logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 IKAAPAT NA YUGTO

Matapus ang pangyayaring iyon ay bumalik ulit sa dati si Ryan. He’s not looking at me the way he looked to the other girl. He doesn’t even asked me a question nor pleading at me habang ginagamit ang mata niyang puno ng lumbay at pagsusumamo.
Napatawa ako dahil sa mga sinasabi ko. Wala talaga akong kadala-dala ano? Kahit na nagdesisyon nang lumayo pero nasaan ako? Nandito umaasa pa rin.
Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin maalis ang tagpong nangyari sa amin. Habang si Ryan ayon tumatawa sa harapan ng mga barkada niya na parang walang nangyari o hindi naganap ang pag-uusap na iyon.
“Kaumay naman! Ano ba kasi problema nung lalaking iyon? Hindi pa umabot ng isang araw ang pag-iwas ko pero ano natamo ko? Ginulo na naman niya ang sistema ko. Pistilan aning kinabuhi ko uy!” inis kong sambit sa sarili ko.
“Malalim nga ang iniisip.” Ani ng lalaking nasa harapan ko.
Napaangat ang tingin ko na busy sa kakatingin sa librong nasa harapan ko na akala mo naman pinoproblema o pinag-aaralan talaga. Nandito kasi kami ngayon sa library, ewan ko ba kung ano iyong trip ng teacher namin sa science at pinag-merge kami sa section A. Supposedly, vacant time namin sana.
Ang ending, hinayaan kaming mag-ingay sa loob ng library. Kasi umalis din agad iyong teacher namin.
“May gagawin akong importante at dahil hindi ko maituturo sa inyo iyong bagong topic natin. I will give you some task that will enlighten your brain.” Ani sabay sulat ng kung ano-anong letra. “Okay, gumawa kayo ng report about sa librong nakapukaw ng atensyon niyo. Then, pass it into Ms. Cruz , okay?” Dugtong nito.
“Sir!” tawag ng isang kaklase ko. “What if, iyong librong nakapukaw sa interest ko ay pocketbook?”
“Then, you should probably make a report about love but make sure that report of yours can give us a lesson or else I will failed you.” Anito sabay labas sa pintuan.
“Kanina ka pa ba dyan?” tanong ko saka ibinalik sa libro ang tingin ko about history and literature.
“Uhuh, and I guess hindi mo ako napansin kasi ang lalim ng tingin mo sa libro eh. Kulang na lang sakalin mo ito.” Natatawa nitong puna.
Napasimangot naman ako. “You are right! Nauumay kasi ako, hindi ko alam kung paano mag-explain pero nauumay talaga ako.”
Tumawa naman ito ng malakas dahil sa sinabi ko. “Word of this day nauumay” he said while giving a two quotation mark.
Napasimangot ako lalo. “Seryoso kasi, nauumay talaga ako.”
“Oo na, nauumay ka na. By the way ano binabasa mo?”
“History of different country during world war two. Maikli kong sabi.
“Wait, paborito mo ba ang history?” tumango ako habang binabasa ang history nang india. “Kaya pala hindi makamove-on kasi nga paborito ang nakaraan.”
Nilingon ko ito. “Sabihin mo nga sa akin pumunta ka lang ba dito sa table ko para mang-asar?”
“Grabeee, meron ka ba ngayon? Kanina pa umiinit ulo mo eh!” Kinuha nito ang ballpen na hawak ko. “Relax okay? Nandito tayo sa library and there is no ghost in here.”
“Ghost? Bakit napasama ang ghost dito?” taka kong tanong dito.
“Of course, tao nga nabo-bore sa library ghost pa kaya?”
“Baliw!” Natatawa kong sabi habang hinahampas ito ng papel na pinaglalagyan ko ng reporting.
“Baliw na kung baliw pero atleast napatawa kita, di ba?” nakangisi nitong sabi.
“Oo na.” Naiiling kong sabi habang tumatawa. “Naku! Gumawa ka na dyan ng report mo. Naturingan ka pa man ding second honor sa klase niyo.”
“Concern ha? Crush mo ko no?”
“Asa ka! Iyong report ang atupagin mo hindi iyong walang kabuhay-buhay.”
“Nagsalita iyong-“
“Iyong ano? Sige sabihin mo at nang dadanak ang dugo dito!” ani ko
“Wala ah, wala akong sinabing ano.” Anito sabay kuha ng isa kong libro. “Pahiram ah? Ito na lang gagawan ko ng report.” Dugtong nito sabay kuha ng librong english literature.
“Tamad ka talaga kahit kailan ano? O siya! Basta wag mo na kong guluhin. Bibigwasan talaga kita!”
“Napaka-brutal mo talaga. Kaya ahshwixta”
“Ano sabi mo?”
“Sabi ko mag-uumpisa kamo ako sa paggawa na ng report.” Anito
Nang sabihin niya iyon ay hindi ko na binigyan ng pansin. Kasi kapag binigyan ko pa ng pansin ang mokong na ito tiyak na hindi matatapos ang report na pinapagawa ng aming guro. Kilala pa namang terror iyon.
Lumipas ang minuto ay dumating na iyong anak ng guro namin. Siguro inutusan o tinawagan para kunin na iyong pinagawa sa amin.
Nakalimutan yata ni Sir na wala ngayon si Ms. Cruz. Hay naku! Kung wala lang asawa at anak si Sir sasabihin ko talagang crush nito si Ms. Cruz.
“Ate, anong year ka na?” tanong ng mga kaklase ko at nung mga section A.
“First year college na.” Anito habang inihiwalay iyong papel namin sa section A.
“Mahirap ba mag-college?” Sabay naming tanong ni Troy.
Napangisi naman lalo si Ate sa amin dahilan upang tuksuhin kami ng mga kapwa naming estudyante.
“Actually, iyong college parang high school lang din pero ang pinagkaiba nga lang you can drop any subject na ayaw mo.”
Tumango-tango kami ni Troy. “Wait are you two dating?”
“ha?!” gulat kong tanong nakalimutan kong library pala ito.
Narinig ko namang tumawa si Troy dahilan upang mabato ko siya ng panyo ko.
“Alam niyo, unang kita ko sainyong dalawa magkakatuluyan kayo. Kasi the way he look at you..” tumingin ito sa akin. “Its special. Special ka sa kanya at ang swerte mo.” Dugtong nito sa sinabi.
“Ha? Naku! Ate, nagkakamali ka hindi kami close niyan no!” todo tanggi ko naman.
“Sus! Hindi raw pero laging magkasama. Denial ka din pala no? Aminin niyo kasi na kayo na!” Ani ng mga kaklase namin.
Nilingon ko naman si Troy at humihingi ng tulong pero imbis na tulungan ako. Ngumiwi lang ito at tinalikuran ako.
'Akala ko ba kaibigan mo ako? Bakit mo ko iniwan sa ere?' ani ko sa sarili ko.
Humanda talaga ang lalaking ito sa akin mamaya. Mapapatay ko ito ng wala sa oras eh! Gusto pa yata akong inisin, alam naman nitong nauumay ako ngayong araw na ito, maliban sa hindi ko alam kung anong rason.
“Totoo hindi talaga kami, magkaibigan lang kami no. Isa pa may napupusuan nang babae si Troy. Wag niyo naman anuhin iyong tao.” Todo kong tanggi sa panunukso nila.
“heeee! Eto piso oh! Hanap ka ng taong maniniwala sayo dahil hindi kami naniniwala.” Ani sabay bigay sa akin ng 25 cents.
“25 cents. Lang ito ah! Kulang!”
“Utang muna! Total nasa in-denial stage kapa!” Anito sabay labas ng library.
Nilingon ko naman si Troy na pangisi-ngisi lang sa tabi habang inaayos ang bag nito.
“Paano? Alis na ako, may klase pa kasi ako mamayang 5pm eh.” Ani Ate sabay labas sa library.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (319)

  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    nice story 😊

    2d

      0
  • avatar
    ト FAIRONIE

    good

    14d

      0
  • avatar
    Khloe Judea Gonzal

    good

    17d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด