logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2 (Boss)

HINDI NAPAGHANDAAN ni Hanxi ang babaeng biglang sumulpot at sinabunutan siya. Kahit ang mga kasama ay nabigla. Natauhan siya lang nang sinabihan siya nitong malandi at mang-aagaw.
Siya pa talaga ang malandi?
Kaya inipon niya ang buo niyang lakas, hinawakan ang kamay nito na mahigpit na humihila sa  gabalikat niyang buhok. Mariing binaklas niya itong kamay binaklas. Pero may lahi yatang tuko ang babae dahil ayaw nitong bitiwan ang kanyang buhok.
"A, lalaban ka pang malandi ka!" aitong makitang nagpupumiglas siya.
Tuluyang nang nagbuga ng apoy ang kanyang ilong ng muli siya nitong tinawag na malandi. Kaya sinikmuraan niya ito gamit ang kanyang siko dahilan upang lumuwag ang paghawak nito sa kaniya. Agad niya itong marahas na hinila ang bandang leeg ng suot nitong damit.
"Ako pa talaga ang malandi at mang-aagaw? Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan, ha?" nanlilisik ang mga matang tanong niya rito. Kahit pa nakita niya ang takot sa mata nito ay pilit pa rin nitong inabot ang kanyang buhok.
Kaya itinaas niya ito ng bahagya gamit ang isang kamay lang. Hawak pa rin niya ito sa leeg ng damit nito.
"Ahhh!" biglang sigaw ng babae. "A-ang baby ko," hysteryang saad nito. Doon natauhan si John Albert na kanina pa nakatunganga dahil sa bilis ng pangyayari.
"Han, tama na iyan baka mapaano ang baby," awat sa kanya ng kinakapatid. Pero walang bakas ng pag-alala para sa babae.
Binitiwan niya ito ng marahas kaya nahulog ito sa sahig. Binalingan niya si Bert.
"Sino ba ang babaeng ito, John Albert? At nasaan ang asawa mo?" nanggagalaiting tanong niya.
"Hoy! Malandi, ako ang asawa niya!" sigaw ng babae.
Binalingan niya ito. "Am I talking to you, bitch?" malamig na tanong niya rito. Hindi ito agad nakasagot. Ngayon niya lang napagmasadan ang babae. At dumako ang kanyang mata sa tyan nito na medyo  nakaumbok.
"Who is she, John Albert Vargas? Nasaan si ate at mga anak ninyo?"
"She left me," mahinang  sagot nito. "She left me because of my stupidity."
"And who is this ugly creature? Siya ba ang ipinalit mo kay Wimmy?" galit na tanong niya rito. Hindi alintana na nakikinig ang kanyang ninang at ninong.
"Siya ang sumira  sa pamilya ko. Claiming that I got her pregnant. Ni hindi  ko nga kilala iyan. Nagulat na lang kami ng ate mo na umuwi sa bahay namin at pilit na nakisiksik sa aming pamilya kaya nilayasan ako ng ate mo dala ang kambal," paliwanag nito.
Binalingan niya ang babae nagulat siya ng makitang may nakatututok na sa kanyang baril. Pero nanginginig naman ang kamay nito.
"Oh, I am scared," nag-uuyam na saad niya sa babae.
"Hoy, babae, ibaba mo iyang baril! Sasamain ka talaga sa akin. Wala ka nang ginawa kundi sirain ang buhay ko!" galit na saad ni Bert sa babae.
"Papatayin ko ang babaeng ito. Walang babaeng makikinabang sa iyo, John Albert, kundi ako lang!" Matigas na saad ng babae pero halatabg kinakabahan.
"Tsk. Tumabi ka riyan, Kuya Bert at ako ang haharap sa PANGIT na iyan!" matigas na saad ni Hanxi.
Lumapit siya sa babae.
"Huwag kang lalapit babarilin kita!"
"Weh! Hindi nga?" Pang-iinis niya pa sa babae.
"H-hindi ako nagbibiro!"
Pero parang walang naririnig si Hanxi. Patuloy lang siya lumapit sa babae na nakangisi. Nang nasa harap na siya ng babae ay hinawakan niya ang kamay nitong nasa gatilyo at idiin sabay sabing, "BANG!"
Natawa nang malakas si Hanxi dahil pagkasabi niya ng bang ay hinimatay ang babae. Hindi bala ang lumabas aa baril na hawak nito kundi apoy. Alam miyang lighter ang hawak nito. Kung hindi ba naman ito tanga sana tinakpan man lang nito ang sticker ng apoy malapit sa gatilyo nito.
At dahil may hinala siya sa babae ay agad niyang binuksan ang tyan ng damit nito. At tumambad sa kanila ang tyan nitong may pregnant pudding. O ang pudding na nilalagay sa tyan para magmukhang buntis ang isang babae.
"Tsk! Baby pala, ha. Baby your face, pangit!" Aniya.
Narinig niya ang halakhak ng kanyang  ninong dahilan para mapalingon siya sa mga ito. Doon niya napagtantong naluluha na sa tawa ang mag-asawa. Ang kanyang Kuya Bert naman ay naiiling lang. Pinahiga nila ang babae sa couch sa sala at parang walang nangyaring ipinagpatuloy ang kanilang almusal.
"Anyway, anak, lamang din lang na broken hearted ka. Baka pwedeng gawin mo na uli ang iyong paboritong libangan?" saad ng ninong niya.
"Maganda iyan daddy ninong, a. Pero mahabang proseso pa ang kailangan para sa bagbalik ko, di ba?" aniya rito.
"Ako ang bahala, anak. At isa pa handa na ang lahat. Pirma mo na lang ang kulang. At may backer ka. You are requested by the Antique Governor Diamante to handle the case of his daughter," paliwanag ng ninong niya.
"Why? What happen to Prescious?" takang tanong niya. Kaibigan niya ang nag-iisang anak ng Governor na tinutukoy nito. Although hindi sila ganoon ka close. Matalik kasing kaibigan ng ninong niya si Governor Diamante.
"She was the recent victim of the missing bride case that had been unsolve for almost a year now," sagot nito. Saka ipinaliwanag ang nangyari.
SAMANTALANG inasikaso na ni Ethan ang mga kailangan niyang dalhin, nakausap na niya si Colonel Vargas at agaran nitong pinirmahan ang lahat ng kaukulang papeles para sa paglipat niya sa NBI Antique para sa kanyang mission. Ang sabi nito ay kakausapin pa umano nito ang kanyang magiging partner na dating agent din ng nasabing ahensiya pero nagresign di umano ito isang taon na ang nakakaraan.
Dumaan muna siya sa DNINES para kausapin ang mga kaibigan.
"Pare, aalis ka na ba?" Salubong sa kanya ni Lewis pagkapasok niya sa tambayan nilang magkakaibigan sa third floor ng building.
"Oo, pare. Para matapos na rin ito kaagad. Tsaka namiss ko rin to, pare. Ang huli kong assignment, e, yung bago tayo magresign," sagot niya dito.
"Ako nga rin, pare. Nakakamiss pala pero di bale may aksyon pa din naman tayo rito sa DNINES. Bukas na magsisimula ang training ng bagong recruits natin. Ang swerte naman nila wala ang isa sa pinakamabait na trainor," saad nito sabay tawa na sinabayan niya.  Siya kasi ang tinutukoy nito at alam niya kabaliktaran ang sinabi nito. Siya ang pinakamahigpit na trainor ng DNINES at si Ace Vincent naman ang sa RAGARAGA.
"Sige, pare, mauna na ako pasabi na lang sa kanila. I am taking my baby with me. Kakaoverhaul niya lang noong isang linggo at pinacheck ko na rin sa Kamalig boys ang kondisyon niya," saad niya dito.
"Sige, pare. Keep in touch. At nandito lang kami kailangan mo," saad ni Lewis.
He decided to bring his car at magroro na lang siya. Alam na rin iyon ni Kernel Vargas na nasa Antique ngayon dahil nagleave ito ng isang bwan.
Nagpaalam na rin siya sa parents niya na nasa Canada about his mission. He grow up in Canada but he choose to stay and study at PMA when he was only sixteen.
Pagkalipas ng halos labing dalawang oras na beyahe ay narating na niya ang town Capital ng Antique, ang San Jose. Agad niyang tinawagan si Colonel Vargas para ipaalam dito kung nasaan na siya. Doon na siya dumiretso dahil doon din ito nakatira. Hindi niya lang alam kung anong baranggay ito. Basta ang sabi lang nito ay doon sila magkita.
He is tired and he badly needed some rest. Sabado ng madaling araw pa lang. Pagtingin niya sa relong pambisig niya ay ala una ng umaga pa lang. Ala una kasi dumating sa Batangas at nakasakay din siya kaagad ng barkong patawid ng Mindoro.
Makalipas ang sampung minuto ay nakita niya ang sasakyan ng colonel na paparating. Nagbigay siya ng signal light dito. Nang ganap na makalapit ang sasakyan nito ay agad siyang  bumaba para salubungin ito.
"Alam kong pagod ka na, Ethan, kaya hindi na tayo magtatagal dito. Magconvoy na lang tayo ng sasakyan.  Malapit lang dito ang bahay namin," saad nito.
"Okay, sir," saad niya.
"Nako. Nakakailang palang tawaging  sir kapag hindi naka-uniporme. Kaya tito na lang," natatawang saad nito na ikinangiti ng binata.
Ito ang gusto nilang magkakaibigan dito dahil mataas man ang katungkulan nito ay down to earth at hindi ito mayabang.
"Pwedeng daddy na lang, tito?" Pabirong saad niya.
"Nakoh! Hindi pwede, anak, wala akong anak na babae. Inaanak lang," sakay nito aa biro niya. Pareho silang natawa.
"Sige, tito. Susunod ako sa sasakyan mo," pagkuway saad niya rito. Nakangiting tumango ito. Napagkasunduan kasi nilang doon na lang siya tutuloy sa bahay nito.
Tumuloy sila sa isang subdivision na halos kinse minutos ang biyahe mula sa poblacion ng San Jose kung saan sila nagkita. Huminto siya sa isang two storey na bahay. Simple lang ang bahay at napansin niyang ito lang ang simple at katamtamang laki ng bahay sa subdivision na iyon. Lahat kasi na madaan nila ay pwede nang tawaging mansyon. Ang alam niya ay may kaya ang pamilya nito bago pa man ito naging alagad ng batas.
Pagkapark nila ng kanilang mga sasakyan ay agad siyang hinatid ng colonel sa kanyang magiging silid.
"Lahat ng silid dito ay may sariling banyo," paliwanag nito. "Siya sige magpahinga ka na at alam kong pagod ka. Sa Lunes na tayo pupunta kina Gov."
"Salamat po, tito," nakangiting saad niya.
"Kapag may kailangan ka huwag kang mahiyang magsabi. Goodnight, Ethan," saad nito saka tuluyang umalis.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Sakto lang ang laki nito para sa isang tao. Pati ang higaan ay pang-isahan din. Kahit pagod ay nag-halfbath muna siya nang mabilis bago natulog.
"BOSS, itong bagong bride ano ang gagawin natin dito?" tanong ng isang lalaki sa tinawag nitong boss.
Lumingon ito sa tinutukoy ng tauhan. Pinasadahan niya ito ng tingin.
"Hmm. Maganda siya. Ilagay n'yo muna iyan sa reserve at pakainin ganoon din ang mga kasamang bridesmaid. Siguraduhin ninyong hindi madumihan mga iyan!" utos nito na sinunod naman ng tauhan.
Ibinaling ng 'BOSS' ang paningin nito sa kanyang collection at napangisi.
"Madadagdagan na naman ang mga collection ko," nakakalokong saad nito sabay tawa nang malakas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (79)

  • avatar
    LalunaDeity

    Highly recommend story!😭❤️ Padayon!!!

    08/04/2022

      0
  • avatar
    Dixter Mandabon Galvez

    tgv

    12h

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    10d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด