logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

1. LIHIM

Asin, paminta at bitsin, pagkatapos kong isaboy ang mga ito sa isda bilang pangtimpla, binuksan ko na ang gasul at pinihit ang switch, lumabas ang kulay asul at kahel na apoy lumaki ito nang lumaki.
Mula sa madilim na kalangitan isang malaking apoy na may kasamang maitim na usok ang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran. Nasilayan ko ang aking batang sarili sa gitna nang nagkakagulong tao. Sumisigaw, umiiyak at naghahanap.
"Grace!"
"Grace!"
Mula sa kumpulan ng mga tao, isang imahe ng isang babae ang lumapit sa akin, ang kanyang makinis na mukha ay unti-unting nagkaroon ng mga kulubot at ang kanyang itim na buhok ay unti-unting nagkaroon ng puting buhok.
"Umuusok na ang kawali! Ano bang tinutulala mo diyan! Susunugin mo ba ang kawali!" Ah, nagluluto nga pala ako. Kung may mga bagay akong madaling makalimutan pero ang pangyayaring 'yon ay hindi ko makalimutan kahit na gustong-gusto ko na itong alisin sa aking alaala.
"Ako na nga rito, pakainin mo na lang si Snow." Kinuha na sa 'kin ni nanay ang sandok at binigay naman nya sa 'kin ang pagkain ni Snow.
Umakyat na ako sa ikatlong palapag ng bahay at lumiko sa kanan kung saan ay may madadaanan akong maraming pinto, napatigil na ako sa isang pinto na may isa pang maliit na pinto sa ilalim. May nakasabit dito na maliit na white board na may nakasulat na Snow at may pa-design pa ito. Siguradong si madam Veronica ang may gawa nito, mahilig siya sa mga cute stuff.
Binuksan ko na lang ito at sinalubong ako ng tahol ng isang aso. "worf! worf!" Agad itong tumakbo sa akin na tumatalon-talon pa at pumapaikot-ikot pa sa akin. Halata naman na gutom na siya dahil sa buntot nitong hindi mapakali at ang nakalabas nitong dila. "Worf!" Daig pa 'ko ng aso sa kasosyalan, may sarili siyang kuwarto, ang dami nyang laroon at may tagahatid pa sa kanya ng pakain, parang prinsesa!
"Sit!" Sumunod naman agad siya, syempre gutom na eh, hindi ko na pinatagal pa at binigay na sa kanya ang pagkain. Habang kumakain ito hindi ko napigilan na haplusin ang kanyang balahibo na kasing puti ng nyebe, sa pagkakatanda ko isa itong golden retriever, kahit na malaki ang katawan nito pero parang bata naman ito kung umasta. Kahit ganito siya, ito naman ang gusto ko sa kanya, siya ang nag-aalis ng mga stress ko.
"Snow, sinong mas gusto mo, 'yung mga amo natin o ako?" Nagpatuloy lang siya sa pagkain, kahit naman hindi siya sumagot alam ko naman kung sino. "Ako di ba, ako ang naghahatid ng pagkain mo, nagpapaligo at naghahanap sa 'yo kapag nawawala ka, ako rin ang tagalinis ng kalat at dumi mo. Kapag hindi mo 'ko pinili hindi na kita bibigyan ng pagkain." Syempre hindi ko magagawa 'yon kundi lagot ako, tinatakot ko lang naman siya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya.
"Snow!" Nang marinig ko ang masayang sigaw ni Dexter agad kong inalis ang kamay ko kay Snow at umurong palayo sa kanya. Lumapit naman si Dexter kay snow at niyakap ito ng napaka higpit. "Good morning." Nakakabatang kapatid siya ni Gavin at kasing edad lang nya ang kapatid ko na 9 years old. Kung kaming dalawa ni Gavin ay sobrang close na para na ring magkapatid, si Carlo at Dexter naman ay kabaliktaran, hindi sila magkasundo.
Umalis na 'ko doon at bumalik na sa kuwarto namin nadatnan ko naman si Carlo sa taas ng double deck na natutulog pa rin. "Carlo, gising na maligo ka na." Pero hindi pa rin ito umiibo, kaya yinugyog ko na siya, tinabig naman nya ang kamay ko at nagtago sa kumot.
Kung sa mga telenovelang napapanood ko sa TV, ang mga kapatid nila ay sobrang sweet sa mga ate at kuya nila pero sa tunay na buhay, mas gugustohin ko pang magkaroon ng kapatid na aso kaysa tao. "Bahala ka, ako na ang mauuna sa 'yo." Nakatapos na 'kong maligo't lahat, ando'n pa rin siya, tulog. Sa ayaw man nya o sa gusto binangon ko na siya at tinulak sa banyo.
Hinain ko na ang pagkain naming dalawa ni Carlo, since naghahanda pa si nanay sa pagkain nina madam, kami ng dalawa ang unang kumain at nag-ayos ng sarili para sa school.
Nang matapos na kami, dumiretso na kaming dalawa sa likod ng bahay na dala-dala ang aming bisikleta. Hindi na kami nagpaalam pa kay nanay dahil siguradong naglilinis pa siya ngayon ng mansion, at sa laki at dami ng mga kuwarto ng bahay na ito mauubos lang ang oras namin kakahanap. Pagkarating namin sa likod ng bahay, umikot pa kami para makarating sa kalsada.
Nang sa wakas at nakarating na kami doon, nadatnan namin si Gavin na naka-upo sa waiting shed, pagkakita nya sa 'min ay muli kong nasilayan ang kanyang ngiti, makita ko lang ang ngiting 'yan napapagaan na nito ang loob ko. "Nandito ka na agad? Maaga pa naman, saka asa'n ang service mo?"
Nang sabihin ko ito ay nawala ang kanyang ngiti, napaltan ito ng busangot, cute. "Grachell, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na sabay tayong pumasok."
"Hindi mo ba na-iisip na mas less hassle ang mag-service kaysa mag-bike kasama ko?"
Kahit na anong sabihin ko makulit pa rin siya gaya ni Snow. "Mas gusto ko 'to makakapag-exercise pa 'ko sa umaga. Wait, si Carlo?"
Napatingin kaming dalawa sa kanan na ngayon ay nagba-bike na si Carlo palayo. "Ang sweet talaga ng batang 'yon," bulong ko, hindi talaga siya tipo ng bata na magsasabi ng bye ate, no, no, no, imposible! Hayy, I miss his younger version.
Nagsimula na si Gavin na mag-bike papuntang silangan, kasalungat sa direksyon na pinuntahan ni Carlo. Kasalukuyan ngayong si Gavin ang nagpapadyak at ako naman ay naka-angkas sa likod nya. Mula sa aking puwesto at sa pagdaloy ng hangin, nagagawa kong maamoy ang kanyang pamango, matapang ito, satingin ko karaniwan ito sa mga lalaki.
Mahigpit akong nakahawak sa kanyang bag, kahit na wala akong salamin para makita ang aking sarili, alam ko na nakangiti ako ngayon. Kung lagi kaming ganito, tahimik na nagbibisikleta at nakatanaw sa asul na dagat na aming nadadaanan, masaya na ako, hindi na ako maghahangad ng higit pa.
Mayamaya rin ay may natatanaw na kaming mga estudyante na naglalakad. "Malapit na tayo---" Naputol ako sa pagsasalita dahil sa biglaang pagpreno ni Gavin. "Bakit, anong nangyari?"
"Mukhang may away na naman," wika ni Gavin na naka-focus pa rin sa unahan.
Bumaba na 'ko sa pagkaka-angkas at mukha ngang tama si Gavin. Sa harapan ng isang tindahan ay may malaking grupo ng mga estudyante na nagkukumpulan pa-ikot, karamihan sa mga nanonood ay mga lalaki, naghihiyawan ang mga ito na parang inu-udyok pa ang kung sino mang nasa gitna nila.
Umalis na rin si Gavin sa pagkaka-angkas sa bike at laking gulat ko ng lumapit si Gavin sa kumpulan. "Gavin!" Pero parang wala siyang narinig at nanatili lang na nakatayo doon, kaya wala na kong nagawa kundi lumapit din doon. Hindi ko naman makita ang kanilang pinapanood dahil sa mga lalaki sa 'king harapan na matatangkad, pero dahil sa 'king puwesto ay malinaw kong naririnig ang malalagutok na ingay na sa tingin ko ay mga suntok.
"Van Patrimonio," ani ni Gavin na walang kahirap-hirap na nakikita ang nangyayari sa gitna, since isa siyang basketball player dito sa school, hindi na nakakapagtaka na matangkad siya. "Nagsisimula na naman siya ng away rito sa school."
Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. "Ah!" Napa-irit na lang ako at ang iba ring mga babae na katabi ko nang bigla na lang humawi ang kumpulan at may lumagapak na katawan sa harap ko! Pulang-pula ang mata nito, may tumutulong dugo sa kanyang ilong at bibig, at hindi ko alam kung tama ba pero 'yung ilong nya parang, parang nabasag ang ilong nya!
Hindi ko na nakayanan ang nakikita ko kaya pinikit ko na ang aking mata. "Buhay pa ba siya." hindi ko ma-iwasang isipin, pa'no kung... pa'no kung---
"Oh, Grachell?" Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, napupuno rin siya ng dugo pero hindi naman kasing lala ng lalaki na nasa sahig. Mukhang siya at ang lalaki sa sahig ang pinagkakaguluhan ng mga tao. "Tsk, wrong timing," muling sabi ng lalaki na tumawag sa 'kin, "huwag kang mag-alala buhay pa siya, humihinga pa siya," sabi nito at sinipa ang lalaki na nasa sahig.
"Ah!" Paginda ng lalaki na nasa sahig.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko, ayoko na nito. "Gavin, tara na."
Pero lumapit naman 'yung lalaki sa akin, nang makita ko nang malapitan ang dugo at ang malansang amoy nito, sumasakit ang sitmura ko. "Grachell, ah... sorry sa nangyari noong isang araw sa pagtapon sa 'yo ng juice, nadala lang ng init ng ulo." So siya pala 'yon! "Hindi naman kasi ako makapaniwala na all this time, hindi mo pala ako kilala." May kinuha siyang kuwintas mula sa kanyang bulsa at tila inaabot nya ito sa 'kin. "Sorry," aniya. Pero makita lang ang dugo sa kanyang kamay, pakiramdam ko ay maduduwal ako! Hindi ko na kaya, hinila ko na si Gavin at nagsimula nang maglakad paalis doon.
"Grachell, hindi mo man lamang ba tatanggapin 'to!" Muling sigaw ng lalaki.
Hinarap naman siya ni Gavin. "Van, huwag mo na siyang pilitin."
"Ah! So ikaw na pala si Grachell ngayon, babae ka pala dude, hindi ko alam." Nang sabihin ito 'nung lalaki ay nagtawanan naman ang nakarinig nito.
"Oooh, away na 'yan! Away na 'yan!" Pag-uudyok ng mga tao sa paligid.
Hinila ko na si Gavin at baka kung ano pa ang gawin nito. "Huwag mo na siyang patulan." Saka mukhang hindi ko na mapipigilan, masusuka na 'ko! Dali-dali na kaming naglakad.
"Grachell! Kapag hindi ka huminto, magsisisi ka!" Hindi ko na pinansin ang lalaking 'yon na wala 'atang alam sa buhay kundi ay maghanap ng gulo. "Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan!" Ito ang huli nyang sinabi.
-At Girls Restroom-
Sa wakas nalabas ko na rin ang kanina ko pang iniinda. Nasa school na 'ko ngayon, hindi kagaya sa bahay dito sa school hindi ako alipin.
Speaking of, 'yong lalaki kanina sabi nya siya 'yung nagtapon sa 'kin ng juice no'ng isang araw at base sa suot nyang uniform, it's the uniform of St. Eagle High School. Meaning to say, we're studying at the same school! "Arg!" Napahawak ako sa buhok ko sa inis. "Anong gagawin ko, alam nya na nakatira ako kay na Gavin!"
*****
Habang nakaupo ako sa loob ng section 1 ay lumilipad ang isipan ko sa nangyari kanina. Kasalukuyan ngayong naguusap ang mga kaibigan ko, hindi ako pumapasok sa usapan, wala ako sa mood ngayon pero mukhang pinag-uusapan nila ang nangyari sa labas ng school.
"Balita ko may away raw kanina," ani ni Micka na tila buhay na buhay nang sinabi nya ito, well hindi na nakakapagtaka sa kanya dahil mahilig siya sa mga ganito, hindi nya yata kailanman magagawang itikom ang bibig nya kahit na sampong segundo lang, sa aming apat siya ang pinaka madaldal.
"Really?" Wika naman ni Lyka habang nakatingin sa salamin na naglalagay ng eyebrow pencil sa kanyang kilay. Sa aming apat siya naman ang pinaka kikay, hinding-hindi siya puweding lumabas ng bahay o pumasok sa school na hindi naka-ayos, minsan nga nagtataka ako ba't hindi siya ang muse ng section namin.
"Si Patrimonio na naman ang may pakana," pagpapatuloy ni Micka sa kanyang storya, it's true though, I saw it in my own eyes.
Napasimangot naman si CA. [pronunciation: C. A.] "Hindi nya dapat ginawa 'yon, estudyante siya ng SEHS, puweding madamay ang school natin sa mga kalokohang ginagawa nya." Sa 'ming apat sa tingin ko siya ang angel ng grupo napakabait nya, and I proudly say that she is my cousin.
Sa amin namang apat I think I'm the quietest, I don't say much but I listen and observe a lot. Tipong, mas madami pa 'kong nasasabi sa isip ko, kaysa nilalabas ng bibig ko.
Nilikom na ni Lyka ang make-up nya. "Buti na lang Grachell, hindi mo sinagot ang lalaking 'yon."
Nagtaka naman ako sa sinabi nya. "Did he?"
"Hulaan ko nakalimutan mo na naman no?" Micka said. "He confessed to you a lot of times, elementary days, junior days."
Hinawakan naman ni CA ang kamay ko , "kinukulit ka pa rin ba nya hanggang ngayon?"
Sa nangyari kanina at noong isang araw, "I think so."
Lyka sneered at me. "Really, he's like a stalker," Lyka looked into my eyes. "Grachell, huwag na huwag mong sasagutin ang lalaki na 'yon, caused by just his look, he's creepy."
Sumangayon naman si Micka. "Hh-hmm, sabi nga ng mga kaklase ni Patrimonio lagi daw siyang pumapasok sa school na may mga pasa, sugat, amoy usok at madalas din daw siyang mag-cutting."
"Di kaya, bully siya?" Wika ni CA na may pag-aalala sa kanyang mata.
"Malamang!" Sagot ni Micka.
"Kung hindi lang siya mayaman, napatalsik na 'yon dito," ani ni Lyka na pinagmamasdan ang kanyang kuko na naka-nail polish.
Habang kami ay nag-uusap ay may lumapit naman kay CA na isa naming kaklase na naka-eyeglasses at inabot kay CA ang isang libro. "Thank you," wika nito kay CA at agad na umalis.
Bago mahawakan ni CA ang libro ay ine-s-pray-an muna ito ni Lyka. "CA you're too kind, kung kani-kanino mo pinapahiram ang libro mo, pa'no kung may dala pala siyang germs."
Now I remember, this guy just now siya ang laging pinagdidiskitahan ng mga kaklase ko dahil siguro sa looks nya hindi kagaya ng iba kong kaklase he looks old and dirty, 20 years old na siya pero hanggang ngayon grade 11 pa rin siya, which is understandable dahil sa kalagayan ng buhay nila, he and I are just the same, mahirap.
Ang kaibahan lang ay hindi nila alam.
Natawa naman si Micka sa sinabi ni Lyka. "Parang hindi naligo si Jayson."
Sinaway naman ni CA ang dalawa. "Huwag kayong maingay baka marinig nya kayo."
Lyka proudly said, "I don't care."
Minsan napapaisip ako na mabilis silang makahanap ng bagong topic, na tila hindi sila nauubusan ng topic, pero tumatak sa isipan ko ang tungkol sa lalaking 'yon, na nagtapon sa 'kin ng juice noon, what's his name again? Basta, kung totoo man o hindi ang sinasabi nila tungkol sa kanya dapat ko pa rin siyang layuan!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    AiZa DaTu

    nice story

    3d

      0
  • avatar
    Lå Dÿ Josè

    😍😍😍😍😍😍

    22d

      0
  • avatar
    Jericho Mallillin

    goods

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด