logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Enchanted

Enchanted

Msshell


Chapter 1

I am Fayeren Doll Chua.
The princess in the family.
The heiress.
The superstar.
The luckiest girl in town for having a good lovelife.
I think my life, is the definition of perfection.
And then, because of one tragedy. I realized there is no perfect life.
"Doc, gagaling pa ba ako?" puno ang pag-asang tanong ko.
"Well, Ms. Chua, there's a big possibility, but frankly speaking it will not be easy. It takes a year or so before your face will be back to normal."
"A year?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya. Napatingin ako sa mga magulang kong umiiyak na. No, no! This can't happen to me!
"Doc, masyadong matagal. Pwede bang a month lang? Please..." nagsusumamo kong sabi.
"I'm sorry Ms. Chua. You are lucky, if it's just 1 year. You can't easily undergo surgery without your skin fully healed plus your skin is too sensitive for surgery." Tuluyang bumuhos ang mga luha ko.
"No!" Napasabunot ako sa buhok ko. Gusto kong magwala!
"Hija, it's okay. Nandito kami, gagaling ka." Niyakap ko sila nang mahigpit.
"My face mom. I look like a monster!"
"It's okay, the most important is you're alive my princess." Naramdaman ko ang paghalik ni Dad sa noo ko. Hindi siya nandidiri. Lalo akong napaiyak.
"How about my career dad? I'm no longer beautiful."
"My princess, you should stop thinking about everything you will leave behind. Maybe your face is ruined, but you're still beautiful to us."
"Anak, tama ang daddy mo. Masira man ang mukha mo, maganda ka pa rin sa paningin namin. Pagsubok lang ito sa buhay mo. You will survive it, your physical appearance is purely nothing compared to your beauty inside."
Can I believe that beauty is not important to this judgmental world?
Kung masaya ka ang bilis ng pagdaan ng mga araw, buwan, at taon. Hindi mo man lang namamalayan. Habang kung malungkot ka parang bawat araw ay isang kalbaryo at kayhirap makausad.
Sa mga nagdaang buwan. Nabibilang pa lang kung ilang beses ako ngumiti. At kung 'di man pilit, peke pa. Sa ilang taon kung namuhay sa mundong puno ng mga magagandang mukha at talento. Alam ko namang lubos akong naging masaya. Nagiging masaya ako tuwing nagagawa ko ang mga expectation nila. Tuwing lalo kong nararamdaman ang paghanga nila sa akin.
Sa edad kong labing-walo, masasabi kong perpekto na ang buhay ko. At sobrang naniwala ako.
Ngayon nga, alam ko na. Na kayhirap maniwalang perpekto ang buhay ng isang tao dahil kahit kailan hindi ito magkatotoo dahil una't sapol palang, wala nang perpektong buhay.
The Superstar is now gone.
Basa ko sa pamagat ng panibagong article tungkol sa akin. Ilang buwan na rin akong hindi lumalabas. My friends already left me. My fans, they are all gone.
Doll Chua, the teen superstar of China, has been in a car accident recently and, according to gossip, her face is totally damaged. Her agency already talked about the issue and confirmed that she would be out in showbiz for the mean time.
Hindi ko na itinuloy. Pare-pareho lang naman ang nilalaman. Sa nangyari sa akin, ito ang gumising sa kahibangan ko at nagwasak sa paniniwala ko. Sa isang iglap, pwedeng mawala ang lahat.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ang masayang araw ko ay mauuwi lang sa trahedya.
I can't help but regret my careless decision. 
Kung hindi sana ako nagpumilit na pumunta sa bar at uminom. Hindi sana ako nabangga. Sana ngayon, normal pa rin ang buhay ko.
"Wǒ de nǚshì, Nǐ zài zhèlǐ?" (My lady, Are you here?) Lumingon ako sa pinto dahil sa biglang pagkatok.
"Shi, I'm here." Binuksan ko ang pinto. (Yes)
"Young Master Aljohn is here. Tā zài huāyuán lǐ. (He's in the garden) Agad nagliwanag ang mukha ko.
Aljohn is my childhood sweetheart, my boyfriend, and my long time fiance.
"Okay, thank you." Mabilis akong tumayo at sinuklay ang buhok kong magulo pa. Napadako ang tingin ko sa face mask ko. Nagdadalawang-isip ako kung isusuot ko pa ba o hindi na?
Sa huli, napagpasyahan kong huwag nang isuot. Nakita na niya ang itsura ko at hindi naman siya nandiri saka boyfriend ko siya. May tiwala akong hindi siya katulad ng ibang taong hinusgahan ako agad dahil sa itsura ko.
He loves me.
Nakatalikod siya sa akin. Nakatingin sa magagandang halaman sa hardin. I'm so lucky, he's my boyfriend. Siya at ang pamilya ko na lang ang nagpapalakas sa loob ko.
"Hey, Love! I miss you. Sorry, for what happened in the hospital." Malambing kong salubong at niyakap siya mula sa likod. Nag-aaral kasi siya sa America, umuwi lang siya nang malamang naaksidente ako.
But I was so vulnerable at that moment, so I didn't really talk to him. 
Seryoso siyang humarap sa akin. "What's wrong?" nakangiting tanong ko. Nang nanatili siyang tahimik.
"Well, Faye." Bumuntong-hininga siya. Tinitigan ko lang siya. Inaabangan ang sasabihin niya. Umiwas siya ng tingin sa akin at ginulo ang buhok.
"Hey! What is it?" Pilit akong ngumiti at tinanggal ang negatibong naiisip ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Faye, listen," seryosong sabi niya. Dumagsa ang kaba ko. He called me by my first name.
"I'm listening." Tumawa ako para takpan ang sobra-sobrang kaba.
"Let us stop this." Napaawang ang labi ko. Parang sinaksak ang dibdib ko nang tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"What?" Pinigilan ko ang nagbabadyang luha. Napaiwas siya ng tingin. He can't even look at me.
"Let's break up." Tuluyang tumulo ang luha ko.
"Why Aljohn? Is it because I'm ugly now? Isang taon lang! Gagaling ako. Don't do this to me!" Tuluyan akong napaluhod. Nanginginig ang mga kalamnan ko. Nanghihina.
Pero mas nangingibabaw ang kirot sa puso ko.
I never expected this!
"It's not because of it." Pilit niya akong itinayo.
"Then why?" puno ng kalituhang tanong ko.
"My family. They don't want the humiliation and issues you are facing. They didn't want me and our family to get involved. " Napagulo siya sa buhok niya.
His family? I can't believe it! Itinuring namin silang kapamilya at dahil lang sa nangyari sa akin, ganito na.
"They doesn't want you anymore to be my fiancee," pikit matang sabi niya.
"And you can't even fight for me?" tanong ko.
"It's just—" I cut him off.
"It's just your lame reason! You just didn't love me enough!" Pilit kong pinalis ang luha ko. Hindi ako makapaniwala.
"Tell me Aljohn, minahal mo ba talaga ako? O minahal mo lang ako dahil sa mukha ko?" Napatawa ako nang hindi siya agad makasagot.
"F-faye." Walang emosyon ko siyang tinitigan.
"No need to answer, I already know it. You can't even look at me now. Your girlfriend..." Napatawa ako ng pagak.
"Oh, I'm sorry! Your ex-girlfriend or ex-fiancee I should say, looks like a monster now." Puno nang kapaitang bigkas ko.
"Faye, ilang taon din tayo. Kaya minahal kita at importante ka sa akin." Galit ko siyang hinarap. Minahal? Past tense!
"Stop the crap Aljohn! Hindi ako makapaniwalang ang taong mahal ko ay katulad lang din ng mga ibang lalaki." Napayuko siya. Nagsusumamo ang mga mata.
He's my hero, he's my best friend, my ideal boyfriend. My half, yet I can't believe he is also my heartbreaker.
Matapang ko siyang hinarap. Marahas kong pinalis ang luha kong parang gripo na patuloy sa pagtulo.
"Remember this. You broke me today, but I will stand and live. My face is ruined, but I believe it will heal and if that time comes....I'm with someone else."
Maaaring sobrang mahal ko siya ngayon pero malakas ang paniniwala kong may matatagpuan pa akong iba. Na mamahalin ako ng hindi tumitingin sa panlabas na anyo.
"Faye, I'm doing this for the better." Umiling lang ako. Better? The fuck!
"Even you will beg and cry blood. I will never accept you. I don't need a guy whose outer beauty is more important." Tinatagan ko ang tuhod ko para makalakad palayo sa kanya.
I don't need him!
Pagkapasok ko sa kwarto ko. Saka lang ako napaluhod at humagulgol. Napatingin ako sa malaking salamin.
I can't even look at it. Wala na ang kagandahang taglay ko! Ang hinahangaan ng lahat. Sira na!
"Anak, anong nangyari?" Agad kong niyakap si mommy.
"M-om, w-ala na k-kami ni Aljohn." Para akong batang nagsumiksik sa kanya.
"Be strong anak. Be strong." Hinagod niya ang likod ko at pinatahan.
Lahat ng taong tumalikod sa akin. Sisiguraduhin kong magsisisi sila.
Tahimik akong kumakain. Ayaw ko
sana pero ayaw kong lalong mag-alala pa sila. Rinig na rinig ko kanina ang matinding galit ni Dad sa pamilya ni Aljohn, ngayong kasabay ko siyang kumain. Nakikita kong pilit niyang kinakalma ang sarili niya.
"Mom, dad." Ngumiti ako. Totoo nga, talikuran ka man ng lahat. Ang mga magulang mo lang ang bukod tanging hinding-hindi ka iiwan.
"Yes, my princess?" Tumayo ako at niyakap sila pareho.
"I love you both and thank you," madamdaming sabi ko.
"It's nothing princess. We are your parents right?" Tumango ako habang kinakalma ang sarili para hindi na naman ako tuluyang maiyak.
"Dad, pumapayag na ako sa desisyon mo."
"Really?" Tumango ako.
"I will go back to the Philippines." Napangiti sila.
"Well, that's good anak. Nandun ang pinsan mo. He can help you recover." I can see the glimpse of happiness in mom's eyes.
"But I have one condition."
"What is it princess?" malambing na tanong ni Dad. Hinaplos niya ang buhok ko.
Sana pumayag sila. Sana...
"I want to go by myself."
I am ready for a new life. I will fix myself. I want to be independent and strong. I want a different life, far from all my beliefs. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (128)

  • avatar
    BeltranGeneva Olive

    nice story i love it

    8d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    ngayon kolang to napanood buti na lang dinawload koto

    26d

      0
  • avatar
    Kiel Esteban

    nice

    26d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด