logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3: Endless Screams

Aly
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na katok. Binuksan ko kaagad ang pinto, at laking gulat ko na si Austin pala iyon. May bahid ng pag-aalala ang mukha niya.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, " sabi naman niya.
"Bakit mo naman nasabi iyon? " tanong ko.
"Nine o'clock na, " tipid na sagot niya.
Napatingin ako sa orasan ko. Oo nga pala, marami pa kaming gagawin.
"Galit ba sila? " tanong ko.
"Hindi naman, basta bilisan mo na " sabi niya at saka umalis. Agad naman ako naligo at nagayos. Napansin ko ang jacket ni Austin sa may upuan, hindi ko pa pala naibabalik sa kanya.
" Austin, " tawag ko sa kanya.
"Miss me ? " nakangising sabi niya sa akin
Inirapan ko siya at binigay ang jacket niya.
"Sorry hindi ko nilabhan, " sabi ko naman.
"Ayos lang. I like your smell, " kinindatan niya pa ako
"Isa na naman ba iyan sa mga gawain mo para makuha mo ang mga babaeng gusto mo? " tanong ko.
"No, " sabi niya sa akin.
"Sa totoo lang sila lang naman ang humahabol sa akin, wala naman talaga akong pakialam sa mga babaeng iyon. Hindi ko rin hiniling na ganito akong kagwapo, " paliwanag niya pa.
"Okay? " sabi ko na lang, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala naman akong alam sa mga bagay na iyan.
Matapos kong kumain, agad kaming pumunta sa mini chapel ng lugar. Nakahiwalay ito sa main house at medyo kailangan mong umakyat sa hagdan.
Nilinis lang namin ito, ang sabi ng iba pang volunteer na nakatira na dito ay matagal-tagal na rin nung nagkaroon ng mga batang nagretreat dito. Kaya kinailangan nila ng mga volunteer na mag-aayos sa lugar nito.
Simple lang ang mga gagawin namin kaya nga bukal sa puso akong nag-volunteer.
Linis dito linis doon, not to mention mabaho ang lugar. Dinig na dinig ko nga ang reklamo ng iba pa naming kasama.
Huhulaan ko na kagaya ni Austin napilitan lang sila na pumunta dito.
"Ayos ka lang? " nagulat ako dahil bigla na lang akong nilapitan ni Austin.
"Oo naman, " sabi ko habang nakatingin sa mga kasama namin.
"Ang ingay nila, obvious na napilitan lang pumunta dito gaya mo, " bulong ko sa kanya.
"Sinong may sabi na napilitan lang ako? " tanong naman niya.
"Hindi ba't na suspend ka, dahil nga sa.. " hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko.
"Dahil sa ano? " seryosong tanong niya sa akin. Alam kong alam niya ang dapat kong sasabihin.
"Alam mo na yung sainyo si Sydney, everyone knows it. Sorry, " mahina kong sagot.
"Ayos lang, " matipid niyang ngiti, halatang hindi naman siya maayos.
"Sure? hindi ka naman maayos, " pagpuna ko at halos masampal ko na ang sarili ko dahil kadaldalan. Sabi ko na eh, basta pagnaumpisahan ko hindi na ako titigil.
Magsasalita pa sana si Austin nang makarinig kami ng isang sigaw. Nagmula ito sa isa naming mga kasamahan, sinundan namin ang pinanggalingan ng sigaw.
"Anong nangyari?! " tila aligagang tanong ni Ms. Ana.
Halos hindi makakilos ang babaeng nakaupo na sa lupa, tiningnan namin iyong tinuro niya.
Mga buto ng tao.
"Iyon lang?! Jusko Ara, ang OA mo " inis na sigaw ng babae sa kanya.
"Tinatakot mo naman ang lahat, papansin ka lang " inis na sabi ng babae.
"Alam mo Beverly kung inggit ka sabihin mo na lang sa akin, " bulyaw naman nung Ara.
"Tama na iyan, pagod lang kayo. Magpahinga muna kayo, " sabi naman ni Ms. Ana.
Tumango naman kami at sinundan siya.
"May dating sementeryo dito. Napabayaan na rin dahil konti na lang ang mga residente ng Sitio Luntian, " paliwanag ni Ms. Ana. Siguro alam niyang magtatanong kami dahil sa butong nakita namin kanina.
---------
"Ngayon lang ako nakakita ng buto ng tao, " dinig kong sabi ng isa sa mga lalaki.
Napailing na lang ako.
" Ang lalim naman ng iniisip mo, " napangiti na lang ako nang kausapin ako ni Austin.
"Gusto ko ng umuwi, ang weird ng lugar na ito, " pag-amin ko.
"Really? Balita ko nag-volunteer ka daw dito, " tila namamangha niyang sabi.
"Expectation vs. Reality, " sagot ko na lang.
"Nagvolunteer din akong pumunta dito, " seryoso niyang sabi.
"Para makatakas sa lahat? " tanong ko.
"Pwede, " nakangising sagot niya.
"Everyone thought you and Sydney will last long, longer. Bagay kayo sa isa't - isa, sikat at sikat, " sabi ko naman, naumpisahan ko na kaya dapat kong tapusin.
"Akala ko din, pero mukang hindi ganun ang nangyari, " malungkot niyang sabi.
"No offense pero alam mo si Sydney, well hindi talaga siya yung tipong stick to one at alam iyon ng lahat, " sabi ko naman.
"Alam ko. Akala ko magbabago siya para sa akin, kasi ibang-iba ang ugali niya kapag kasama ko siya, " malungkot na sabi niya.
"Wow. Mahal mo talaga siya, you really love her, " sabi ko pa. Sa totoo lang akala ko laro lang para sa kanila ang relasyon nila. You know, for fun. Base sa pinakikita nila sa mga tao, lalo na ni Austin.
Oops. I guess, I'm wrong. Damn wrong.
"I loved her, at tunay iyong pagmamahal ko sa kanya. Pero mukang iba ang sasabihin ni Sydney, " malungkot na sabi niya.
"Huwag kang mag-alala makikita mo rin ang babaeng para sa iyo, " paninigurado ko. Hindi ko alam ang dapat sabihin dahil wala naman akong alam sa mga ganyan.
"Siya siguro ang first love mo? " tanong ko sa kanya pero umuling siya. I figured. Ang heartthrob na si Austin, marami na siguro siyang "love" .
"Siya ang first girlfriend ko, " sagot niya.
"Really siya palang, asaan iyong iba? Yung mga flings, hindi mo sinama? " gulat ko pero natawa naman siya.
"Saan mo nakuha ang mga rumor na iyan? Wala akong mg flings, siya palang talaga ang naging girlfriend ko. Hindi lahat ng chismis totoo, kaya nga chismis, "  natatawang sabi niya.
"Sorry na, para kasing totoo. Dahil sa dami ng nagkakandarapang babae sa iyo malay ko ba, "sabi ko naman.
"Sabi ko naman hindi ko ngang kasalanan na dahil sa kagwapuhan ko eh naging heartthrob ako, " sagot naman niya.
"At isa hindi lahat nagkakandarapa sa akin, " dagdag niya pa.
"What do you mean? " tanong ko pa.
"My first love, ni hindi nga ako pinapansin. Hindi nga ako makalapit, " malungkot na sabi niya.
"Wow, sino kaya iyong babaeng iyon? " tanong ko naman, hindi naman niya sinagot ang tanong ko at nagsimulang maglakad.
-------
I heard a scream again. This time it's a guy. Sigurado akong may nangyayaring hindi namin alam. Last night, iyong sigaw parang hindi naman sigaw ng isang matandang babae, parang mas bata.
Nakarinig ako ng katok, agad ko itong binuksan.
Si Austin.
May pagaalala sa muka niya. Pinapasok ko siya at sinara ang pinto.
"You heard the scream right? " tanong niya. Tumango ako.
"I don't think we're safe here, " mahina kong sabi.
Napatakip ako ng tenga dahil sa muling pagsigaw ng lalaki.
"Kailangan nating puntahan ang sigaw, " pag-aya sa akin ni Austin.
"Let's pretend we didn't heard it. For now, " pakiusap ko.
"Why? " tanong niya.
"Last night, parang may narinig ako. Dapat wala tayong gawin please, " bulong ko. Napansin kong sobrang lapit namin sa isa't - isa kaya mabilis akong lumayo.
Napangisi naman siya.
"Alam mong tayo lang dalawa dito, " mahina naman niyang sabi sa akin.
"Yeah right, " sabi ko at saka ko siya inirapan.
Tumawa naman siya kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
"We're not safe anywhere, dapat pala nag-absent na lang ako sa school, " sabi ko na lang.
"Paano mo namang nasabing hindi tayo ligtas sa lugar na ito? " tanong naman niya sa akin.
"Ikaw ba naman ang kasama ko, tingnan mo nasa kwarto ko nga ikaw, " biro ko lang.
For some reason. I feel like someone's listening.
END OF CHAPTER 3

หนังสือแสดงความคิดเห็น (104)

  • avatar
    Neca Joy Gorre

    Djht

    6d

      0
  • avatar
    Sian Lee

    maganda

    7d

      0
  • avatar
    Seung Yeon Mhicay

    Amazing

    29d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด