logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Mission 2: Carry On Plan B

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung lalaking huling pumasok sa Coffee Delight that Friday night. Naaalala ko, naka suot siya ng black tuxedo nun. Tsaka may sumbrero pa. Pang professional hitman yung datingan. Pero iba na yung pormahan niya ngayon. Naka casual outfit nalang siya. Naka three-fourths yung white long-sleeve shirt niya tapos maong na pants.
Anyway, sa di ko malaman-laman na dahilan, ayaw magserve ni mama sa kanya. In fact, parang magkakilala nga silang dalawa. And their relationship seems to be... hindi masyadong maganda.
Last Friday Night...
"Oh, Crimson. Dadalhin ka daw." Lumingon si mama sa akin sabay tanong, "Sama ka?"
"Huh?"
Sama saan? Tsaka bakit pakiramdam ko pinamimigay nalang ako ng nanay ko?
"Ano?" Atat niyang hingi sa akin ng sagot. "I know you have the right to meet your titas out there. At nasa sayo ang desisyon kung anong gusto mong tahakin sa buhay. Sama ka? Okay lang. Pero di ako sasama."
"Eh? Kung di ka sasama, di rin ako sasama. Mama naman eh! Pinamimigay mo ako?!" Tsaka ni hindi ko nga alam kung tungkol saan yung pinag-uusapan nila. Bakit di nalang kaya nila ipaliwanag sa akin ang lahat bago nila ako pagdesisyonin?
"Of course not, anak. I am just marely giving you the chance to choose." At ibinaling na ni mama ang atensyon niya sa binata. "Oh, pano ba yan? Ayaw sumama sayo ni Crimson. Di ko yan pinagbawalan ha? Sabihin mo sa nanay mo 'yan."
"Tita, just to make it clear, my mom doesn't hate you. Kaya sana bumalik ka---" Hindi matapos-tapos ang gustong sabihin ng lalaki. Hindi kasi siya hinahayaan ni mama. Bigla-bigla nalang sumipa si mama pataas, a high kick, at sadya niyang tatamaan ang sintido ng kausap. Kaya naman napilitan ang isa na huminto sa pagsasalita para umiwas. Naging dahilan ito para malaglag ang suot niyang sumbrero.
"Eh pano ako? I hate your mom." Bago pa man mapulot ng binata ang nahulog niyang sumbrero ay pumakawala na naman ng sipa si mama - isang tornado kick! Napapatanong nalang ako sa sarili ko, action star ba tong mama ko noon? Dati ba siyang umi-extra sa mga taping? O di kaya nag-aral ng taekwondo?
"Bakit ba isang side lang ng story yung laging pinapakinggan ninyo?" She exclaims. "How about me? How about my side? Does it really not matter? Wala ba talagang pakialam yang nanay mo sa nararamdaman ko? Agrabyado din naman ako ah?"
"Tita, I'm not here for that matter. I'm here for a more important reason." Sinubukan niyang magpaliwanag ng maayos pero walang balak na makinig si mama.
"Kita mo na? Wala kayong pakialam sa'kin! Mas may importante pa ba sa usaping ‘to?!" At isang double kick ang pinakawalan ni mama na agad namang naiwasan ng kabilang partido. Kung hindi lang talaga mabilis makapag react ang lalaking 'to, malamang bugbog sirado na siya. Kahit kalahating segundong delay lang sa pag-iwas, siguradong matataman siya. Tapos bigla nalang napahinto si mama. "Napapansin ko na... Is it your reflexes are fast? Or I am just being rusty? O baka naman your mom taught you well, including how to block my attacks?"
"It's not what you think, tita. It's just ginawa naming foundation ang styles ninyo. Just like the 1st squad leader's arnis movements and shooting stances, and this, your power kicks. All for the sake of the organization. Nothing more, nothing less."
"Our styles should be only ours; you know? Don't you think your mom crossed the line?" Parang tulad din ng mga magicians, hindi dapat ibinubunyag ang tricks nila, and in my mom's case, yung estilo niya sa pagharap sa mga kalaban... or at least, yan yung pagkakaintindi ko.
"Mom is..." Ani ng lalaki sa mababang boses. "The chancellor is missing."
Bakas ang gulat sa mga mata ni mama pagkarinig niya sa balita. Kumunot yung noo niya sabay tanong na para bang hindi siya makapaniwala, "Anong sabi mo?"
"Humigit kumulang isang buwan na namin siyang di nakikita." Sagot ng binata. "CC's in crisis without its head, and we need you to take over in the meantime."
"..." Walang imik si mama pagkarinig niya sa balita. Ngunit halata sa mukha niyang hindi niya gusto ang nangyayari, at para bang may ideya siya tungkol sa usapin.
Back to the present…
“Wait, you can’t remember who I am?” Tanong niya na para bang hindi siya makapaniwala. Except for the fact na siya yung customer na gustong bugbugin ni mama nung gabi ng Biyernes eh wala na akong iba pang alam tungkol sa kanya. Ni hindi ko nga alam ang panagalan niya. At sa tingin ko, pangalawang beses ko pa lang siyang nakita. “Why are you acting like I am a complete stranger to you?”
“Uh… kasi… hindi naman kita kilala? Dapat ba kilala kita?” Bakit parang gulat na gulat ang lalaking ‘to? Hindi naman talaga kami magkakilala. At least, ako, wala akong maalala. Di kaya napaglamalan niya lang ako? Pero kung yun nga, bakit parang magkakilala sila ni mama?
“Nonsense.”
“Anong nonsense?! Hindi naman talaga kita kilala! Tsaka bakit ba ang sungit mo? Lagi ka nalang nakasimangot.”
“For goodness’ sake, Crimson. This is my normal face.”
“…” Sa totoo lang, di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Normal face daw! Amp! Di niya ba alam na nakakatakot ang “normal face” niya? Pero teka, kilala niya nga ako! Alam niya yung pangalan ko. Pero ba’t wala akong maalala tungkol sa kanya?
“Kaizer Flynn Villacorta. Rings a bell?”
“Ahh…” Isip… isip… hmmm… “Hindi talaga eh. Sorry. Hehe.”
Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya pero hindi rin naman ito nagtagal at bumalik rin sa suplado niyang mukha. “I don’t know what exactly happened after you and Tita Emery disappeared three years ago. But if you want to find your mom, you need to come with me to our HQ.”
HQ? As in headquarters? Ba’t parang ang cool nun? Parang superhero lang ah! Anong klaseng tao ba ang lalaking ‘to? Hindi kaya totoong hitman siya? Parang di naman kasi siya kasapi ng police o army. Tingin ko nga, hindi pa nga siya nakatungtong ng bente anyos.
“So, are you coming?” Iniabot niya ang kamay sa akin.
“Hindi mo ako ibibenta sa black market?” Namalayan ko nalang na tinatago ko na ang kamay ko sa likuran.
“Why would I? Walang bibili sa’yo sa black market.” Ani niya. “And if there really is someone willing to buy you, Tita Sharmaine would kill that piece of sh*t before he could even lay a finger on you.”
Hindi ko kilala yung binaggit niyang pangalan pero base sa pagkakasabi niya, warfreak yung tita niya.
Kahit na nag-aalinlangan, inabot ko ang kamay niya. Bahala na nga. Siguro magkakilala talaga kami pero di ko lang siya maalala. Tsaka di naman siguro niya ako ipapahamak diba? Nag-aalala na rin kasi ako sa kalagayan ng nanay ko. Tingin ko, matutulungan niya ako… hopefully.
"Teka... saan naman natin sila hahanapin?" Kasi kung ako ang tatanungin, wala akong kaide-ideya.
"I don't know their exact location but I suspect that there's only one person behind this." Seryosong sagot niya.
"Huh? Sino?"
Tinitigan niya ako sabay sabi, "Your father."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Derek Heshbon Lita

    its good

    28/07

      0
  • avatar
    Casmero Noche

    wow super duper cool

    14/07

      0
  • avatar
    MendezMarsh

    ❤️❤️❤️

    12/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด