logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 IKAANIM NA YUGTO

Natapus na ang third grading at ganoon pa rin ang trato ko kay Ryan kapag lalapit siya sa kinaroroonan ko. Tinatawag ko si Troy at niyayang lumabas. Mabuti na lang matalino ang lalaking iyon kahit na minsan ang hirap intindihin.
“Malapit na Christmas party natin. Ano plano ng classroom adviser niyo?” Tanong ni Troy ng nasa Mapeh garden kami.
“Hindi ko alam pero I’m sure manito’t manita na naman ito.” Sagot ko.
Wala naman kasing bago pagdating sa exchanges gift. Feel ko nga iyon yung pinaka paborito ng lahat. Syempre sino ba naman ang hindi? Eh, exciting kaya kapag iyong crush mo iyong nakuha mo para maging manito o manita.
“Sa amin rin siguro. By the way ano iyong ire-regalo mo sa akin?”
“Kaya ka ba sumama sa akin kasi iyan pakay mo?”
“Oo no, nga pala bakit hindi kita nakita sa Family day nung isang buwan?” taka nitong tanong.
Nung malaman ko kasi na hindi uuwi sina Mama at Papa humingi na lang ako ng pahintulot kay Ms. Cruz na kung pwede wag na akong sumali sa programa kasi sasamahan ko si Lola sa check up niya which is true.
“Ah, yun? Sinamahan ko kasi si Lola sa check up niya. Isa pa, useless naman kung sasali ako.”
“Paano mo nasabing useless? Ang saya kaya." Anito na nakangiti pero ang mga mata nito may kalakip na lungkot.
Gusto kong itanong ito sa kanya kung bakit ganun na lamang iyong mga mata nito. Pero he deserve my recpect. So, huwag na lang hintayin ko na lang na siya iyong mismong magsasalita o mag-open up sa akin.
“Well, hindi naman kasi uuwi sila Mama at Papa. So, its better na wag ng mag-attend kaysa-you know maghasik ng sama ng loob doon.” Natatawa kong sabi. Nilingon ko ito at nakita ko ang kislap sa mata niya. “oh, wag mo kong kaawaan sanay na ako sa ganyan.”
“Pe-“
“Tara na, malapit na iyong time.” Pagputol ko sa sasabihin niya saka tumayo na’t nauna ng maglakad papuntang room.
Habang naglalakad ako ay nakita kong nasa pintuan ng room sina Ryan kasama ang mga kaibigan at ang dalawang babae. Balak ko sanang bumalik pero narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng isa sa mga kaibigan ni Ryan.
“Jayna!” Sigaw nito dahilan upang mapatingin si Ryan sa gawi ko. “Kayo na ba ni Troy?”
“Ha?” gulat kong tanong dito. “P-Paano mo naman nasabi?”
Napakamot ito ng batok. “Lagi ko kasi kayo nakikita ni Troy na magkasama at nagtatawanan palagi.”
“A-Ano ba iyan bakit all of a sudden tinatanong mo ang ganyan?” nakayuko kong tanong.
Gusto kong tingnan kung ano iyong reaction o ekspresyon ni Ryan pero natatakot ako baka imbis selos at nag-iigting na panga ang makikita ko mali pala. Kasi imbis na siya ang makaramdam ng iyon ay baka babaliktad ng wala sa oras ang iniisip ko.
Ayoko ng umasa na magkakapuwang ako sa puso niya. Sabi nga ni Lola sa kwento niya we can’t beat the power of love. Kung gusto mo maramdaman o makita iyong pag-ibig na ninanais o pinapangarap mo you should wait the right time and the right person at the right place.
“Aminin mo na kasi, kayo na no?” pangungulit pa rin nito sa akin
Sasabihin ko na sanang hindi nang may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako sa isang lugar na hindi masyadong matao. Kilala ko ang kamay na ito, ang kamay na pinapangarap ng mga kapwa ko estudyante.
“Ryan, bakit mo ako dinala dito? Alam mo bang malapit na iyong time?” Nag-aalinlangan kong tanong ng huminto kami sa paglalakad.
Akala ko magtatagal kami sa paghihinto pero wala nagpatuloy ito at dinala ako sa lugar na kami lang yata ang pumupunta.
“Alam ko, alam ko na malapit na ang time pero isang tanong isang sagot Jayna, kayo na ba?”
Napa-angat ako nang tingin at nakita ko ang gusto kong makita. Iyong nag-iigting ang mga panga.
“Ryan-“
“Sagutin mo, Jayna! Kayo na ba?!”
Hindi, hindi kami. Alam mo namang ikaw iyong gusto ko hindi ba? Gusto kong sabihin iyon sa kanya pero wala akong lakas ano ba ang dapat kong sabihin? Ano ba iyong dapat ilabas ng bibig ko?
“Silent means yes, right?” Suminghal ito saka pumikit ng mariin. “Ang daya ah,” dugtong nito habang tumatawa.
Hindi ko alam kung bakit ganoon iyong reaksyon niya o bakit ganoon iyong ina-akto niya. Ano ba kasi problema nito?
Tiningnan niya ako saka ngumisi na nang-uuyam. “Kahit kailan talaga hindi marunong sumunod sa usapan ang tigas ng ulo eh! Paano ba iyon?”
“Ryan, ano ba pinagsasabi mo? Kung wala ka ng itatanong pwede na ba akong umalis?” tanong ko.
Umiling ito saka tumawa ng malakas. Natatakot ako sa mga pinapakita ni Ryan. Natatakot ako parang ibang Ryan iyong nakikita ko ngayon. Pwedeng ibalik niyo na lang iyong Ryan na malamig pa sa yelo tuwing umaamin ako?
“So, kayo na?” Ulit niya
Akala ko ba silent means yes? Pero bakit itinanong pa muli sa akin?
“Kung iyon ang paniniwala mo edi paniwalaan mo. Hindi kita pipilitin na wag maniwala sa sinasabi o sa nakikita mo araw-araw. Isa pa, di ba nga hindi ka din naniniwalang gusto kita? So, go believe yourself dyan ka naman magaling hindi ba? Ang manghusga.” Sagot ko saka tumalikod na.
Hindi ko naman na kailangan na magpaalam pa sa kanya kasi nga wala akong karapatan sa kanya at wala rin siyang karapatan sa akin . Kaya, okay lang na ganun iyong gawin ko ang umalis ng walang paalam.
Nang hindi ko na nararamdaman ang mga tingin niya ay lumiko ako sa kanan kung nasaan naroon ang cr ng floor ng room namin. Pumasok ako doon at doon ibinuhos lahat ng sakit , pighati ng puso ko.
Hindi ko akalain na sa murang edad ay mahuhulog ang puso ko. Alam kong mali, maling makaramdam ng ganito ka aga pero mapipigilan mo ba iyong puso mo na magmahal? Na tumibok ng kusa sa maling tao? Na iyong akala mo siya lang. Alam ko na wala akong karapatan na masaktan kasi simula’t sapul pa lang wala naman talaga akong pag-asa. Ilang beses na rin naman akong ni-reject kaso wala eh, hindi ko magawang sumuko. Oo, iniiwasan ko siya pero hindi nun ibig sabihin ay nakalimutan ko na iyong nararamdaman ko sa kanya.
Tumingin ako sa salamin ng banyo saka tiningnan ang mata kong namumugto dahil sa pag-iyak ko sa taong akala ko mahuhulog sa akin.
“I promise to myself that this will be the last tears na lalabas sa mata ko dahil sa kanya. Dahil sa lalaking pinipilit kong ako ang mahalin niya.”
Pero sana nga hindi ko masira ang pangakong iyon sa sarili ko. Kasi nakakapagod iyong ganoon ang sitwasyon ko. Ang sitwasyon ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang magmahal sa taong malabong mahalin rin siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (319)

  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    nice story 😊

    2d

      0
  • avatar
    ト FAIRONIE

    good

    14d

      0
  • avatar
    Khloe Judea Gonzal

    good

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด