logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Mission 1: Be The Temporary Manager

Tirik na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ni hindi ko na nga matandaan kung ano yung napanaginipan ko.
Unang hinanap ng kamay ko ang smartphone kong nakapatong sa kalapit na nightstand para tignan ang oras.
9:17 am
Muntikan na akong mahulog sa kama nung nalaman ko kung anong oras na. Yung antok ko biglang nawala. "Bakit di ako ginising ni mama?!"
Tapos naalala kong weekend pala ngayon so okay lang. Pero nakakapanibago pa rin na hindi ako ginising ng nanay ko. Kahit na kasi wala akong pasok sa school ngayon, kailangan ko pa din bumangon ng maaga para tumulong sa cafe.
Alas nuwebe, madalas mga ganitong oras maraming pumapasok sa cafe kaya mas minabuti ko nang ayusin kaagad ang sarili. Dalawang beses lang kasi dumadami ang costumers namin sa isang araw. Nine sa umaga at around three ng hapon.
Pagkatapos kong maghilamos ay kaagad akong nag tungo sa vanity para isuot ang waist long wig ko. Sa totoo lang, di ko talaga alam kung bakit gusto ni mama na pagsuotin ako ng wig. Ayaw nya din ipaputol yung above the shoulder-length hair ko kahit mataas na ito kaysa sa preferred length ko. Gusto niya pa ngang pahabain ko pa eh. Personally, mas gusto ko talagang maikli lang yung buhok ko kaso mabait akong anak so ýun. Haha, joke yun tawa kayo please.
Nahagip ng mata ko ang isa pang set ng maid uniform na naka hanger. Nakikipagtalo pa ako sa sarili ko kung susuotin ko pa ba o hindi na. Itong maid uniform... si mama lang din may gusto nito. But I don't mind wearing one so hindi nalang din ako nag rereklamo. And in the end, mas pinili ko nalang na mag suot nalang ng puting shirt tsaka long pants. Mas matatagalan pa kasi ako kung isusuot ko pa yun.
Pagkatapos ay dali-dali na akong bumaba papuntang cafe sa ground floor. Pero laking gulat ko noong mapagtanto kong walang katao-tao doon. Ni hindi pa nga naka open ang cafe!
"Ma? Ma, nasan ka?" Tawag ko sa kanya pero wala akong ibang narinig kundi ang echo ng boses kong umaalingawngaw sa loob ng cafe.
"Ma!" At... wala pa rin akong nakuhang sagot mula kay mama.
Tapos nakita kong may maliit na papel na nakapatog sa bar counter. Nilapitan ko ito at napagtantong sulat kamay ni mama ang nandoon.
Crimson,
May pupuntahan lang si mama, anak. Ikaw na muna ang bahala sa cafe habang wala ako. Kung matatagalan pa man bago ako makabalik, tiwala akong kaya mo mong alagaan ang sarili mo. Love you!
-Mama
Ps. Gumising ka lagi ng maaga. Wag tatamad-tamad. ^_^
"Haha! Ang cute. May emoticon pa." Medyo na guilty ako sa ps niya. Ang tagal ko nagising. Alam ko seryoso si mama habang sinusulat niya to pero yung emoticon muna sa bandang huli. Di ko mapigilang matawa ng mga dalawang beses (Oo, madalas binibilang ko talaga ang mga tawa ko). Naiiba yung mood dahil sa smiley na to eh! Sure, it's old school pero cute pa rin.
Tulad nga ng bilin sa akin ni mama, ako ang nag handle sa cafe habang wala siya. Mas mabigat nga lang yung trabaho ko dito kasi ako lang mag-isang nagtatrabaho. Kinabukasan, wala pa rin si mama kaya ako pa rin ang gumagawa lahat. Tapos nung sumunod na mga araw, hindi na ako nag bukas ng cafe, kailangan ko kasi pumunta sa school. Napapaisip nalang ako, nasan ba kasi siya? Ba't di man lang niya ako sinabihan bago umalis? Hangang kailan siya wala dito? Nagtatanong na rin kasi yung mga regulars namin sa cafe.
I took out a deep breath to calm myself. Napaubo nalang ako sa kalapit na table. Kakagaling ko lang sa school and still, wala pa rin si mama pag dating ko.
I never felt so alone before. As far as I could remember, kasama ko na si mama. Pero ngayo't naisip ko ang tungkol dito, na realize kong hindi ko maalala yung kapanahonan ng kabataan ko. Talaga bang kami lang ni mama ang magkasama simula't sapul? Yung papa ko... nasaan siya? Kasama kaya namin siya noon at di ko lang maalala? Sa tuwing naitatanong ko kasi ang tungkol sa kanya kay mama bigla-bigla nalang nag-iiba ang mood niya. Para bang may galit siya sa papa ko.
Napabuntong-hininga nalang ako. Di ko alam na mamimiss ko pala yung mga utos ni mama. Saan ba kasi siya nag punta? Nasa mabuting kalagayan kaya siya? Di man lang niya ako tinawagan tapos kung tatawagan ko rin yung phone niya, out of coverage area.
Nag ring ang bell sa may main entrance ng cafe at pumasok ang liwanag mula sa labas pagkabukas ng pinto.
Dali-dali akong tumayo sabay sabi, "Sorry, sarado po kami ngayon. Balik nalang po kayo next time." Di na rin ako nag-abalang tignan pa ang costumer sa mata. Baka kasi isa siya sa mga regulars dito. Nakakahiya naman, dumayo pa siya dito. Tapos pag dating niya, hindi ko siya maipagserve. Pero imbes na umalis ang bagong dating, pumasok pa siya ng tuluyan sa cafe. Ang tunog ng bawat yapak niya sa wood flooring ay mas lumalakas habang papalapit siya sa akin.
Mahina ba ang pagkakasabi ko't hindi niya ako narinig? Sabing sarado nga ang cafe ngayon. Tsaka may sign naman sa front door na hindi kami bukas ngayon. Tresspassing tong taong to ah?
"Nawawala yung nanay mo? Nawawala rin yung akin." Isang boses ng lalaki ang sunod kong narinig. Napatigil ako saglit, parang narinig ko na ang boses niya somewhere. Familiar kasi. Saktong pag angat ko ng ulo, nagsalita ulit siya. "Hahanapin ko sila. Sama ka?"
Hindi ko alam kung obvious ba sa kanya na nanlaki yung mga mata ko. Hindi ko kasi mapigilan ang gulat ko nang makita ko ang mukha ng lalaking kaharap ko.
"Diba ikaw yung costumer na pinagsarhan ni mama ng cafe?" Nandito ba ulit siya para alokin akong magpakasal sa kanya? O baka naman nandito siya para makipag-bugbugan at mai-settle niya ang score? Kinabahan ako bigla. Wala pa naman dito ngayon si mama tsaka di ako magaling makipag-rambulan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Derek Heshbon Lita

    its good

    28/07

      0
  • avatar
    Casmero Noche

    wow super duper cool

    14/07

      0
  • avatar
    MendezMarsh

    ❤️❤️❤️

    12/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด