logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Mission Code: Créme de la Créme [Filipino Version]

Mission Code: Créme de la Créme [Filipino Version]

MingYan


Prologue

Crimson's POV
Humigit kumulang dalawang oras na ang nakakalipas matapos lumubog ang araw sa dakong kanluran. But for goodness' sake! Parang wala pang balak magsara ng cafe si mama! 
So, yeah, Coffee Delight is owned by my mom. Kaming dalawa nalang din ang nagpapatakbo nito. Kami mismo ang taga brew ng kape, taga bake ng pastries, taga serve, bar attendant, pati na rin paglilinis kami na ang gumagawa.
Matagal na rin akong tumigil sa pagkukumbinsi sa mama ko na mag hire na ng mga employees. Di ko alam kung bakit ayaw niya at ayaw niya rin namang sabihin sa akin yung rason. 
Anyways, it's already past rush hour kaya kokonti nalang din ang taong napapadaan sa labas ng cafe. At sa lahat ng 'kokonting' taong napadaan, ni wala sa kanila ang interesadong tumambay dito sa cafe namin. 
"Ma, di pa ba tayo magsasara? Parang wala na namang papasok na costumer eh." Maliban sa aming dalawa ni mama, walang ibang tao sa loob ng cafe kaya literal na nakatunganga lang kaming dalawa.
Tsaka gusto ko na rin magpalit ng damit. Di talaga kasi ako komportable sa suot kong maid uniform na pakulo ni mama. Masyadong mainit. Dagdag pa tong nakakainis na wig. 
As usual, nginiti an lang ako ni mama sabay sabi, "Mag hintay muna tayo saglit, Crimson. Wala namang mawawala kung maghihintay tayo kahit 15 minutes lang diba?" 
"..."
Wala nga bang mawawala? Syempre meron! Time and patience! Sayang lang yung oras ko dito eh wala naman akong ginagawa. Humigit kumulang dalawang oras na akong nakaupo dito sa bar counter at napapangalong baba nalang. Tsaka hindi ako mapalagay. Ganyan ako pag bored. 
To be honest, alam ko naman talaga kung bakit ayaw pa magsara ng cafe ni mama and call it a day. Umaasa pa kasi siyang madadagdagan pa yung kikitain namin ngayong araw.
Hindi naman sa nagigipit kami ngayon pero sakto lang din yung pera namin para matustusan yung basic needs naming mag-ina at mapanatili ang operasyon nitong cafe. Pero parang wala na namang papasok na costumer eh.
This place isn't a big city but just a small town. Hindi gaya ng mga cafe sa mga syudad, hindi kami open 24/7. Hindi naman kasi pumupunta ang mga estudyante dito para mag review during nighttime. 
*Cling!* 
Tumunog bigla ang maliit na bell sa bandang main entrance ng cafe. Palatandaan itong may bagong pumasok. Most likely, isang costumer kung hindi delivery guy.
At sa tingin ko, parang hindi siya isang delivery guy. Wala namang magsusuot ng black suit para mag deliver ng goods diba? 
Tumayo agad ako sabay ngiti sa bagong dating. "Good evening, sir! Welcome to Coffee Delight!"
Kaso di man lang tumingin sa akin yung costumer. Nakatingin lang siya sa baba.
Hindi rin ako sigurado kung pinaglalaruan lang ba ako ng imahinasyon ko o talaga bang may madilim na aurang pumapaligid sa kanya. 
Pasimple akong napalunok. Parang hindi friendly yung last costumer namin ngayon ah? Pero kung sa pormahan lang, mukhang mayaman naman kaya okay lang. Kung suswertehin baka magbigay siya ng malaki-laking tip. 
Black suit, black shoes, black fedora hat. Kulang nalang lagyan niya ng green na butiki yung sumbrero niya para magmukha siyang si Reborn, yun bang hitman? Galing kaya ng JS prom to? Pero November pa lang ah? Tsaka parang di rin naman siya employee sa isang malaking kompanya. Tingin ko kasi more or less kasing edad ko lang siya, about 16-18 years old lang.
"May I take your order please?" Sabi ko nang may ngiti sa labi pagkalapit niya sa bar counter.
Tapos naramdaman ko nalang na parang tumayo ang balahibo ko sa batok nang napagtanto kong nakapako sa mukha ko ang pares ng malalamig niyang mata. Talagang walang mababakas na emotion sa titig niya.
Sino nga ulit ang nagsabing "The eyes are the windows of our souls."? Scam yun! Hindi applicable sa lahat yun! And this man in front of me is the living proof! 
Akmang magsasalita na sana siya pero biglang umimik si mama. "Sorry, Cafe Delight is now closed. Kung di mo mamasamain..." Tinuro ni mama ang main door kung saan pumasok ang costumer. "Kindly leave now."
"Ma!" Naguguluhan kong tawag sa kanya. "Bakit? Akala ko ba naghihintay tayo ng costumer? Bakit biglang magsasara ka na ngayon?" Tsaka kahit parang suplado 'tong lalaking 'to, hindi ba't parang ang bastos naman kung palalabasin nalang namin siya.
Mabuti na lang parang hindi niya yun masyadong bingyan ng pansin. Sa halip ay nagsalita siya habang nakatingin sa akin na para bang hindi niya narinig ang nanay kong pinapalabas siya ng cafe. "I'd like to ask for your hand."
"Excuse me?" Hindi ko alam kung yung ngiti ko is genuine pa ba tignan o halatang pilit nalang. Pero hindi ko nalang binalingan ng pansin kung ano man ang facial expression ko ngayon. Ang issue dito is parang may misunderstanding na nangyayari sa pagitan namin ng costumer na 'to. Parang mali kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
Bakit ba kasi nag e-english 'tong lalaking 'to eh nasa Pinas naman kami. Tsaka parang di rin naman siya foreigner kung tutuusin.
Pero kung iisipin, hindi ba't ako rin naman ang naunang mag english sa aming dalawa? 
Nag-iba ng kaunti ang titig ng lalaki. Halata na sa mukha niya na medyo naiinis siya sa akin. "I said, I'd like to ask for your hand. Don't make me repeat myself." Madiin niyang demand. Suplado rin tong batang 'to. Palibhasa kasi rich kid, laki sa layaw.
"Sorry, sir pero... hindi po namin ipinagbibili ang kamay ko. Hehe..." Nag sisimula na akong makaramdam na parang may mali talaga sa usapan namin ngayon. Anong gagawin niya sa kamay ko? Ibibenta rin sa sindikato? Ipagbibili sa black market? O baka naman canibal 'to at gusto niyang kainin yung kamay ko?!
"..." In a split second, nag-iba na naman ang expression na nasa mukha niya. Para bang medyo nagulat siya sa sinabi ko. So iniexpect niyang ibibigay ko lang ang kamay ko sa kanya ng ganun-ganun nalang dahil lang sa hininga niya? O hindi kaya, nagulat siya dahil nabuking ko siya? Pero kung susumahin, medyo obvious namang may gagawin siyang hindi maganda. Like, why would you even ask for a person's hand?! Anong gagawin mo dun? Gagawing pulutan? Adik ka boy?
Kasing bilis ng kisapmata, mas naging seryoso ang mukha niya at parang mas nagdilim ang aura na nakapaligid sa kanya. "I'm telling you to marry me."
"M-marry?" Marry? As in magpapakasal? Magiging mag-asawa kami? Hindi ko na alam kung mali ba yung pagkakarinig ko o sadyang inalok niya lang talaga akong magpakasal sa kanya.
Nakabalik lang ako sa reyalidad mula sa pagkakalunod sa rumaragasang mga kaisipang umiikot sa utak ko nang biglang tumawa ng malakas yung nanay ko.
"Di ko alam na ganito ka na ka despirado. Inutos 'to ng nanay mo?"
At walang ano-ano'y biglang lumukso si mama sa ibabaw ng bar counter papunta sa kabilang banda para makalapit sa lalaki. My jaw literally dropped, leaving my mouth wide open. All this time, akala ko mahinhin yung nanay ko! She just jumped over a more or less a meter high bar counter! Siguro pala laro to ng Chinese garter at luksong baka noong kabataan niya. Di ko alam yun ah. 
"It's been a while, tita." Magalang na bati niya kay mama na para bang matagal na niyang kilala ang nakakatanda. Ibang-iba sa tonong ginamit niya sa akin kanina.
"Long time no see, hijo. At masasabi kong you're growing up so fast." Nakangiting sabi ni mama habang inii-scan ang lalaki mula ulo hanggang paa. "But I'm afraid you have to leave at once. You're an unwanted visitor after all."
Walang anumang paunang babala, biglang itinaas ni mama ang kanang paa niya at akmang tataman ang lalaki sa sintido. Pero bago pa man siya tamaan, nagawa niyang pigilan ang sipa gamit ang kamay.
Bakit parang ako lang ang hindi nakakasabay sa usapan? At kung titignan silang dalawa ay parang kilala nila ang isa't-isa. May dapat ba akong malaman na hindi sinasabi ng nanay ko? Tsaka bakit bigla-bigla nalang naninipa ang nanay ko?! Palaaway din ba nanay ko nung kabataan niya?
"Tita, you have to go back. Kailangan ka ng CC."
"Is that why you're here? Pero dinig na dinig ko kaninang niyayaya mo yung anak kong magpakasal." Binawi ni mama ang paa niya mula sa pagkakahawak ng nakakabata.
"That's the plan B. Plan A's to get you back to HQ but it seems that's close to impossible so I switched to plan B."
"Matagal na akong umalis sa oraganisasyong iyon. Pinutol ko na ang lahat ng koneksyon ko sa inyo." Sagot ni mama. Nagtaka tuloy ako kung anong organisasyon ang pinagsasasabi niya. "I wonder how you found us?"
"That's what CC is capable of, tita. At alam kong alam niyo yan sa sarili niyo." Pasimpleng sagot niya. "At ipagpaumanhin ninyo ang biglaan kong pagpunta. This is rather urgent kaya hindi na po ako nakapag bigay ng paunang notice."
"Cut the formalities." Ikinaway ni mama ang kamay niya, senyas na hindi niya gusto ang pagiging sobrang magalang nito. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni mama. "Hindi na ako miyembro at hindi rin ako babalik."
"That's fine too, tita." Kalmadong sagot niya sa nakakatanda. Kahit na sinabihan na siyang cut the formalities ay magalang pa rin ang tono ng boses na ginagamit nito. Kayo na bahalang humusga kung mabuting bata ba tong lalaking to o hindi.
Dagdag niya pa, "Pero dadalhin ko ang anak ninyo."
"Oh, Crimson. Dadalhin ka daw." Lumingon si mama sa akin sabay tanong, "Sama ka?"
"Huh?"
Sama saan?
Tsaka bakit pakiramdam ko pinamimigay nalang ako ng nanay ko?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Derek Heshbon Lita

    its good

    28/07

      0
  • avatar
    Casmero Noche

    wow super duper cool

    14/07

      0
  • avatar
    MendezMarsh

    ❤️❤️❤️

    12/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด