logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2:

"pasensya na naging duwag ako". Habol hiningang sambit ni Lander, nakatali ito sa poste ng imbakan malapit lapit sa kinaroroonan ni Eliana, halata ang pamumula ng labi nito at mga pasa dahil sa ginawa ng mga Deris kanina.
"Bakit mo ko tinulungan? Bakit hindi ka nalang nakipagtawanan sa kanila gaya ng lagi mong ginagawa". Nanghihinang tanong ni Eliana, nagdurugo na rin ang armlet sa kan'yang braso dahil pilit n'ya iyong tinatanggal.
"Nakikitawa ako sa kanila hindi dahil masaya ako sa ginagawa namin, ginagawa ko yon dahil wala akong laban sa kanila". Saglit na tumigil si Lander saka tumingala.
"Naloko mo ko, akala ko bulag ka talaga, hindi ko akalain na may tinatago ka, gusto pa kitang makilala kaya gusto kitang tulungan, pasensya na kung mahina ako, pero balang araw magpapasalamat ka sa'kin na niligtas kita". Sinserong ngiti ang ipinakita nito kay Eliana.
Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam n'ya sa mga sinabi ni Lander, siguro ay mapagkakatiwalaan n'ya ito.
"Makakalabas din tayo dito wag kang mag alala". Mas lalo lang s'yang nabubuhayan ng loob sa sinasabi ni Lander ngunit nakakaramdam pa rin s'ya ng lungkot, hindi n'ya alam kung anong mundo ang maaari n'yang makaharap sa labas, o kung May pagkakataon pa ba s'yang mabuhay kung sakaling makakalaya s'ya doon.
"hahanapin ko si Anna, pagkatapos no'n pasasalamatan kita, kung sakaling mangyayari ang gusto mo". Balik ngiti ni Eliana ngunit masyadong masakit ang kan'yang pisngi kaya agad n'ya rin iyong binawi.
"Naisip mo pa rin s'ya? Hindi bagay sa'yong maging mamamatay tao"  Bahagya itong tumawa sa sinabi n'ya.
"Hindi ko s'ya papatayin". Simpleng sagot lang ni Eliana.
Masakit ang kanyang pangangatawan, puno ng gasgas at pasa ang kan'yang mga kasukasuan dahil sa pag hataw ng mga ito sa kan'ya.
***
kaunting paghaplos ng kung ano sa mga palad ang nagpagising kay Eliana, dala ng takot ay agad s'yang umupo ng maramdaman ang kamay nito malapit braso n'ya.
Mabilis n'yang itinutok ang kan'yang espada sa lalaki na agad ding tumayo sa ginawa n'ya.
Ng makapa n'ya ang kan'yang dibdib ay natatapalan na iyon ng tela at hindi n'ya rin nakapa ang kwintas doon.
Nasaan?
hindi sinasadyang nasugatan n'ya ang balikat ng lalaking nakaupo sa harap niya para masilip n'ya mula sa itim na kasuotan nito ang nagliliwanag na dilaw na markang naroon.
hindi n'ya alam kung nagkakamali lang s'ya ngunit siguradong ganoon din ang markang nakikita n'ya noon kay Lander.
Nakakatakot na maskara ang bumungad sa kan'ya ng tingalain n'ya ang kabuuan ng lalaki.
"Kuya". Bulong ni Eliana, unti-unting bumabalik ang ala-ala n'ya, hindi n'ya alam kung tama ba na kalimutan nalang n'ya si Lander, matagal na din s'yang sumuko na isipin pa ito simula ng nawala ito ng walang sapat na dahilan.
Nabasa ang kan'yang mata ng kaunting luha na pilit n'yang pinigilan.
"Ang mata mo".
Napatingin nalang s'ya sa binata ng marinig ang boses nito, hindi iyon pamilyar sa kan'ya 
Ngunit nakaramdam s'ya ng kaba dahil sa sinabi nito, nakita ng lalaki ang mata n'ya.
"Ikaw ang gumawa non sa kanila diba?"  
Mariing tinitigan n'ya lang ang mga mata nito upang makakuha ng pagkakataong kontrolin ang pag galaw ng lalaki ngunit sa halip na iyon ang mangyari ay bumagal lang ang pagpatak ng ulan ang pag agos tubig sa mga bato.
Sandali lang iyon at bumalik na din agad sa dati ang lahat.
Narinig n'ya ang mahinang pagtawa ng lalaki.
Binunot n'ya ang kanyang espada, agad na inunahan sa pag atake ang lalaki ngunit nailagan lang nito mga atake n'ya.
'sa oras na itatama n'ya ang espada n'yang naiilagan lang nito, hindi n'ya magawang hindi maisip si Laude, iyon din siguro ang dahilan kaya hindi n'ya magawang sugatan ang kanyang katunggali.
habol hiningang napasandal s'ya sa puno at tuluyang bumagsak dahil sa panghihina.
"K-kuya.." mahinang bulong n'ya saka pinigilan ang kan'yang paghikbi, kaunti nalang ay aagos na ulit ang luha n'ya.
nabigla nalang s'ya ng tanggalin ng binata ang telang nakaharang sa kaniyang mukha.
nagsabog ang buhok ni Eliana sa kan'yang mga balikat, basa man iyon ay nahahalata pa rin ang kulay ng kan'yang buhok na kulay Amber, huli na ng subukan n'yang ilayo ang kanyang mukha na agad ding hinuli ng lalaki na pilit s'yang pinahaharap.
Mariin ang pagkakahawak ng lalaki sa kan'yang pisngi mabilis n'yang hinampas ang palad nito at buong lakas na iniangat ang kanyang espada.
Hindi ito natatakot sa kan'ya.
"mahina ka pa kung gusto mo akong patayin na gaya nila." inagaw ng binata ang espadang hawak n'ya saka inihagis sa batis.
Mas lalo lang nagbigay ng katanungan sa kan'ya ang ginawa ng binata, bakit hindi s'ya nito sinaksak, sa pagkakataong iyon ay maaari na s'yang mamatay, muli n'yang iniangat ang kan'yang paningin upang makita ang binatang nakatalikod na ngayon palayo sa kan'ya.
"Kung ganon, nakita mo kung anong ginawa ko sa kanila?" natawa s'ya ng mahina, hindi n'ya alam kung tama ba ang tanong n'ya dito.
"Anong ginawa mo sa kanila?". Hindi n'ya inaasahan ang tanong ng lalaki sa madiin na tono, huminto ito at mukhang masama ang tingin sa kan'ya bagaman hindi n'ya nakikita ang ekspresyon nito.
Kung ganon ay wala itong alam tungkol sa kan'ya, maliban sa panghihinala.
"—Kasalanan nila kung bakit sila namatay".  Buong tapang n'yang sagot.
"May kailangan ba akong pagbayaran?" Pagpapatuloy n'ya at diretsong tumingin sa binata na mabilis na humakbang palapit sa kinauupuan n'ya.
"Hindi naman siguro patas kung papatayin kita na walang laban, ilang taon din kitang hinanap".  para bang puno ng galit ang tono ng boses ng lalaki.
Nagulat nalang s'ya ng kwelyuhan s'ya ng lalaki, nasasakal s'ya at bukod pa doon ay wala s'yang  alam sa sinasabi nito.
tuluyan s'yang napasalampak ng bitawan s'ya nito, nanakit ang likod nya matapos iyong magasgas sa magaspang na punong sinasandalan n'ya.
Naimpit n'ya ang kanyang hininga, at naubo matapos s'yang ibagsak ng lalaki.
"Kung papatayin mo ko bakit di mo tinuloy?" Nakangiting usap ni Eliana sa lalaki matapos n'yang mabawi ang kaniyang paghinga.
Gusto n'yang masilip ang tinatago nito sa likod ng maskara.
"Duwag ka". Pang lalait n'ya.
pinagmasdan n'ya ang espadang mabilis na humarang sa lalamunan n'ya.
"Ayos lang sa'kin kung gagawin mo" pag uulit ni Eliana.
Hindi n'ya alam kung anong kasalanan n'ya dito ngunit kung hindi ito si Lander, sino pa ang taong nakakakilala sa kan'ya noon?
natigilan ito at unti-unting ibinaba ang sandata na nakatutok sa leeg ni Eliana.
"Huwag mo kong igaya sa'yo". Balik sagot ng lalaki, napansin nya ang pagkuyom ng kamao nito matapos maibalik ang espada sa sisidlan.
Napangisi nalang s'ya sa sinabi ng binata.
Hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo, pero ang pagtatanggol ba sa sarili ay kasalanan sa mga hayop na iyon?
Siguro ay dahil isa akong mangkukulam gaya ng aking ina.
Hindi, May posibilidad na mangkukulam din si Reggie, pano kung tama ako na May kinalaman s'ya?.
katahimikan lang ang bumalot sa kanila, bago pa s'ya tuluyang nilampasan ng binata, inantay n'ya munang makaalis ito saka muling isinaayos and telang kanina ay tumatakip sa kanyang buhok.
tahimik n'yang pinagmasdan ang tubig, wala s'yang lakas para tumayo, mababawi rin naman n'ya ang lakas pagkatapos ng isang oras, kailangan nya pang humanap ng matutuluyan.
Natatak sa isip nya ang maskarang suot nito, gusto n'yang malaman kung ano ang dahilan ng lalaking iyon para magalit sa kanya, at sino ito.
Nagpalipas pa s'ya ng ilang saglit, ng makalakad ay pinilit nyang ihakbang ang kanyang paa, pakiramdam niya ay hindi s'ya ligtas dahil sa naririnig n'yang mga kaluskos maliban sa pagkahulog ng mga dahon mula sa puno.
marahan n'yang hinaplos ang mga dahon ng puno kinapitan n'ya kanina lang.
Naramdaman nya ang pagbagsak mula sa kan'yang likuran, sapat na upang mapadilat s'ya mapatalon s'ya sa kan'yang kinatatayuan.
tumama iyon sa mga halaman na nasa lapag, ngunit usok nalang ang huling nahagip ng kan'yang mata.
napagawi ang paningin n'ya sa nilalang na ngayon ay nasa harap na n'ya, kung hindi n'ya ito papansinin marahil ay agad din itong mawawala gaya ng palaging binibilin sa kanya ni nanay Yasemin.
Ngunit nagbigay kaba sa buo n'yang katawan ang paninitig nito sa kanya maliban doon ay ang pagkakahawig nito sa taong matagal ng nang iwan sa kan'ya.
Mama.
"Huwag ka ng magkunwari dahil nakikita mo ako" nasindak s'ya sa ngisi nito.
maputi ang nilalang na iyon, mahahaba ang kulay pulang buhok at napupuno ng mala gintong hiyas ang kasuotan.
Tanging iling lang ang nagagawa nya, pinilit nyang takpan ang kanyang tenga.
Hindi, tumigil ka.
Pagkadilat ay nasa tabi na n'ya ito, ngunit hindi na n'ya maigalaw ang kanyang katawan.
Tila napagkit ang paningin n'ya sa magagandang bato na Esmeralda .
Nagtaasan ang balahibo n'ya at naramdaman n'ya din ang paglamig ng kan'yang katawan ng haplusin nito ang kan'yang balikat.
"nakakadismaya". 
iyon lang ang salitang narinig n'ya mula dito bago ito tuluyang maglaho sa hangin.
napasalampak s'ya dahil sa panghihina, habol n'ya ang kan'yang hininga, nagpapawis na din ang kan'yang mga palad.
Kinapa n'ya ang kan'yang balikat ngunit wala na ang sugat na hinaplos ng babae kanina.
___
"Bumalik ka, pero anong nangyari sa'yo? Napakadelikado, bakit pinilit mong umuwi ng ganyan, pano pag May makakilala sa'yo?" nag-aalalang mukha ni Nanay ang bumungad kay Eliana na kanina pa tulala, basang basa ang pangangatawan dahil sa ulan.
"Tigilan mo na ang ginagawa mo Eliana, maraming nangyayari sa labas, lalo na't hindi ako sigurado kung buhay s'ya".
aagawin na sana ng ginang ang espada kay Eliana ngunit agad na tinutok iyon ni Eliana sa nanginginig na si Yasemin.
"Sino s'ya?"
Seryosong tanong ni Eliana.
"Kung ganon walang dahilan para pigilan n'yo ko".
Dugtong sagot n'ya kay Yasemin ng hindi ito umimik pa.
"Ang pumatay kay Gabriel". Napalunok na lang s'ya sa sinabi ni Yasemin wala s'yang ideya sa mga sinasabi nito.
Ngayon lang din n'ya nalaman na pinatay ang anak nito.
"Pasensya na".
paghingi nya ng paumanhin alam n'yang nasasaktan pa rin ang matanda dahil sa nangyari kahit na matagal na iyon.
"Ayos lang Eliana, wala na si Gabriel mas mahalaga ngayon na ligtas ka".
Sa totoo lang hindi n'ya alam kung anong magiging reaksyon sa sinabi ni Yasemin, ngunit parang hinaplos ng salita nito ang puso n'ya.
"Anong mga dala mo?"  Tanong ng ginang.
"Mga basura, itatapon ko nalang po pag alis ko ulit bukas". Tahimik lang n'yang tugon.
pansin n'ya pa rin ang takot sa mga mata ni Yasemin sa tuwing susulyapan n'ya ito na ganoon ang hitsura n'ya, paano ay naiwala n'ya ang kwintas.
"Wala akong masamang ginawa huwag po kayong mag-alala, muntik lang akong atakihin ng mga baboy ramo sa gubat, kaya napatay ko sila". nangangatog na bulong ni Nariah.
nilalamig pa rin s'ya dala ng pagkabasa, umaasa na s'yang hindi maniniwala si Yasemin sa kan'ya.
"Alam kong mabait ka" mahinahong tugon ni Yasemin.
"Dalhan nalang kita ng bago". Kinuha nito ang kasuotan n'ya tumutulo pa ang pulang likido mula doon simula ng pumasok si Eliana kanina.
"Hindi ito dugo ng mga tao?" Tanong ni Yasemin, wala s'yang imik maliban na naalala n'yang naroon ang lumang ipit ni Karren.
"Sandali". Pagpigil ni Eliana, saka kinuha ang lumang ipit na nakasabit doon.
kanina pa s'ya nakadantay sa tapat ng bintana, gusto n'yang sabihin kay Reggie na naniwala n'ya ang kwintas ngunit natatakot s'ya sa posibleng sabihin o gawin nito.
Higit pa roon kung wala silang kinalaman ay ayaw n'yang madamay ang mga ito, at kung lumabas na si Reggie ang magiging kalaban n'ya ay kailangan n'ya itong patayin.
Napasabunot s'ya sa kan'yang buhok.
Hindi ko na alam.
Nilingon n'ya si Yasemin na ngayon ay pinaghahandaan s'ya ng mainit na tsaa, kanina n'ya pa pinagmamasdan ang bendang nakapulupot sa pulsuhan nito.
Ng mailapat nito ang takure sa lalagyan ay agad s'yang tumayo at kinuha ang kamay ni Yasemin.
"Ilang buwan ko ng nakikita ang benda n'yo sa kamay, hanggang noong umalis ako nariyan pa yan,  hanggang ngayon po ba ay hindi pa rin gumagaling ang sugat n'yo?" Naramdaman nalang n'ya ang pagdapo ng mainit na palad sa kan'yang pisngi, sinampal s'ya ni Yasemin.
"Wala kang alam sa mga nangyayari sa'kin, sinubukan ko na ding tigilan".
sagot ni Yasemin at inagaw ang braso sa kan'ya.
"Pasensya na".
"Ituon n'yo nalang muna ang atensyon n'yo sa trabaho Nanay". Sambit n'ya ng maramdaman pa rin ang presensya nito sa kan'yang likuran.
"Naiintindihan ko". Napansin nalang n'ya ang pagbabago ng awra ni Yasemin alam n'yang nasaktan n'ya ito.
nilunok nalang n'ya ang konsensyang nararamdaman saka kumatok sa pintuan ni Reggie. 
"natutulog na s'ya, hayaan mo nalang muna magpahinga" pagpigil sa kan'ya ni Yasemin.
ilang minuto s'yang naghintay sa pintuan, dahil hindi mapakali ay napilitan siyang buksan ang pinto nito.
bumungad sa kan'ya ang walang laman at madilim na kwarto, sa gitna ng isang maliit na lamesita ay ang lamparang maliwanag na nakasindi, at ang isang mamahaling kasuotan.
hindi n'ya alam kung bakit nandoon ang kasuotan na iyon, nanginig s'ya nang makita ang tumutulong dugo sa laylayan nito, nahihirapan s'ya sa paghinga, ng makita ang malabong mukha ng lalaking duguan sa harap n'ya.
isang pamilyar na kamay ang humawak sa kan'yang mga palad, naramdaman n'ya ang init nito, bago tuluyang maglaho ang nakakatakot na imahe sa kan'yang harapan, muli n'yang tinignan ang kasuotan ngunit wala na ang dugong nakita n'ya, sa huli ay pinakalma nanaman s'ya ni Nanay Yasemin.
"Eliana".

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    DumpMerry

    nice

    27/06

      0
  • avatar
    BoXiao

    This is a good story. Please continue 🥺💕🥺

    18/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด