logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Pinilit n'yang tumayo mula sa panghihina, ng makarating sa pinagmulan n'ya kanina ay natagpuan n'ya ang umuusok na bangkay, agad n'yang hinanap ang kwintas.
Hindi n'ya alam kung saan iyon nahulog, hindi na rin n'ya naisip na hanapin agad iyon dahil napuno na rin ang isip n'ya kanina.
Dapat nandito lang yon.
Muling bumuhos ang ulan, halos mahimay na n'ya ang mga damong nakatanim doon ngunit wala s'yang nakita.
Narinig n'ya ang pag galaw ng mga damuhan at ang paglakad ng mga yapak mula sa di kalayuan.
Agad s'yang tumakbo palayo.
"Dito, May bagong bangkay ngunit iba sa mga nauna". Dinig n'yang pagsasalita ng isang lalaki na nakaharap sa kan'yang mga kasama, kahit malayo ay naririnig n'ya ang pinag usapan nila.
***
"yung lalaking nakita n'yong kasama ko noon kamusta na s'ya?" Napatigil si Reggie sa sinabi ni Eliana ngunit agad din itong nagsalita na para bang May napagtanto.
"Bakit bigla mong natanong ang tungkol sa kan'ya?". Tanong ni Reggie na nakatingin ng seryoso kay Eliana.
"Totoo po bang umalis na s'ya?". napansin n'ya ang sandaling pagtahimik nito.
"Hindi ko alam, hindi ko na s'ya nakita simula noong nakita ka naming walang malay, maigi pang kalimutan mo na ang lalaking iyon". Tanging sagot ni Reggie saka s'ya sinenyasan upang sumunod.
Ngunit sya lang ang kaibigan ko, kaibigan ko nga ba?
"Sabihin n'yo sa'kin anong nangyari? Bakit wala akong maalala?".
"Kalimutan mo na ang lalaking iyon, ngayon sigurado akong kinasal na yon sa ibang babae, kung naaalala ka n'ya magpapakita s'ya sa'yo, iyon ang isipin mo". Para kinurot ang dibdib n'ya ng ulitin nito ang salitang iyon na para bang hindi n'ya naiintindihan ang sinabi ni Reggie.
Naiintindihan ko.
Nakaramdam s'ya ng lungkot ng maalala ang usapan nila noon, kanina pa s'ya nakatingin kay Reggie habang inihahanda nito ang isang maliit na mangkok at ang bote.
"Hindi ko inakalang matapang kang pupunta dito na hindi suot ang kwintas sa binigay ko sa'yo". Napayuko lang s'ya hindi n'ya alam kung anong isasagot.
"Pasensya na".
"lumabas ka na, hinihintay ka na nila" muling utos ni Reggie.
Ikaw ba ang pumapatay sa kanila? 
"Aalis ako pagkatapos nito". Pamamaalam n'ya kay Reggie, narinig n'ya lang ang pagbuntong hininga ng lalaki mula sa kan'yang likuran.
"Kung yan ang gusto mo, mapipigilan ba kita? Hindi naman kita binawalan sa mga nais mo, at ito lang naman ang hiling ko sa'yo". Sagot lang ni Reggie sa kan'ya.
Para saan ba talaga ang ginagawa mo? Tinutulungan mo ba talaga sila?
natatapalan ng isang malabong kurtina ang pagitan nila ng kliyenteng kaharap n'ya.
"Wala akong nakikita sa kan'ya" mahinang bulong n'ya kay Reggie, saka inilatag sa harap ng lalaki ang isang talisman. 
At inihanda ang maliit na punyal upang sugatan ito ng maliit sa palad.
kinuha ni Reggie ang isang brotsang panulat isinawsaw iyon sa dugo at sinulatan ang talisman gamit iyon.
naalala n'yang na ang iniaabot nila sa mga kliyente nilang may marka ay balahibo ng isang ibon, magkapares ang mga iyon. Ngunit iaabot lang nila ang isang kapares nito at maiiwan sa kanila ang isa. 
Parehong itim ang balahibo na mamantsahan nila ng dugo ng taong nagmamay ari nito.
pagsapit ng hapon tumungo s'ya sa madilim na kwarto.
Inaninag n'ya ang garapon na naglalaman ng mga balahibong itim na kapares ng mga naging kliyente nila, hindi gaya ng huli n'yang nakita tanging anim nalang ang naroon.
nanlaki nalang ang kan'yang mata ng makita kung paanong nagliwanag at naglaho ang isa.
Napailing na lang s'ya at muling binalik iyon sa dating lalagyan, mabilis s'yang tumakbo at isinuot ang kan'yang piring sa mata, siniguro n'yang nakasara ang pinto bago s'ya umalis.
Kahit nakapiring ay matalas naman ang kanyang mga pandama.
Meron nanamang biktima
At wala doon si Reggie, dahil umalis na ito, sayang lang dahil hindi n'ya alam kung saan ang lugar na maaari nitong puntahan, ano nga bang magagawa n'ya?
halos makatulog s'ya sa pagpipinta ng maskara ng lalaking nakita n'ya noon sa gubat, umuwi s'ya sa kanila dahil umaasa s'yang naroon si Reggie ngunit hindi iyon ang nadatnan n'ya.
"maghapunan ka muna" tawag ni nanay Yasemin, agad n'yang tinakpan ang maskarang kalahati palang ang napipinta n'ya.
"Itago mo yan alam kong mahalaga pa rin sa'yo ang bagay na iyan".
Nakaramdam s'ya ng lungkot ng makita iyon, paano to napunta kay Yasemin? Sa bagay ng magising s'ya sa kanlinga nito ay wala na ang armlet na iyon sa kanyang braso.
"Saan mo po nakuha?" tanong n'ya ng lumingon sya kay Yasemin, hindi n'ya alam kung paanong natanggal ni Reggie iyon sa kamay n'ya ngunit nagpapasalamat din s'ya sa ginawa nito, kung hindi n'ya lang suot ang bagay na iyon noon, marami sana s'yang nagawa.
"Nakasuot yan sa'yo noong nakita ka namin, tinago ko lang, baka kailangan mo yan". Paliwanag ni Yasemin.
Kinuha n'ya lang iyon mula kay Yasemin nanatiling nakalagay pa rin iyon sa tela habang pinagmamasdan n'ya, hindi na n'ya iyon isusuot isa iyon sa mga bagay na kinasusuklaman n'ya.
Kinuha nito ang suklay at sinimulang suklayin ang kan'yang buhok.
"Sumama ka sa'kin magpapagamot tayo bukas". Ngumiti si Yasemin ngunit napuno ng lungkot ang kan'yang dibdib sa sinabi nito.
"Wala akong nagawa para kay Karren, kaya wala akong karapatan". Napabuntong hininga nalang s'ya, nanariwa lang ang mga ala-ala sa kan'ya at ang galit na nararamdaman n'ya sa hari.
napangiti nalang sya ng mapait ng hindi makarinig ng sagot mula kay Yasemin .
"Eliana, ayokong dumating ako sa puntong kailangan kitang pagtaksilan". tahimik lang s'yang humarap sa salamin na itinapat ni Yasemin sa kan'ya.
Naaawa s'ya sa sinseridad ng salita nito, mapapamahal na rin s'ya at halos dalawang taon na din n'yang nakasama ang matanda, naglalaro sa isip n'ya kung susubukan n'ya bang punan ang pinapakita nitong kabaitan sa kan'ya.
Kinuha ni Yasemin sa kan'ya ang ipit na anemone na kanina lang ay nilalaro n'ya sa kan'yang daliri, saka iyon isinuot sa kan'yang buhok.
"Hindi n'yo gagawin iyon hindi ba?". Tanong n'ya.
"Hindi ko mapapalitan si Gabriel kahit na gawin ko iyon, at hindi rin kita mapapalitan, kaya gusto kong manatili ka pa rin bilang ikaw". 
Muli n'yang ikinubli ang kan'yang buhok saka piniringan ang sariling mata, binuhol n'ya ang armlet bago piniringan ang kanyang mata.
Muli s'yang bumaling kay Yasemin bago tuluyang lumabas mula sa bintana.
"Babalik ako, wag kayong mag alala sasabihin ko kung kailan ako aalis". Ngumiti si Eliana kay Yasemin bago tumalon, nasasaktan din s'ya sa hindi n'ya alam na dahilan.
kinuha n'ya ang kuting na narinig n'yang kanina pa nag iingat sa halamanan, malambot at mainit din na nagbibigay ng aliw sa kan'yang kamay.
Ilang bulto pa ang nabangga n'ya sa kan'yang paglalakad, hindi n'ya nararamdaman ni naririnig ang paghakbang ng mga ito na naging dahilan upang malaman n'ya na nakatayo lang ang mga taong naroon, sa bagay ay nakatuon din kasi ang atensyon n'ya sa pusang hawak n'ya.
"sinabi nang hindi ko kilala ang hinahanap nyo!" marahan n'yang binitawan ang kuting na hinihimas n'ya ng marinig ang sigaw ng dalaga, nasisilip n'ya sila ng kaunti.
"Anong ginagawa mo para manghimasok sa lugar namin ng ganitong oras?" Napangisi nalang ang babae sa lalaking kaharap nito.
Nagsimulang lumapit ang mga pulis upang talian ang babae ngunit pinigilan lang ito ng isang heneral.
"Hayaan n'yong pag usapan nila, wala tayong patunay na totoo ang sinasabi nila, May mas kailangan tayong alalahanin". Bulong ng heneral.
"Bakit pareho kayo ng kasuotan kung hindi mo s'ya kilala?" Tanong ng isang lalaki.
"hiniram ko lang din ang damit na to sa mangangalakal sa palasyo,". Natawa ang apat na lalaki sa sinabi ng babae.
"Pinaglalaruan mo ata kami, sino namang magbibigay sa'yo ng libre sa panahon ngayon?" Dumura ang isa pang lalaki na nailagan agad ng biktima nila mabilis na tumayo ang babae at hinagis ang alikabok na napulot sa mukha nila.
Naalala lang muli ni Eliana si Lander dahil sa ginawa ng babae.
"Anong pangalan n'ya?" Tanong ng lalaking katatayo lang.
"Mas ayos ng hindi n'yo s'ya makilala kung ayaw n'yong mapahamak". Sagot ng babae saka natawa at tumayo.
Agad na hinila nito ang buhok ng babae ang lalaking iyon marahil ang pinuno nila.
"Si Lander Floros, kung dadaan kayo sa bakanteng lote, sa pamilihan ng Buru naroon s'ya, sana swertehin kayo". Agad na nabitawan ng lalaki ang buhok ng babae ng magsalita ang lalaking kadarating lang.
Natulala si Eliana sa pangalang sinabi ng babae, pinigilan n'ya ang sarili na lapitan ito ng biglang sumingit ang lalaking iyon.
"pinuno, patay na sila, nakita ng mga pulis ang katawan ng dalawa nating kasama, hindi ko alam kung sinong nagsilab sa katawan nila,". Nangangahos itong humawak sa braso ng kanyang pinuno na para bang takot sa nakita.
"Sino ang dalawa?" Tanong ng pinuno.
"Si Roth at si Ben hindi ko alam kung pinatay sila ni Basio, nakita din ang katawan ni Basio sa gubat, sinasabi nilang posibleng nagpakamatay s'ya , paano kung magtraydor s'ya satin?". 
Tumingin lang ang pinuno sa bagong dating matapos pakinggan ang mga sinasabi nito.
"Hayaan mo na sila, pag namatay ang tao wala naring kwenta kung gaano sila kalakas, kung anong ginawa nilang kasalanan o kabutihan noong nabubuhay sila, namatay lang sila". Seryosong sambit ng pinuno sa nanginginig n'yang kasamahan.
"Kung ganon—" nahinto ito sa pagsasalita ng tignan ito ng masama ng sariling pinuno.
Ng lumingon ang tatlo sa kinaroroonan ni babae ay wala na ito ay naitakas na ito ni Eliana, kahit ngayon ay naririnig n'ya pa rin sila sa ganoong distansya.
"bumalik ka dito!" Sigaw ng isang lalaki kanina muntik pa itong mautal ng mapagtatantong maraming nakatingin sa kanila, mas lalo lang binilisan ni Eliana ang pagtakbo habang mariin na nakakapit sa babae.
"Teka lang!" Sigaw ng babae na hindi n'ya pinapansin.
"Habulin nyo!!" Sigaw ng isa sa mga kawal.
Ngunit pinigilan lang ito muli ng heneral.
"Tara na, may bagong biktima nanaman". Anyaya n'ya sa kan'yang mga kapulisan.
Nagpatuloy sa pagtakbo sila Eliana malayo-layo na rin sila, nang mapansin ni Eliana na wala nang sumusunod ay tumigil na sya.
bumitaw sya sa pagkakahawak sa babae.
"salamat." pasimula ni nito, nakangiti ito sa kan'ya sa paglingon n'ya.
"hindi kita niligtas". Napatigil ang babae ng marinig ang boses ni Eliana.
Matangkad si Eliana ng isang pulgada sa babae kaya't inakala talaga nito na isa s'yang lalaki. 
"Serin marigue" nakangiting pagpapakilala sa kan'ya ni Serin, nakangiti ito ngunit halata na nahihiya ito kay Eliana.
"Bulag ka? Pano mo nagawa yon? O baka—"
"Tumigil ka muna". Pagpapahinto n'ya kay Serin.
"Yung lalaki kanina..."  Panimula n'ya na nananatiling nakatingin kay Serin na pinapagpag ang kasuotan, agad itong tumigil at ngumiti sa kan'ya na tila nagtatanong.
"Gusto mo s'ya? Pangit ng panlasa mo sa lalaki". Sagot ni Serin sa sandaling hindi naituloy agad ni Eliana ang nais n'ya sanang itanong.
Muntik na n'yang masampal ang sarili sa sinabi ni Serin.
Siraulo ba ang babaeng to?
masyado s'yang pinangungunahan ng dalaga.
Umiling lang si Eliana at saglit na hinimas ang kan'yang baba.
"Yung Lander na tinutukoy mo, gusto ko s'yang makilala, May kailangan ako sa kan'ya". Seryosong pakiusap n'ya kay Serin.
"Hindi mo ba narinig sinabi ko kanina? Masyado s'yang delikado—teka ikaw—bakit? anong kailangan mo sa kan'ya?". Tanong ni Serin, na parang hindi mawari kung anong itatanong sa kan'ya.
Umupo si Serin sa tabi ni Eliana, Marahan s'yang umusog palayo kay Serin na hindi nawawala ang paningin sa piring n'ya.
"Bakit?" Tanong ni Eliana na puno ng kuryosidad sa ginawa ni Serin.
"Wala lang—ano palang kailangan mo kay Lander?". Bulong ni Serin, habang hindi pa nakakapag isip ng isasagot si Elian..
"Gusto kong malaman kung sino mas magaling samin sa pag gamit ng espada". Diretso n'yang sagot, namula pa s'ya dahil sa kahihiyan.
Sana ay hindi iyon mahalata ni Serin.
"Kilala mo s'ya?" Takang tanong ni Serin sa kan'ya.
Hahakbang pa lang si Eliana paalis nang hilahin ni Serin ang laylayan ng kanyang roba.
"Salamat." malabo man ay nakikita n'ya pa rin ang ngiti nito sa ilalim ng itim na tela ng nakatakip sa kan'yang mga mata, paano nito nagagawang ngumiti sa ganoong pamumuhay?
Inangat n'ya ang buhok na nakaharang sa noo ni Serin upang makita kung May marka doon ngunit wala s'yang nasilip na liwanag doon.
Agad n'yang nabitawan ang noo ni Serin ng mapansin ang ginawa n'ya.
"Pasensya na" sagot n'ya agad, baka pang binalaan s'ya ng babae sa ginawa n'ya.
Ngunit mahinang tawa lang ang narinig n'ya mula kay Serin na ikinatama n'ya.
Masyado kang kalmado.
"pwede ka nang umalis, hahanapin nalang kita kung kailangan na kita". Malamig na tugon nya kay Serin.
sa halip na ito ang naghinala sa kan'ya ay parang mas kahina hinala pa ang babae.
"mauuna na ko, umuwi ka na sa inyo, pero kung hindi ka magpapakita sa'kin ako mismo tatapos sa'yo".  Pananakot n'ya kay Serin upang makasiguradong magiging tapat ito sa kan'ya.
Napapikit sya at nagmadaling lumakad papalayo, sana ay pagkakataon na n'ya iyon upang makita muli si Lander.
"Teka, may problema ka ba?"
Napatigil si Eliana nang makarinig ng maliliit na hakbang papalapit sa kanya bakit hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ito sa kan'ya?, nagulat sya nang kapitan sya ni Serin sa braso
"Wag kang mag alala ipapakilala kita sa kanya"
"Na ganyan ang hitsura mo?" Agad na tanong n'ya.
"Nakikita mo ba ang hitsura ko?". 
"Huwag mo kong sundan". Pagbabago n'ya ng usapan.
"Hindi ka bulag diba?" Tanong ni Serin na nagpahinto sa kan'ya.
""Kung ayaw mong sundan kita dito ako maglalakad sa harap mo". Pang aasar ni Serin sa kan'ya saka tumakbo patungo sa unahan.
Natahimik nalang s'ya sa sinabi ni Serin, at naikuyumos ang kan'yang sariling kasuotan.
Nakakaramdam s'ya ng takot dito ngunit isa ito sa mga pinaghihinalaan n'ya ngayon maliban kay Reggie.
"Hindi maayos ang loob masyadong maalikabok kaya ako nalang ang hahanap sa'yo". Natigil si Eliana ng maramdaman ang pagtigil ni Serin sa harap n'ya.
Natuon ang paningin n'ya sa bahay na tinitignan ni Serin, ito ang lumang bahay ng kan'yang maestro Doki noon.
"Hindi ako nakatira d'yan". 
"namangha lang ako dahil buhay pa rin yan hanggang ngayon, d'yan namamalagi ang kilalang assasin dati". Diretsong sagot ni Serin, dahil sa sinabi ni Serin ay naintindihan na din n'ya kung bakit ganon nalang ang tingin ni Serin sa bahay ni Doki, wala s'yang Kaalam alam na isang sikat na assasin ang dati n'yang maestro.
"Doon ako sa kabila". Sagot ni Eliana at saglit na huminto.
"Naghahanap ako ng pansamantala kong matutuluyan kaya hindi ko na din naayos ang loob pasensya na".

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    DumpMerry

    nice

    27/06

      0
  • avatar
    BoXiao

    This is a good story. Please continue 🥺💕🥺

    18/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด