logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

04

"Dad?" I looked at my Dad who's smiling when he entered my room. Maliit na ngiti lamang ang ibinalik ko sa kaniya bago bumangon at umupo sa kama.
"Matutulog ka na sana?" I slowly nodded. He sat beside me and caressed my hair. "May ibibigay si Daddy sa'yo."
Agad akong namangha nang ipinakita niya akin ang isang simpleng kwintas. Mayroong maliit na kulay asul na bilog sa gitna. Sobrang simple ngunit napakaelegante ng iyon.
"So beautiful.. Ayan po ibibigay niyo sa akin?" manghang tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa kwintas.
"Do you like it?" I gazed him, smiling and nodded nth times because of excitement.
"I love it!" I giggled that made him chuckled.
"Do you want me to put this on you?" nakangiting tanong niya. Tumalikod ako mula sa kaniya at agad na iginilid ang buhok para mailagay niya sa leeg ko ang kwintas.
"Are you still mad at me, Duday?" napatingin ako sa kaniya pero agad din namang yumuko.
"I am not mad at you, Daddy." saad ko habang nakatungo pa rin.
"Then why are you avoiding me anak? It's sad when I talked to you but you just only answered me with a nods or shruggs." Napaangat ako ng tingin. This past few days, I really avoided my dad because he's always with Tita Helen.
I stared at him and pouted.
"Nagtatampo ako daddy. Naiisip ko if you're going to replace me na ba.."
"Of course not!" mabilis na sagot niya.
"I don't like Tita Helen, Dad. I knew she was planning to replace me. Kukunin ka niya sa akin." I said. Tita Helen and I are not really close. She's two-faced.
When she's talking to me she automaticaly rolled her eyes or even raised her eyebrows at me. But when she's infront of my dad, palagi siyang nakangiti, tapos mahinhin. She is fake. I hate her.
"Don't think like that. You're my only princess anak. No one can replace you. Not even your tita Helen, or anyone." Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Really?!" natatawa siyang tumango dahil sa pagbabago ng mood ko. I hugged him tightly that made both of us laughed.
Noong gabing iyon naisip ko na dad will never replace me. He even gave me a nicklace and told me that I am his only princess, that I am his treasure.
Not until one day, Tita Helen introduced me her daughter. I was shocked. Sinabi niya sa akin na may kapatid na ako. An step sister. Hindi ko tanggap. Ayoko.
Lumipas ang ilang araw they permanently stay in our house at napapansin kong palagi niyang nakukuha ang atensyon ni daddy. Looks like suddenly she became his real daughter. I was so jealous. Nakakainggit.
"I will replace you soon, Amanda. Ako lang ang magiging princess ni daddy." she smirked at me, I was mad and scared. She laughed at me and I pushed her before I runaway.
That night I cried. I was so scared and confused too. Palagi kong tinatanong sa sarili ko na kung bakit naghanap pa si daddy ng babae? Is he not contented? Hindi ba siya masaya na kaming dalawa lang?
Dad didn't even gave me his time anymore like before. He always told me he's busy bc he's working, but he always brought tita Helen's daughter in his work. I miss our bond but he's more happy with Tita Helen and her daughter, Dhara.
"Dhara is bad like her mom, Adi. I don't like both of them." I said.
"Don't worry Duday, I don't like her too." saad niya, parehas kaming natawa bago pinagpatuloy ang paglalaro.
Lumipas ang buwan simula noong iginuhit niya ako sa kubo. Naging magkaibigan na kami. We are always together. Dhara joined us one time but I only pushed her away. Natakot ako na baka agawin niya rin ang kaibigan ko. But Adi did the same. I feel relieved.
"I miss my daddy" I whisphered. Adi looked at me then sighed but he didn't say anything.
I stopped playing and stared at nothing. Biglang nawalan ng gana. Mahabang katahimikan ang namayani bago nagsalita si Adi.
"What are you afraid of?" he suddenly asked. I gazed him and stared at him.
"I'm afraid of frogs."  I answered and He chuckled.
"Other than that. Deeper." saad niya.
Biglang may pumasok sa utak ko na madalas kong naiisip kapag ka nakikita kong masaya sila Daddy sa sofa while me was always at the back, sadly watching them.
"I'm afraid to be alone, Adi. I don't like the feelings. It's scary" sagot ko.
"Why?" he asked.
"Kasi kapag naging mag-isa nalang ako? I will turn to be independent. And I don't want to be the person who's independent."
"Why? being independent is good tho." Maliit akong ngumiti sa kaniya bago umiwas ng tingin.
"I might don't need anyone anymore kapag nangyari iyon." sagot ko.
●●●
Tahimik kong tinititigan ang isang kwintas na hawak ko.
"No one can replace you, not even your Tita Helen, or anyone" Mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan pa rin ang kwintas.
"You hurt me so much, Dad." I bitterly whisphered.
"Nasa saiyo pa rin pala ang kwintas na iyan." Mabilis akong lumingon sa likod kung saan nanggagaling ang boses.
"Tito Rico." Lumapit ako sa kaniya para bumeso. Ngumiti ito sa akin.
Si Tito Rico ang isa ring nag-alaga sa akin noong bata pa ako. Para ko na rin siyang tatay. Noong nangyari ang insidente na iyon. Bigla nalang siyang lumitaw noon, hanggang sa lumaki ako, hindi niya na ako pinabayaan.
"Wag mong sabihin sa akin na nakalimutan mo na lahat ng ginawa sa'yo ng magaling mong Ama." Tinago ko ang kwintas at umiling.
"Of course not." mapait na ngumiti ako. "Hinding-hindi ko makakalimutan."dagdag ko pa.
"Pinabayaan ka niya. Sa kalahating taon ng buhay mo ay sarili mo lang ang iyong nakasama. Hindi mo siya kailangan, Manda." Saad nito.
"Hindi mo na kailangan ipaalala pa Tito Rico. Nakaukit na iyan sa pagkatao ko." Ngumiti ito sa akin bago ginulo ang buhok ko.
"Halika, magkape ka muna." Mabilis akong umiling sabay na kinuha na ang mga gamit.
"Hindi na ho, mauuna na ako. May pasok pa ako." paalam ko sa kaniya, Lumapit ito saka tinapik ang balikat ko.
"Mag-iingat ka, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Maliit akong tumango bago naglakad palabas. Mabilis akong nakaangkas sa motor at agad na pinaandar iyon papunta sa HMPS.
"Oh I didn't expected to see you her, Amanda." diretso lang akong naglakad at hindi pinansin ang boses na nanggagaling sa gilid ko. Pagkapasok ko palang ng gate, bumungad na agad ang mukha niya.
"My mom told me last week that the dean called them bc someone's reported you." maarteng ani nito habang sumasabay sa lakad ko. "Dad was so disappointed." napakuyom ang  kamao nang mapang-asar itong tumawa.
Dhara.
"And I also heard something about you." Huminto ako at blangkong tumingin sa kaniya.
"I fucking don't care. Go hear it again." napasinghap siya at handa nang bulyawan ako ngunit bago iyon ay mabilis na akong tumalikod at naglakad palayo.
Ilang araw nang naging tahimik ang buhay ko rito sa campus dahil hindi na rin sumusunod sila Masoy sa akin simula noong nangyari.
Ayos lang naman iyon sa akin pero naiilang pa rin ako kapag nasa iisang lugar lang kaming tatlo dahil nararamdaman ko halos ang ilang sa pagitan namin.
"Amanda? pwede patanong si Masoy tungkol doon sa activities sa Eng Acads?" napa-angat ako ng tingin sa babaeng nasa harapan ko. Nangunot ang noo ko dahil hindi naman kami close pero ako pa ang nilapitan.
"You can asked anyone." saad ko.
"Ikaw na please, nahihiya kasi ako sa kanila, transferee lang din ako."
"Hindi ko na iyon problema." ayoko namang lumapit kila Masoy. Alam ko namang masama ang loob ng mga iyon sa akin. Wala namang kaso sa akin iyon.
"Please, Madali lang." Bumuntong hininga ako bago umirap. Tumayo ako at kalmadong lumapit kila Masoy.
Pareho silang napahinto sa pag-uusap ni Ikay nang huminto ako sa harap nila. "Pinapatanong noong babae kung ano ba raw yung activities sa Eng Acads." simpleng sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa ni Ikay kaya napabuga ako ng hangin. Inayos ni Masoy ang suot na salamin bago ako tinignan. Hindi na kagaya noong malaki ang ngiti palagi.
"Sinong babae?" she simply asked.
Tumingin ako sa likod para hanapin ang babaeng lumapit sa akin kanina.
"Iyong naka-bun."
"Maraming naka-bun."
"Iyong nakatalikod."
"Marami ring nakatalikod."
"'Yong nasa mesa."
"Maraming nasa mesa."
"'Yong naka-- Tangina." irita akong naglakad paalis at saka mabilis na hinila ang babae kanina pabalik sa harapan nila Masoy.
"Ayan, ikaw na magtanong pota." saad ko sa babae. Nahihiya itong kumaway kila Masoy. Irita naman akong bumalik ulit sa upuan ko.
Napailing ako at humarap nalang sa harapan dahil sakto namang dumating na ang prof namin. Nakatunganga ako sa harapan nang sabay sabay kaming napalingon sa bagong dating na lalaki.
Adam.
Bungisngis at bulong-bulongan ng mga babae ang mga narinig ko. Napairap naman ako lalo na nang makarinig ng mahinang impit na parang kinurot sa pwet.
"Mr. Gomez, you're almost 30 mins late. Next time, If you do this, I will not allow you to join the class again. You may sit." Humingi ito ng paumanhin bago inilibot ang paningin.
Ngayon ko lang siya ulit nakita mula noong sa hospital. Ilang araw ring siyang hindi pumasok kaya hindi rin kami nakakapag-usap tungkol sa research dahil hindi kami kompleto. Mabuti naman at naisipan niyang pumasok ngayon.
"May nakaupo ba rito?" tamad akong lumingon sa kaniya nang huminto ito sa harap ko.
"Mukha bang meron?"
"Wala." He answered.
"Oh edi wala." mahina itong natawa bago umupo sa tabi ko.
Pareho kaming tahimik na nakinig sa klase. Madalas pa ay sumisilip siya sa notebook ko para makibasa sa notes. Naiirita ako dahil ang likot niya. Anak nga ni Carlos.
Bumuntong hininga ako at tuluyan nang binigay sa kaniya ang sariling notebook kasi sinakop niya na lahat, halos hindi ko na nga mabasa. Edi siya na makinabang.
"Ay hindi, sorry! picturan ko nalang. Di ko napansin." tumawa ito bago inilabas ang selpon niya at agad na nipicturan nalang ang notebook ko para hindi na kami mag-aagawan pa, kahit na ako naman talaga ang may ari.
Kagaya lang ng normal at madalas kong gawin, pakatapos ng klase ay agad na akong pumunta sa parking lot para kuhanin ang motor ko para umuwi.
Naisip kong lunes ngayon kaya napagdesisyonan kong sunduin nalang muna si Guido. Umangkas na ako sa motor at kalmadong pinaandar iyon.
"Gago" mabilis akong napagilid nang may isang van ang mabilis na dumaan sa gilid ko. Kasunod noon ay ang isang itim na kotse. Nangunot ang noo ko dahil mukhang naghahabulan ang dalawa.
Diretso kong pinaharurot ang motor ko at nakita kong lumiko ang itim na kotse sa kabilang daan habang ang Van ay dire-diretso lang.
Ngumisi ako nang mapansin ang plano ng nagpapaandar ng itim na kotse. "Shortcut" bulong ko.
Tanaw ko na ang paaralan nila Guido. Nangunot ang noo ko nang makitang saktong kakalabas niya lang. Maliit akong ngumiti pero agad naman iyon napalitan ng gulat nang huminto ang puting van kanina sa tapat ni Guido at agad siyang sapilitang pinapasok sa loob.
Kumalabog ang dibdib ko at agad akong binalot ng kaba. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor para habulin ang van na mabilis na ring umaandar palayo.
Bakit si Guido?
Wala akong maisip kundi si Guido na nasa loob ng van. Humihigpit ang hawak ko sa manobela habang seryosong nakadikit ang tingin sa sasakyang hinahabol.
Malutong akong napamura nang biglang lumiko ito. Kalmado akong nagbangking at agad ko namang natanaw ang itim na kotse kanina.
Napangisi ako.
Pinaharurot ko ang motor at nagovertake hanggang sa nalagpasan na ang van.
Plano kong lumiko pabalik para harangan ito at mapilitan silang ihinto ang sasakyan. Luminga linga ako at mas lalong napangisi nang mapagtantong wala nang likuan.
"Trapped kang tangina ka."
Mabilis kong iniliko ang motor nang nasa crossing na. Nanlaki ang mata ko at nagulat nang lumitaw ang itim na kotse sa tabi ko. Pareho ang kalkulado namin kaya sabay na sabay rin ang pagliko at pagharang namin sa puting sasakyan.
Mabilis kong tinaggal ang helmet na suot at sakto namang lumabas ang taong nagpapaandar ng itim na kotse kanina.
Napahinto ako at nagulat nang mapagtanto kung sino iyon.
"Adam." gulat na saad ko. Seryoso itong lumingon sa akin tila kanina niya pa alam na ako ang sakay ng motor.
Napasinghap ako nang nilagpasan lang ako nito. Ibang iba siya sa nakita at nakausap ko kanina sa loob ng klase. Sinundan ko siyang matalim ang mata at seryosong naglalakad papunta sa puting van. Nakakatakot ang galaw. Nakakamangha.
Nagtataka ako kung bakit niya rin hinahabol ang sasakyan? Siguradong may ginawang kasalanan ang mga taong nasa loob ng van kaya ganoon na lamang kaseryoso ngunit blangko ang mukha niya.
Agad ko siyang sinundan. Hindi siya nagdalawang isip na buksan ang passenger sit at tumambad sa amin ang tatlong lalaki at si Guido na may takip ang mukha.
Mabilis kong sinuntok ang lalaking nasa unahan sabay na hinila si Guido palabas ng van. Si Adam ang mabilis na kumilos at nakipagsuntukan sa tatlong lalaki habang pumunta ako sa gilid na bitbit si Guido.
Nanginginig ang kamay kong tinanggal ang takip niya sa mukha at tumambad sa akin ang pulang pulang mukha niya dahil sa kakaiyak.
"Ate.." agad ako nitong sinunggaban ng yakap at sa balikat ko humagulgol ng iyak.
Hinagod ko ang likod niya at pilit na tinitignan ang mukha niya. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa takot. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito nang kumalas siya sa yakap.
Pinagpawisan ako dahil sa sobrang pag-aalala. Pinapakalma ko siya dahil hikbi pa rin siya ng hikbi.
Hinalikan ko siya sa noo at pinunasan ang pisngi "Shh andito na si Ate, May masakit ba sayo ha?" umiling iling lang ito at mabilis na namang yumakap sa akin.
"Shush stop crying.. You're now safe Gidong, Ate's here na.." I whisphered. Pinakalas ko siya sa yakap at sinabihan na wag siyang aalis doon dahil kailangan kong tulungan si Adam.
Pagbalik ko sa van ay nagulat ako nang maabutan na nakahandusay na lahat. Seryoso akong napalingon kay Adam na kalmado ngunit blangkong nakatingin sa mga lalaking nasa sahig. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko aakalain na kung titignan mo siya ay parang sanay na siya sa mga ganitong bagay.
Tinitigan ko siya na ngayon ay gulat nang nakatingin sa kapatid ko. Nagtataka ang gumuhit sa mukha niya kaya agad nangunot ang noo ko.
Hindi ba si Guido ang inaasahan niyang makita? bakit nagtataka siyang si Guido ang batang nasa loob ng van kanina?
Napaka misteryoso.
Lumapit ako sa kapatid ko at agad siyang pinatayo. Nakayakap siya sa bewang ko habang nakikipagtitigan din kay Adam.
"Salamat." biglang saad ko dahilan kung bakit napalingon siya sa akin. Maliit lamang itong ngumiti bago tumango.
"Bakit hinabol mo rin ang sasakyan kanina? Una pa lang ba ay alam mo nang kukunin nila ang aking kapatid?" Umiling siya sa akin bilang sagot.
"No, May nagtext sa akin na kinuha raw nila ang kapatid ko." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"But this is my brother?"
Tumango ito. "Yeah, My brother texted me that he's okay and he's home." Huminga ito ng malalim. Feel relieved.
"Sabi mo may nagpadala ng mensahe sayo na nakuha nila ang kapatid mo?" He simply nodded. "Pero noong nakita kita kanina na hinahabol ang sasakyan, hindi pa nila noon nakukuha si Guido." saad ko.
"What?" gulat na tanong niya. Tumango ako.
"Nakuha nila si Guido noong lumiko ka na at dumaan sa shortcut na daan para matrap sila" paliwanag ko.
Nakakapagtataka, ibig sabihin ay habang hinahabol niya kanina ang sasakyan ay wala pang bata noon sa loob.
"Do you think mali ako nang hinabol?" Umiling ako bilang sagot.
"Hindi, sa tingin ko nakaplano lahat."
Alam ng taong nagplano na kada-lunes ay sinusundo ko si Guido. Sa oras na natapos ang klase ay agad nilang nitext si Adam at binigyan ng hints kung anong sasakyan ang kumuha sa kapatid niya. Nauna si Adam na makita ang sasakyan kanina.
Sinadya nitong dumaan kung saan ako dumaan para makita ko. Alam nilang liliko si Adam para mangtrap, kaya roon na nila kinuha ang kapatid ko na saktong lumabas kanina.
Plinano nilang kaming dalawa ni Adam ang maghabol sa kanila. Nagsinungaling sila kay Adam para saan? para pagtagpuin kami?
Ano naman ang kinalaman namin si Guido kay Adam? Bakit kailangan pang itext si Adam kung ako naman talaga ang kapatid ng batang kinuha nila?
Sinadya ba lahat? O mali lang ang napadalhan nila ng mensahe?
"Hindi, sa tingin ko ay pinaglaruan ako."
"Who?"
"Dad's enemy?"
"Pero bakit kami nakasali?" takang tanong ko pero wala siyang masagot. "Nakaplano lahat. May nagplano ng lahat." dagdag ko.
Seryoso itong tumingin sa akin nang mapansin na seryoso rin ako sa aking mga sinabi.
"Sino?"
"Manda!" sabay kaming napalingon sa lalaking bagong dating. Tito Rico.
"Ano ho ang ginagawa niyo rito?" takang tanong ko. Bigla na lang siyang lumitaw, kasama ang nga pulis.
"Tiyong Rico!" kumalas ng yakap sa akin si Guido at mabilis na tumakbo papunta kay Tito Rico.
"Paano niyo ho nalaman ang nangyari?" tanong ko
"May nakapagsabi sa akin ng nangyari rito sa crossing, at nakilala ka kaya nilapitan kaagad ako." hindi na ako sumagot at lumingon nalang kay Adam na nakatingin kay Tito Rico.
________
ಥ_ಥ

หนังสือแสดงความคิดเห็น (53)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank po

    05/07

      0
  • avatar
    CoronelAkisha

    may part 2 po? hindi pa tapos story eh huhu, hindi pa nalalaman ni Amanda na si Adam at si Adi ay iisa. ☹️

    13/06

      0
  • avatar
    RanayBlesie

    good

    30/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด