logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

To the Point of No Return

To the Point of No Return

Queen_jey


PROLOGUE & Chapter 1

"You got me pregnant!"
Sigaw ko ng buong lakas at siguro kunti na lang ay masisira na ang vocal chords ko. Nag-iinit ang ulo ko habang pinagbabato sa kanya ang mga pegnancy kits na hawak ko ngayon. Yes pregnancy KITS dahil sa sobrang rami kong pagsusubok kung totoo nga ang nakikita ko, lahat ay positive. LAHAT ay positive ni wala man lang negative kahit isa.
Peste lang talaga, gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon.
Dahil sa init ng ulo ko ay sinugod ko siya sa opisina niya, sa ospital na pag mamay-ari ng pamilya nila. Takot na takot ang isang nurse na kausap niya na agad namang lumabas ng opisina ng marinig ang sigaw ko.
Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko na parang hindi niya lubos maisip na paano nangyari ang lahat. Malamang dahil pinasok niya ang ano niya sa akin, isa pa namang doctor pero hindi man lang naisip na gumamit ng contraceptive. Ang bobo, bwisit.
Goodness, how can this happen to me?
"Ano hindi ka magsasalita?" Sigaw kong muli habang patuloy na pinagbabato ang sandamakmak na pregnancy kit sa kanya. Ngunit ang bwisit nasasalo lang ang lahat at ni wala man lang kahit isang tumatama sa mukha niya. Galing ng reflexes ah, kainis. Gusto ko pa naman sana masugatan kahit kaunti man lang iyang gwapo niyang mukha para kahit papaano gumaan itong nararamdaman ko.
"How can that happen? We just did it one time..." Sambit niya ngunit agad ko na naman siyang binato ng pregnancy kita. Nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi niya.
"You think na hindi ka makakabuntis kahit isang beses mo lang pinutok iyang ano sa mo sa akin! Eh gago ka pala eh." Kaya naman dahil inis ko sa taong kaharap ko ay binato ko sa pagmumukha niya ang isang supot pa ng pregnancy kit na hawak-hawak ko ngayon.
"Ayan, wala ni-isa dyan na negative. Ayan ang proweba na buntis nga ako. Oh God,  I wish I could just turn back time na hindi kita nilandi ng lasing at sana hindi ka nagpalandi." I said and muttered the last phrase to myself. Alam kong narinig niya ang huli kong sinabi pero mas pinili niyang manahimik na lamang.
"Ngayon kung ayaw mong maniwala na sayo itong dinadala ko. I don't care Nate. Wag na wag mo akong lapitan, wag mo akong sundan, wag kang tumawag. Ayokong makita iyang pagmumukha mo dahil baka anong magawa ko sayo na hindi mo magugustuhan." I said with finality, binalibag ko ang pagkakasara ng pintuan pagkalabas ko.
Kung akala niya magmamakaawa ako para panagutan niya ang ginawa niya sa akin ay nagkakamali siya. Hindi ako babalik sa dati, no, ayoko ng masaktan. Tama ng binigay ko sa kanya dati ang puso ko, tama na nabigay ko na din pati ang katawan ko.
I can do this on my own. I don't need him, I don't need anyone because I know I can do this alone. I'm a strong woman and I don't need a man like him. I don't need him who broke me into pieces.
PAST
Kakatapos ko lang magbanyo sandali ng mapadaan ako sa library. Medyo nakabukas ang pintuan ng library at hindi ko maaasahan ang maririnig ko.
"What you saw them together? Si Rezzy at ang babaeng kinahuhumalingan ni Nathaniel?" Mabilis akong nagtago sa kinalalagyan ko ngayon ng marinig ko ang pagbanggit ng pangalan ko. Hindi ako usisera at hindi ako pinalaking tsismosa pero sa tingin ko kailangan ko itong marinig.
I'll just gonna stick to my instinct.
"Yeah when I was shopping, I was about to call Rezzy when that girl appeared out of nowhere. They seem really close at napaimbestigahan ko na kaagad Rafael." Kumunot ang noo ko sa narinig na sinabi ni Tita Emilia. Bakit nila ako pinag-uusapan ni Tito Rafael?
"Anong nangyari?" Tanong naman ni Tito Rafael. Pina-imbestigahan nila? Sino? Ako? Lalo kong nilapit ang sarili ko sa may pintuan upang marinig sila ng maayos.
"Nalaman ko na malapit silang magkaibigan, they're families are also close to each other. Para silang kambal tuko na lumaki Rafael. Paano na lang pag nalaman ni Rezzy na humaling na humaling si Nate kay Serena na iyon?" May bahid ng pag-aalala sa boses ni Tita Amelia habang nagsasalita ito.
Napasinghap ako sa narinig. Hindi ko buo akalaing may kinahuhumalingan si Nate, ang alam ko lang ay hindi niya pa rin makalimutan ang ex-girl friend niyang namatay ngunit ang gusto niya pala ay si Serena? Ang kaibigan ko ang siyang mahal niya?
"Hindi niya malalaman Emilia..." Pagsisiguro ni Tito Rafael.
"How can you be so sure Rafael? Alam kong alam mo na pumayag lang si Nate na makipagmabutihan ngayon kay Rezzy ay dahil sa Serena na iyon. Para may rason siyang makausap at makalapit sa babaeng iyon." Nanginginig na lumayo ako sa pintuang iyon at minabuting hindi nila napansin ang presensya ko.
Alam kong hindi ako niloloko ng tenga ko sa mga narinig ko. Nanghihina ang buo kong katawan ngayon habang naglalakad palayo.
It was supposed to be a simple dinner for me, I never expected this night to be so horrible. Paano na lang kaya kung hindi ako nakinig? Paano na lang kaya kung hindi ko pinagana ang curiosity ko? Hindi siguro mangyayari ito sa akin, ang umuwi ng luhaan at parang binasura ang puso.
Pinahiran ko ang mga luhang hindi tumitigil sa pagdaloy sa aking mga pisngi gamit ang palad ko. Nakatitig ako sa dilim habang nakasakay sa kotse ko ngayon, hindi ko alam kung nasaan ako dahil basta ko na lang pinaandar ang sasakyan paalis ng mansyon nila Nate. Mabuti na lng ay hindi ako nadisgrasya dahil sa totoo lang ay lumilipad ang utak ko ngayon.
Tinigil ko ang sasakyan sa gilid ng daan kung saan tahimik at madilim katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Galit. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga narinig ko kanina. Habang naiisip ko ang mga binibigay na hiwatig ni Nate tuwing magkakahirap sila ni Serena at ako. Naririnig ko na siya at nakikita kong iba ang binibigay niyang tingin kay Serena ngunit hindi man lang pumasok sa utak ko na may ibig sabihin pala ito. Hindi ko man lang naisip ang posibilidad na may nararamdaman pala siya kay Serena.
"Ang bobo mo Rezzy, ang tanga-tanga mo. You gave everything to him, your body and soul pero ano nagpaloko ka lang? Nagpagamit ka lang!" Pagalit kong sigaw sa sarili ko habang pinagsusuntok ko ang manibela. Bigla akong natawa ng pagak.
Ano nga ba naman kasi ang importansya ng nararamdaman ko para sa kanya? Wala, halatang walang halaga ang nararamdaman ko.
"Hindi man lang ba pumasok dyan sa kukote mo na wala kang mapapala sa kay Nate?! Ilang beses ka na niyang binabalewala na parang wala kang halaga pero ayan umaangkla ka pa rin kaya tignan mo ang nangyari sayo. Ang gaga mo kasi." Sambit ko habang nakatingin sa luhaan kong mukha sa salamin. Napayoko ako at napatingin sa mga luhang patuloy na nahuhulog sa aking mga damit.
Damit na pinag-ubusan ko ng oras kanina dahil inisip ko na magugustuhan ni Nate. Syempre dahil gusto kong magandahan siya sa akin pero ngayon ang tanging silbi ng damit na ito ay tagasalo ng luha ko.
"Fuck you Nate! How can you do this to me?" Naiiyak kong sambit. Ang malala pa ay kahit anong galit ko,  hindi mawala-wala sa utak ko ang mukha niya na lalo pang nagpakirot sa puso ko. Dahil alam ko kahit kailan hindi niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal niya kay Serena.
Isa lang akong babaeng ginagamit niya sa larong akala niya ay mananalo siya. Bakit gsa lahat pa ng pwede niyang paglaruan ako pa ang napili niya? Dahil ba akala niya na makukuha niya si Serena?
He is my first love, sa lahat ng lalaking nadate ko ay sa kanya ako nahulog ng ganito kalalim. Sa kanya ko binigay ang pinagka ingat-ingatan ko, ang pagkabirhen ko na hindi ko maibigay sa iba. Buong pagkatao ko ata nasa kanya na dahil akala ko ay magiging masaya kami na kahit hindi man niya ako ganoon kagusto ay mahuhulog din siya sa akin pagdating ng tamang oras pero hindi pala, dahil sa una't sapol palang ay pinaglaruan na niya ako at niloloko.
Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko ngayon, the mighty Rezzy is now crying because of a guy. Sa unang pagkakataon ay umiyak ako dahil sa isang lalaki, sa unang pagkakataon ay nadurog ako ng isang lalaki. At alam ko hindi na ako mabubuong muli dahil pakiramdam ko dinurog niya ang puso at pagkababae ko ng isang milyong beses.
Lahat ng mga sinabi niya sa akin ay purong kasinungalingan, pinasa niya lang ako na may mararating ang nararamdaman ko sa kaya.
"You will regret this Nate, you'll regret losing me." Mahina kong sambit sa sarili ko habang nakatingin sa madilim na daan.
NAKATINGIN ako ngayon sa bestfriend ko na gulat na gulat ngunit nakikita mo sa mga mata niyang sobrang saya niya habang nakatitig kay Devon habang naglalakad sa altar. Ngayon ang pangalawa nilang kasal ng dalawa. Si Devon mismo ang nagplano, kinuntsaba niya kasi ako na tulungan siya at tsaka alam ko naman na para kay Serena ito.
Alam kong mahal na mahal ni Devon si Serena, makikita mo iyon sa mga mata niya. Dati pa naman alam kong mahal na niya talaga ang kaibigan ko pero naging tanga at bobo lang siya. Hindi agad nito narealize sa sarili ang totoong nararadaman kaya madami munang nangyari sa buhay nila bago sila umabot sa puntong ito ng buhay nila.
No'ng una nga ay may agam agam pa ako na baka hindi sila magkatuluyang dalawa lalo pa't ang daming pinagdaanan ni Serena kay Devon. But then their love prevailed.
Masaya akong nakatingin sa kanila ngayon, hinaharana ni Devon si Serena sa harapan ng lahat.
I don't blame Serena, alam ko namang mahal na mahal niya si Devon at siguro kung nagkaroon man ng kung ano man sa kanila ni Nate ay natapos na rin ito. Ayokong maging hipokrito at sabihing hindi ako nagtanim ng sama ng loob kay Serena dahil sa totoo lang sobrang sama ng loob ko sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Pero alam kong may rason siya doon, alam ko dahil kilala ko siya.
Hindi ko sinabi sa kanya na alam ko na ang lahat mula sa amnesia niya at ang  koneksyon niya kay Nate. Ayoko ng sabihin kay Serena dahil alam kong sisihin niya lang ang sarili niya at ang bigat na ng pinagdadaanan niya sa mga oras na akala ng lahat na patay na si Devon.
Tumingin ako sa paligid at napangiti. Masaya ang lahat ng tao ngayon well except sa akin. I am truly happy for them, they finally found love and peace with each other.
Napatingin ako sa relo ko. Perfect, habang nandito ako bilang isang maid of honor sa kasal nila Devon at Serena ay mayroon naman isang kasal na nagaganap sa isa pang lugar. Pero syempre hindi mo naman matatawag na kasal kung wala ang bride diba? So technically hindi na siya kasal.
Siguro sa mga oras na ito ay nagwawala na ang lahat dahil wala pa rin ang bride nila. Sino ang bride? Aba eh ako lang naman. Yup walang iba kundi ako ang supposed to be bride wearing all white instead of pink right now. Sinakto ko talaga sa araw ng kasal ni Devon at Serena ang araw ng kasal ko kuno para perpekto ang lahat.
Naisip ko ang mga taong nandoon na sa venue ng kasal. Siguro hinimatay na ang nanay ni Nate, si Emilia sa pagkabigla at pagkapahiya sa lahat ng taong nandoon. Sumingit sa isipan ko si Nate na nakatayo sa altar at hinihintay ako, ang pinapangarap ko na hindi na matutupad.
Pinilit kong inalis sa isipan ko ang imahe ni Nate at pinilit ang sariling maging positibo sa mga nangyayari.
Napangiti ako dahil success ang plano ko na pagpapahiya sa kanila especially Nate. Ang kapal talaga ng mukha niya, naghintay ako na sabihin niya mula sa bibig niya ang totoo na niloloko niya lang ako. Pero hindi, pinagpatuloy niya pa rin ang lahat at talaga namang pumayag pa siyang pakasalan ako, ang gago ginawa pa akong panakip butas kahit alam naming parehong wala siyang nararamdaman sa akin.
Gaga ako pero hindi ako martir para maging bulag sa lahat. Kung akala ni Nate na magagamit niya pa ako ay nagkakamali siya.
Muli akong napangiti ng maalala ko ang video na iniwan ko roon para mapanood ng lahat. Isa lang namang speech iyon para ipaalam sa lahat ng mga kagaguhan na ginawa ni Nate at ng magulang niya sa akin. To hell with him and his family.
Ngunit kahit na gaano kaperpekto ang plano ko para makaganti sa kanila ay may tumulo pa ring isang butil ng luha sa aking mata. Buong-buo pa rin ang sakit sa puso ko at hindi pa rin nababawasan kahit kaunti. Dahil siguro kahit pagsusuntukin o kahit pagbugbog ko pa si Nate ay hindi pa rin ako makokontento.
Bakit? Dahil sinira niya ako at winasak nya ang puso ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (2)

  • avatar
    Mary Ann Binolirao

    fwtnfTamarbrabra

    07/05

      0
  • avatar
    Bert Guasque

    endless love

    16/12

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด