"Uyyy, Aika! Nandiyan na pala yung boyfriend mo? Nakita mo na ba siya?" Tanong sa akin ni aling Maring. Pinagkunutan ko lang siya ng noo dahil sa sinabi niya. "Po?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Kagagaling ko lang mula sa school na pinagtuturuan ko at marami pa akong iniisip na school papers, tapos hindi pa nga ako nakakadating sa bahay ay ganito na agad ang bungad sa akin. "Si Jade!" Parang kinikilig naman niyang ani. At doon na ako muntik mawala sa huwisyo. Ilang taon ko ring hindi narinig ang pangalang iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, parang biglang namanhid ang buo kong katawan at pumasok sa akin ang lahat ng ala-ala. "Sige po, mauuna na po ako." Pilit na ngiti lang ang iginawad ko sa kanya. Wala sa sarili akong naglakad pauwi sa bahay, hanggang sa tuluyan na nga akong nakarating sa may bakuran. Parang may nag-uutos sa akin na tumingin sa bahay na katabi ng amin. Parang may sariling buhay ang mga paa ko at gustong maglakad papunta sa direksiyong iyon. Puno ng pagpipigil ang nararamdaman ko at masyadong bumibigat ang pakiramdam ko. "Pumasok ka na, Aika." Narinig ko ang malamig na boses ni kuya mula sa likod ko. Parang nababasa niya ang iniisip ko at siya na mismo ang nagdesisyon na mali iyon. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago nagpatiunang pumasok ng bahay. Nadatnan ko sa sala sila nanay at tatay, marahan pa silang napatayo mula sa kanilang kinauupuan nang makita akong dumating. Kitang-kita ang pag-aalala sa kanilang mga mukha na sinuklian ko nalang ng isang pilit na ngiti, hindi na ako nagpaalam bago umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Kahit kailan ay hindi ako nagtago ng sikreto sa pamilya ko. Alam nila ang lahat ng pinagdaanan ko. Naririnig nila ang bawat hagulgol ko tuwing gabi. Kasama na rin ang aking mga luha kapag nararanasan ko ang hirap. Pilit na pilit ko ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Pilit ko iyong pinipigilan habang mahigpit na nakakapit sa aking damit, sa bandang dibdib nito. Bakit kailangan mo pang bumalik? Kung kailan maayos na ako, kung kailan nakalimutan na kita. Alam kong hindi na ako ang dahilan ng pag-uwi mo, pero bakit kailangan pang magtagpo ng mga landas natin? Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa sariling naisip. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang suot pa ang aking uniporme sa pagtuturo. Nagising nalang ako dahil sa sigaw ni nanay, pinapababa na ako para kumain. "Oh Aika, magpaluto ka nga muna ng barbecue kela Bebang!" Malakas na sigaw ni nanay. Hindi pa man ako nakakababa ay alam niya na kaagad ang presensiya ko Ganoon ba kalakas ang radar ng mga nanay? "Akala ko kakain na?" Nakasimangot kong tanong kay nanay. "Edi kumain ka diyan, yung kape nalang ang iulam mo kung gusto mo!" Masungit nito saad. Palihim ko nalang siyang inirapan at lumabas ng bahay para pumunta sa barbecuehan nila Aling Bebang. "Aling Bebs! Barbecue nga, sampung piraso!" Hindi pa man ako nakakalapit ay iyon na kaagad ang isinigaw ko. Nakita kong marami nang nakatambay doon sa barbecuehan kaya binilisan ko pa ang lakad palapit sa kanila. Nakita ko kasi yung taba ni Ebing kaya alam kong mga barkada ko to. "Hoy bakla! Balita ko andiyan ex mo ah. Ano? Umiyak ka na ba?" Tanong ni baklang Iris pagkadating na pagkadating ko. Inirapan ko lang siya at pabagsak na umupo sa kandungan ni Maileen. "Putah ka bakla! Mapanakit?" Pinaghahampas pa nito ang braso ko. Nagpatuloy lang sila sa pagkwekwentuhan, karamihan nga ay yung mga PDA days daw namin na parang wala ako dito, na parang hindi ako ang pinagkwekwentuhan nila. Hindi ko nalang sila pinansin at nakatingin lang sa iniihaw na barbecue ni aling Bebang. Pilit ko siyang inaalis sa aking sistema at hinahayaan nalang silang pagchismisan ako. "Hey!" Muntik na akong manigas sa pag kakaupo sa kandungan ni Maileen nang muli kong marinig ang boses na iyon. Hindi ko nilingon ang may-ari ng boses, pero kunot na kunot na ang noo ko at hinihintay lang ang susunod niyang sasabihin. "Uy! Jade, haha, long time no see." Si Mark kaagad ang unang bumati sa kanya. "Naks, halatang big time na ang papa!" Patiling sigaw naman ni Iris. "Ah, haha hindi naman, nakaluwag-luwag lang. Kayo? Kumusta na kayo?" Nagpatuloy lang sila sa pagkwekwentuhan sa likod ko. Nararamdaman ko ang pwersahan at sikretong paghawak ni Maileen sa bewang ko na parang gusto akong iharap sa mga nag-uusap-usap pero pilit kong pinapatigas ang katawan at nasa iniihaw lang ang paningin. "Ikaw? Kamusta ka na?" Mahina niyang tanong. Pero alam kong narinig iyon ng lahat. Biglang natahimik ang lahat ng mga kaibigan naming nandoon at walang imik ang maririnig mula kung kanino. "Nakatingin sayo, bakla." Mahinang bulong sa akin ni Maileen. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa panonood nang mga iniihaw na barbecue. "Hoy, Aika! Respeto naman oh!" Malakas na sigaw ni Iris dahilan para madiin kong mapikit ang aking mga mata. Wala akong nagawa kundi ang pumihit paharap sa kanila, habang nakaupo pa rin sa kandungan ni Maileen, inihanda ko na ang malaki kong ngiti. "Uy!" Masaya kong bati sa kanya pagkaharap na pagkaharap ko. Binigyan ko siya ng napakalaking ngiti, at ipinagdasal na sana ay hindi niya mapansin ang kapekian niyon. "Kamusta? Angat na angat na ah!" Pilit kong pinabibibo ang boses ko at nakuha pa siyang biruin. Narinig ko ang mahina niyang tawa at pilit ko namang inilalayo sa kanya ang paningin ko. Ayaw kong makita ang mga tawa niya, at kung pe-pwede lang, ay ayaw ko na din siyang makita. "Yeah? I heard you're already a teacher?" Patanong niyang saad. Binigyan ko muna siya ng malaking ngiti bago ako tumango ng ilang beses. Muntanga. "Secondary ang tinuturuan ko, diyaan lang sa Brangay otso, grade 7." Pagpapatuloy ko. "Ah, is that so--" Hindi niya na napagpatuloy ang kanyang sasabihin nang may biglang tumawag sa akin. "Babe!" Malakas na sigaw ni Carlos mula sa bahay nila. Mabilis itong bumaba, naka-pajama pa nga ito at halatang kagigising lang. Binigyan ko siya ng napakalaking ngiti na agad niya namang sinuklian ng yakap. Narinig ko ang mahina nilang tilian dahil sa ginawa ni Carlos. "Uy, pare!" Masayahing bati ni Carlos kay Jade na kausap ko lang kanina. "Kamusta? Mukang big time ka na rin ah!" Halata ang sarkastiko sa boses ngayon ni Jade, pero malamang ay hindi ito napansin ng lahat. Ako lang kasi ang nakakakilala sayo ng lubos kaya ako lang ang nakakapansin. "Oh, Aika, ito na yung inyo." Napatingin ako kay aling Bebang nang tawagin niya ako. "Ilista mo nalang daw aling Bebang, utos ni mader!" Pabiro kong ani sa kanya. Nakita ko kung paano nangasim ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Muli na sanang bubukas ang bibig niya nang may marinig kaming magsalita. "Here." "Ito nalang." Napatingin ako sa sabay na nagsalita. Nakita ko ang nakalahad nang kamay ni Jade at Carlos. Parehong may hawak na pera. "Ah, haha ako nalang, parang binibiro lang si aling Bebang eh!" Pilit kong tawa habang dumudukot sa bulsa ng short ko. Pero wala akong makapkap na kahit pisong duling. Pasikreto akong bumaling kay Maileen na siyang pinaka malapit sa akin, senenyasan ko siyang pahiramin muna ako ng pera, gamit ang kilay at mata ko, pero nakakalokong ngiti lang ang iginawad niya sa akin. "Sorry! Wala akong pera dito Aika, eh!" Malakas na ani ni Maileen at halatang ipinaparinig sa iba. Peste! Humanda ka talaga sakin, ibabagsak ko ang kapatid mo! Sobrang diin na ng pagkakapikit ko dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. "Here, I'll pay for it." Rinig kong pagpupumilit ni Jade. Nakatalikod pa rin ako sa kanila kaya hindi ko makita ang itsura nila. "Ah, hindi na pare, ako nalang. Gilfriend ko naman si Aika, eh." Pagdidiin ni Carlos sa mga salita niya. Kaagad na akong pumihit paharap sa kanila nang marinig ang inis sa boses ni Carlos. Binigyan ko silang lahat ng napakalaking ngiti bago ko inaya si Carlos na sa amin na maghapunan. Walang salitang namutawi sa aming dalawa at masyadong naging tensiyonado ang paligid. Pakiramdam ko ay isang salita lang mula sa akin ay kaagad na siyang sasabog. "Wag ka na uling lalapit sa kanya Aika, nandito naman ako." Rinig ko ang mahina niyang bulong. Napatingin na ako nang tuluyan sa kanya at nakita ko ang takot sa kanyang mata. "Hindi naman ako magpapaagaw, eh." Mahina ko ring bulong, pero siniguro kong maririnig niya ito. Muli na naman kaming nagkatinginan at sa walang kadahilanan ay pareho kaming natawa. Sana lang talaga ay lumayo siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano ko masasaktan si Carlos kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko.
5.0
19/10/2024
0goods
09/04/2024
0nice story
29/03/2024
0ดูทั้งหมด