logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

"Ano ba naman yan! Anong oras na oh! Masyado niyo namang kinakarer yang Filipino time!"
Kadadating pa lang namin pero sermon agad ang sumalubong sa amin galing kay Mayora. Mayora Letlet. Siya kasi ang bossing namin eh, in short, pabida siya.
"Pasensya naman noh! Baka may pamilya pa kaming kailangan buhayin." Sarkastiko kong sagot sa kanya habang ngumunguya-nguya pa.
Inirapan niya lang ako at sabay-sabay na kaming pumunta sa gym para tumambay. Doon din namin pag-uusapan ang tungkol sa SK night ng barangay namin. Si ate Sasha kasi ang SK president namin sa barangay, pero dahil nasa Manila siya, nag-aaral, ay kami muna ang inutusan niyang umasikaso dito.
Habang naglalakad kami papunta sa gym ay may nakasalubong kaming isang magandang babae, mga kaedad lang namin o kaya mas bata ng ilang taon, hindi ko pa siya nakikita dito kaya malamang ay sila yung bagong lipat naming kapitbahay, at dahil feeling close nga ako ay nilapitan ko siya.
"Hi, miss beautiful!" Masayahin kong bati sa kanya na ikinagulat niya.
Nakakunot ang noo niya habang tinitignan niya ako at parang nandidire pa.
Tsk! Nandidiri? Baka duraan ko siya dyan eh!
"Aika Jan Cortez! Ang pinaka magandang babae dito sa barangay dos!" Pagkadiin-diin ko ng mga salitang lumalabas sa bibig ko.
"Hoyyy! Aika! Mahiya ka nga, ang pangit mo ngayon tapos ganyan ka magsalita, tumigil ka nga!" Epal na sigaw sa akin ng boy best friend ko.
Binigyan ko lang siya ng nanlilisik na tingin bago ko ibinalik ang tingin sa babaeng kausap at umastang naghihintay ng sagot niya.
"Kyla. Kyla Anne Santos." Mahinhin niyang pakilala.
Nginitian ko naman siya ng napakatamis bago ko siya ulit tinanong.
"Gusto mo sumama?"
"S-saan?"
"Diyaan lang sa gym! Tara sama ka na!" Hindi pa man siya nakaka-sagot ay kaagad ko na siyang hinatak pasabay sa amin.
Ikinawit ko ang kaliwang braso ko sa kanya habang ang kanan naman ay sa braso ni Carlos.
Sabay-sabay kaming tatlong naglalakad at nang makarating na kaming lahat sa gym ay nagugulat pa naming sinuyod ng tingin ang mga nagkalat na bakla doon.
"Anong meron, Nono?" Tanong ko kay Nono na siyang una kong nakita.
"Ay teh, mukhang may tatalo na sa papa Carlos natin," aniya habang tumitili.
Tinignan ko muna si Carlos at ganun din siya sa akin. Parehong nakakunot ang mga noo namin at nagtatakang tiningnan ang isa't-isa.
"Anong tatalo, bakla?" Naguguluhan kong tanong.
"Teh, gwapo, basketball player, may abs, mamang!" At halos mahimatay pa nga siya habang idenidetalye ang nakita.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at pabalyang nabitawan ang mga braso ng mga kasama ko. Para akong kinkiliting nakisiksik sa mga bakla at excited na makakita ng ulam na tinubuan ng katawan.
Mahilig ako sa abs at walang makakapigil sa akin.
Nang makarating sa harap ay ginalugad ng aking paningin ang kabuuan ng gym, may nakita akong lalaki, gwapo, maputi, mukhang bago, pero hindi siya nakahubad baro kaya inilibot ko ulit ang paningin ko.
Nakanguso kong pinagkrus ang mga braso ko nang walang makitang abs, tulad ng sabi ni Nono. Nagmamaktol na binalikan ko naman ang mga kasama.
"Oh? Ba't ang pangit mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Carlos, nang makarating ako sa pwesto namin kanina.
"Wala namang may abs do'n, eh," habang kinakamot ang pisngi.
"Ano ba Aika, tama na ang landi. Tara na!" Hila sa akin ni Mayora, kaya hinawakan ko na rin ang braso ni Carlos na inabot naman si Kyla.
Muntik nang mapataas ng sobra ang kilay ko dahil sa nakita.
Kailan pa sila naging close?
Nakaharap ako sa dalawang nasa likod ko at patalikod na naglalakad. Alam kong hindi na nakahawak sa akin si Mayora kaya mag-isa na lang akong naglalakad.
"Uhm—"
"Shh!" Naputol ang sasabihin sana ni Kyla nang bigla siyang patahimikin ni Carlos.
Tinaasan ko ng kilay si Carlos pero isang magandang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Titingin na sana ako sa harap para alamin kung anong meron, pero huli na ang lahat.
Nabangga ako sa kung saan at muntik pa akong matumba, hindi ko naabot ang kamay ni Carlos pero may naramdaman akong dalawang kamay na sumalo sa bewang ko.
Hindi kaagad ako nakagalaw. Nakatalikod ako mula sa kanya kaya hindi ko makita ang mukha nito. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling mag-overthink na baka holdaper to.
"Wala po akong pera, kuya, mahirap lang po kami." Pilit kong pinakinig ang boses ko at pinahalata ang takot.
"Bwahahahahahaha!"
Gustong-gusto kong ingudngud ang mukha ni Carlos sa semento nang marinig ko ang napakalakas niyang tawa.
Natatakot naman talaga ako ah, hindi nga lang obvious dahil pang abnormal ang boses ko.
"Ibigay mo sa akin ang bracelet at kwintas mo," mahinang bulong niya sa'kin.
Dahan-dahan kong sinunod ang gusto niya at tinanggal ang bracelet at kwintas ko bago ko ibinigay sa kanya ng hindi lumilingon.
Baka mamaya adik pala to at bigla na lang akong saksakin.
"Carlos," naiiyak kong ani sa kanya, hindi niya man lang ako tulungan.
Anong klase kang asawa? Pag ako nakatakas dito sa kumag na'to, pramis itatago ko yung mga anak namin. Hindi niya kami makikita after 10 years at kapag nakita niya si Ozi magkakaroon siya ng lukso ng dugo tapos kakausapin niya ako. Tatanungin niya kung sila na ba yung mga anak namin tapos todo deny naman ako, syempre dapat pabebe. Tapos magpapa investigate siya tapos kapag nalaman niyang anak niya talaga sila yayayain niya akong magpakasal tapos—
"Totoy!" Napatingin kaming lahat dahil sa nagsalita, nasa akin ang paningin ni Tatay Milo at kunot na kunot ang noo nito. "Anong nangyayari dito, Totoy?" Tanong niya ulit bago ibinaling ang atensiyon sa nasa likod ko.
Marahas akong humarap sa kung sino man tong adik na nasa likod ko at muntik ng mabuwal nang makita kung gaano kalapit ang mga mukha namin.
"T-Totoy?" Hindi ko inaasahan na iyon ang unang salitang lalabas sa bibig ko.
Sino ba 'tong Totoy na'to? Hindi ko 'to kilala eh. Ang gwapong dayo naman nito, pang-manila ang kilay at pang abroad ang panga!
Ngumisi siya ng maliit matapos marinig ang sinabi ko. Nasa bewang ko pa rin ang dalawa niyang kamay, sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa at kaunting galaw lang ay lalabas na ang kalandian sa katawan ko.
"What's your name?" Pabulong niyang tanong, muntik pa akong himatayin ng maamoy ko ang mabango niyang hininga.
Ano kaya kung may abs to? Sana meron, gagawin ko siyang boy best friend the second.
"A-Aika," uutal-utal kong sagot.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kahit anong klaseng pagpapakilig ang ginagawa sa akin noon ng mga manliligaw ko ay hindi pa ako nauutal ng ganito, nauutal lang ako sa mga recitation at pag naglelead ng prayer, pero hindi sa ganito.
Gusto kong kutusan ang sarili, pero dahil masyado akong mapagmahal sa sarili ay tinatak ko nalang sa isipan ko na 'kailangan kong mag-pabebe'.
Ang ngisi niya ay unti-unting napalitan ng maliit na ngiti, "Hm... nice name," sabi niya pa bago bumaling pabalik kay Tatay Milo. "Tara na, tay." Yaya niya sa matanda at agad na binitawan ang bewang ko, bago nagpatiunang maglakad palabas ng gym.
Nakatingin pa rin ako sa likod niya at hindi namalayan ang paglapit sa akin ni Tatay Milo.
"Pasensya ka na Aika, ha? Buti na lang pala at kaibigan niyo na siya," saad ni Tatay Milo habang nasa akin ang paningin.
"Kaano-ano niyo po yun, tay?" Tanong ko.
"Ah... anak yan ng anak ko, si ate Clara niyo. Pumunta lang siya dito para magbakasyon," Paliwanag niya pa.
Kilala ko si ate Clara, pero hindi ko alam na may anak siyang gano'n ka-gwapo.
Tuluyan ng nagpaalam si Tatay Milo sa amin— sa akin lang pala. Bwesit, 'di ko man lang napansin na iniwan na ako nila Carlos.
Hinanap ng mala agila kong mata ang kinalalagyan ng mga kaibigan ko, at hindi naman ako nahirapan dahil sa malapad na noo ni Mayora Letlet. Agad ko silang pinuntahan at nakiupo sa tabi ni Kyla bago nakinig sa pinag-uusapan nila.
Ilang oras ang inabot ng 'meeting', kuno, namin na puros tawanan at panlalait lang naman ang ginawa.
Nasali din sa usapan si Kyla at ipinakilala niya ang sarili sa amin. At syempre, hindi mawawala yung bagong dayo na nakatira kela Tatay Milo, halos maihi pa nga sa kilig si Nono nang ikwento niya sa amin yung nangyari kanina nang maglaro sila ng basketball.
"Hayy mare, kung nakita niyo lang yung abs, ehe-ehe, kape na lang ang kulang." Kwento ni Nono habang tumitirik pa ang mga mata.
Ako naman ay nakasimangot lang na nakikinig sa mga kwento niya, nanghihinayang dahil hindi ko naabutan yung mga kwento niya.
Sayang! Di ko naabutan yung abs!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (33)

  • avatar
    VM Sarmiento

    5.0

    19/10/2024

      0
  • avatar
    Vincent John Arco

    goods

    09/04/2024

      0
  • avatar
    Escobal Pol Sedrick Pintado

    nice story

    29/03/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด