang na ikot nang ikot kahahanap dito pero wala na talaga. Tumakbo siya papunta sa side ng rooftop kung saan tanaw ang opisina nito at ayun.
Nakaupo si Allen sa likod ng mesa nito at nakatutok ang paningin sa laptop nito.
"Huh?! Galing ba talaga siya rito?"
Ipinilig niya ang ulo. Wala. Masisiraan siya ng bait sa lalaking 'yon.
"THANKS ULI SA paghatid! Ingat!"
"No prob!" Sinaluduhan pa siya ni Jules bago nito pinausad ang kotse palayo sa gusali nila.
Halos isang linggo nang isinasabay ni Jules si Mirian sa pagpasok sa trabaho, OTW naman daw kasi ang workplace niya sa workplace nito kaya OK lang daw.
Nabago na ang pananaw niya na pervert ito. Palabiro lang talaga ang lalaki at outspoken, pero hindi nambabastos, kumbaga one of the boys ang turing nito sa kanya at sa iba pa nilang kapitbahay. Napakadali nitong makagaanan ng loob.
Ayon pa rito ay madaldal daw talaga ito dahil galing sa pamilya ng mga bungangero't bungangera. Announcer daw sa radyo ang ama at naglalako naman ng kakanin ang Ina sa probinsya. Literal na boses ang puhunan.
"Naks! May bago a! Jowa mo?" nakangising tanong ni Jarvis na kararating din lang.
Pabiro niya itong hinampas ng bag sa braso at sinabayang maglakad. "Tse! New neighbor ko 'yon. Isinabay lang ako papasok, OTW lang `yung workplace ko sa workplace niya, e."
"A... Saan ba siya nagwo-work?"
Napaisip siya. Saan nga ba? Model ito. May iba pa bang trabaho si Jules Bukod sa pagmomodelo? "Basta d'yan lang banda. Naaalala mo `yung model ng Clean shampoo, siya `yun."
Natigilan si Jarvis at nawala ang ngisi. "Si Jules Gaitan?"
"Yup. Kilala mo pala siya, e."
"A... Hehehe, Oo. Uhm... Mauna ka na sa loob, may tatawagan lang ako." `Yun lang at iniwan na siya ni Jarvis.
Siya naman, e dumiretso na sa opisina nila.
KINAGABIHAN AY BISITA na naman ni Mirian si Allen.
Kakakain lang niya ng hapunan at balak sanang manood ng tv, nang pagpunta niya sa maliit na sala ng apartment ay naroroon at prenteng nakaupo sa sofa ang lalaki.
‘Enebe?! Saan ba dumadaan ang lalaking ito?!’
Ni hindi niya namalayan na nakapasok na ito ng pinto, kahit mga aso ng kapitbahay ay hindi tumahol. Iba talaga ang galawan ng isang 'to. Galing.
"Good evening,” nakangiti pang bati ng tinamaan ng magaling.
"G-good evening din... M-mr. R-renner..."
‘Teka nga, bakit naman ako nauutal?! at nagugulat pa rito?! Dapat masanay na 'ko na ala-magician ito na nagte-teleport from one place to another,’ wika ni mahaderang brain.
"Anong atin?" tanong niya rito.
‘Kunwari close talaga kami... Nasaan ba ang remote?’
"I came here to check." Binuhay nito ang TV.
"Nasa 'yo pala `yang remote, e, akina nga." Hindi nito ibinigay, bagkus inilipat lang sa animal planet. "E, di ikaw na nga may-ari nitong bahay,” mahinang bulong niya.
"You know you should watch shows like this, so you'll learn that the earth is not just for humans."
Double meaning. "E, ano nga kasing ginagawa mo rito?"
"I came here to check."
"Ui... Gumaganti..." Naalala niyang paulit-ulit din ang sagot niya rito noong nakaraang araw. "Check? What check?"
Sumandal muna ito at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang armrest ng sofa at nag-crosslegs. Ang sosyal lang nitong tingnan. Parang hari noong unang panahon.
"I heard you have a new neighbor."
Tsismoso. "Oo, bakit? Kilala mo si Jules?"
"Stay away from him. He'll do you no good." Nakatutok lang ang paningin nito sa anaconda sa TV.
Tumaas naman ang kilay niya. ‘Ano namang pake nito kay Jules? Magkakilala nga siguro sila...’
"Ano namang pake mo kung wala siyang gagawing maganda sa 'kin? Hindi naman siguro siya gagawa ng pangit." Ang taray lang ng sagot niya. Deadma kung may pagka-kriminal ang kausap.
Bigla nitong pinaghiwalay ang mga binti sa pagkaka-crosslegs at malakas na ibinagsak ang mga paa sa sahig. Napapitlag siya at feeling niya ay yumanig ang tinutungtungan niyang sahig kasabay ng tahulan ng mga aso sa labas.
"Seh! Seh! Bruno! Tumahimik ka nga!"
"JR! Sawayin mo nga `yang aso! Ano bang tinatahulan n'yan?!"
"Shoo! Shoo! Ano ba, Lyka?!"
Kanyanang sawayan sa mga alagang aso ang mga kapit bahay niyang takang taka sa tinatahulan ng mga ito.
"Hindi mo nalalaman kung sino ang iyong kapitbahay. Hindi siya ang taong iyong inaakala. Makinig ka sa akin at magiging maayos ang iyong buhay. Itigil mo ang pakikipag-palagayang loob sa kanya, ikapapahamak mo iyon."
Seryoso at Mahabang litanya ni Allen na nakapagpadilat nang malaki sa mga mata niya. Gulat na gulat siya sa natuklasan.
‘NAGTATAGALOG SIYA?!’

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    Akiles Rohan Puntanar

    totoo nga naka kuha ako ng pera

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    21/06

      0
  • avatar
    legarajanel

    nice

    16/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด