logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 SNOOTY JOURNALISTS

"We are still not sure if they are permanently dead. May posibilidad na mabuhay muli sila kaya tara na,bago pa nila tayo makain."
I was pulled back to reality by a commanding voice from a soldier.
Hindi na ito nagpaligoy-ligoy at hinila ako papunta sa scanning room. I stayed silent until my turn. Laking pasalamat ko na lamang dahil hindi ako nahawaan ng sakit.
Pagkatapos ko ay tahimik akong lumabas habang unti-unting prinopropseso ng utak ko ang mga nangyayari.
Nakayuko lamang ako sumunod sa mga armadong lalaki hanggang marinig kong bumukas ang mataas at makapal na pinto. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at doon ko nakita ang natirang lugar, the Phyxon.
Umawang ang bibig ko sa mangha habang nililibot ang mata ko sa bawat matatayog na buildings. The place are surrounded by walls with metal, and the security are all over the place as if we're in other planets. As we enter through the city, I felt so nauseous and I don't know why.
The place was organized. But it felt so dull. The whole place was crowded with advanced technology and no green nature founded. The place was almost a prison to me,
''Sumunod ka dadalhin kita sa bakanteng kwarto.''
Rinig kong wika ng katabi kong sundalo at bahagya akong siniko bilang pag utos.
Hindi ako makapaniwalang sinundan siya ng tingin, sumulyap ako saglit sa paligid at doon napagtanto na ang mga kasama niya kanina pa nagkanya kanya ng direksiyon,
''Tsss...''
umiiling kong untag bago nakapamulsang sinundan ang nauna ng maglakad.
Sa paglalakad ay hindi ko parin maiwasan ilibot ang aking mga mata, lahat ng tao ay may panapal sa bibig habang tutok sa kanilang lakad. Nayukom ko ang aking palad bigla sa pag iisip na lahat ng mga ito ay may angat sa buhay at naiwan sa labas ang mga nasa mababang estado. . . Anger suddenly woke up in my body, I even hear the frantic thumping of my heart.
Pagpasok namin sa isang building ay iba't ibang mata ang dumapo sa akin na animo'y isa akong artista. Diretso lang kami pumasok sa elevator at nasulyapan kong pinindot ito ng sundalo sa 30th floor.
Walang kibo lang ako sumandal sa aking likuran habang hinihintay ang elevator bumukas. Sumulyap ako sa sundalong katabi ko na diretso lang ang tingin habang mariim na hawak ang kanyang armas. Nang maramdaman kong papalingon ito ay agad kong pinihit ang aking ulo at nag aktong normal.
Bumukas ang elevator kaya automatiko akong naglakad palabas at doon bumungad sa akin ang nakahilerang mga kwarto na sakop parin ng technology. Kusang bumagal ang lakad ko nang sinuyod ko ang lugar, lahat ay sarado at tahimik na kahit tapak ko ay maririnig.
Napatigil ako at nasinghap nang may naramdaman akong matigas na sumiko sa balikat ko, mabilis na gumuhit ang linya sa noo ko sabay tingin kung ano ito, nguso pala ng baril. . . tiningnan ko ang may hawak nito,
''Ang hilig mo maniko kanina ka pa ah!''
Singhal ko sa sundalong gumaya sa akin.
Ngumingiwi kong hinimas ang kabila kong balikat. Akala mo hindi sundalo, nanakit. Tsk!
''Wag kang mareklamo, pasalamat ka naligtas ka namin kanina.''
Pagsumbat nito habang palinga linga sa paligid.
Tahimik akong napairap.
Like I wanted to, duh. Mas gugustuhin ko pang lapahin nalang ako doon kesa mapunta sa kinasusuklam kong lugar. Kung wala lang ako kailangan dito 'e hindi ako sasama, as if!
''Hanggang dito nalang ako,''
Lumapit siyang bahagya sa akin at tinuro ang isang nakahilerang mga kwarto,
''Doon, dumiretso ka sa pangalawang kwarto. Bakante iyon kaya doon ka manatili.''
Singkit mata kong tinanaw ang direksiyon ng kanyang kamay, hindi naman kalayuan ilang metro lang mula sa kinatatayuan namin. Hindi ko alam bakit hanggang dito nalang siya pero napabuntong hininga nalang ako sa walang magawa.
I bitterly nodded,
''Okay,'' and I walk with my hands on my pockets
Kung iniisip nilang magpapasalamat ako sa pagligtas nila sa akin ay nagkakamali sila. I will never be thankful nor be grateful to them for saving me. Pagkatapos nilang hayaan ang magulang kong mamatay ay maiisip ko pa bang magpasalamat?
Heck, no!
Kahit dinala ako dito sa ligtas na lugar hinding hindi ko maiisip na magpasalamat at wala akong balak na pagkatiwalaan sila, as if hindi ko alam na may purpose sila kung bakit dinala rito ang mga nakaangat na tao.
Wala silang gagawin na ganito kung walang kapalit, and I promise... I'll find out.
Pinasadahan ko ng tingin ang pinto ng kwartong sinabi ng sundalo, huminga ako ng malalim at akma na sana itong pipihitin nang may narinig akong ingay, hindi ingay katulad ng kanina kundi ingay ng isang grupo. Dahil sa kuriosidad ay pumihit akong paharap kasabay ng paglunok ko, hawak ang balisong sa aking likod ay dahan dahan akong naglakad at doon nakita ang nakasiwang na pinto.
Pasimple ko itong sinipat at doon nakita ang pitong magbabarkada na seryosong nag uusap habang ang isa ay merong hawak na malaking papel na parang isang mapa.
Sino ang mga ito?
Agad na tanong sa isip ko at bago pa ako makalapit ay napalingon na sila sa gawi ko dahilan para sunod sunod akong napalunok. Aatras na sana ako pabalik pero huli na ang lahat ng nahawakan na ako ng isang lalaki sa aking pulsuhan,
"What are you doing here?"
Bumakas ang malamig na ekspresyon sa kaniyang mukha, gayon din ako. Sinubukan kong magpatay-malisya,
"Nothing, I just thought this is my room,"
Kaswal kong tugon at saka mabilis na binawi ang pulsuhan kong kay higpit nitong hawak. Nagmadali akong dumiretso sa aking kuwarto, ngunit bago pa ako maka-pasok sa kuwarto ay nakarinig ako ng mga yabag na tima nagmamadali,
"Cairo, sino 'yan?"
"Bagong salta, panigurado."
"Did she saw anything?"
"Wala, kung mayro'n man, ipatikom mo ang bibig kay Linzee."
Their voices were hushed and speaking calmly. Nagmistula akong hangin sa kanilang mga mata kahit na alam nilang maririnig ko ito. Inis kong pinihit ang pinto ng aking kuwarto at saka nagmadaling ibinalibag. It's been a tiring day. I need some rest.
***

หนังสือแสดงความคิดเห็น (84)

  • avatar
    Kha Ia

    nice to ilike thisgame play this game

    4d

      0
  • avatar
    Jarell Distajo

    greatt

    13d

      0
  • avatar
    Rolando Padilla Jr.

    Gghgvvvh

    27d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด