logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER FIVE

AKMANG hahalikan na ng batang Juris ang batang Sunny nang pinigilan siya ng dalagita. Nagulat pa siya nang bigla nitong iniharang ang palad nito sa labi niya. Isang questioning look na lamang ang ibinigay niya kay Sunny nang sandaling iyon.
“Rule number six hundred seventy-two ng batas namin, bawal makipaghalikan ang isang miyembro ng Lopez sa isang taong hindi naman nila karelasyon,” namumulang sambit ni Sunny sa binatilyo. “Matinding parusa ang naghihintay sa akin kapag pinayagan kitang halikan ako.”
Isang amused smile na lamang ang pinakawalan ni Juris nang sandaling iyon, “Para namang malalaman nila ang bagay na iyon kung sakali.”
Namula na lamang si Sunny nang sandaling iyon, “Malalaman nga nila. They will always find ways para mapaamin ang sumuway sa rules.”
Natawa na lamang si Juris nang sandaling iyon. Hindi nga siya nagkamali ng assessment sa dalagitang nasa harapan niya. Sa isang tingin pa lang niya sa dalagita ay alam na niyang may mga bagay na pinanghahawakan si Sunny, mga batas na dapat sundin kahit na ba sabihing nasa labas pa ito ng bahay.
“Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah,” ang nakayukong sabi ni Sunny sa binatilyo. “Kailangan ko lang sumunod dahil mahal ko ang mga magulang ko at mahal din nila ako.”
Isang amused smile na lamang ang pinasilay ni Juris sa kanyang labi nang sandaling iyon. Maganda ang pagpapalaking ginawa kay Sunny ng pamilya nito at hindi niya gugustuhing masira ang relasyon nila dahil lang sa iniimpluwensiyahan niya ang dalagita. Isang halik sa noo na lamang ang ibinigay niya kay Sunny nang sandaling iyon. Mas namula pa si Sunny pagkatapos nitong matanggap ang halik na iyon.
“Huwag kang mag-alala, harmless ang halik na iyon,” nakangiting sabi ni Juris sa dalagita. “Hindi ko naman gugustuhing mapahamak ka sa pamilya mo.”
“SUNNY!”
NAPAMULAT na lamang si Sunny nang narinig niya ang boses ni Juris. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa desk niya nang sandaling iyon. Kung hindi pa siya ginising ng binata ay siguradong hindi na niya maalala pang nasa trabaho siya. Ang mas malala pa ay ang katotohanang napanaginipan pa niya ang binata kahit na hindi naman niya sinasadyang nakatulog siya.
“Mukhang maganda ang napanaginipan mo ah,” sarkastikong sambit ni Juris sa dalaga. “Sana lang ay nagawa mo na ang trabaho mo bago ka pa man nagpasyang umidlip.”
Naningkit na lamang ang mata ni Sunny sa akusasyong ibinato ni Juris sa kanya nang sandaling iyon, “Wala ka nang pakialam pa kung ano man ang napanaginipan ko. Tapos ko na rin ang trabaho ko, nandiyan na sa mesa mo for final checking.”
Tinalikuran na lamang ni Sunny ang boss niya bago pa man niya maibulalas ang iba pang mga hinaing niya sa buhay nang sandaling iyon. Hindi naman niya kasi pwedeng sabihin sa opisina ang isang bagay na sa tingin niya ay masyado nang personal para sa kanya. She chants her family rules para lang masiguro niyang nasa katinuan pa ang utak niya. Naputol nga lang kaagad ang enchantment na ginagawa niya nang nilapitan siya ni Juris. Naramdaman pa niya ang biglaang pagpula ng mukha niya nang inilapit nito ang labi nito sa tapat ng tenga niya.
“Sabay na tayong umuwi at may ituturo pa ako sa iyo, palpak ang ginawa mong editing,” sabi ni Juris na siguradong sumapol sa pride ni Sunny.
Isang mahinang growl na lamang ang pinakawalan ni Sunny nang sandaling iyon dahil sa inis sa binata. Napatingin naman sa kanya si Raine na halatang naguluhan sa kanilang dalawa ni Juris. Akmang magtatanong na sa kanya ang binata nang pinagbantaan na niya ito.
“Subukan mo lang na magtanong sa akin ngayon ay kakain ka ng papel sa akin,” pagbabanta ni Sunny sa binata.
Napasipol na lamang ang iba nilang mga kasama nang narinig nila ang banta ni Sunny. Napayuko na lamang ang dalaga sa desk niya nang napagtanto niyang dinig sa buong opisina ang banta niyang iyon.
“Huwag kang mag-alala, mahal pa ni Raine ang buhay niya,” nakangiting sabi ni Michael na mas lalong nagpalala sa inis ni Sunny nang oras na iyon.
“SINABI ko namang hindi na ako pupunta sa bahay mo,” ang inis na sabi ni Sunny nang pinipigilan na naman siya ni Juris na umuwi nang sandaling iyon. “Kung may ituturo ka man sa akin ay ituro mo na agad iyon sa akin.”
“At sa tingin mo ba ay magagawa kitang turuan dito?” tanong naman ni Juris sa dalaga. “Tambak ang mga manuscripts na hindi pa naeedit.”
“So?!”
“Mas makabubuti kung susunod ka na lang sa akin,” sambit ni Juris sa dalaga. “Ayaw kong isipin ng iba na may favoritism ako. Ngayon lang ako magtuturo sa kasamahan ko.”
Sasagot pa sana si Sunny ngunit wala naman siyang mabuo na kahit anong concrete na pangungusap nang sandaling iyon. Itinikom na lamang niya ang bibig niya at tinanggap na lamang niya ang kapalarang talo na siya sa argumento nilang dalawa nang sandaling iyon.
“Basahin mo muna ito habang hinihintay mo ako,” sabi ni Juris sa dalaga. “Huwag kang mag-alala dahil hindi kita gagalawin kahit na sabihin pang dalawa na lang tayo rito. Alam ko pa rin kung saan ako lulugar.”
Kinuha na lamang ni Sunny ang pocketbook na ibinigay sa kanya ni Juris nang sandaling iyon. Wala na rin naman siyang ibang choice kundi sundin na lang ang kagustuhan ng binata lalo na at halata naman niyang wala itong balak na pakawalan siya nang ganoon kadali.
“Isa iyan sa mga nauna kong gawin noon kaya sa tingin ko naman ay mas madali na para sa iyo na mapag-aralan iyan,” sambit ni Juris. “Ikumpara mo iyan sa unedited version para malaman mo kung paano ang tamang editing.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sunny nang sandaling iyon. Kahit na sabihin pang isa na rin naman siyang editor ay iba pa rin kapag sinabi niyang editor siya ng isang Filipno novel. Malaking adjustment para sa kanya ang language lalo na at ang ineedit lang niya noon ay puro English. She grumbles under her breath lalo na at mukhang minamaliit ni Juris ang kakayahan niya.
“I am not looking down on you,” mabilis na sabi ni Juris na para bang nabasa na nito ang nasa utak niya. “Kailangan lang kitang itama dahil umuulit lang ang trabaho natin.”
Napanguso na lamang si Sunny nang sandaling iyon. Kahit na sabihin pang para sa kabutihan niya ang ginagawa ni Juris ay hindi pa rin niya trip na laging sabayan ang boss niya sa pagpasok at pag-uwi dahil daig pa niya ang nagkaroon ng isang security guard na handa siyang bantayan for twenty-four hours.
“Saglit na lamang ito at makakauwi na tayo,” sabi pa ni Juris na mas nagpapakulo lamang lalo sa dugo ni Sunny.
KAHIT na sinabihan na ni Juris si Sunny na pumunta sa unit nito ay nagpasya pa rin ang dalaga na huwag sundin ang kanyang boss. Sa tingin naman niya ay kaya na niyang pag-aralan ang ibinigay sa kanya ng binata. Isa pa, sawa na siyang makita ang pagmumukha ng boss niya sa isang buong araw. Kailangan niya ng ilang oras na pahinga mula sa presensiya ni Juris. Iyon nga lang, napatunayan niya sa kanyang sarili na hindi niya kaya ang ginagawa niya.
“Give me a damn break!” inis na sabi ni Sunny sa kanyang sarili. “Ayaw ko naman talaga siyang makita eh.”
Iyon nga lang, kahit na labag pa sa loob niya ang pagpunta sa kabilang unit ay wala rin siyang nagawa kundi ang pumunta. Kinukulit na rin naman siya ni Juris sa cellphone eh.
“Pumasok ka na, wala akong balak na turuan ka sa labas ng unit ko,” malamig na sabi ni Juris sa dalaga.
“Sorry for intruding then,” sagot naman ni Sunny.
Bumakas kaagad ang pagkamangha sa mukha ni Sunny nang nakita niya ang loob ng condominium unit ni Juris. Daig pa nito ang sariling unit sa kalinisan. Well, wala na rin naman siyang time para maglinis pa kaya kadalasan ay kung saan-saan na lamang niya naitatambak ang mga gamit. Bigla na lamang siyang nanliit nang sandaling iyon.
“Kung kalinisan ng unit ko ang papansin mo ay wala nga tayong matatapos na kahit na ano,” sambit ni Juris sa dalaga. “Halika na rito at ituturo ko na sa iyo kung saan ka nagkakamali kadalasan.”
Kahit na labag pa sa loob ni Sunny ang kanyang gagawin ay nagpaturo na rin siya sa binata. Mas mabuti na ring mapag-aralan na niya iyon nang maayos kaysa naman sa lagi na lamang siyang napagagalitan.
Dahil na rin sa galing magturo ni Juris ay hindi na namalayan pa ni Sunny ang tungkol sa oras. Malalim na masyado ang gabi nang tinigilan na ni Juris ang pagtuturo sa kanya.
“Hindi ko alam na common mistakes na pala as editor ang ginagawa ko,” sambit ni Sunny. “Sorry for the inconvenience.”
“I will not mind kung magkakamali ka man,” sagot naman ni Juris. “Basta ba, aaminin mo sa akin na mahal mo ako eh.”
Naningkit ang mata ni Sunny nang narinig niya ang huling statement ni Juris, “Hindi kita mahal, iyan ang totoo.”
“Talaga bang hindi mo ako mahal?” tanong agad ni Juris.
“Hindi nga!”
“Sinungaling!”
Hindi na nagawa pang makakilos ni Sunny nang bigla na lamang siyang ikinulong ni Juris sa mga bisig nito. Sa sobrang bagal ng reflexes niya ay hindi na niya namalayan pang nahalikan na siya ng binata nang sandaling iyon. Sinubukan pa niyang manlaban ngunit mas naging mapusok naman ang halik na ibinibigay sa kanya ni Juris sa kanya. Nagawa pa ngang kagatin ng binata ang ibabang bahagi ng labi niya bago pa man ito nagpasyang pakawalan siya nang oras na iyon.
“You might see me as someone na ipipilit ang gusto kong mangyari sa iyo,” sabi ni Juris sa dalaga. “But I do know my own boundaries kaya hindi kita pipilitin sa isang bagay na hindi mo gusto.”
Nagulat na lamang si Sunny nang hinalikan siya ni Juris sa noo. Ipinatong pa nito sa balikat niya ang isang spare coat na nasa sala lamang nang sandaling iyon.
“Next time, huwag kang pupunta rito na provocative ang suot at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko,” sambit ni Juris. “Lalaki pa rin ako, may urges na dapat mong bantayan.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (19)

  • avatar
    Mark Jhon Serapion

    Yeah nice

    16/10

      0
  • avatar
    RagasaKevin

    ganda ng story

    18/07/2023

      1
  • avatar
    ritzie

    nice story po 🥰🥰🥰🥰

    23/11/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด