logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Mission 3: Bring the Heir Back

In my dreams, you're with me
We'll be everything I want us to be
Di ko maiwasang mapatingin kay Kaizer. He's humming the song playing in the radio. Parang kabisado niya yung kantang Imagination ni Shawn Mendez pero di niya lang kinakanta yung lyrics. Ngayon ko lang kasi naapreciate yung boses niya. It sounds low, very manly. Sana all! Maganda kaya boses niya pag kumanta?
Nakakatawa mang isipin, ngayon ko lang 'yan naappreciate. Pano ba kasi, parang lagi na lang siyang nagsusungit kaya yung brain ko naman busy sa kakacriticize sa personality niya at nakaligtaan 'tong minor detail. 
"Anong tinitingin-tingin mo jan?"
At... ayan na naman. Nagsusungit na yung lolo niyo. Ba't ba parang bawat galaw ko eh naiirita siya? "Bawal? May mata ako eh, syempre may titignan ako."
"I'm not saying that bawal kang tumingin." He snorted. "But don't stare at me for too long. I'm not used to getting stared at." 
"Okay, fine." Sagot ko. Syempre, english yarn! Baka akala niya, siya lang marunong at nagpapaimpress siya sa spokening dollar niya. Ako din kaya! HAHAHA.
Minsan kasi nag i-ingles din nanay ko pag galit. I heard, ganyan daw talaga ang mga babae. Oh diba? Sana all, tumatalino pag galit. Pfft...
Pero maiba nga..
"May lisensya ka naman diba?" 'Yan yung tanong na kanina ko pa gustong itanong kay Kaizer. 
Apparently, nakasakay kami ngayon sa itim niyang kotse. Nasa driver's seat siya habang ako, katabi niyang nakaupo sa passenger's seat. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya kaya napatanong ako. Baka kasi harangin kami bigla sa daan ng mga traffic enforcers considering na teenager pa yung nagmamaneho.
"You mean, driver's license? Of course. Why else am I allowed to own and drive a car?" 
Psh... nagtatanong lang naman eh. Ba't ka galit?
Pero syempre, wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya 'yan ng harap-harapan. Baka kasi pababain ako dito sa gitna ng highway. Malayo-layo pa naman yung nabiyahe na namin. Speaking of which, magkakalahating oras na akong nakasakay sa kotse niya.
"Why did you cut your hair short?" Tanong bigla ni Kaizer nang hindi tinatanggal ang tingin sa daan.
"Huh?"
"Sabi ko, ba't mo pinutol yung buhok mo?" Ulit niya sa tanong niya in tagalog.
Hindi naman kasi sa hindi ko siya narinig o sa di ko maintindihan yung pag iiningles niya. Di ko lang talaga inasahan yung tanong niya. Kailangan ba talaga itanong 'yan? Pero di naman masyadong personal yung rason ko so I don't mind telling him.
"Ah... eto?" Napahawak ako sa buhok kong halos kasing taas lang ng buhok niya. "Talagang maikli lang yung buhok ko. Mas comportable kasi ako sa ganitong haircut. Alam mo yun? It boosts my confidence. Hahaha. Pinagsuot lang talaga ako ni mama ng wig 'pag nasa cafe. Ang weird no?"
"Not really." Seryosong sagot niya and then he paused for a while bago nagpatuloy. "Long hair suits you more."
Huh? Nakakalalaki tong isang 'to ah? Ba't naman babagay sa akin yung long hair? Pero kahit na bagay pa man sa'kin yung ganung hairstyle, 'di ako Barbie.
Di ko mapigilan ang mga mata ko sa panlilisik sa narinig. "Nangangantiyaw ka ba?!"
Kaizer, "What do you think?"
What do I think? Hindi ko nga alam! Pano ba kasi, buong mag damag laging yung "normal face" niya lang yung nasa mukha niya. Ganun yung expression niya pag feeling neutral. Ganun din pag nang-aaasar. Di rin naiiba pag nag susungit. Tapos tinatanong niya pa ako kung ano sa palagay ko. Hmm... I'd say, it's a tricky question.
"We're here." Sabi niya sabay hinto ng sasakyan.
Sa kasalukuyan, nasa kalagitnaan kami ng isang masukal na gubat. Parang nadala ata ako sa bugso ng isip ko at di ko namalayang nasa kakahoyan na kami. Kani-kanina lang nasa highway pa kami ah? Wala naman sigurong oso dito, no? Pero sa ganito kaliblib na lugar, paniguradong may mga ahas sa paligid.
"Nasa gitna ng gubat ang HQ niyo? Haha, teka, huhulaan ko, isang tree house ba yung HQ niyo?" Natatawa kong sabi. Di ko alam kung bakit natatawa pa rin ako sa sitwasyon na meron ako ngayon. May posibilidad na papatayin ako ng lalaking to, kunin yung internal organs ko saka ibebenta sa black market. Bakit ba kasi kami nasa gitna ng gubat? Nakakabahala na.
"The first sentence is correct, the last one's wrong." Sabi niya sabay turo sa bintana ng kotse na malapit sa kanya. "Look at the other side."
"..."
Napatameme ako bigla, at wala na akong paki-alam kung kasing laki na ng pingpoing ball yung mga mata ko. Pano ba kasi, sa direksyong tinuturo niya, may nakatayong isang malaking masyon. Pero hindi yung typical na manyong makikita sa classical dramas tulad nung kay Dracula. Yung design kasi niya is modern. Yun bang tipong mas marami pa ang glass portion kaysa sa concrete? Tapos may wood accent pa. Sa tansya ko, wala pang dalawang dekada tong nakatayo.
Ang taas nung gates. Gawa sa bakal at kung bubuksan ay malamang sa malamang mabibigatan talaga yung magbubukas. Buti nalang at hindi na ako pinababa ni Kaizer para buksan ang gate para makapasok yung kotse. May guard kasi na nakabantay at siya na rin ang nagbukas ng gate. 
At pagkabukas na pagkabukas ng tarangkahan, bumulaga sa amin yung malaking fountain sa gitna ng hardin ng mga rosas. Pero mas nakakaagaw pansin pa rin yung magandang harapan ng bahay.
"Parang nasa Ouran High School lang ah?" Dapat sa isip ko lang dapat yan, kaso lumabas sa bibig ko. Tapos parang napansin din ni Kaizer na manghang-mangha ako. Sorry ha? Buong buhay ko, nasa Coffee Delight lang ako eh. Nakakalabas lang kung pupunta sa school at kung may bibilhin para sa cafe.
"The garden looks nice, doesn't it? Those red roses are personally planted by Tita Sharmaine herself."
"..." Tita Sharmaine... nabanggit na niya yung tita niya sa akin eh. Yung warfreak niyang tita na papatay daw pag may bumili sa akin sa black market. Kaso di ko naman siya kilala personally so di na ako nagbigay ng komento.
Hindi masyadong malayo mula sa gates yung garage nila. At hindi na ako magtatakang hindi lang ito ang nag-iisang sasakyang pagmamay-ari nila. Sa garage nila, may naka park na limang luxury cars, dalawang big bikes, at isang sasakyang tinabunan ng itim na tela. Dito na rin nila nilagay yung mga tools, car spare parts and accessories, at iba pang equipments. Parang marami-rami sila dito sa mansyong to ah?
"Ang laki pala ng bahay mo no? Mayaman ka pala talaga." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng kotse na para bang isang hampas lupang ngayon lang nakakita ng magarang bahay. Sorry naman, ang ganda naman talaga kasi. Parang nasa hotel lang! Sa labas pa nga manghang-mangha na ako, pano nalang kaya sa loob?
"It's not me who's rich. It's the organization." Sabi niya habang bumababa sa kotse."And yeah. Malaki ang bahay natin."
"Natin?" So itong bahay na 'to... itong malaking lupang kinatitirikan ng masyon... pagmamay-ari ko rin 'to? Di ko alam, milyonaryo pala ako. Pero teka nga, isn't it too good to be true?
Tapos naalala ko bigla yung sinabi niya sa akin sa cafe that Friday night. Papakasalan niya daw ako. Yieee... kikiligin na ba ako? HAHAHA tatlo.
"You probably don't remember it anymore but you used to live here." Sabi ni Kaizer. "Ibinabalik lang kita kung saan ka dapat."
"???"
Kung saan ako dapat? Pero wala naman akong maalalang minsan na akong tumira dito eh. Pero kung gusto niyang tumira ako dito, aba syempre, tatanggi pa ba ako?
"Welcome home, Crimson."
Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko o... kasi parang nakita ko si Kaizer na may maliit na maliit na ngiti sa labi. Pero di rin naman yun nagtagal. Wala na kaming inaksayang oras at nagtungo na sa main entrance ng mansyon.
"Aemie, si Tita Penelope?" Agad na tanong ni Kaizer sa babaeng nasa living area pagpasok na pagpasok namin.
Hindi nga ako na disappoint sa interior ng bahay nato. Ang gara lang. Parang lahat ng bagay na nandito kumikinang. Tapos ang lawak lawak pa ng spaces dito.
Ano kaya ang pinagkukunan nila ng pera? Mga politicians ba ang mga tao dito? Nanalo sa lotto? O... miyembro ng isang ilegal na sindikato?
Tapos naalala ko bigla yung sinabi ni mama kay Kaizer sa cafe. Matagal na daw siyang umalis sa organisasyon nila... di kaya isa silang malaking mafia?
"Oh hi, Kaizer! You're back." Ngumiti yung babae habang kinakaway yung kanang kamay niya habang yung kaliwa naman ay hawak ang phone niya. "As usual, nasa computer lab si mommy."
Malayong malayo yung pagmumukha ni Kaizer sa dalagang nagchi-chill lang sa sofa. Sa unang tingin masasabi mo talagang hindi sila magkamag-anak. O kung magkamag-anak man, siguro distant relative na. O hindi kaya girlfiend niya 'to?
Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang ibaling sa akin nung babae ang atensyon niya. "Azure?! Oh my gosh! You found Azure, Kaizer!" Dali-dali siyang tumayo sa kinauupuan niya para lumapit sa amin. At sa di ko inaasahan, bigla na lang niya akong niyakap. "Akala ko talaga di ka na babalik dito. Welcome back!"
"..." Ano ulit yung tinawag sa akin? A... what?
"Aemie, Aemie." Tawag ni Kaizer sabay tapik sa balikat ng babae. "You got it wrong. This isn't Azure, it's Crimson."
"Crimson?" Bumitaw siya sa pagkakayakap sabay tingin sa akin ng malapitan? "Are you sure this is not Azure?"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Derek Heshbon Lita

    its good

    28/07

      0
  • avatar
    Casmero Noche

    wow super duper cool

    14/07

      0
  • avatar
    MendezMarsh

    ❤️❤️❤️

    12/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด