logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)

Mysteriouslay


บทที่ 1 Transfer

Queenie's POV
Bigla akong nagising sa liwanag na tumatama sa aking mga mata, argh!
Para saan pa itong kurtina kung masisilaw lang din ako sa liwanag mula sa labas?!
"My Queen gising na po." Hindi ko na lang s'ya pinansin at patuloy na humiga at pumikit.
Umalis naman yung istorbo kong maid na nagpapagising sa akin. Hayst, buti naman.
"My Queennn! Gising na pooo! Pinapababa na po kayooo!" Bigla naman akong napabangon sa sigaw n'ya.
"Sh*t! Hindi pa ba halatang natutulog ako? Argh!" Dahil sa inis ko, iyong umagang-umaga para akong bulkan na ang init ng ulo. Tsk, haynako!
"S-sorry po, pinapababa na po kasi kayo para mag almusal, sabi po ni madam."
"Tsk sige, sabihin mo pababa na ako. Maliligo lang muna ako tapos kakain na. Bilis, labas!" Sigaw ko kaya nagmamadali s'yang lumabas at ako naman nagtungo na sa banyo.
Wala akong pake kung sinisigawan ko sila. Tsk, mga istorbo sa buhay ko!
—————
"Princess..." agad na bati nito sa akin.
"Cut that off mom. Hindi na ako bata para d'yan." Sabi ko habang kumakain ng kung ano dito sa lamesa.
Hindi ko naman kailangang umupo, basta may maidampot lang ako ok na 'yon sabay kain ko doon. Hindi ba parang pang tamad? Well, gano'n talaga pero hindi ako tamad.
"But... Ok fine, your dad and I have already talked about your school. You will move to another school, if you don't want to or if you want to."
At doon ako natigilan sa pagkain ko. Tumayo ako bigla at humarap sa kanilang dalawa.
"What?! But why mom? Wala naman akong bad records ah?!"
Matino ako sa school ko ngayon, mas matino sa dati kong school. Don't tell me gusto nila akong mag adjust ulit?!
"Ley anak, lower your voice, sorry pero hindi namin pwedeng sabihin sa'yo kung bakit."
Bakit naman hindi pwede?
"Ano naman yun? Bakit hindi pwede? Ang duga naman, nagde-desisyon kayo ng hindi ko alam? Mom, dad, ayokong lumipat!"
Ok na ako rito sa school na pinapasukan ko tapos lilipat na naman?!
"Sorry anak pero kailangan mong lumipat, para naman sa ikabubuti mo ito."
Ikabubuti? Ok na nga ako sa school ko ngayon, hayst!
"Sa Zortron University ka ulit lilipat anak sa ayaw at sa gusto mo."
What the? D*mn it!
"Ok, kung yan ang gusto n'yo pero may kapalit, sa dorm na lang ako titira at hindi rito."
Buti pala hindi pa ako nagbibihis ng school uniform ko. Hayst, nasanay kasi ako na maliligo muna then almusal tapos magbibihis na. Kapag kasi nagbihis ako agad, nakakalimutan ko na wala pa lang pasok kaya tatanggalin ko na naman.
So, ok na rin at nasanay ako sa gano'n.
"Yan lang ba gusto mo? Bibisitahin ka na lang namin sa dorm mo kung gusto mo. Bibigyan ka namin ng pera. By the way, may magsasabi sa akin kung anong nangyayari sa'yo doon sa loob. Kaibigan ko may-ari ng school na 'yon. Magbigay ka na lang ng address kung na saan ang dorm mo."
Aba, pumayag agad si dad? Gustong-gusto niya talagang lumipat ako?
"Ok dad, tapos na ako kumain so aalis na muna ako. Aasahan ko yang pinag-usapan natin dad, bye!" Matapos nang pag-uusap namin ay kinuha ko na gamit ko at saka na ako umalis doon, narinig ko pa ngang tinawag ako ni dad eh.
Tumawa ako dahil sa nalaman ko. Alam ko kung saang school yun, sabi nga ni Dad, ulit, so nakapasok na ako doon noon and if I'm not mistaken. May mga kilala ako do'n at proud akong sabihin na mga kaibigan ko sila.
Ngayon ay pupuntahan ko muna sila sa school na iyon, pero 'di ko sasabihin na lilipat ako sa school na pinapasukan nila. Okay lang naman sa akin na mag-aral doon pero iba parin sa pinapasukan kong school ngayon.
Mga estudyante kasi ng ZU is mga malalandi, mayayabang, palaaway, maaarte, mga bully, may mga nerd din naman at syempre mga mababait, kaya sila yung napapagdiskitahan sa school na 'yon.
Pero iba naman sa pinapasukan ko ngayon dahil sa kanila pantay-pantay ang lahat kaya wala akong bad records do'n pero mukhang sa school na ito. Babalik na naman ako sa guidance office. Mapapa-away na naman ako. Tsk, ginusto naman nila 'to eh, edi go!
Huwag lang sila magsasabi na guidance na naman ako or ano na namang kalokohan ang ginagawa mo like that. Psh, it's really sucks!
Malapit na pala ako sa school, nag shortcut kasi ako. Para mapabilis ako, may ginawa akong sariling shortcut.
Nang makarating na ako ay pumasok na lang ako sa loob. 'Di naman nila ako pagtatanungin ng mga bantay dito kasi kilala na rin naman nila ako rito dahil nga sa kaibigan ni Dad ang may-ari ng school na ito at pumasok na ako rito noon.
Agad akong nagtungo sa mga rooms, hinanap ko sila. Nakalimutan ko kasi yung room number nila at mabuti naman nakita ko din sila agad pero hindi sa room, nasa canteen lang pala sila at kumakain.
"Shocks! Ley, ikaw ba 'yan?" tanong nang isang lalaki.
"Ohum..." Sabi ko na lang habang may nginunguyang pagkain 'yong bibig ko. May pagkain sila kaya kumain na rin ako.
"Wait, pwedeng tapusin mo muna yang kinakain mo at umayos ka nga. Nakakahiya oh, pinagtitinginan ka na rito!" Tinignan ko at oo nga nakatingin sila sa akin.
"Ohh, sorry for that. Ok I'm done, hello girls!!" Pagbati ko na lang sa kanila ng matapos ko ng kainin yung fries. Sh*t! Nakaka-miss yung fries!
"Hello Ley, pero bakit ka nandito?"
Oo nga pala. Sasabihin ko ba? Huwag na muna siguro.
"Ahhh hindi ba pwedeng bisitahin ko ang mga kaibigan ko rito? Parang ayaw n'yong nandito ako? Come on girls, I miss you all! " Sabay pout ko pa.
"Wow, wait a minute! Himala at naisipan mong bisitahin kami dito?"
Nagtataka na 'to malamang. Ano kayang iniisip ng babaeng 'to sa'kin?
"Is this for real? Sabihin mo na lang kasi kung anong pakay mo dito girl, pinagtitinginan ka na ng lahat dito sa canteen, so ano nga 'yon?"
Ok, I don't have any choice. Malalaman at malalaman din naman nila.
"Okay fine, lilipat ako dito. So ano, nasagot ko na ah?" Pagsabi ko ng totoo sa kanila, ang mga babaeng 'to pati yung iba, mga nagsisitilian din naman, hayst.
"Wahhhh"
"Gosh, lilipat si Queen dito!!!"
"Buti naman at may magtatanggol na ulit sa atin laban sa mga yun!"
"Tama ka d'yan girl! Wahhhhh, thank you Queen!"
At yan nagsigawan na rin sila, my gosh!
"Wooooooh! Ley, seryoso lilipat ka na ulit dito? Wooh, thank God at nandito ka na ulit!" Nagtataka na ako sa kinikilos nila ah.
"Huh bakit? Parang gusto n'yo ng magpa-party ahh." Yung dalawa, magkahawak kamay at saka tumatalon pa. Halatang tuwang-tuwa. Anong nangyayari?
"Oh my gosh! Nandito na sila girls!" Sigaw nang kung sinong babaeng. Sinong sila naman ang tinutukoy n'ya?
"Lagot tayo n'yan, nandito na sila! Ley tahimik ka lang ah," ani nitong kaibigan ko.
May mga grupo naman ng mga kalalakihan ang bigla kong napansin na naglalakad papunta dito sa canteen. Sa pagkaka-alam ko apat sila, nabilang ko sila ng nasa pintuan pa lang. Bigla naman silang tumigil sa paglalakad ng may napansin yung isang lalaki sa harapan n'ya.
"What is this?" Seryosong tanong nito.
"Ahh, ibibigay ko lang sana ito sa'yo Prince Crave." Mahinahon namang sabi ng isang nerdy girl.
Tinanggap naman n'ya yung ibinigay ng babae pero...
"Wohhh!"
"Hala, lagot."
"Tsk, pabigay-bigay pa kasi."
Mga bulungan ng iba 'yan, malamang mga masasama ugali nila.
"Anong akala mo? Tatanggapin ko yang binigay mo? Baka nga may gayuma pa 'yan or worst, may lason 'yan." Matigas na sabi nito.
Tinapon lang naman n'ya yung cake na binigay sa kanya. Tsk 'di nya ba alam ang salitang 'appreciate'?
"Lumayas ka nga rito! Ayokong makita yang pagmumukha mo, alis!"
Aba't, walang respeto to ah?!
Biglang kinuyom ko ang mga kamay ko. Porke babae 'yon, ganun n'ya kakausapin? Sumosobra ata s'ya!
Pupuntahan ko na sana yung lalaking walang respetong yun ng pigilan ako ng mga kaibigan ko.
"Ley, 'wag ngayon, ipunin mo muna yang galit mo at bukas mo na lang yan ilabas."
"Tama, hindi ka pa pwedeng makilala ng mga yan lalo na't hindi mo pa sila gaanong kakilala."
"Iipunin ko talaga 'to pero sobra na 'yan!" At umalis na 'ko pero pinipigilan talaga nila ako!
"Not now Ley, please?" Pagmamakaawa nilang tatlo sa'kin.
"Ok, kung yan gusto n'yo, tsk!"
Wala naman akong magagawa kaya umalis na lang din ako sa lugar na 'yon. Baka hindi ko ma-control sarili ko at mabangasan ko 'yon, tsk!
Makauwi na nga lang pero text ko na lang sila para alam din nila. Baka hanapin pa nila ako sa school na 'yon.
Kinuha ko na yung phone ko then tinext ko na sila na uuwi na lang ako at pagkatapos nun dumaan ulit ako sa shortcut na ginawa ko, nang makarating ako sa bahay ay wala sila mom at dad.
Matutulog na lang din ako, biglang nawalan ako ng gana ngayong araw. Tsk, ilang oras pa bago kumain. Matutulog na lang ako buong araw at kakain na lang din mamaya.
Bukas tayo magtutuos Prince Crave!
—————
"Ley, bumaba ka na d'yan at nandito ang kapatid mo galing sa Korea!" Nakauwi na pala sila mom and dad pero kapatid? Teka si Nisha nandito sa Pilipinas?!
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ko at saka bumaba para tignan kung nandyan talaga s'ya.
"Ate Ninieee!"
Malakas na boses ang bumungad sa'kin kasabay nito ang isang yakap mula sa nakababata kong kapatid.
Yes, she's 7 years old at alam ko malapit na s'ya mag-eight years old but nakalimutan ko kung kailan birthday n'ya. Tsk, ang walang k'wenta ko namang ate.
"Welcome home, dapat ikaw ang Nini hindi ako. Mas bagay sa'yo ang Nini kesa sa akin."
"But why? Ayaw mo ba sa naisip ko ate?"
"Not like that, but I'm your big sister na. Hindi na ako bata to call like that. Parang pang bata kasi ang Nini."
"Mommy si Ate Ninie ayaw sa'kin! Wahhhh! Huhuhu!"
Tinakpan ko naman ang bibig n'ya. Baliktarin ba naman ako?!
"Shhh, ok ok fine. Ate Ninie na itawag mo sa'kin but only for you ha?" Pagpayag ko, wala naman akong magagawa kung 'yon talaga gusto n'ya and I find it cute basta siya tatawag sa'kin no'n.
"Yehey!" Masayang sabi nito at niyakap n'ya ako ng mahigpit. "Ate Ninie, mag-aaral ako dito sa Philippines. Saan ang school mo? Gusto ko rin do'n." Natigilan naman ako sa tanong nito.
"A-a-ahh ni-nilipat ako nila daddy. Hindi ka pa pwede doon. Ahh oo, kasi alam mo na pang high school pataas lang nandoon." Pautal na sagot ko. Bawal s'ya sa ZU, delikado para sa kanya 'yon.
"Liar! Ayaw mo lang akong kasama sa school mo! I hate you Ate Ninie! Halata naman na ayaw mo sa'kin! Buti pa si kuya sinasama ako kahit saan!"
Tsk, na spoiled na talaga si Nisha.
Tumakbo ito at pumunta sa k'warto n'ya pagkatapos no'n. Hayst, bakit ba ganun s'ya kung mag-isip. Hindi ba pwede na ayaw ko lang s'yang madamay sa school na yun?
What if idamay pa s'ya ng mga kaaway ko do'n, tsk!
"What happened?" tanong ni mom.
"Hayst, nothing mom. Anyways, kumusta naman si..."
Pumunta na 'ko sa lamesa at nag-ayos ng makakain ko pero inunahan niya ako magsalita. Hindi pa tapos itatanong ko eh.
"Your brother Nick? Still the same." Pumunta si mom sa kitchen at kumuha ng pagkain.
"Hayaan mo na kuya mo. Busy na yun sa work n'ya. Focus talaga s'ya sa work and studies n'ya dahil kung hindi lagot s'ya sa lolo mo." Bumalik naman s'ya dito at dala na n'ya ang iba pang pagkain.
"You know him very well. Takot 'yon do'n." At tuluyan ng ibinaba ang pagkain sa lamesa ko.
Tinitigan ko naman ang mga pagkain na nakahain sa lamesa.
I wonder, kailan kaya s'ya babalik dito? Or kahit na bakasyon man lang para magkasama kaming tatlo.
"Did you miss him?" I nodded.
"Then call him, kapatid mo pa rin naman siya so don't bother. Ang lolo n'yo hindi naman strict when it comes to family matters."
Oo nga naman, tama si Mom.
"Honey, si Nisha hinahanap ka. Hindi ko alam pero kanina pa umiiyak 'yon."
Natameme naman ako sa sinabi ni daddy. Oh no, hayst. Masama talaga tingin niya sa'kin. Until now she's crying.
Hinawakan naman ni mom ang balikat ko.
"Don't worry, ako ng bahala kay Nisha. Kumain ka na d'yan then call your brother, ok?" I just nodded again.
Umalis na si mom but my dad still here.
"Kumain ka na Haisley. About your brother, alam ko miss ka na din no'n. Maya-maya tawagan mo s'ya. Alam ko tapos na s'ya sa ginagawa n'ya." Biglang sabi ni Dad at niyakap ako.
Hayst, they know how much I love my brother and my little sister.
Well, tapusin ko na nga muna ito bago ko tawagan si Kuya Nick. I hope he's ok.
—————
Ilang minuto natapos ko na ang kinakain ko kaya kinuha ko na ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan s'ya.
Mga 3 minutes sinagot naman ang tawag ko kaya nagsalita na ako.
"Kuya Nick?"
"Hello, Queenie." Nagulat ako ng magsalita ito.
"Uhm, ok ka lang ba d'yan?"
"Yup, paanong hindi ako magiging ok Leley. Napatawag ka ata?"
May mali dito, iba ang dating sa'kin ng kausap ko ngayon. Kailangan kong manigurado.
"Mabuti naman kung ganun. Kumusta si Lolo d'yan? Hindi naman siguro s'ya strict d'ba?"
"Bye na muna Leley, nandito si lolo, baka makita ako."
Wait what?!
"Ahh sige, good luck sa work and studies..."
Narinig ko na lang na wala nang nagsasalita sa kabilang linya. Binabaan niya agad ako?
"Mommm!"
Agad kong sigaw kaya agad din naman silang dumating dito.
"Bakit anong nangyare?! May magnanakaw ba?!" Tarantang tanong ni mom sa'kin.
"Did you already talk to him? Masama pakiramdam ko kay kuya."
Nagtaka naman si mom sa tanong ko.
"Hindi pa naman 'nak. Bakit, anong nangyari?"
"Mukhang hindi si Kuya Nick ang kausap ko kanina lang."
"What? Imposible, teka tawagin ko dad mo."
Tumango lang ako at umalis na si mom para tawagin si dad.
Si Kuya Nick ba talaga yun? I know him well. Hindi n'ya ako tatawagin sa pangalan ko mismo. Kung si Nisha nga tawag n'ya sa akin Ninie. Si Kuya Nick naman Leley ang tawag sa'kin. Ganun sila sa'king dalawa.
Sana mali ang kutob ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    MaghanoyLeah

    super ganda ng story

    5d

      0
  • avatar
    TABANGINMARK JOHN

    nice story

    06/07

      0
  • avatar
    CastañedaJhekjhek

    thanks

    17/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด