"Shh, okay lang 'yan, nandito ako." sabi niya at marahang hinahaplos ang likod ko. Lalo lamang akong naiyak at mas humigpit ang yakap sa kaniya noong maalala ko na naman ang panloloko ni Ace sa akin. "K-Kaiden, masama ba akong tao?" tanong ko. Alam kong hindi dapat iyon ang tanong ko dahil kakakilala palang namin, pero hindi ko maiwasan, e. Niloko ako, e. "Shh, hindi, hindi ka masamang tao." malumanay na sabi niya. "B-Bakit ganito?" "May rason ang diyos kung bakit niya 'yan ginagawa, may rason ang diyos kung bakit ka niya nilalagay sa gan'yang sitwasyon," malambing na sabi niya. "B-Bakit sa dinami-raming tao, ako pa?" tanong ko pa. "Hindi mo kasalanan na iniwan ka n'ya, hindi ikaw ang nawalan kundi s'ya." sabi nito na patuloy pa rin ang paghaplos sa likod at buhok ko. "W-Why... W-What..." I can't finished my sentence. Patuloy lang ang pagcocomfort niya sa akin hanggang sa tumigil na ako dahil na rin siguro wala na akong maiiyak kahit gusto ko pa. "Okay ka na?" he softly asked. I nodded, namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa labis na pag-iyak kanina. "S-Sorry, I was out of my mind kaya ikaw ang natawagan ko." S'yempre, hindi ko pinagsisisihan na s'ya ang tinawagan ko dahil alam ko sa sarili kong wala akong kaibigan, alam ko sa sarili ko na s'ya lang ang makakatulong sa akin. "Hala, ate, okay lang, tara libre kita." sabi niya. Kumunot ang noo ko, ano namang ililibre niya sa akin, e kakakain ko lang. "Libre kitang ice cream," he grinned. "Wow, the cornetto ice cream?" i asked. "Hindi, yung tig-f-five lang, medyo tipid tipid muna ngayon, nasa bahay pera ko, nasa firm ako kanina no'ng tumawag ka, e." he said. "Hala, I'm sorry, like I was saying earlier, I am out of my min—" he cut me off. "Okay nga lang, halika na, kumakain ka naman siguro no'n kahit mukha kang yayamanin." sabi niya at hinitak ako palabas. Nagpatianod nalang ako sa kaniya, gusto ko sana ulit bumalik noong makita ko sila Chandria at Ace na masaya kasama ang anak nila. "Bestie!" Chandria shouted when she saw me. Todo iwas na nga ako at tago sa gilid ni Kaiden para lang hindi niya ako makita pero palpak pa rin. "Tinatawag ka." Kaiden said. "Hayaan mo na, let's—" "Carter come here! You need to see Tita, my best friend." she happily said. Wala na naman akong nagawa kundi magpakita nalang at plastic na ngumiti, hindi ako tumitingin kay Ace dahil baka bumigay ako, pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit nakikita kong nasa akin ang tingin niya. "Hi po!" masiglang sabi ng bata. Napangiti nalang ako, i have a soft spot for kids, bata pa s'ya at alam kong wala s'yang kasalanan. "Hello, I have something for you, ilang taon ka na ulit?" i softly asked. "Sabi po ni Mommy, I am 1 year old! Hindi ko naman po kasi alam." ngumuso siya. I laughed, niyakap ko siya at nagpayakap naman s'ya, ang cute cute ng batang 'to, kamukha ng ama niya. "Babe, hindi mo ba ig-greet si Mel?" biglang tanong ni Chandria. "Oh, right." sabi ng magaling niyang asawa at nagpapanic na pumunta sa akin. "H-Hi, Amelia." nauutal n'yang bati. He offered his hand. Pasimple akong ngumisi at tinanggap iyon, sinadya kong pisilin iyon para masaktan s'ya. "Hello, Ace," I sarcastically said. Ramdam kong nanlalamig ang kamay niya, s'yempre, hindi pa rin ako bumibitaw, gusto kong ipakita sa kaniya ang kagaguhan niya. "So, who's this guy?" Chandria said. Dalhil do'n ay napabitiw ako at napatingin sa lalaking tinatanong n'ya, busy s'ya sa pakikipag-usap kay Carter. "It's Kaiden." nakangiti kong sagot. "You two are together?" seryosong tanong ni Ace. "Why you are asking?" nakangisi kong tanong. "Hello? Yes, give me a time, I'll just move." Lalong lumaki ang ngisi ko noong umalis si Chandria, may kausap kasi s'ya sa cellphone kaya umalis, siguro ay naghahanap ng signal. "What a good time, Mr. Clemente," tila nang-aasar na sabi ko. "Mel, I-I'm sorry." hinging paumanhin n'ya. Tinignan ko si Kaiden na busy sa pakikipaglaro kay Carter, napangiti nalang ako habang tinitignan s'ya, it seems he have a soft spot for kids also. "H-Hindi ko ginusto, i-ipinakasal ako ni Mommy sa kan'ya—" I cut him off. "Liar!" I shouted. "N-No, please you need to know the truth." pagsusumao n'ya. "No need, Mr. Clemente, I already knew." nakangisi pa ring sabi ko. "Don't you dare to come near me!" binantaan ko siya. "Please, hear me out." pagmamakaawa n'ya. "'Wag na, Ace, be happy to my best friend. She's your first love, right?" Hindi ko na s'ya inantay sumagot dahil alam ko na ang sagot, s'yempre oo. "Let's go, Kaiden." Agad kong hinila palayo si Kaiden, ni hindi na nga ako nakapagpaalam ng ayos sa bata. "Kilala mo 'yon?" he asked. "Yes, remember when I'm crying alone in the park and talking to myself like an ins*ne?" I asked him too. "Ah, oo, laughtrip nga ginagawa mo no'n, e, para kang tang*—aray ano ba?!" I hit him kaya napadaing s'ya, gag* amp*ta. "S'ya yun, he's the one who's ranting I am." sabi ko at nagkibit balikat. "Gusto mo dalhin natin s'ya sa korte? May kaso sa kan'ya! Hayaan mo para sa 'yo aaralin ko mamayang gabi kung meron man!" pagpresinta n'ya. "Baka wala, okay na 'yun." sabi ko at ngumiti. "Hindi, magsesearch ako mamaya, 'di ba sabi mo, nagpropose siya sa 'yo two years ago? Tapos nagpakasal siya sa iba two years ago rin? Search ko' yon mamaya 'pag umuwi ako." "Sige, you said, e." sabi ko at natawa. "Don't tawa tawa me because hindi ka pretty, mas pretty ako sa 'yo 'no!" sabi niya at umirap. Lalo akong natawa at hindi nalang s'ya pinansin, hinitak ko na siya para makaalis na kami do'n, babalik pa kami sa TAM para kunin ang kotse namin ewan ko ba rito kay Kaiden at naisipang maglakad nakita ko tuloy si Ace. "Sakay ka sa likod ko." seryosong sabi niya. "Huh?" nakakunot noong tanong ko. "Huwag ka nang mag-inarte, sumakay ka na sa likod ko." sabi niya. "Ayoko nga, ano ka sinuswerte?! Bakit ako sasakay sa likod mo?! Give me a valid reaso—ahh! Gag*, put me down!" Hindi siya nakinig at binuhat pa rin talaga ako! Pilit akong nagpupumiglas pero lalo lang s'yang natatawa. "Isa, Fern, kapag hindi ka tumigil sa kakalikot at kakaingay, hahalikan kita." rinig kong sabi niya. Agad na nag-akyatan lahat ng dugo na meron ako sa katawan ko patungo sa mukha ko. Nanahimik na rin ako dahil baka totohanin n'ya, masakit na rin naman ang katawan ko gawa ng kakapumiglas ko. "Ouch, pain, pighati, pabinibugho, karamdaman, kasakitan, bakit ayaw mo magsalita?!" tanong niya. "Sabi mo, if I move or speak you will going to kiss me. Ayoko lang ma-dirtyhan ang lips ko, virgin pa yung lips ko 'no!" depensa ko. "Andito na tayo." sabi niya at ibinaba ako. "Yes." sabi ko at nag-inat inat. "Pero teka, you said virgin pa ang lips mo 'di ba nagka-boyfriend ka? Hindi ka pa niya nahahalikan?" nagtatakang tanong n'ya. "Ah, oo, akala ko no'ng una respeto tawag n'ya ro'n, hindi pala." sabi ko at alanganing tumawa. Hindi siya natinag at seryosong nakatingin pa rin sa akin, pumitik ako sa harap niya at tumawa hanggang sa hapitin niya ang bewang ko at isang hakbang nalang ay mahahalikan ko na siya. Parang tumigil ang paligid dahil sa ginawa n'ya, kung wala lang dumadaan iisipin kong kami lang dalawa ang tao rito sa mundo, e. "Tanggalin natin." paos niyang sabi. Bubuka palang sana ang bibig ko noong mailapat niya ang labi niya sa labi ko, t-t*ngina naghalikan kami! Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak at sumabay nalang, ayon na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko at ang malakas na tibok ng puso ko.
napakaganda Po Ng story 👏👏👏👏
09/09/2024
0ganda ng estrya
09/09/2024
0nice
02/09/2024
0ดูทั้งหมด