logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

DARE NOT TO LOVE ME

DARE NOT TO LOVE ME

CharmDamn


บทที่ 1 HER LOST HOPE

PROLOGUE
Ilang gabi na bang straight ang duty niya sa bar na ito? 3 nights? Haist nakakapagod, pero kailangan niyang magsumikap. 2nd year na siya sa kursong HRM at kailangan niyang mas lalong magpursige. Isa pa, baka mapalayas na siya sa boarding house nila. 2 buwan na siyang hindi nakakabayad. Buti nalang at kilala siya ng landlady kung hindi sa kalsada na naman ang abot niya.
"Hey Hellson, sino ba yang tinitingnan mo?" untag ni Felix sa kaibigan. Sinundan niya ng tingin ang mga mata nito.
Napako rin ang kanyang paningin sa isang babaeng nagpupunas ng mesang hindi kalayuan sa pwesto nila.
"Who is she?" tanong ni Hellson sa kaibigan.
"Who's who?"
"That young lady...maganda siya ha..."
"She's only seventeen...working student iyan dito..."
"Really?"
"Hey... don't tell me na interesado ka sa kanya? Maghunos dili ka menor de edad iyan...Mailap sa kahit sino ang isang iyan..."
"Trust me...magiging CLOSE kami niyan..."
"Ang labo mo Hellson... we're already forty...sa tingin mo ba papatol sa iyo ang tulad niya?"
"My dear friend...life begins at forty remember?" ani Hellson kay Felix.
Napailing naman ang huli sa tinuran ng kaibigan.
Maloko talaga kahit kailan. Kaya at the age of 19 naging ama na eh. Buti nalang at hindi siya natulad dito.
Nakaramdam si Wise nang matinding pagkahilo at pananakit ng sikmura. Parang bibigay siya sa sakit. Pero hindi siya pwedeng magkasakit ngayon. Kailangan niyang mag-OT para may maidagdag sa pambayad sa matrikula. Kung hindi, baka hindi siya makapag exam. Tinitiis niyang tinapay lang ang kainin para hindi gumastos nang malaki. Dahil sa sobrang determinado siyang makapagtapos ng pag-aaral ay lahat nalang ng maaaring pasukan pinapatos niya.
Kunsabagay, what do you expect sa isang tulad niya?
Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya at hanggang ngayon nasa mental ang nanay niya dahil sa labis na depression. Naawa man siya rito ay wala siyang magawa. Bata pa kasi siya noong mangyari iyon. Dagdagan pa ng walang hiya niyang tiyuhin na minolestiya siya sa edad na 10 taon. Kaya tumakas siya sa kanila at nagpalaboy-laboy sa lansangan.
Buti nalang at nakita sila ng mga tauhan ng DSWD at inalagaan sila, siya...kaya ngayong nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral...Hindi niya ito sasayangin.
Ngunit mas tumindi ang sakit na naramadaman niya sa kanyang sikmura at tila ba gusto niyang maduwal. Butil-butil na pawis ang nagsimulang mamuo sa kanyang noo at bago pa siya nakahuma ay umikot ang paningin niya. Sobrang sakit ng ulo niya.
Bagamat walang lakas ay alam niyang may mga bisig na sumalo sa kanya.
"Are you okay?" naulinigan niyang tanong nito ngunit hindi naman siya makapagsalita. Hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng kadiliman.
Nagising si Wise sa hindi pamilyar na lugar sa kanya. At base sa nakikita niya, mukhang nasa hospital siya.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaking kakikitaan ng kakisigan at literal na gwapo kahit mukhang nasa late 30s na ito o early 40s.
"Hi, how are you?" tanong nito sa kanya at inilapag ang pagkaing dala sa side table ng kamang kinahihigaan niya.
"Mabuti naman po" mahinang sagot niya. Naiilang siya sa mga titig nito.
"I'm Mr. Hellson Lee, you can call me Son if you want..." pagpapakilala nito sa kanya at inilahad pa ang palad.
Bantulot niyang inabot ang kamay nito.
"Ako po si Wise.." pagpapakilala niya rin dito.
"Wise nice name ha...anyway you collapsed last night..."
"At tinulungan niyo po akong madala rito?"
"Yes, I asked your boss kung sino ang pwedeng makontak para ipaalam ang nangyari sa iyo but they can't give me even one number...so I decided na dalhin ka nalang dito"
"Salamat sir..."
"So I really looked old para tawagin mong sir?"
Napatingin siya rito. Hindi naman talaga ito mukhang matanda kung iisipin. He's handsome and alam niyang alaga nito ang sarili. He's wearing a white shirt at bakat ang matipunong pangangatawan nito. Kung baga sa mga term na ginagamit ng mga kabataan "pack na pack" ang isang ito.
"Actually hindi naman..." nahihiyang sagot niya.
"So why not call me Son? Feeling ko kasi ang tanda ko na"
"O sige Son nalang itatawag ko sa iyo..."
Ngumiti naman ang huli at inaya siyang kumain.
"According to the doctor, may ulcer ka. Ang bata mo pa may ulcer ka na?"
"Naku hindi ako pwedeng magkasakit..." nag-aalalang naibulas niya.
"Hindi ka magkakasakit kung kakain ka nang tama..."
Napayuko siya. Alangan namang sabihin niya rito ang kwento ng buhay niya na kulang nalang ay ipadala niya kay Charo Santos at presto! MMK ang peg niya.
"I'm sorry...na offend ba kita?" tanong ni Hellson sa kanya.
"Wala...uhmm kailangan ko pong makauwi...may exam pa ako bukas..." aniya.
"Wait...stay here.." pigil nito sa kanya nang akma siyang tatayo. Nailang siya sa hawak nito kahit wala naman itong ibang ginagawa.
Napakunot naman ang noo niya sa kinilos nito.
"I'm sorry...it's just that you're still under observation...magpahinga ka muna ako na ang maghahatid sa iyo mamaya kung gusto mo talagang umuwi..."
Muli niyang tinitigan ang lalaking nagpakita sa kanya ng kabutihan.
"I know it's kinda awkward at iisipin mong stranger ako but...I want to help you...I can give you scholarship..." pagkuway turan nito.
Napaisip siya, maganda ang offer pero imposible namang wala itong kapalit.
"At anong kapalit?" tanong niya rito.
"Just study hard and kung gusto mo para mapalagay ang loob mo I'll talk to your parents"
"Wala na akong mga magulang..."
"What do you mean?"
"My father left us and ang mama ko ay nasa mental"
"Is that true?"
"Mukha ba akong gumagawa ng kwento? Kunsabagay, kahit sino naman hindi naniniwala sa akin..."
"I'm sorry I didn't mean to offend you...parang napakatragic lang kasi..."
"Well that's my life...tsaka ano namang mapapala ko kung gagawa ako ng kwento?"
Tinitigan siya nito bago uli nagsalita.
"Eat now para makainom ka ng gamot, may nurse na magmomonitor sa iyo..." ani Hellson at tumayo.
"I have to go, dumaan lang ako to make sure na okay ka na"
"Salamat sir"
"Sir na naman? Akala ko ba okay na tayo sa Son?"
Napakamot siya ng ulo.
"Okay, sige Son...salamat ulit"
Ngumiti lang ito sa kanya bago lumabas doon.
Tinupad ni Son ang sinabi nitong siya ang susundo at maghahatid sa kanya. He introduced himself as his relative para hindi magduda ang mga kaboardmate niya.
He even paid for her rent and give her allowance.
"Naku sobra na, okay na may budget pa ako..."
"No, I insist...here's my card and number...kapag napag-isipan mo ang offer kong scholarship, give me a ring..."
Kinuha niya ang card na inabot nito pero natigilan siya. Paano naman siyang tatawag dito kung wala siyang sariling phone?
"May problem ba?" tanong nito.
"Ah wala...Sige salamat" nahihiyang turan niya. Alangan namang sabihin niya ritong wala siyang sariling telepono at nakikitawag lang siya sa land lady nila.
"Okay I have to go" ani Hellson.
Ngumiti lang siya rito.
"I like it when you smile..." anito at nagpaalam na sa kanya.
Bagamat hindi siya kumbinsido sa tinatakbo ng mga pangyayari, she decided to take the offer of Hellson. Malaking tulong iyon para sa kanya, siguro naman hindi siya nito sisingilin agad.
When she decided to grab the given opportunity, things changed in her life. Nagtransfer siya sa isang magandang school where they thought Hellson is her uncle. Inilipat din siya nito sa isang magandang apartment. Pero bihira naman itong pumunta roon. He just call her every night to check on her at naging routine na nilang dalawa iyon. But she's not that naive para hindi maisip na may kapalit ang lahat. Natatakot nga lang siya sa magiging sagot nito oras na tanungin niya.
"Hello how's your day?" tanong ni Hellson sa kabilang linya. Maingay ang lugar kung saan ito naroon at kung hindi siya nagkakamali, nasa bar ito or something.
"I'm doing good, thanks sa allowance. Bakit nga pala every week, hindi ba dapat every 3 months ang allowance ko sa scholarship?"
"Can we meet? May sasabihin lang ako sa iyo..." his voice is husky and parang nahihirapan ito sa sinasabi sa kanya.
"Ikaw...kaya lang late na..."
"It's okay...I can still manage to drive..."
"Ikaw ang bahala..."
"I'm coming sweetie...just wait for me..."
Natigilan siya. Nanlamig ang buo niyang katawan sa narinig na endearment call nito sa kanya.
Ito na nga bang sinasabi niya, mukhang mapapasubo siya sa sitwasyon. Naku naman Wise, anong pinaggagawa mo?
Halos isang oras din siyang naghintay bago nakarating si Hellson. Nakainom ito, iyon ang nasiguro niya ng mapagbuksan ito ng pinto.
She tried to distance herself but he hug her tight.
"Son...." aniyang naiilang sa yakap nito.
"I like you Wise...no...I think I love you..." anitong sa kanya na ikinagimbal niya.
So she's right from the start. Pero hindi naman pwede, alam niyang may asawa na ito at may problem lang sila. Baka nagkakamali lang si Hellson sa sinasabi niya.
"I don't know when did it happen Wise...but what I said is true" anito sa kanyang kinulong ang mukha niya sa mga palad nito.
Napalunok si Wise. She felt something special to Son pero hindi niya matukoy kung love ba ang tawag doon. Dahil sa lahat ng mga salita isa ang LOVE sa hindi niya pinaniniwalaan. Baka father image lang ang sa kanya dahil inaalagaan siya nito.
"I'm sorry...I'm afraid that I can't give back what you're asking me to do..."
"It's okay...I understand...I'm willing to wait Wise..." then he kiss her.
Napapikit na lamang siya. She's preparing herself sa maaaring susunod na mangyari sa kanila. But it didn't happen. Tumigil si Hellson sa ginagawa ng maramdamang tila nanigas ang katawan niya.
"It's okay naiintindihan kita..." anito at hinalikan siyang muli sa labi.
Hindi lang isang beses na nangyari ang ganoong tagpo sa kanila. Naulit pa iyon ng ilang beses. But he didn't insist what he wants kapag nakikita niyang iba ang reaksyon ni Wise.
"Sleep now...may pasok pa tayo bukas" anito sa kanya.
Pinilit niyang makatulog. Pero hindi siya dalawin ng antok. Mali man ang nangyayari, parang wala siyang lakas na putulin ang relasyong meron sila. Even though she's staring to hate herself being Hellson's other woman.
Nagtaka siya ng may tumawag sa kanya sa entrance ng school. Papasok na sana siya sa class niya ng araw na iyon.
"Wise Figueroa right?" tanong ng babaeng nasa late 30's na.
"Yes po" sagot naman niya ng nakangiti.
Isang sampal ang isinagot nito sa kanya na ikinagulat niya.
"You're a whore!" sigaw nito. Sabay haklot ng buhok niya.
"Miss nasasaktan ako" sigaw niya ng kaladkarin siya nito.
"That's isn't enough para sa sakit na nararamdaman ko! You're so pathetic! Ang kapal ng mukha mo, asawa ko pa ang kinalantari mo...para ano makapag-aral ka? Pwes! I'm telling you you're not wise enough Wise...tanga ka para patulan ang asawa ko!" puno ng galit na turan nito.
Nagsimulang magbulungan ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng babae.
"I'm Hellson Lee's wife for your information...at ang tulad mong higad ay hindi dapat tinotolerate!"
Hindi siya makapagsalita lalo na ng makita niya ang Dean ng school na mukhang narinig ang lahat.
Inawat naman ng guard ang asawa ni Hellson na mukhang hindi pa tapos sa kanya. Niyaya ito ng dean sa office. Tinapunan siya nito ng makahulugang tingin.
Hindi ito totoo! Ayaw niyang matigil sa pag-aaral nagsisimula palang siya. Ito ba ang kapalit ng 6 na buwang pakikisama kay Hellson? Parang ngayon palang unti-unti ng gumuguho ang pangarap niya.
She was asked by the dean after an hour. At nagulat siya sa sinabi nito. She is now expelled in the school because of what happened. Umuwi siyang pagod at lulugo-lugo dahil dito but to her surprise may mas malala pa siyang problema. Ang maleta niya ay nasa labas na ng apartment. Naroon ang asawa ni Hellson.
"Leave now..." anito sa kanya.
Lalo siyang nanlumo. Hellson where are you? Bakit mo ako iniwan sa ganitong sitwasyon? Umiiyak na pinulot niya ang ilang damit na nagkalat sa labas ng apartment. Hiyang-hiya siya sa sarili. Lalo siyang nanliit sa katotohanang wala si Hellson sa tabi niya ngayong mas kailangan niya ito.
"Nasaan ka Hellson? Bakit mo ako pinabayaang mag-isa? She cried.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (49)

  • avatar
    Reselda Laura

    maganda kaso sad Ng ending namatay si hellious

    5d

      0
  • avatar
    Ang Elie

    Ohh my gosh

    22d

      0
  • avatar
    Benhar Liwanag

    Leave

    18/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด