logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

"No, I don't want to" kinuha ni Zach ang remote at pinalakasan ang volume ng TV.
"Give me reason why I should not beat him, Carol" bulong ni Gray sakin.
"Kasi hindi parin siya makalakad?" bulong ko pabalik sa kanya. Tumitig muna siya kay Zach bago tumango.
Pinipilit namin siyang dalhin sa hospital dahil ngayon ang schedule ng check up niya. Kaninang umaga ko pa pinipilit si Zach pero ayaw niya talaga kaya tinawagan ko Gray but unfortunately ayaw niya parin.
Pareho kaming bagsak balikat ni Gray.
"Tatawagan ko nalang ang doctor niya para papuntahin dito. Baka nahihirapan parin siya" tanging sabi ko at tumalikod na sa kanila.
"No! Don't call a doctor, Carol." Nabigla naman kami ni Gray sa pagsigaw ni Zach.
"Dude, sigurado ka bang paa lang may diperensya sayo. Mukhang pati utak mo naapektuhan" Tumalim naman ang tingin ni Zach sa sinabi ni Gray.
"Just please, don't bother me. Ayokong magpa check-up."
"Pero kailangan mong maipacheck up Sir, para malaman kung pwede na bang tanggalin yang cast mo" I said.
"No, ayoko ko nga. But if you still insist, okay. Magpapacheck up ako kapag gusto ko." napakatigas talaga ng ulo. Bahala siya buhay niya.
"Ayaw mo bang mapagaling?" tanong ko.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay umiwas lang ito ng tingin at tinulak ang welchair patungo sa kusina. Napabaling ako kay Gray ng bigla itong natawa.
"I know, I know why he didn't want to go in doctor. Matalino talaga yang ex mk" tinaliman ko naman siya ng tingin na ikanatawa naman niya.
"Anong alam mo?" tanong ko kay Gray.
"Kung sasabihin ko sayo baka ma banned ako dito" tanging sabi niya bago lumabas sa condo.
Isang buwan na akong nagtatrabaho kay Zach pero di ko parin tansya ang ugali niya. His mood swing is just, I can't . Mabait minsan pero magiging masungit ulit. Hindi na rin ulit ako sumusuway sa nga utos niya. Kahit medyo nahihirapan ako sa utos niya ay kailangan kong gawin yun para kay Courtney. Hindi naman niya ako pinapakilos sa mga gawaing bahay bukod sa pagluluto, dapat lang daw sa kanya lang pokus ko dahil nurse ako at hindi house maid. Di ko nga akalain na tatagal ako dito kasama siya, syempre naging pangit ang paghihiwalay namin, wala man lang closure. Nagpapasalamat din ako na hindi niya binabanggit ang nakaraan namin. Wala din naman dapat balikan.
Dahil hindi ko napilit si Zach sa hospital ay nagluto nalang ako para sa miryenda namin. May cook naman siya dito pero ayaw niya sa nga niluluto nito, kaya wala akong nagawa kundi ako nalang ang nagluluto. Nang matapos ako ay sinundan ko siya sa kwarto na ngayo'y nagtatrabaho. Kahit na nasa bahay siya ay umaatend siya ng mga meetings at may mga trabaho siyang ginagawa dito. CEO parin siya kaya dapat responsable parin siya sa kompanya niya.
"Ikaw?" nagulat naman ako sa pagsalita ni Zach.
"A-anong ako?" hindi ko alam bakit nauutal ako.
Umayos siya ng upo bago nagtanong sakin.
"Ikaw? Hindi ka kakain"
"Mamaya na pagkatapos mo" sagot ko. Kadalasan kasi mauuna muna siyang kumain bago ako. Yan yung rules niya nung bago pa ako rito, okay naman sakin kasi sanay din naman ako noong namasukan ako bilang katulong.
"Sit. Let's eat together" mautoridad na sambit niya.
"Per-"
"Sit, Carol" wala akong nagawa kundi kumuha ng sariling plato at umupo sa harap niya. Tahimik lang kaming kumakain, tanging mga kubyertos lang ang gumagawa ng ingay.
Nang tapos na siya pinanuod ko siyang paikang tumayo para abutin ang baso. Nakakatayo naman talaga siya ang hindi ko lang maintindihan parang hindi niya gusto tanggalin ang cast.
"Ako nalang kaya ang tatanggal sa cast mo. Pwede naman na kukunin ko sa hospital ang mga gamit." suwestiyon ko.
"Carol, please. Ayoko" kumibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Gusto kong lumabas" sandali ako napatigil at bumaling sa kanya.
"Saan?" tanong ko.
"At bay? I want fresh air. Nakakasuffoscate na rito. Don't worry uuwi din naman agad tayo" tumango nalang. Totoo naman talaga, nakakasuffoscate narin kasi dito.
Nang matapos kaming kumain ay naligo mo na siya at ako namay nagbihis. Sinuot ko lang ang touser at tuck in white long sleeve button down ko. Flats lang ang sinuot ko sa paa dahil dagat ang pupuntahan namin. Hindi na ako nag-abalang mag make up dahil wala na akong oras. Paglabas ko sa kwarto ay kinuha ko ang saklay ni Zach sa isang guest room. Marunong siyang gumamit nito kaya hindi na kami mahihirapan . Hindi naman pwede na mag wheelchair siya.
Kakatok na sana ako sa kwarto niya nang kusang bumukas ito. Napabato ako ng makita ang ayos niya. Black polo ang suot niya at nakabukas ang tatlong botones. Naka brush up ang buhok niya kaya ang pormal niyang tignan. Gaga ako kapag sinabi kong pangit siya, pero ang gwapo niya talaga noon paman pero mas gumwapo pa siya ngayon. Mas matangkad at maskulado na siya kesa sa noon. Di na ako magtataka kung bakit maraming babaeng inggit sakin noon.
"Help me" napabalik ako sa huwisyon ng kinuha niya ang saklay sakin. Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko at tinulungan siya sa pagtayo.
Nang nasa sasakyan na kami ay binigay niya agad ang address ng resort kay Kuya Jose. Di ko alam kung sino ang may-ari pero sa kutob ko ay kakilala lang niya. Tahimik lang ako sa loob ng kotse habang siya ay nakasandal at nakapikit ang mata. Wala sa sariling tinitigan ko ang kanyang mukha. His lashes is long and curly, mas mataas pa ata ang pilik mata niya sakin. Napakatangos ng ilong at mapupulang mga labi. Nang bahagyang gumalaw si Zach ay agad akong bumaling sa labas ng bintana. Nakakahiya ka, Carol!
"Mukhang mahirap po ron Sir, dito nalang tayo" pagpipilit ko sa kanya. Gusto niya sa tabing dagat talaga pero mahihirapan kaming maglakad roon dahil naka saklay siya. May sementong sahig naman malapit sa mga cottage pero malayo layo naman sa tubig.
"Hindi ako mahihirapan okay? Trust me. Gusto ko doon" sabay turo niya sa malapad na bato na nasa tabing dagat.
"Si-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsimula itong maglakad. Inis na napapadyak ako at sinundan agad. Akmang aalalayan ko na siya pero tumanggi ito. Palihim ko siyang inirapan at pinagmasdan nalang siyang maglakad.
"Finally, I'm back." rinig kong bulong niya.
"Palagi ka rito?" tanong ko habang inalalayan siyang umupo sa bato.
Imbes na sumagot ay tumango lang ito. Tanging mga masasayang sigaw at alon lang ang gumagawa ng ingay sa paligid namin. Nagsisimula naring maging kulay kahel ang langit. Naramdaman ko ang pagkalabog ng puso ko ng maalalang ganitong senaryo ang paborito naming pagmasdan. The sea and sunset is our comfort spot, palagi kaming pumupunta ng dagat noon para pagmasdan lang ang paglubog ng araw.
"You remember it" mas lalong nag wala ang puso ko nag magsalita siya.
"We used watching it before" patuloy na pagkukwento niya. Hindi ko siya nilingon at nakatuon lang ako sa araw.
"Planning our future...." napalingon na ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Agad na nagtama ang mga mata namin. I can see the sadness and longing in his eyes.
"But turns out hindi na tupad iyon" malungkot na sabi niya.
"You left me" naging maharas ang paghinga ko at nangilid ang mga luha ko.
"I understand why you left me. Kasalan ko rin naman yun." umiwas ako ng tingin sa kanya at palihim na pinaalis ang luha sa pisngi ko. Bakit ba ako naapektuhan sa mga sinasabi niya?
"Please Sir, wag na po natin yun balikan. Tapos na yun" tanging sabi ko.
"No, Carol. I want to ex-" hindi natapos ang sasabihin ni Zach ng tumunog ang cellphone ko.
Colleen Calling......
Tumingin ako kay Zach na nakatingin parin sakin. Sumenyas ako na sasagutin ko lang at tumango naman siya.
"Mama!" napangiti agad ako ng marinig ko ang boses ni Conan.
"Hi Conan. Napatawag ka?" nakangiting tanong ko. Di ko alam bakit napalingon ako kay Zach na nasa harap na nakatingin.
"May load kasi si Tita, kaya kinuha ko phone niya para tawagan ka. I miss you ma!" napatawa nalang ako sa sagot ng anak ko.
"I miss you rin mahal. Ang baby natin? saan si Courtney?" narinig ko ang pagsigaw ni Conan sa kabilang linya na tinatawag ang kambal.
"Hello mama?" mahinhin na sabi ni Courtney.
"Hi baby, kamusta ka? I miss you baby"
"Okay lang ako mama, sinamahan ako ni Tita pumunta sa doctor ko kahapon" pagkukwento niya.
"Mama, dala ka po pasalubong po ha!" singit naman ni Conan.
"Sige mga mahal, dadalhin ko kayo ng pasalubong sa day off ko. Sige na, may trabaho pa si mama. Mamaya nalang gabi ha. I love you Conan."
"I love you more mama" rinig ko pa ang paghalik niya na ikanatawa ko.
"I love you Courtney"
"I love you so much mama" sagot ni Courtney. Nagpaalam na ako sa kanila at binaba ang linya.
"Conan and Courtney. Ilang taon na sila? " gulat naman ako ng banggitin niya ang pangalan ng kambal. Alam ko naman na alam niyang may anak ako, syempre nakalagay yun sa bio data ko. Pero sigurado din akong di niya alam na sa kanya ang kambal.
"F-four" pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handa para sabihin ang tungkol sa anak namin. Sasabihin ko naman pero hindi muna sa ngayon.
Hindi siya nagsalita at parang naghihintay pa ng sagot.
"Apat na taong gulang sila, kambal." paliwanag ko na ikinatango niya.
"Four" Nakaramdam ako ng konsensya sa pagbulong niya yun.
"They're too young. Sinong nagbabantay sa kanila? Y-your husband" kita ko ang pag-igting ng panga niya. Ano bang ikinagalit niya.
"Hindi, wala akong asawa. Yung pinsan ko ang nagbabantay sa kanila" kita ko ang multong ngiti sa labi niya.
"That's great.. I-I mean that's sad." Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Let's go, it's getting dark. Kain nalang tayo sa restaurant. My treat" bahagya pa akong nagulat sa pagngiti niya. Ngayon ko lang siyang nakita ganito kasaya simula nong naging nurse niya ako. Ayokong mag assume pero parang masaya ata siyang nalaman na wala akong asawa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (52)

  • avatar
    Cris Denzter Bacalzo

    biglang isang pilipino kailangan ko tumupsd sa utus ng batas at kailangan natin mag sumikap at magpag para Tayo ay guminhawa ng Buhay natin pag may gusto Tayo Gawin natin wag natin iasa sa mga magulang natin kung hindi mamamatay Tayo ng walang ginagawa puro hhhhhhhhhhhhghbbbvvbvvvbghggggggggggggggggggggggggggggggcvhgxdgvdhrsgf😘😫💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤🎃😁😉🎃🎃🎃🎃🎃💗🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤😕🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🙁🫤❗🫤🫤❓🙁🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶😂🫶🫶😂😂🫶😂🤣😂🫶😂😂😂😂

    02/11/2024

      0
  • avatar
    Angelica Magaddatu

    Ang ganda po

    04/08/2024

      0
  • avatar
    Kyla Gillian Bahillo

    nkk

    06/07/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด