หน้าแรก/A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte/
Chapter Six
"Oh akala ko ba mag-uusap kayo? Bakit nakahiga ka lang dito?" Tanong sa akin ni Kuya Mark nang madatnan niya akong nakahiga lang sa kwarto ko pagkatapos ng isang oras. Hindi ko siya pinansin at hinanap ang cellphone ko. "Kanina pa naghihintay 'yong tao sa'yo." Sabi niya na bahagya pang tumingin sa labas sa nakabukas kong bintana kung saan makikita ang de-kawayang upuan sa labas. Tumayo ako at nakitingin din sa labas. Nakikita kong nando'n pa nga siya nakaupo. Lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagpipindot na siya sa cellphone ko. "What the hell!" Bulalas ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nagawa ko pang itulak at sipain ng malakas malapit sa bayag ang pinsan ko nang makipaglaro pa siya ng harang-harangan sa harapan ko. "Dahan-dahan ka d'yan baka ma-slide ka na naman!" Sabi pa ni Tita Lusbi. Luh! Eh di wa'g kang maglaba dito. Demonyita! Mabilis akong nakalapit kay Christian at babawiin na sana ang cellphone ko pero mabilis din niyang naitaas 'yon. Ngumiti siya sa akin. "Tara na." ------ I folded my arms and crossed my legs. Naka-shorts pambahay lang ako habang nasa loob kami ng chapel nakaupo sa bandang harapan. Pinili niya talagang umupo dito at sa tabi ko pa talaga. Umayos naman siya ng upo sa tabi ko at humarap sa akin matapos niyang mag-sign of the cross. Pinaghintay pa niya ako ng dalawang minuto dahil nagdadasal pa siya. Pinagmasdan ko siya. Malaki ang pinagbago niya sa apat na taong nakalipas. Hindi ko talaga aakalain na babalik siya ng pilipinas at sa mismong harapan pa talaga ng bahay namin na chapel siya napunta. Noong una ay medyo payat pa siya kaya lagi ko siyang tinatawag na payatot pero ngayon hindi ko aakalain na nagiging isang hunk na siya. Kahit hindi ko kita ang braso niya dahil nakasuot siya ng mataas at maitim na suit na may bahid pang putik na pinaresan ng puting pang-loob na may puting neckband. "Are you done checking me?" Tanong niya sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan. Tiningnan ko siya ng masama. "Huwag kang mangarap ng gising. Ganito ka ba kayabang sa harap ng altar pagkatapos mo magdasal?" Sabi ko na ikinatawa lang niya. Tumigil siya at nagiging awkward ang paligid. Tumikhim siya at tumikhim din ako. "Anong sasabihin mo? Sabihin mo na dahil may gagawin pa ako." Simula ko at hindi man lang siya tinitingnan. "Aren't you going to ask me why am I here?" "Katatanong mo lang. Sagutin mo na lang. " Papilosopong sagot ko. "The truth is..." Umayos siya ng upo at tumingin sa altar. "I came here because I know that you live here. I finished my four years university degree in philosophy in America... And now I am on my vacation for two months. I decided to asked one of the priest so that I can serve here and clear up things with you before I go in a seminary theology to take my Master of Divinity." Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Matagal na kaming hiwalay ng taong 'to. Matagal na kaming wala at kahit sobrang nasaktan ako sa hiwalayan namin noon ay hindi ko naman 'yon dinadala hanggang ngayon. Pero nang dahil sa mga sinabi niya ngayon. Bakit parang ang sakit? Hindi masyadong maganda ang hiwalayan namin noon. Pakiramdam ko ay ngayon pa siya nakikipag-closure siya sa akin. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit at lungkot na naramdaman ko noon. Pakiramdam ko mas masakit pa ito ngayon na para bang ngayon ang break up namin. Inalis ko ang tingin sa kanya nang maramdaman kong uminit ang bawat gilid ng mga mata ko. Lintek na luha 'to! Tumingin ako sa taas. Paulit-ulit kong pinipikit at dinidilat ang mga mata ko para mawala ang luha pero mas lalo lang 'yong dumami. Hindi ako pwedeng umiyak. Tapos na kami. Matagal na. Pero putangina! Ang sakit pa rin! Lihim kong hinahagod ang dibdib ko nang sumakit 'yon at parang hindi ako makahinga. Pinilit ko ang sariling maglabas ng halakhak. Iyong tipong hindi peke ang labas. "Pakshet! Sorry! Nakakatawa kasi." Sabi ko at pinunasan ang mga mata ko pagkatapos ay tumingin sa kanya. Bahagya kong hinampas ang braso niya. "Ano ka ba? Pinapatawa mo ako. Matagal na tayong hiwalay pero sa sinasabi mo parang maghihiwalay pa lang tayo ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mangliit sa sarili ko dahil sa sinabi mo. Para mo kasing pinaparating sa akin na hanggang second year college lang ako." Mas lalo pang dumami ang mga luha sa mga mata ko. May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin ang puting panyo. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tanggapin 'yon. Pinunasan ko ang aking mga mata. Natigilan ako nang makita ko ang panyo na ibinigay niya. Akin 'to. Nagtatanong akong tumingin sa kanya. "Yes, I know. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin 'yan. You always have a space in my heart. May pinagsamahan din tayo. Kaya ko naisip na mag-stay muna dito ng dalawang buwan para makasama ka bago ako papasok sa seminaryo. I still want us to stay friends." Isa na namang masakit na salita. Friends. Letche! Huminga ako ng malalim at tumayo. Ayoko na! Tama na! Tapos na kami. Matagal na pero pakshet! Ang sakit talaga. "Alam mo, hindi ko alam kung ano talagang trip mo. Matagal na tayong hiwalay. Tanggap ko na 'yon matagal na at nakamove-on na ako." Tumayo din siya. "Sam ginagawa ko lang 'to dahil ito ang tama. Alam kong hindi maganda ang hiwalayan natin noon kaya ako bumalik dito para itama lahat at ituwid lahat ng nagawa ko." "Matagal ko ng nakalimutan 'yon. Masaya na ako ngayon. Pero nang dahil sa pagbabalik mo parang bumalik lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko dati." "Sam–" "Akin na ang cellphone ko." Matigas kong sabi habang inilahad ang kamay ko. Ibinigay naman niya 'yon sa'kin. "Kung ako lang naman ang dahilan sa pagpunta mo dito. Umalis ka na. Hindi kita kailangan. Ipagpapatuloy mo na lang ang mga plano mo sa buhay at huwag ka ng magpapakita pa sa akin." Sabi ko at mabilis na tumakbo palabas. Tumakbo ako papunta sa likuran ng chapel kung saan may malaking kahoy doon na palagi naming tinatambayan ng mga pinsan ko kapag sarado ang chapel. Humihingal akong napahawak sa malaking kahoy ng Narra. Paulit-ulit kong hinahagod ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Paulit-ulit akong napapaubo habang hinahabol ang hininga. Pakiramdam ko kasi wala na akong matanggap na hangin kahit mahangin naman sa labas. Ilang minuto ko din ginawa 'yon hanggang sa bumalik na ang normal na paghinga ko. Pinunasan ko ang mga natutuyong luha sa aking mga mata. Umupo ako sa damuhan at huminga ng sariwang hangin. He said he came here to clear up things with me but for me he came here to hurt me– again. To make me remember all the pains of heartbreaks and loneliness I went through because of him. He shouldn't come back here. Hindi na lang sana siya nagpakita pa sa'kin. Inis kong binagsak ang cellphone ko sa damuhan pero pinulot ko rin 'yon nang makitang iba na ang nasa screen lock wallpaper ko. Napanganga ako nang mabasa ko 'yon Hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang cellphone ko at pinalitan ng inspiration Godly quotes. Hindi ko mapigilang matawa ng pagak. Kahit parang insulto ito sa akin dahil parang sinasabi lang niya na hindi pa rin ako nakakamove-on sa kanya. Iyon kasi ang dating sa akin. At kahit alam ko ding hindi na mangyayaring makahanap ako ng iba dahil hindi na naman ako aabot no'n pero mabuti naman at nalaman niyang hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Binagsak ko ulit 'yon sa lupa at tumingala sa langit. Muntik pa akong simigaw ng malakas nang makita ko ang dalawang kulay gray na pares ng mga mata na sumisilip sa akin sa hugis bilog na paraang bintana sa pader. "Are you okay?"
Nice story
31/07/2024
0gandaa
18/07/2024
0good
15/07/2024
0ดูทั้งหมด