logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 4;

Nathan's POV
Habang nasa biyahe kami ni Coleen ay wala syang kibo. Nakatanaw lang sya sa labas ng bintana habang na nakangiti, hindi ko maiwasang mapangiti ngayong kasama ko na sya. Habang nagd-drive ako ay panay rin ang pagsulyap ko sa kanya. Bagay na bagay talaga sa kanya ang suot nya ngayon.
'She's so beautiful tonight...'
Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa tuwing nagaatempt akong magtapat sa kanya ay nauunahan ako ng damdamin ko, at kusang umuurong ang dila ko. Tsk!
'I'm sorry, Coleen. I can't confess my feelings for you... I was afraid... Sorry...'
Ihininto ko ang kotse ko sa harap ng isang mamahaling restaurant na hindi kalayuan sa apartment nila Coleen.
Tumikhim ako. "Uhm, Coleen, gusto mo bang kumain dyan?" nagaalangang tanong ko sa kanya.
Bunaling sya ng tingin sa akin habang nakangiti. "Oo naman, kahit saan. Basta ikaw ang kasama ko, Nathan. Hehehe" nahihiyang usal nya sabay iwas ng kanyang tingin sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa inasal nya. "Okay sige, maghahanap pa tayo ng ibang restaurant. Hehe." todo ngiting sambit ko, muli kong binuhay ang makina ng kotse ko at agad na pinaandar ang kotse ko.
Habang nagbabyahe kami ay binuksan ko ang radio ng kotse ko para naman hindi na kami balutin ng katahimikan, hindi rin kase ako sanay na tahimik si Coleen tuwing kasama ko sya. Nasanay ako na tuwing kasama ko sya na  maingay, palatawa, laging nagbibiro, at lagong nagkukwento, in short hindi ako sanay na kasama ko syang hindu umaandar ang bibig nya. Haysst.
Alam kong may problena talaga sya sa loob-loob nya pero hindi nya lang sinasabi sa akin. Alam kong may kinalaman ang nangyari kanina sa iniisip nya ngayon.
Naawa ako sa kanya? Oo, sobra. Marami na kase syang pasanin sa buhay nya lalo na ngayong sya na ang bumubuhay sa pamilya nila. Wala na syang oras para sa sarili nya. Gusto ko man syang tulungan ay sya rin ang nagkukumbinsi sa akin na kayang-kaya nyang punan ang mga pangangailangan ng kanyang buong pamilya. Yan din ang isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Family is her TOP priority in life. Pero isa rin yan sa kinaiinisan ko sa kanya minsan kase halos makalimutan na nyang asikasuhin ang sarili nya. Palagi na nyang tinitipid ng sobra ang kanyang sarili, at halos lahat ng pera nya ay talagang napupunta sa family nya.
I really love everything about her...
I will do and I will sacrifice anything for her.
Lumipas ang halos isang oras ay nasa byahe pa rin kami. Tahimik pa rin syang nakatanaw sa labas ng bintana. Napabuntong hininga ako at muling bumaling sa daan na tinatahak namin.
Napukaw ng atensyon ko ang kantang kasalukuyang nagp-play sa radio ng kotse ko...
NOW PLAYING: "Ikaw at Ako" by. Moira Dela Torre.
'Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling...'
Yeah, and I think she's already here...
Dumating na sya sa buhay ko...
And this time ayoko na syang mawala...
'At noong dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli...'
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Coleen...
Paano kung umamin ako sayo? May pag-asa bang maging tayo?
'Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata at ang takot kong sakali mang ika'y mawawala...'
Natatakot akong mawala ka sakin... At natatakot din akong may makita kang ibang lalaking mas higit saken... Natatakot ako...
Nakaramdam ako ng takot at lungkot sa naisip kong iyon.
'At ngayon, nandyan ka na 'di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan, 'Di paaasahin 'Di ka sasaktan... Mula noon hanggang ngayon, ikaw at ako...'
Handa ako sa walang hanggan na kasama ka, Coleen... Aalagaan kita at mamahalin sa buong buhay ko.
Pero paano kung hindi ako ang makasama mo? At hindi ikaw ang makasama ko?
"Damn it!!" iritang sigaw ko at sa inis ko ay pinatay ko ang radio ng kotse ko.
Gulat na napabaling ng tingin sa akin si Coleen. "N-Nathan? Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong nya sa akin.
Hindi ako umimik at pinanatiling nakatuon lang ang pansin sa kalsada.
Nakakainis!
Bakit ba kase ang duwag-duwag ko! Peste!
"Nathan? Okay ka lang ba? May problema ba?" muling tanong nya pa.
Ihininto ko sa isang park ang kotse ko at agad na napabuga ng hangin.
Binalingan ko ng tingin si Coleen. Tinitigan ko ang mukha nya. Nag-aalala sya sa inaasal ko ngayon.
"I'm sorry, Coleen." Wala sa sariling usal ko habang nakayuko.
"Teka Nathan, Bakit ka nagsosorry?" naguguluhan nyang tanong.
Hinawakan nya ang kamay ko. "Sabihin mo sakin, may problema ka ba? Nathan, nandito ako. Sabihin mo sakin kung anong problema." nakangiting usal ni Coleen sa akin.
Tinitigan kong muli ang kanyang mukha. Mula sa mga magandang mata nya, sa kanyang matangos na ilong, hanggang sa mga mapulang labi nya.
Napalunok ako ng huminto sa labi nya ang aking tingin. Parang nanuyo ang lalamunan ko.
Pilit kong pinigilan ko ang sarili ko. Pero naunahan na ako ng bugso nang damdamin ko.
Hinawakan ko ang pisngi nya at dahan-dahang hinamas yon habang nananatili ang tingin sa kanyang mga mata.
Napangiti ako. "Mahal kita, Coleen. Mahal na Mahal kita ng higit pa sa inaakala mo..." wala sa sariling naiusal ko.
"N-Nathan..."
"Simula pa noon, Coleen, mahal na mahal na kita. Hindi ko inaakalang mas titindi ang nararamdaman ko para sayo, Coleen." usal ko pa hanggang sa magsunod-sunod na ang paglunok ko dahil muling dumapo ang tingin ko sa mga labi nya.
Agad na nanubig ang mga mata nya. Tinangka nyang lumayo sa akin ngunit agad kong nahawakan ang braso nya at marahang hinila palapit sa akin.
Bakas ang gulat sa mga mata nya. Kumikibot-kibot din ang mga labi nya.
"Mahal kita, Coleen. Mahal kita higit pa sa buhay ko. Handa kong gawin at isakripisyo ang kahit ano para sayo." nakangiting usal ko habang nakatitig sa mga mata nyang nanunubig.
"Ikaw ang mundo ko, simula noon hanggang ngayon." sinserong saad ko.
"Mahal na Mahal kita, Coleen... At patuloy pa ring minamahal..." naluluhang usal ko.
"Nathan..." tanging usal na lumabas sa bibig ni Coleen habang dahan-dahang lumalandas ang mga luha nya sa kanyang mga pisngi.
Pinunasahan ko ang mga luhang lumandas sa pisngi nya gamit ang dalawang hinlalaki ko.
Una kong hinalikan ang noo nya. Napapikit ako ng mariin ng halikan ko sya sa Noo.
Sunod kong hinalikan ang kanyang ilong.
Muli kong minulat ang aking mga mata at tumitig sa mga mata nya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang nilapit ang aking mukha sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng aking labi sa labi nya.
Siniil ko ang itaas na labi nya at dinama ang pakiramdam ko. Para akong nasa langit. Napakasaya ng puso ko ngayon.
Parang ayaw ko nang matapos ang gabing ito...
Lumandas ang aking kanang kamay sa batok niya at mas inilapit pa ang mukha nya sa akin.
Hindi sya nagpumiglas sa ginawa ko.
Lumandas ang mga halik ko sa kanyang panga...
"Nathan...." usal nya habang marahan akong tinutulak palayo sa kanya pero hindi ko inalintana yun. Mas lalo ko pa syang hinigit palapit sa akin.
Bumaba sa Leeg nya ang halik ko...
Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Napakasarap sa pakiramdam. Saya lang ang nararamdam ko ngayon.
"Nathan, please tama na..." pahina ng pahinang usal nya habang tinutulak ako.
Bumalik ang ulirat ko ng marinig ko ang mahinang pag-iyak ni Coleen.
"Nathan, please tama na." umiiyak nang usal nya.
Agad ko syang binitawan. Agad na kinain ang sistema ko ng pangongonsensya. Mali ang nagawa ko sa kanya. Nabastos ko sya.
"I-I'm so sorry, Coleen." napahiyang usal ko.
Hindi sya umimik at patuloy lang sa pag-iyak.
Tinangka ko syang patahanin pero bago pa ako makalapit ay pinasan na nya ang mga luha nya.
"Kalimutan nalang natin yung nangyari, Nathan." seryosong usal nya habang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Nakaramdam ako ng Guilt sa ginawa ko. Alam kong nagalit sya sa ginawa ko. Nabastos ko sya at maling-mali yun.
"I'm Sorry, Co---"
"Iuwi mo nalang ako. Gusto ko nang matulog. Pagod na ako ngayon araw. Please lang Nathan." seryoso pa ring usal nya kaya natahimik nalang ako.
"May hiling lang sana ako sayo." seryosong usal nya.
"A-Ano yun?" pilit kong tinago ang kabang nararamdaman.
"Bigyan mo ng trabaho si Andrea sa Company nyo, yun lang. Ayoko syang mahirapan maghanap ng trabaho."
"Oo naman, s-sure." puno ng kabang usal ko kasabay ng pagbuhay ko sa makina ng kotse ko.
"At kung pwede lang, wag nang uulitin yung ginawa mo kanina, dahil hindi ako natuwa. Umuwi na tayo. Ako nang bahala kay Andrea na magpaliwanag kung bakit wala akong dala para sa kanya." seryosong usal nya habang nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Oo sige, C-Coleen." malungkot kong usal. At agad na pinaandar ang kotse ko.
Tahimik ang byahe namin pauwi sa apartment nila Coleen. Wala syang kibo at nakatitig lang sa labas ng bintana.
Maling-mali ang ginawa ko sa kanya. At dapat ko yung pagdusahan. I felt so guilty for what I've did.
Nang makarating kami sa tapat ng apartment nila ay agad na syang bumaba sa kotse ng hindi man lang nagpaalam.
At wala man lang GOODNIGHT na nanggaling sa kanya. Haysst!
Bobo ka kase, Nathan! Bwiset!
Agad akong bumaba sa kotse at humabol sa kanya. Gusto kong humingi ng sorry kahit na ilang libong beses pa, basta mapatawad nya lang ako. Pero mukhang kulang pa ang Isang Milyong "SORRY" dahil alam kong nabastos ko sya.
"Coleen!" sigaw ko at agad na humabol sa kanya. Agad kong hinawakan ang braso nya, na nagpatigil sa kanya.
"Umuwi ka na, Nathan." seryosong usal nya habang iwas ang tingin sa akin.
"Uuwi lang ako kapag hindi ka na galit saken, Coleen." sinserong usal ko naman sa kanya at pilit na tinititigan ang kanyang mga mata.
"Uuwi ka ba o tatawag ako sa barangay?!" inis nyang singhal sa akin na ikinagulat ko.
Pabalang nyang binawi ang braso nya sa akin at matalim akong tinitigan sa mata.
"Umuwi ka na." inis nyang usal sa mismong mukha ko, napaatras ako sa ginawa nya. Agad na nya akong tinalikuran at dali-daling pumasok sa gate ng apartment nila.
Parang dinurog ang puso ko sa inasal sa akin ni Coleen. Talagang galit na galit sya saken. Paano na 'to?!
Wala sa sariling napasabunot ako sa mismong buhok ko dahil sa inis. Sinapak ko rin ang pintuan ng kotse ko. Hindi pa ako nakontento at pinagsisipa ko pa ang harapan ng kotse ko.
Ramdam ko ang ang paglandas ng mga luha sa mata ko. Dismayadong-dismayado ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko.
Agad akong pumasok sa aking kotse at pinaandar yun papalayo sa apartment nila Coleen. Hanggang sa huminto ako sa tapat ng isang 24 hours na Bar na medyo malayo-layo sa apartment nila Coleen.
Pinark ko ang aking kotse sa parking lot nito at agad na pumasok sa loob nito.
I'm so sorry, Coleen.
Coleen's POV
Nagulat ako sa inasal sa akin kanina ni Nathan. Lalo na sa ginawa nya sa akin. Basta nya nalang kase akong hinalikan sa labi at sinabing mahal na mahal nya ako.
Pero ang ginawa nya ay hindi pagmamahal para sa akin.
Parang hindi ko na kilala ang Nathan na nakasama ko kanina. Para bang ibang tao sya.
Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ay agad nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Masakit para sa akin na ipagtabuyan si Nathan pero hindi ko pa sya kayang harapin ngayon. Hindi pa nagsisink in sa akin ang mga nangyari kanina, masyado pang magulo ang isip ko.
Pinunasan ko muna ang mga luhang lumandas sa pisngi ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Oh, anong nangyari bes?" bungad na tanong ni Andrea sa akin. Pero nagdare-daretso lang ako papunta sa kusina.
Lutang ang isip ko ngayon at masyado akong dapat intindihin, pero hindi ko kaya! Lintek!
"Hoy! Coleen! Sumagot ka nga! Kausapin mo ko!" ramdam ko ang pagsunod sakin ni Andrea sa kusina.
Lumagok ako ng malamig na tubig at muling naglakad papunta naman na sa kwarto ko.
"Hoy Ano ba!? May nangyari ba?! Coleen!" sigaw pa ni Andrea pero hindi ko pa rin sya sinasagot.
Hanggang sa makarating ako sa labas ng kwarto ko, agad akong pumasok doon at nilock ang pinto ko.
"Coleen! Ano ba!? Kausapin mo naman ako oh?!" katok pa nya pero hindi ako umimik at pabagsak lang na humiga sa aking kama.
"Coleen?! Ano ba?! Nasan na yung take out mo para saken?!"
"Bukas, kakausapin ka ni Nathan para sa trabaho mo, Bess. Sorry, pero bukas nalang tayo mag-usap. Pagod ako. Good night." malungkot na sigaw ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nya mula sa labas ng kwarto ko.
"Okay, sige Bess. Sorry kung makulit ako. Good night din bess."
"Kapag may problems ka bess, sabihin mo lang sa akin. Nandito lang ako para sayo. Handa akong makinig sa mga ikukuwento mo. Nandito lang ako para sayo, Coleen. Wag kang mahihiyang sabihin sa akin ang mga problema mo, kase kaibigan mo ko at trabaho kong pakinggan at damayan ka sa mga problema mo. Sige, Bye na. Bukas nalang. Sleep tight. Sweet dreams, Bess." huling lintanya nya.
Malalim akong napabuntong hininga, kasabay ng muling paglandas ng mga luha ko sa aking pisngi.
Niyakap ko nalang ang unan ko at doon binuhos ang mga luha ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
~•~

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    🥰🥰🥰🥰🥰🥰

    11d

      0
  • avatar
    allanicricyl mae

    It's Super Nice I like it!. please update the next chapter..

    26d

      0
  • avatar
    Daryl Christoff Padernal Guerrero

    Very interesting!

    11/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด