logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5: Weird Scholarship

Zeignah's POV
Alam kong napahiya ko si mama sa harap ng mga kapitbahay. That will be a stain to her reputation as a teacher but I forcefully pushed that thought at the back of my mind.
I came here not to poke my conscience but to make myself feel better.
Sa tuwing masama ang loob ko ay pumupunta ako rito sa convenience store para bumili ng ice cream. The perfect combination of coldness and sweetness calms my system. Sa bawat subo ko ng ice cream ay para nitong inaapula ang nagwawalang apoy na nanggaling sa loob ng sistema ko.
Hindi ko kasi ugaling umiyak kapag galit. Magsasayang lang ako ng tubig sa katawan. Iiyak ako pero wala namang magbabago sa sitwasiyon, sayang lang.
Isa pa ay wala akong oras para magmukmok. Ni wala nga akong alam na lugar kung saan ako pwedeng maglabas ng sama ng loob eh.
"I know a place."
"Pusang gala!"
Napasigaw na lang ako sa gulat nang makita ang isang lalaking nakaupo sa tabi ko. Buti na lang at hindi ko naitapon sa kanya ang hawak kong ice cream.
By the looks of him, I can say that he's a wealthy middle-aged man. Simple mang tignan ang kombinasiyon ng mga damit niya dahil nakasimpleng maong pants at t-shirt lang siya pero ang tatak naman ng mga ito ang nagsasabing marami siyang pera.
Ano naman kayang ginagawa ng isang kagaya niya rito considering that this convenience store isn't even that popular nor pleasing to the eyes. Ang nakakapagtaka pa roon ay alam niya ang iniisip ko!
"Sorry, I didn't mean to startle you," paghingi niya ng paumanhin.
""Hindi 'yon ayos pero h'wag mo na po sanang ulitin pa. It could be risky kung naitapat kayo sa taong mahina ang puso. Baka maging instant murderer pa kayo."
I am serious about that warning but he took it as a joke.
The way he laughed triggered a part of my memory that appears to be vague in my mind. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay narinig ko na ang tawang 'yan, hindi ko nga lang maalala kung saan, paano at bakit.
"Sorry, I didnt mean to make you feel like a laughing stock," paumanhin niyang muli pagkatapos tumawa.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nababahala sa presensiya ng estrangherong ito. His face isn't even familiar - halatang hindi taga rito.
"I'll forgive you only if you'll tell me how did you know what I was thinking about."
"Wild - "
"I am not taking 'wild guess' as an answer. Hindi kapani-paniwala," pagpuputol ko sa sasabihin niya. With that, he looked at me with amusement on his face.
Bumuntong hininga siya habang nakangiti.
"You are one wise lady," pagpansin niya. "Hitsura mo pa lang kasi kanina habang kumakain ng ice cream, alam ko nang masama ang loob mo. If only you saw how violent you stabbed that ice cream with a spoon, you'll be crept out too! Kung may nakakita sa'yong iba ay baka mapagkamalan ka pa nilang psychopath."
Pinanliitan ko siya ng mata. Nakukulangan ako sa paliwanag niya.
He sighed once more but now it's coupled with an eyeroll para bang talagang nakukuha niya ang gusto kong iparating. "It's obvious that you don't know a place to let your emotions out. Hence, you're here practicing murder on that poor ice cream."
Napairap na lang ako sa sinabi niya. Sa galit ko ngayon ay baka hindi lang ice cream ang masaksak ko.
"So, are you interested to check the place I was telling you about?"
Pinanliitan ko siyang muli ng mata. It's weird that I don't feel any danger with the presence of this stranger when actually I dislike talking to people I don't know maliban na lang kung customer. Gayunpaman, ayaw ko namang magpakampante nang sobra.
Maybe this ice cream soothed me too well that I forgot to keep my guards up high.
"You shouldn't worry about my intentions. All I want is to help you. Hindi magandang kinikimkim mo na lang lahat ng sama ng loob. Kapag naipon 'yan - "
"Give me one valid reason why I should trust you," I bluntly demanded.
He looked at me with a smirk and said, "Your gut feeling says it all."
Well, he got a point.
Mabilis ang naging pangyayari. Dahil nga magaan ang loob ko sa esrangherong 'to ay napasakay niya ako sa loob ng kanyang sasakyan. Before I know it, we're on our way to the place he's talking about.
Tahimik ako sa buong biyahe at nakapokus lang sa kalsada na para bang ako ang nagmamaneho. Gusto kong imemorya ang daan para kung sakaling nagkandaleche-leche na ay alam ko kung saan ako babalik.
"Still don't trust me, huh?" he laughingly asked while driving.
"I won't be in your car if - "
"Still, you don't fully trust me," pagpuputol niya saka binigyang diin ang salitang "fully."
"I would be a fool if I'll trust a stranger fully that fast," sagot ko habang ginagaya ang paraan ng pananalita niya.
He just replied with a shrug.
Ilang sandali pa ay may nakita akong isang abandonadong warehouse na binigyang kulay ng mga bandalismo at ilang makukulay na ilaw. Kinilabutan ako sa hitsura ng lugar. Lumala pa ang kilabot nang mapansin kong dito pa yata ang destinasiyon namin.
Habang naghahanap ng parking space itong kasama ko ay may nakita akong isang babae na lumabas mula roon sa warehouse. Mugto ang kanyang mga mata at mukhang pagod habang naglalakad.
"Isang kapatid na naman ang nakaraos."
I looked at him with such horror. Anong ibig niyang sabihin?!
Natawa siya sa reaksiyon ko.
"I hope you won't judge the book by it's cover," wika niya habang kinakalas ang seatbelt.
"I judge the book by its content," I corrected him kahit pa medyo nababahala ako sa hitsura ng lugar.
I unbuckled myself and went out of his car.
"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng kahit kaunting orientation lang?" I asked.
"Nah, I wanna see your genuine reaction once you have a glimpse of what's inside."
Napairap na lang ako. Ang daming arte ng matandang ito.
"I am not old!" pagdedepensa niya.
Teka...
Nahulaan niya ulit ang iniisip ko! Bago ko pa man maisatinig ang tanong ko ay hinila na niya ako papunta sa loob.
I know he's getting satisfied now because I am damn overwhelmed with what I saw. Para itong isang malawak na arena. Umakyat kami sa isang mataas na parte at doon ko lalong nakita ang kaubuan ng lugar.
Puro bandalismo ang pader at nagkalat ang bubog sa sahig. Mukha itong kuta ng nga barumbado pero hindi ako nababahala. Wala na akong nararamdamang kahit anong takot sa mga nakikita ko.
Instead, I feel like there's something that's poking my emotions to burst.
Sa awra ng lugar ay parang ang dami nitong hinahawakang sama ng loob. I can tell it just by looking at the content of the vandals and broken plates.
"I'll place them here," sabi niya habang dahan-dahang ibinababa ang patong-patong na babasaging plato sa gilid ko. "Balikan mo na lang ako kotse once you're done. Please take your time."
Hindi ako makapagsalita but I know what he wants me to do. May mga nababasa rin akong ganito sa nobela.
"Wear these to protect yourself," wika niya sabay abot ng ilang personal protective equiment. "Make sure to let out all of those emotions. Baka hindi na ito maulit pa, sulitin mo na."
And he decided to leave me alone.
I was left with a defeaning silence with the plates. Well, these plates aren't going to break themselves for me. So, I tried throwing a plate for the first time.
It was weak but as soon as it broke, I felt a sense of relief. Sinubukan kong lakasan ito sa pangalawang beses at doon ako mas nasiyahan.
Pumasok sa isip ko ang lahat ng sakit na kinikimkim ko. Hindi lang 'yong nangyari ngayon kung hindi ako inalala ko lahat ng kaya kong alalahanin. Before I could even comprehend, I am shouting as I throw these poor plates agaisnt the wall. Para akong isang babaeng nasisiraan ng bait sa paraaan ko ng pagbato at sa lakas ng pagsigaw ko.
Tears kept on streaming down my face. Hindi ako makapaniwalang lumuluha ako ngayon kasi matagal na panahon na rin mula nang huli akong umiyak. Nasanay na akong kinikimkim ang lahat ng sama ng loob na natatanggap ko.
Siguro ay masiyado na itong naging mabigat kaya bumigay na rin. Parang ulan lang na nanggaling sa nabibigatang ulap.
Habang tumatagal, hindi na lang ulan ang mga luha ko. My tears turned into a storm coupled by thunderous shouts and the flying plates served as lightning.
Nabitin pa ako sa ibinigay niyang plato kaya bumaba ako upang mamulot ng ilang malalaking tipak ng basag na plato para lang basagin ulit. The shard edges gave me small cuts but my system is too preoccupied with the inside pain I am feeling that it refuses to acknowledge my physical wounds.
Hindi ko inakalang ganito pala kasarap sa pakiramdam ang maglabas ng sama ng loob. Nakaupo na ako ngayong sa isang sulok upang pakalmahin ang sarili ko. My body is tired but my insides felt light.
Naibuhos ko lahat sa plato ang galit at sama ng loob ko. Nang maramdaman kong okay na ako ay lumabas na ako upang hanapin ang mamang nagdala sa akin dito.
"So, how did it go?" tanong niya nang mapakasok ako sa sasakyan niya.
"Kita mo sa mata ko at dinig mo mula sa boses ko kung ano ang nangyari sa akin sa loob," sagot ko.
Medyo namaos kasi ang boses ko. Masakit din ang lalamunan ko sa lahat ng pagsigaw na ginawa ko lalo na at wala akong dalang tubig.
"Water?" alok niya.
Hindi ko na tatanungin kung bakit at paano niya nalaman ang iniisip ko dahil magpapalusot lang din naman siya. Tinanggap ko na lang ito dahil nauuhaw na rin naman ako.
"Damn! You must be that exhausted," kantiyaw niya.
Muntik ko kasing maubos ang tubig sa bote.
"Thank you," I genuinely said. "I wish I know your name so I could thank you properly."
"Derek," pagpapakilala niya ng kanyang pangalan.
"Zeignah," sabi ko naman sa pangalan ko.
"Now, we're not strangers anymore," natatawa niyang wika.
Pagkatapos no'n ay inihatid na niya ako pabalik sa convenienve store dahil ayaw kong magpahatid sa bahay. He already knows my name, I can't tell him where I live.
"Salamat ulit," sambit ko saka ambang lalabas ng sasakyan niya pero pinigilan niya lang ako.
"What's that for?" tanong ko nang abutan niya ako ng isang sobreng mag eleganteng stamp.
"This is a scholarship set for Gem Academy which includes an application form and a set of test questions for you to answer. Nandiyan na rin ang address kung saan mo pwedeng ibigay ang sobre kung sakaling interesado ka," paliwanag niya.
"Bakit mo naman ako naisipang bigyan ng ganito?" nagtataka kong tanong.
"Sa loob ng ilang oras na nagkasama tayo, I can easily say that you're one wise lady. Gem Academy deserves a student like you." His explanation seems sceptical to me. "Try it, wala namang mawawala," he seconded.
Kahit na nagtataka, tinanggap ko na lang ang weird na scholarship set ng paaralang may weird din na pangalan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (91)

  • avatar
    Taryudin Abidin

    kakak

    29/07

      0
  • avatar
    Say Decena

    this stroy ay napaka ganda

    15/07

      0
  • avatar
    John Michae Erin

    nice this story

    13/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด