logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Revengeful Exorcist

Revengeful Exorcist

RedLyre


Chapter 1

Putok ng mga baril. Sigawan ng mga tao. Ungol ng mga halimaw. Nasusunog na mga kabahayan. Dugong kumakalat sa paligid. Mga tumatakbong mamamayan, mga batang umiiyak habang nakikitang kinakain ng mga halimaw ang mga magulang nila. Iyan ang mga kaganapan na kasalukuyang nangyayari sa paligid ko pero heto ako at nakatayo sa gitna ng gulo. Nakatulala. Mistulang estatwa na hindi gumagalaw. Nawalan na ng boses para sumigaw pa, nawalan na ng luhang mailuluha dahil naubos na. Kagaya nila, Kagaya ng mga batang umiiyak ngayon sa aking paligid ay umiyak rin ako kanina dahil nawalan rin ako ng mga magulang kagaya nila.
Kulay pulang mga mata. Mahahaba at matalim na mga kuko. Mga pangil. May dalawang sungay sa ulo at mayroon din silang buntot. Mga sugat nila'y bigla na lang maglalaho. Kumakain sila nang laman ng tao para mabuhay at dumagdag sa kanilang lakas at kapangyarihan. Sila ang mga halimaw na sumalakay sa aming nayon. Akala ko dati ay isa lamang silang mitolohiya ngunit narito sila ngayon sa harapan ko at nakita ko pa mismo kung paano nila kinain ang mga magulang ko.
"takbo!" Ang huling sinabi ni Ina bago siya nawalan ng hininga. Ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakikita ko silang lumalapit sakin. Limang halimaw ang naglalaway na papalapit sakin. Sobra akong nandidiri at natatakot, ngunit walang kakayahan ang aking katawan na gumalaw at tumakbo.
Bungo at buto na lamang ang natitira sa kanilang mga kinain. Hindi magtatagal ay ganyan rin ang sasapitin ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Tinatanggap na ang kamatayan ko. Naghihintay sa sakit na dulot ng kanilang mga pangil ngunit Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng putok ng baril mula sa aking likuran.
Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong tumigil sa paglapit ang mga halimaw sa'kin. Nasunog sila sa mismong harapan ko hanggang sa abo na lamang ang natira.
"Tama na ang pananakot ninyo sa mga bata!" Narinig kong salita mula sa aking likuran. Boses lalaki ito.
Hinarap ko ang lalaking nagligtas sa akin. He wears black shirt, leather jacket and a cowboy hat. He had a scar on his right eye. Parang kinalmot ito ng halimaw. May hawak rin siyang dalawang baril sa kanyang mga kamay. Lumapit ito at hinawakan ang ulo ko. Tinignan ko naman siya ng mga matang puno ng takot.
"nasaktan ka ba?" Yes, Emotionally.
Umiling lamang ako bilang ganti sa kanyang tanong. Ngumiti ang lalaki sa aking harapan. Ito ang unang pagkikita namin. Ito rin ang simula ng bagong buhay na tinahak ko.
Sa murang edad, naging saksi ako ng isang trahedyang nag-iwan ng malaking bahagi sa aming kasaysayan. Isang trahedyang ako lang ang nakaligtas. Ang Dawn Village tragedy.
10 years Later……
Naglalakad ako ngayon pauwi ng mag-isa galing sa eskwelahan. Nasa dulo ng mga kabahayan pa ang bahay namin, nasa lib-lib itong bahagi ng aming pamayanan.  Ang taong nagligtas sa'kin ang nag-alaga at nagpalaki sa akin.  Nawalan siya ng asawa at anak noong sinugod raw ng mga halimaw ang bahay nila. Isa syang exorcist kaya hindi na nakapagtataka ang ganoong pangyayari.
Malapit na ako sa bahay namin nang mayroon akong maramdamang kakaiba.
Presensya ng mga halimaw.
Huminto ako sa paglalakad at humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Napangisi ako. Mukhang may mapapatay ako ngayon.
I can feel their presence around me but I can't predict where and when will they come out in the dark. I just stand there still and wait for their attack. Mukhang Hindi na nakatiis ang isa sa kanila dahil naramdaman ko ang atake nito mula sa itaas. I look up and I saw a demon with it’s crimson eyes and sharp claws ready to eat me but too bad for him I know how to defend myself!
Akmang tatamaan na nya ako pero mabilis akong umiwas. He landed in front of me pissed. I get a talisman on my pocket and throw it at he’s face directly on its forehead.
“purify.”
This is a technique that I learned from him. He teached me a lot of things about exorcism. He teaches me on how to defend myself. Tinupok ng apoy ang buong katawan ng demonyo na kalaban ko at unti-unti itong naging abo. It might be a low class technique but it was useful if I’m dealing with low rank demons. Ibang usapan na nga lang kung mga malalakas na demons na ang kalaban ko dahil mangangailangan ako ng sacred weapon.
Nagsilabasan naman agad ang mga kasama nitong demonyo na pinatay ko. Lima silang lahat na sumugod sa akin at ginawa ko ulit ang purification technique sa kanila. Nakiramdam muna ako saglit sa paligid ko bago lumakad ulit pauwi sa bahay namin.
Sampung taon. Ang mga taong iginugol ko upang pag-aralan ang lahat tungkol sa lahi nila. Sampung taon na dala-dala ko ang pangyayaring nag-iwan ng malaking bahagi ng aking pagkatao at sa aming kasaysayan.
“nakauwi na po ako,” bungad ko habang sinasarado ang pinto ng bahay namin.
“Mabuti at nakauwi kana Veena. Umakyat kana at magbihis, maghahapunan na tayo”. tumango lamang ako bilang tugon at umakyat na papunta sa kwarto ko.
Maliit lang ang kwarto ko at kaunti lang rin ang mga gamit. Kama kong malapit sa bintana, study table, Cabinet at bookshelf lang naman ang laman ng kwarto ko. Inilapag ko ang bag ko sa study table at kumuha ng damit na pamalit. Kumuha lng ako ng t-shirt at cotton shorts. Lumabas na agad ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina.
“Aalis ako bukas dahil may misyong ibinigay sakin hindi ko alam kung kailan ako makakabalik,” sabi ni Mr. Smith habang kumakain kami ng hapunan. Nag-aalala itong tumingin sa akin at napabuntong hininga.
“Magiging okay ka lang bang mag-isa dito sa bahay?”
Tumingin ako sa kanya at sa blankong expression ako'y nagsalita, “alam ko po kung paano protektahan ang sarili ko atsaka, mas mag-alala po kayo sa sarili ninyo dahil kayo po ang susulong sa lungga ng mga halimaw at hindi naman po ako.”
Tinuloy ko ang pagkain at gano'n din si Mr. Smith. Kahit ilang beses na niyang sinabi sakin na tawagin ko siyang ama, hindi ko pa rin magawa. Siguro dahil alam kong mayroon akong mga magulang at nakita ko mismo kung paano sila namatay sa aking harapan.
Hindi ko namalayang humigpit na pala ang hawak ko sa aking kubyertos. Nakita ito ni Mr. Smith kaya't bigla kong nabitawan ang hawak ko.
“Tapos na po akong kumain.” niligpit ko ang kinainan ko at ganun din si Mr. Smith.
Maghuhugas pa sana siya ng mga pinagkainan namin ngunit nagpresinta na akong ako na ang gagawa kaya't sumang-ayon na lamang ito at umakyat na sa itaas. Alam ko naman kasing kailangan pa niyang mag-impake ng mga gamit niya.
Pagkatapos kong maghugas ay pumasok na ako sa kwarto ko at umupo sa harap ng study table. Kumuha ako ng ink at sacred paper para gumawa ng mga talisman. Itinuro rin ito sa akin ni Mr. Smith.
Ito na ang buhay ko ngayon. Sa umaga ay nag-aaral ako sa isang pampublikong eskwelahan dito sa bayan namin. Samantalang, kapag gabi naman ay pag-aaralan ko ang mga paraan para pumatay ng mga halimaw.
The thing that keeps me moving forward until now is the thought of Revenge. Kailangan kong hanapin at patayin ang mga halimaw na sumalakay sa nayon namin. Hinding hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi nangyayari 'yon.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang gumagawa ng talisman. Nagising lamang ako dahil sa katok mula sa pinto ng aking kwarto. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin ang mukha ni Mr. Smith. Mukhang aalis na siya dahil hawak niya ang kanyang itim na bag.
Unti-unti nang sumisikat ang araw nang ihatid ko hanggang sa gate si Mr. Smith. Ngumiti sya sa akin at nagpaalala bago siya umalis.
“Mag-iingat ka palagi. Mas dumarami ang bilang nila ngayon at habang tumatagal mas lalong lumalakas ang mga nakakalaban ko at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako ng buhay sa bawat misyong ibinibigay sakin. Ikaw nalang ang itinuturing Kong pamilya. Nawalan na ako minsan ng anak, ayaw kong maulit iyon sa ikalawang pagkakataon.”
Nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig ng maigi sa lahat ng kanyang sinasabi. Alam kong kinupkop nya ako dahil nakikita nya ang anak niya sa'kin. Kung hindi lang sana ito namatay, magka-edad sana kami ngayon.
I smiled at him assuring that I'll be fine and he smiled back.
He pat my head as he slowly walked away. I just waved my hand while staring at his back. He also waved his hand and the last thing I saw was a tattoo of a phoenix raging in fire on his hand before he disappeared on my sight.
Ang nakatalikod niyang anino habang papataas ang araw ay isang magandang tanawin ngunit hindi ko inakalang ang umagang iyon na pala ang huling beses na makikita ko siyang buhay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    BuctuanLiezel

    more chapter pa please...nakakabitin basahin. sobrang intense..sana completed na soon

    24/07/2023

      0
  • avatar
    RedLancaster

    the story is exciting

    22/12/2022

      0
  • avatar
    AMBANDOL

    Nice. keep writing!

    30/06/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด