logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

The Forgotten Past

The Forgotten Past

MISSYEYEN


CHAPTER 1

SIA'S POV
"RJ," tawag ko.
Mukhang hindi niya ako narinig? Lumapit ako at niyakap siya sa likod. Sabay sabing, "RJ kahit naman magkalayo, magkaibigan pa rin tayo."
Binitawan ko ang pagkayakap ko sa kaniya, hindi na maampat ang mga luhang sunod-sunod na bumabagsak mula sa aking mga mata.
"Reine," tawag niya sa akin at agad ko naman siyang nilingon. Ang mata niya ay naglalaman ng lungkot at sakit. Hindi niya ito maikubli dahil maging ang luha niya'y unti-unti ng pumapatak. Nasasaktan ako, nakikita kong nasasaktan ang best friend ko dahil lang mawawala ako ng matagal at walang kasiguraduhan ang aking pagbabalik.
"Sorry, hindi naman kita gustong saktan, pero sana maunawaan mo. Hindi rin naman kita makakalimutan eh, pangako," umiiyak na sabi ko sa kaniya.
"Ayos lang yun, Reine," sabi niya.
"Pangako ko rin na hihintayin kita, o kaya susundan kita sa Singapore." Lalong hindi maampat ang luha na bumabagsak mula sa aking mga mata.
"Reine, tanggapin mo 'to regalo ko yan sayo isusuot mo yan palagi ah dahil yan ang magiging palatandaan ko na ikaw ang best friend ko, mami-miss kita Reine." Niyakap niya ako at pinunasan ang mga luha na naglalandas sa aking mukha.
"Ito naman tanggapin mo, regalo ko rin yan sa'yo. Ingatan mo yan dahil hahanapin ko yan pag nagkita na tayong muli. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan, hinding-hindi kita makakalimutan."
"Reine, bago ka umalis may ipaparinig ako sa iyong kanta."
"Sige,"
Habang pinakikinggan ang tugtog ay lalo akong umiyak dahil tugma sa aming dalawa ang bawat liriko ng kanta.
"Baby, tara na baka mahuli tayo sa flight natin," tawag sa akin ni Mommy.
"Sige po, Mommy, paalam, Rj," malungkot na sabi ko sa kaniya.
"Paalam rin, mamimiss kita." Umiiyak na sabi niya pero kahit masakit ay kailangan kaya tumalikod na ako at naglakad palayo sa best friend ko. Hinawakan ko na lang ang necklace na regalo niya sa akin na may singsing na nakasabit doon.
"Sia, gising, bakit ka umiiyak?" Nagmulat ako ng mata at mukha ni Mommy na puno ng pag-aalala ang una kong nakita. Maging ang unan ko pala ay basang-basa na ng luha.
"Wala, Mommy, may napanaginipan lang po ako," malungkot na sabi ko sa kaniya.
"Eh bakit sobrang apektado ka at grabe ang iyak mo?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko rin po alam, Mommy," malungkot pa rin ang tono ko. Hindi ko batid pero parang ang bigat sa pakiramdam at ang sakit-sakit.
"Sige na, lalabas muna ako. Ipaghahanda kita ng pagkain. May prom night ka pa mamaya kailangan mo pang mag-ready."
"Sige po, dito lang po muna ako."
Lumabas na si Mommy pero hindi pa rin mapawi ang lungkot na nararamdaman ko. Sino ba yung RJ na yon?
Binuksan ko na lamang ang drawer ko at kinuha ko ang journal ko at nagsimulang magsulat.
Sino ba talaga ako?
Ano ba ang pagkatao ko?
Bakit nangyayari sa akin ito?
Pinaparusahan ba ako?
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang aking mga tanong
Kailan ba ako magkakaroon ng pagkakataon
Pagkakataon na masagot lahat ng tanong
Kasi sa bawat araw na lumilipas
Para akong nakakulong sa rehas
Na kahit anong gawin ko hindi ako makatakas
Na parang pinaparamdam sa akin na ito na ang wakas
Na huwag na ko magtangka pang tumakas
Dahil kahit ano pang gawin ko iisa lang ang magiging wakas
Na kahit ano pang pilit kong gawin
Kahit ilang beses ko pa subukang alamin
Ay wala pa rin akong matutuklasan
Sapagka't burado na ang lahat patungkol sa aking nakaraan
Pero bakit nga ba naging burado?
Bakit nga ba nawala ang ala-ala ko?
Sino nga ba yung mga nagpaparamdam sa panaginip ko?
Kilala ko ba ang mga taong nagpapakita sa'kin sa panaginip?
O isa lamang siya sa kinatha ng aking isip?
~ Reine
Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat pero enough muna sa drama baka pumanget ako sa prom mamaya dahil maga ang mata ko kakaiyak.
Kailangan ko na palang kumain dahil mag-re-ready pa ako for my prom night.
NAKAHANDA na ako para sa prom night namin. Nakasuot ako ng off-shoulder red bell gown na may mga disenyong bulaklak sa iba't ibang parte. Nakasuot rin ako ng diamond crown. Ang sandals ko ay 3 inchess glass sandals na binili pa pinaggawa pa mismo ni Mommy. May binili siyang necklace pero hindi namin mahanap and ayaw kong umaalis ng walang necklace.
"Mommy, ayaw ko umattend ng walang necklace," pag-iinarte ko sa kaniya.
"Wait meron dito sa drawer ko, necklace na may singsing," Mommy said.
"Can I see po?"
Pinakita sa akin ni Mommy yung necklace na may singsing at parang familiar sa akin yo'n, parang I saw it somewhere.
"Okay na po yan, Mommy, kaysa wala," Lumapit siya sa akin upang isuot ang kwintas. Hindi naman ito kita pero parang naiilang ako pag wala akong suot sa leeg ko.
NAKARATING na kami ni Mommy sa venue ng prom night namin. Hindi na ako nagpasama sa loob baka ano pa sabihin ng iba.
Ang ganda naman ng venue dito pero medyo malungkot pa rin pala kasi wala akong kaibigan dito. Kahit na ilang years na ko nag-aaral dito at malapit ng gumraduate. Marami kasing nagagalit at umaaway sa akin dahil para akong buhay prinsesa, masyado kasi ako nai-spoiled ni Mommy kaya ganon pero hindi naman ako spoiled brat, naii-spoiled lang ako sa mga things na mga gusto ko.
Tahimik lang ako pero minsan pumapatol ako sa kapag napupuno ako. Hindi rin ako nakikikaibigan sa kahit na sino kahit pa puro Filo students na ang kasama ko. In the past few years kasi ay kasama namin ang iba't ibang lahi pero dahil dumami yung Filo students naisipan nila na ilipat sa kabilang campus.
Iba kasi dito sa Singapore sa mga same course may sari-sarili silang campus. Kung ang course mo ay business related ay sa ibang campus kayo ganon din kapag engineering or nasa med ka.
Naglakad-lakad na lang ako at may nakita akong place na walang tao, doon ako tumungo.
"Ang cute naman ng place na ito," sabi ko sa sarili ko.
Ang cute talaga may nag iisang bench sa pinakagitna tapos kitang-kita mo yung bilog na bilog at nagliliwanag na buwan. Naupo na lang ako sa small bench wala kasing lumalapit na kahit sino sa akin.
Lalo akong pinangingilagan ng mga babae dahil sa gown ko at yung mga lalaki naman ay grabe makatingin. Masyado talagang agaw pansin ang suot ko.
KALAHATING minuto na rin siguro ako nakaupo dito at nakatitig lang sa buwan kaya naisipan ko nang tumayo pero may umagaw ng atensyon ko. Isang makisig na lalaki na nakatayo di kalayuan sa akin at may pinapatugtog siya na medyo pamilyar sa akin. May kadiliman kung nasaan siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.
Pinakinggan ko ang buong kanta at tila naluluha ako dahil sa mensahe na nakapaloob sa kantang yo'n. Kung hindi siguro sa kantang iyon ay hahayaan ko na lang siya. Tila wala rin siyang kaibigan at malungkot siya. Kaya nagpasya na lang akong lapitan siya at tila dinadala naman ako ng mga paa ko sa kaniya.
"Hello," malambing na pagbati ko sa kaniya, tinitigan niya ako ng matagal at pagkaraan ay binati rin ako.
"Hi," malungkot niyang sagot.
"What's your name?" tanong ko sa kaniya.
"Raziel Jace Acosta but you can call me Jace, how about you?"
"I am Alessia but just call me Sia," sabi ko sa kaniya
"How about your full name?"
"Secret," napatawa ako at ganoon din siya.
"Hey! Bakit ka nga---" owemjiiii! ang lutang ko bakit ko siya kinausap sa language ko.
"Sorr---" Di pa ako natatapos ay bigla siyang nagsalita.
"Pilipino ka?"
"Ahmm y-yes, obvious naman siguro?" nag-aalinlangan at pilosopong sagot ko sa kaniya. Napasapo ako sa noo ko ng may ma-realize ako.
"Lahat pala tayo dito Pilipino," sabay kaming napatawa sa realization namin.
"Ano palang kanta yung pinapatugtog mo kanina?" pagbubukas ko ng usapin.
"Narinig mo pala yon, Best of Friends by Olivia Newton-John yung pinapatugtog ko kanina."
"Bakit ka pala nasa Singapore?
"Nandito ako para mag-aral," sagot naman niya. Pagkaraan ay napansin kong bigla siyang nalungkot. Sadness and tears are visible in his eyes.
"Hey, why you look so sad?" medyo malungkot rin ang boses ko hindi ko alam pero nalulungkot ako para sa kaniya.
"May pinangakuan kasi ako noon na susundan ko sya rito eh, pero mukhang malabo ko na siyang matagpuan pa," winika niya ng may lungkot. Di ko mawari pero nakaramdam ako ng mas lalong pagkalungkot.
"Don't worry, fate will bring you two closer together. And fate will lead you where the two of you will cross paths again. All you need now is a little more patience to wait for the day when you'll see her again." Humarap siya sa akin and nakita ko siyang ngumiti.
"How'd you know that I'm looking for a girl?" nagulat na lamang ako sa tanong niya.
"Ahm, i dunno, instict maybe," sagot ko na ikinatawa niya.
"Eh ikaw naman bakit nandito ka sa SG?" pagbubukas niya muli ng topic.
"Dito na kami nakatira ni Mommy since I was---" nag-isip ako ng medyo matagal. "Hindi ko lang maremember kung kailan pero ang daldal mo pala," tumawa ako ng mahina pero seryoso siyang nakatingin sa akin na animo'y kinakabisa niya ako.
"Bakit hindi mo maalala?" pag usisa niya na hindi man lang pinansin ang huli kong sinabi kanina.
"Ewan ko kung bakit pero may iilang details lang naman akong hindi matandaan."
Nagkuwentuhan pa kami pero naputol iyon ng may babaeng kirintod na lumapit sa amin. Scarlette and her friends, sila ang madalas umaway sa akin.
"Where did you bought your cheap gown?" pangungutya ni Scarlette na kinatawa ng mga friends niya na sina Jade and Emily.
"First of all, where did you buy, you don't have to use two past tense. Pinag-aaral kasi ng magulang puro landi ang inaatupag." Akmang iaangat niya ang kamay niya para sampalin ako pero itinaas ko ang kamay ko.
"Hep! Hindi pa ako tapos sa paglilitanya ko. Itong cheap gown na sinasabi mo na 'to kayang-kaya bayaran ang tuition fee mo sa school na 'to at baka may maging baon ka pa. Hindi ako katulad mo na kailangan maging gold digger para makabili ng gown. I'm sorry dear but my Mom loves me so much that she has treated me for everything that I desire." Simple akong napangiti ng makita ko ang pamumula ng mukha niya at paghagikgik ng lalaking nasa likuran ko.
"Bawiin mo yung sinabi mo." Sabay na sabi ni Jade and Emily.
"Guilty ang mga alalay." Akmang susugod sila pero humarang si Jace na siyang kinagulat ko.
"Kung wala kayong masasabing maganda pwede ba umalis nalang kayo? Sinisira niyo kasi ang gabing ito."
"Handsome, masasayang lang ang kagwapuhan mo diyan. Bakit hindi nalang ako ang escort-an mo para naman masama ka sa pagkapanalo ko bilang Princess of the Night."
"No thanks, this girl beside me is better than you." Namula siya sa inis.
Hindi na siya nakasalita ng mag-intro ang emcee.
"May we have your attention? We want to let you know that the dance floor is all yours. You can now choose your partner to be your first dance," sabi ng emcee.
"May the best princess won."
"Correction, may the best princess wins." Pinaikot niya ang mata niya bago umalis kasama ang mga alipores niya.
"May I?" tanong sa akin ni Jace.
"Su---" di ko pa man natatapos ay maraming nagsulputan na kalalakihan at hinihingi ang aking kamay para maisayaw nila.
Naagaw muli ang atensyon namin ng nagsalita muli ang emcee.
"It seems that Ms. Mendez caught the attention of our boys. Who will she choose?" sabi ng emcee na siyang prof. din namin.
Hindi ko rin batid kung sino pero ang paa ko ang nagdala sa akin kung sino ang gusto kong makasayaw sa oras at gabing iyon, si Jace.
"Sagot ko sa tanong mo kanina. Yes," sabi ko sa kaniya na ikinatuwa naman niya. Bago ako mamili ay nakita ko pa ang panlilisik ng mga mata ni Scarlette.
"Thank you," at inabot niya sa akin ang rosas na hawak-hawak niya na agad ko namang tinanggap. Ang mga lalaking nagsilapitan sa akin kanina ay naghanap na rin ng makaka-partner nila. At nang makita ng host na nag aalisan na ang mga lalaking nakapaligid sa akin kanina ay muli siyang nagsalita.
"And now, she finally chose someone who captured her heart," sabing muli ng emcee.
"Let's go to the dance floor." Inilahad niya sa akin ang kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap. Bago kami pumunta sa dance floor ay dumaan kami sa kinaroroonan nila Scarlette.
"Sorry dear, they like me more than they like you." Hindi na namin hinintay ang sagot niya at dumiretso na sa dance floor.
Habang nag-uusap ay nagsimula na kaming sumayaw sa saliw ng musika na tila'y kami lang ang naroroon.
"Bakit nga pala sa dinami-rami ng humingi ng kamay mo ay ako ang napili mo?" takang tanong niya sa akin.
"Hindi ko rin alam basta sa iyo ako dinala ng paa ko," wika ko naman.
"Gusto pa kitang makilala, sana ay maging magkaklase tayo sa last sem."
"Sana nga, ano bang kurso mo?" tanong ko naman sa kaniya.
"Business Management ang kinuha ko, eh ikaw?" balik na tanong niya sa akin.
"Tulad rin ng iyo, marami kasing business si Mommy sa Philippines eh."
"Bakit pala hindi pa tayo nagkikita before kahit same course tayo?" Tanong ko sa kaniya pero para ngang pamilyar siya kaya tiyak akong nagkita na kami or nagkasalubong somewhere.
"Saang building wing ka ba dati?" Dalawang building kasi ang ginagamit ng mga business related course pero napag-trip-an kasi noon na paghiwalayin ang dalawang section ng business management.
"Sa right-wing ako."
"Ah kaya siguro hindi tayo nagkikita pero sabi ng prof namin after nitong prom ay lilipat na kami sa right wing."
"Baka meant to be lang talaga tayo," pabirong sabi ko.
"Baka nga," napatulala ako nang sumilay ang mapang-akit niyang ngiti at doon ko lamang napagtanto na ang gwapo pala ng lalaking pinili ko.
Nawala ang pagpapantasya ko sa kaniya ng bigla niya akong hinatak pabalik kung saan kami unang nagkakilala at doon niya ako sinayaw, sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"Let's enjoy the moment we have right now." He said with a genuine smile, the melancholy in his eyes had been replaced by joy.
"Yes, let's just think about you and me," I grinned back, knowing that even though this was my first conversation with him, I felt that I belonged to him.
I'm just delighted right now because we're dancing to our rhythm beneath the moonlight, which has helped me forget that he's a stranger and that we're in the middle of a crowd.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (7)

  • avatar
    Rico Guinto

    oka

    26/07

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me

    11/06

      0
  • avatar
    CabingatanHavanna

    good

    26/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด