logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

When you are beautiful, everyone loves you. When you're ugly, everyone belittles you.
Panay pa rin ang paghagulgol ko. Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng unibersidad ko. Wala namang studyante sa parteng ito. Nakaupo ako sa lilim ng isang puno.
"Miss, tumigil ka na sa pag-iyak." Natigilan ako. May tao pala rito! Kinuha ko ang panyong nakaabot sa akin at agad pinunasan ang mga luha ko.
"Thank you!" Napaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko.
"Ikaw!" malakas niyang sigaw. Napaatras ako at tatakbo na sana nang harangan niya ako. Nakaharang ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko.
"Akala mo makakatakas ka? May kasalanan ka pa sa akin." Napalunok ako sa sobrang lapit namin. Anong gagawin ng lalaking ito?
"Lumayo ka!" Pilit ko siyang tinutulak pero parang nagtutulak lang ako ng pader. Ni hindi ko man lang siya magalaw.
Sisipain ko sana siya nang napigilan niya rin ang paa ko.
"Uy, namimihasa ka na ah! Masakit pa ang paa ko!" sigaw niya. Natigilan ako nang makita ang benda sa paa niya.
"Ano bang kailangan mo?" mahinahon ko ng tanong. Binitiwan naman niya ako at umupo sa tabi ko. Lalo naman akong nakonsensya habang nakikita siyang iika-ika.
"Marami akong kailangan sa iyo. Dahil may kasalanan ka sa akin. Pero malay ko bang ikaw 'yong babaeng kung makaiyak diyan. Parang wala ng bukas," sermon niya at bumalik sa pwesto niyang pagkakasandal sa puno.
"Masakit ba?" tanong ko. Nilingon ko siya. Nakapikit na ito. Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to?
"Syempre! May tinapakan ba gamit ang heels na hindi masakit?" Napangiwi ako. Oo nga pala, naka-heels ako kahapon. Siguradong sobrang sakit nga.
"Sorry." Nagmulat siya.
"Bakit ka pala umiiyak?" seryosong tanong niya. Napanguso ako. And now he's serious.
"Because I'm ugly," simpleng sagot ko. Napakunot-noo naman siya.
"Saang banda?" Napangiwi ako sa tanong niya. Parang batang sobrang nagtataka sa sagot ko.
Walang buhay kong tinanggal ang face mask ko. Maraming tao na ang tumawa sa akin kanina at humusga.
Hindi ko na kailangan pang mahiya sa lalaking 'to.
I expected him to laugh, disgust and judge me, but he just stared at my scars.
"Wala ka bang reaksyon?" inis kong tanong. Umiwas naman siya ng tingin. Sabi na, nandidiri rin siya.
"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong niya.
"Bakit ko sasabihin sa 'yo, close ba tayo?" Pambabara ko. Inis naman niya akong nilingon.
"Abat!" Nginisihan ko siya.
"What?" nakataas kilay kong sabi.
"Tsk, basta kailangan mo akong panagutan!" Nanlaki ang mata ko.
"What the hell!" Pinitik naman niya ang noo ko.
"Hay! Miss tanga, huwag madumi ang utak, huh. Panagutan mo ang ginawa mo sa paa ko. 'Yon ang ibig kong sabihin." Napasimangot ako. Tinawag na naman akong tanga. Kapal!
"Hoy ka rin Mr. Mahangin! What do you want? Money?" tanong ko.
"Kayo talagang mga mayayaman oh! Pera agad ang nasa isip!" Natigilan ako. Shit! Lumalabas talaga ng kusa ang pagiging brat ko minsan. Bago niya pa ako matalikuran, nahawakan ko na ang braso niya.
"Teka!"
"Ano na naman?" Mabilis niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya. Parang mahahawa naman siya ng sakit.
"Sorry, hindi ko sinasadya!" nakayukong sabi ko.
"Samahan mo ako." Nag-angat na ako ng tingin. "Saan?" tanong ko.
"Sa clinic, wala 'yong nurse kaya ikaw ang gumamot sa akin." Wala akong nagawa kundi ang humabol sa kanya.
"Aww, dahan-dahan naman!" Natatawa na lang ako sa reaksyon niya. Akala mo kinakatay. Tinatanggal ko kasi ang benda niya.
"Huwag mo nga akong tawanan! Alalahanin mo, ikaw ang may gawa niyan!" inis niyang sigaw sa akin.
"Oo na!" naiiritang sabi ko. Kanina niya pa paulit-ulit sinusumbat sa akin. Lalo akong nakonsesya nang makita na talaga ang paa niya. Namamaga ito, at umiitim na rin.
"May gamot ka bang iniinom?" tanong ko.
"Meron, pero mauubos na. Saka pang pain reliever lang."
"Samahan mo ako mamaya. Bibili tayo ng gamot. Saka kailangan, huwag ka muna magkikilos." Tumingala ako ng wala akong nakuhang sagot. Seryosong nakatingin lamang siya sa akin. Nakaka-intimidate talaga ang mga mata niya.
"Sige, pero may trabaho pa ako."
"Trabaho?" Hindi naman siya mukhang mahirap ah.
"Hindi ako mayaman, kaya kailangan kong magtrabaho," sagot niya. He's not rich pero wala sa itsura.
"Pero, kailangan mong ipahinga ang paa mo." Napasimangot naman siya.
"Hindi ako magkakapera. Kung hindi ako magtratrabaho." Napangiti ako ng may maisip.
"Then, since ako naman ang may kasalanan. I can substitute in your work!" excited kong sabi.
"Talaga kaya mo? Eh, mukhang mayaman ka eh."
"Minamaliit mo ba ako?" nakataas kilay kong tanong. Tumawa naman siya sabay lapit ng mukha sa akin.
"Na-trigger ka ba, Miss tanga?"
"Stop calling me, Tanga! I'm not dumb!"
"Ito naman highblood." Ginulo niya ang buhok ko. Napasimangot ako.
"So, ano payag ka na?"
"Yan gusto mo eh, kasalanan mo naman kung bakit ako nagkaganito. Dapat lang na may gawin ka."
Namayani ang katahimikan.
"Di ka ba papasok sa klase mo?" biglang tanong niya. Umiling ako.
"Ayaw ko muna, bukas na lang. Ayaw ko makita 'yong mga panghuhusga nila." Napakunot-noo siya.
"Hinusgahan ka? Sino?"
"Ang mga kaklase ko, pinagtawanan pa ako. Hindi ko naman sila masisisi. I'm such a ugly duckling or even a monster." Para akong batang nagsusumbong. Hindi ko alam pero panatag ang loob ko sa kanya.
Hindi ko makontrol ang sarili ko parang kapag may naisip ako. Sasabihin ko agad, siguro kasi wala naman na akong career na inaalagaan.
Sa China, I need to always smile to everyone. Kahit pagod na ako o malungkot talaga ako. Kailangan mabait ako para walang isyu. Ang hirap. Ngayon ko na nakikita ang disadvantage ng buhay ko roon.
"So, kaya ka pala umiiyak. Tara, ituro mo sa akin at bubugbugin ko sila," maangas niyang tanong. Binatukan ko nga.
"Nakalimutan mo yatang pilay ka! Paano mo sila bubugbugin. Ikaw pala tanga sa atin, eh," asar ko.
"Ah, gumaganti ka na nga ngayon oh." Ginulo niya ang buhok ko.
"Aish! Huwag mo guluhin!" sigaw ko at pilit umiwas sa kanya. Napatigil lang ako nang may tumikhim.
"Excuse me." Napalingon ako. 'Yong magandang babaeng nasa entrance kanina. Agad itong lumapit sa amin.
"Ikaw ba si Faye Cameron?" Tumango ako.
"Hinanap ka ni Prof Smith." Tumayo na ako.
"Asan po siya?" tanong ko.
"Sabi niya dumiretso ka na lang daw sa room niyo." Yumuko ako.
"Salamat." Maglalakad na ako ng may humila sa kamay ko. Nilingon ko ito.
"Sama mo ako." Napakunot-noo ako.
"Dito ka na lang, magpahinga ka." Kita kong ayaw niya pero umalis na lang ako.
***
"Anong nangyari sa paa mo?" Biglang tanong niya. Akala ko hindi na ito mag-aaral dito.
"Pakialam mo." Walang emosyong tumayo ako. Iniwan ba naman kasi ako ng babaeng 'yon.
"Please Phyth, alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo pero huwag mo naman akong tratuhin ng ganito." Natawa ako ng pagak.
"Anong gusto mo? Yakapin kita, lambingin. Pagkatapos nang ginawa mo. Bakit ka pa pala nandito? Diba dapat nasa Europe ka."
"Phyth, I came back because I love you. I want you mine again." Eh! Tarantado pala ang babaeng ito. Nilingon ko siya.
"Well, congrats but I don't feel the same thing." Kahit iika-ikaw bilisan kong maglakad palayo sa kanya.
Malapit lang ako sa kanya parang gusto ko nang sumuka. Bakit ko ba pinatulan at minahal ang babaeng 'yun? Hanggang ngayon naaalala ko pa ang ginawa ng pamilya niya sa akin.
Nilingon ko ang paligid ko.
"Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?" Bigla kong naalala ang binanggit ni...shit! Ayaw kong banggitin ang pangalan niya.
Hanapin ko na nga lang si Sir Gilbert.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (128)

  • avatar
    BeltranGeneva Olive

    nice story i love it

    7d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    ngayon kolang to napanood buti na lang dinawload koto

    25d

      0
  • avatar
    Kiel Esteban

    nice

    26d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด