logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

01

"Dad, star gazing tayo? Let's go watch the stars together!" magana akong tumakbo palapit kay Daddy na pababa ng hagdan. Napabungisngis ako nang bigla niya akong buhatin at hinalikan sa pisngi. I also kissed his cheek.
"Sure love, Maglalatag tayo mamaya roon sa balkonahe." Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa tuwa. I don't have a mom. I don't even know her face and name, but I'm already contented being with my dad.
Bumaba ako sa pagkakabuhat niya at nagpaalam na lalabas na muna. Tumakbo ako papunta sa maliit na kubo na nakita ko, malapit sa tapat ng bahay namin. May nakita akong lalaki na tutok na tutok sa pagguguhit. Mukhang kaedad ko lang siya.
Tahimik akong naupo sa tabi niya para hindi siya maisturbo sa ginagawa. I was sitting there, humming while swaying my feet. Wala akong plano na kausapin ang batang lalaki dahil halatang seryoso ito sa pagguhit, kaya ninamnam ko nalang ang sariwang hangin na dumidikit sa mukha ko.
Hindi talaga ako magsasawa na hangaan ang kalikasan.
Sa harap ko ay isang malawak na palayan, at matataas na bundok. Sinilip ko ang ginuguhit ng lalaki dahil panay tingala at baba ng ulo niya. Hindi na ako magugulat kung sumakit ang leeg niya.
"Hala! ang galing mo magdrawing!" manghang sambit ko sabay turo sa ginuguhit niya. Iyon ang palayan at mga bundok na nasa harapan namin. Napalingon ito sa akin na nakakunot ang noo kaya napatikom ako. "Sorry, did I disturb you?"
"No"
"Okay, Are you looking for a model? You can draw me!" Mabilis akong bumaba sa kina-uupuan at pumunta sa harapan niya, agad akong nagpeace sign at ngumiti ng napakalawak.
Tumingin sa'kin ang lalaki at agad na natawa. Hindi pa rin mawala ang malaking ngiti sa labi ko dahil gusto ko rin makita na iguhit ng lalaki ang mukha ko sa papel niya.
"Okay, don't move." sinunod ko ang sinabi niya.
Wala pang bente minutos ay sinabi na nitong tapos na. Mabilis akong tumabi sa kaniya para tignan ang naguhit niya.
Nangunot ang noo ko at tinuro ang mata. "Bakit hindi pantay ang mata ko?" napanguso ako "My hand looks small too" imbes na ma-insulto ang batang lalaki ay pinagtawanan niya nalang ang sinabi ko dahil totoo naman.
"It's okay, you're still improving so I will give you a seven!" pumalakpak ako.
"Duday!!" sabay kaming napalingon ng batang lalaki sa likuran nang marinig ang boses ni Lola Perlita. Nakangiti akong kumaway sa kaniya habang papalapit ito.
"Jusko kang bata ka! kanina ka pa hinahanap ng tatay mo. Kung saan-saan ka na naman nagsisilusot!" Lumapit siya sa'kin at agad na pinanusan ng tuwalya ang likod ko.
"Hindi mo sinabing may kasama ka palang magandang lalaki rito, Duday." Nakangiting humarap si Lola sa batang lalaki. "Iho, ano ang iyong pangalan?" tanong ni Lola.
"Adi po"
"Ang gwapong bata naman nitong si Adi! Ikaw ba ang gumuhit nito?" Napatingin si Lola sa papel nito at tumango naman si Adi.
"Sino itong batang iginuhit mo" humagikhik pa siya. Mabilis akong lumapit at itinaas ang kamay. "Ako po iyan lola!" sabay silang tumawa ni Adi kaya ngumiti ako.
"Halika iho, gagawan ko kayo ng miryenda ni Duday." Nakangiti namang pumayag si Adi. Sabay naming niligpit ang gamit niya bago naglakad papunta sa bahay namin.
"Taste good, right?" mabilis na tinanong ko si Adi nang tinikman namin ang cookies na gawa ni Lola. Nakalapag iyon sa pabilog na glass rito sa sala. Tumango si Adi at agad na itinuon ulit ang atensyon niya sa malaking screen ng TV na nasa harap namin.
"Gatas mga apo." inilagay ni lola ang gatas sa tabi ng mga cookies. Ngumiti ako sa kaniya.
"Thank you Lola!" dahilan kung bakit napabungisngis ito sa tuwa.
Tinignan ko si Adi na hirap na hirap kainin ang mainit na lumi na gawa ni Lola Perlita. May dalawang itlog at isang barbeque roon.
"Ahng inhet!" Bigla akong natawa sa pagreklamo niya. Humahagikgik kong kinuha ang maliit na electric fan saka iyon itinapat sa kaniya para mabawasan ang init ng lumi na nakahapag sa harap namin.
Napalingon ako sa malaking pintuan namin nang marinig ang doorbell sa labas. May tao sa labas kaya agad na pinuntahan iyon ni Lola para pagbuksan ng gate at alamin kung sino.
Nginitian ko si Daddy nang makitang lumabas ito galing sa kusina. May hawak na kape ang isa niyang kamay. Ngumiti siya sa akin pabalik bago naglakad papunta sa pintuan para alamin kung sino ang nasa labas.
"Aling Ising." dinig kong sambit ni papa sabay na ngumiti. Nilawakan nito ang pagkabukas ng pinto "Tuloy ka."
Lumingon ako sa matandang babaeng pumasok. Nakangiti ito at nakipagbiruan kay Papa. Hindi iyon pinansin ni Adi dahil mas nakatuon ang atensyon niya sa kinakain na lumi.
"Lola!" saad niya matapos ng ilang minuto. Mabilis na sinundan ko nang tingin si Adi na tumakbo papunta sa matanda.
"Oh" saad ko nang ngayon lang napagtanto na isa pala iyon sa kasambahay nila Adi dahil halata naman iyon sa suot nito. Kumuha ako ng isang cookie saka tumakbo rin papunta sa gawi nila.
"Hi po, I'm Adi's friend!" masiglang sambit ko sabay na inabot sa kaniya ang cookie. Tumawa sila sa akin bago nito kinuha ang cookie na inabot ko.
"Ang bait na bata." Ngumiti ito "Salamat apo" ginulo niya ang buhok ko kaya ngumiti ako saka kumapit sa kamay ni Daddy.
Lumingon siya kay Adi "Kung saan-saan ka na nakakarating. Mabuti nalang at dito ka napadpad kila Uncle Philip mo." Ginulo niya ang buhok ni Adi bago tumingin sa amin.
"Mauuna na kami, Sir Philip. Salamat sa pagbantay sa alaga ko." ngumiti si daddy sabay na tumango.
"No worries"
Kumaway ako kay Adi nang lumabas na sila "Ako naman ang magddrawing sayo tomorrow!" habol ko.
"Okay!" sigaw nito pabalik bago na tuluyang nakalabas ng gate.
•••
I was walking in the hallway while reading something that is related to Physics. Nagsimula ang pasukan isang semana palang ang nakakaraan, pero halos ramdam ko na kung gaano kasakit sa ulo ang Physics.
Hindi ko pinansin ang mga bulong-bulongan at mga matang nakatuon sa akin habang naglalakad ako. Halatang kinikilatis dahil baguhan.
Maganda at malawak ang campus, Malinis at halatang pangmayaman. Hindi ko alam kung bakit dito ako pina-enroll ng Lola ko e isa itong pribadong paaralan. Sabihin ko mang ayoko, wala naman akong magawa dahil pangarap ito ng lola ko.
"Amanda!" napalingon ako sa dalawang babaeng kumakaway sa akin. Binalik ko ulit ang tingin sa binabasang libro bago diretsong naglakad, tila walang narinig. Hindi ko naman kilala ang dalawang iyon kaya hindi ko na pinagtuonan pa ng pansin. Hindi ko gustong sayangin ang sariling oras para lang makipagkawayan sa hindi ko kakilala.
"Ang bilis mo maglakad!" nagulat akong napatingin sa dalawang babaeng hinihingal sa magkabilang gilid ko. Sila iyong kumaway sa'kin kanina. I forgot their names.
Natatandaan ko na silang dalawa iyong lumapit sa akin noong unang araw ng pasukan. Sabi nila ay magkakaklase kaming tatlo kaya isinama na nila ako, kahit labag iyon sa kalooban ko.
Hindi ko alam kung bakit dikit sila nang dikit sa akin. Hindi ko nalang pinapansin dahil alam kong magsasawa lang din naman ang dalawang 'to sa'kin.
"Sama ka sa amin mag lunch, Amanda!" masiglang yaya ng isang babae na kulot na kulot ang buhok at may suot na salamin. Hindi rin kakinisan ang mukha pero alam kong maganda siya.
"'Yan ay true! Enjoy kumain ng lunch if may kasama ka." sambit din ng isa pang babae na nasa gilid ko. Kung gaano kabaduy ang mukha ng isa, ito naman ay ang kabaliktaran. Malinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis din ang mga labi.
Kung gaano ka-plain ang mukha ng kasama niya, itong isa naman ay halos mukhang isang beses na sinampal sa magkabilaang pisngi at pinitik-pitik ang labi dahil sa pula ng mga iyon.
"Talk to her more, Masoy. She looks like hindi siya kumbinsido." sambit noong malinis na babae.
"Ang sungit niya, Ikay. Lalo ko tuloy siyang nagugustuhan." Napailing-iling ako nang marinig silang dalawa na bumungisngis. Muli akong naglakad at hindi na sila pinansin.
"Bilisan mo! She's far na!" nakarinig ako nang mga yapak kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.
"Aray--"
"Ay tanga!" Nakarinig ako nang malakas na halakhak kaya napalingon agad ako sa likuran ko.
Nakita ko ang babae kanina. Tawang-tawa siya habang nakaturo ang isang kamay sa babaeng kulot ang buhok na nakasubsob sa semento. Napailing ako nang simulan nitong pulotin ang mga gamit ni kulot na nagkalat sa sahig. Tinulungan niyang tumayo si kulot pero pinagtatawanan pa rin.
Inayos ng babaeng kulot ang buhok ang sariling suot na salamin saka pinagpagan ang unipormeng suot niya. Nakabusangot siya saka tinignan ng masama ang kasama niya na tawang-tawa pa rin.
Mabilis akong naglakad palayo dahil may pupuntahan pa ako. Tumakbo ako papasok ng court at agad akong pinitohan ni coach.
"5 minutes." tumango ako bago pumasok sa loob para iwan ang mga gamit sa locker. Mabilis akong nagpalit dahil five minutes lang ang binigay sa'kin. Tinignan ko ang sapatos ko at mahigpit naman ang pagkakasintas ko roon.
Naglalakad ako habang iniipit ang buhok. Mabilis kong nasalo ang bola na pinasa sa'kin ng hindi ko kilala. Umiling ako bago naglakad palapit kay coach.
"Warm up ka muna." tumango ako at iyon nga ang ginawa. "Mabilis lang practice ngayon kaya ayos lang kahit kakaunti lang ang pumunta. Laro lang muna kayo. Simula pa lang naman." Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi nalang sana ako pumunta rito. Nagsayang lang ako ng oras.
Tumakbo ako papunta sa gitna kung saan pila-pila ang mga kasama ko. Pina-spike ko ang suot na sapatos habang nakapameywang. Nang mapunta sa unahan ay agad kong sinalo ang bolang hinagis sa'kin at mabilis na pinashoot 'yon. Bumalik ako sa likod para sa kasunod ko.
Nilibot ko ang tingin at wala naman akong nakita na nanonood. Malinis ang court at tanging spike ng mga sapatos at pinapatalbog na bola lang ang ingay na maririnig.
Gumilid ako at agad na naupo sa tabi ni coach nang mag-yayaan sila maglaro.
"Amanda! game ka?" sigaw ng isa sa kasamahan ko. Umiling ako at tumayo nang marinig na ang pagtunog ng bell. Lunch na.
Nagpaalam ako bago bumalik sa locker para magpalit at kuhanin ang mga gamit ko. Mabilis akong nakalabas ng court at dumiretso agad sa labas para kumain.
"Amanda!" napabuntong hininga ako nang patakbong lumapit sa'kin ang babaeng kulot ang buhok, siya iyong lumagapak kanina sa hallway. Nakasunod din sakanya 'yong babaeng malinis.
"Saan ka galing? hindi ka namin mahanap." Naglakad ako palabas Nakasunod naman sila sa'kin.
"Hala sa labas ka kakain? Sama kami!" Hindi ako sumagot at mabilis na pumasok sa karinderya na nasa tapat lang. Napansin kong nilibot ng dalawang nakasunod sa akin ang loob ng karinderya, halatang hindi pa sila nakapunta rito kahit isang beses dahil sa itsurang mababasa sa mukha nila
Huminto sila sa isang bilog na mesa, kahoy iyon bago lumingon sa akin."Dito tayo ha!" Ngiting-ngiti siya bago inilapag ang bag sa upuan na kahoy rin. Hindi ako nagsalita.
"Chicken curry sa'kin, Masoy!" sambit ng kasama niya sabay lahad ng pera sa kulot na babae. Dumiretso agad ako counter para bumili ng makakain.
"Adobong manok." sambit ko. Hindi na ako bumili ng kanin dahil may dala ako. Nilahad ko agad ang bayad ng binigay sa akin ang adobong manok na nasa mangkok.
Naghanap ako ng mauupuan. Nilapag ko agad ang dala sa kabilang mesa, hindi sa kung saan nakaupo ang babaeng kasama ng kulot ang buhok. Tutok siya sa selpon na hawak habang ang isang kamay ay nasa bibig.
Umupo ako at inilabas na ang kanin na dala mula sa bag. "Hala bakit nandiyan ka? dapat tabi-tabi tayo!" Nakita kong binitbit nila lahat ng gamit nila at agad na nilipat sa mesa kung saan ako nakapwesto. Bumuntong hininga ako dahil wala nang magawa.
"Lahat pala manok ang ulam natin." bumungisngis ito.
Totoo, adobo sa akin, prito sa kulot ang buhok at curry naman sa isa. Hindi ko matandaan kung ano ang pangalan nila. Hindi ko rin naman gustong makilala sila. Hindi ako mahilig makipagkaibigan dahil masyadong nakakapagod iyon. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang dalawang 'to na kanina pa buntot nang buntot sa akin.
"Nagsasalita ka ba? hindi ka pa namin naririnig na nagsalita." Hindi ako sumagot.
Kinalabit ako nito kaya napatingin ako sa kulot ang buhok. Hinarap nito ang kamay sa tapat ng bibig saka ginalaw kasabay nang pagbuka ng bibig niya pero walang boses. Sumisenyas na tinatanong kung nakakapagsalita ba ako.
Siniko nito ang katabi na kumakain. "Ikay, senyasan mo nga na 'hindi ka pa kasi namin naririnig na magsalita'" tumango ang babae sakanya bilang sagot. Umubo-ubo pa ito na parang nililinis ang kaniyang lalamunan.
"Bakit ka pa gumaganyan e hindi ka naman magsasalita! Sesenyas ka tanga"
"Ay oo pala" Tumawa ito saka humarap sa'kin. Umiling siya at tinuro ako, sabay na tinuro rin ang sarili niya. Tinuro niya rin ang tenga niya at bibig.
"Puro ka naman turo e, kahit ako hindi kita naintindihan" saad ng babaeng kulot. Napailing ako dahil sa ginawa pa nila akong pipi.
"Bakit niyo ba ako sinusundan?" takang tanong ko.
"Hala nagsasalita ka!"
"You're talking naman pala e."
"Mukha ba akong pipi?" humagikhik ang mga ito kaya napailing ako.
"Natatandaan mo ba ang pangalan namin?"
Nangunot ang noo ko. "Hindi." wala akong matandaan na nagpakilala sila sa'kin. At kung nagpakilala man sila, hindi ko na maalala.
Bumusangot si kulot habang ang kasama niya ay kumakain lang. "Kinalimutan mo! pero papakilala ulit kami!" Siniko nito ang kasama kaya napatingin naman siya sa akin.
"Ako si Soyein Mari Atienza, pero pwede mo'kong tawaging Masoy!" Masiglang pakilala ng kulot ang buhok, inayos pa nito ang suot na salamin at malawak na ngumiti sa akin.
Pansin kong sa kanilang dalawa ay siya ang mas masigla. Palangiti rin at walang pakialam sa panlabas na anyo niya.
"My name is Cezia Atienza, pero, but! you can call me Ikay." siya naman 'yong mahilig mag-ayos. Halata iyon sa mukha at suot niya. Pansin todo suporta lang siya sa kung ano ang trip ng kasama niya.
"And we are not magkapatid! Cousin lang." dagdag pa nito. "Wag mo nang kalimutan ha!" tumango lang ako at kumain nalang ulit, hindi naman ako interesado na kilalanin sila. Alam ko rin namang magsasawa rin ang dalawang 'to sa kakasunod sa akin.
Mabilis akong natapos kaya tumayo na ako agad para bumalik sa room. "Hoy saglit! we're not yet done!" hindi ko na sila pinansin dahil pagtingin ko sa oras ay malapit na akong mahuli sa klase. Binilisan ko ang paglakad hanggang sa makapasok na ako ng campus.
Tinginan at bulungan na naman ang sumalubong sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Napansin kong marami pa namang estudyante ang nasa labas, mayroon ding mga tao sa hall kaya nagtaka ako.
Naglalakad ako sa lobby nang mapansin ang kumpulan ng mga tao ang naroon. Wala nang daanan sa gilid dahil binibigyan nila ng daan ang isang matandang lalaki na halatang nasa singkwenta na. Politician, Carlos Lim Gomez.
Malawak itong nakangiti habang nakikipag-usap sa mga estudyante. Mga teenagers ang habol pagdating sa pangangampanya dahil ginagamit nila ang salitang kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Napailing ako.
Nakipagsiksikan ako sa kumpulan sa gilid pero dahil sa dami ng tao ay nahihirapan akong lumusot. Dumaan ako sa gitna, napatingin sa akin ang matanda kasabay nang pagtahimik ng mga nagkukumpulan. Hindi ko sila pinansin at diretso lang na naglakad.
"Mukhang nagmamadali ka iha." Napatigil ako nang magsalita ang matanda. Pansin kong mas lumalim ang boses nito kaysa dati. Mas nakakasindak at nakakatakot. Kung dati ay nanginginig ako sa mga boses na iyon. Ngayon ay miski kakarampot na takot ay wala nang dumidikit sa sistema ko, kahit pa sa dulo ng mga daliri ko. Wala.
Tumango lang ako at akmang maglalakad na ulit nang magsalita pa ito. "Mukhang pamilyar ang mukha mo sa akin." hindi ako nagsalita. Alam kong kilala niya ako, Imposible kung hindi.
"Kaano-ano mo si Darwin La Silva iha?" Napakuyom ako bigla dahil sa tinanong niya. Alam ko kung bakit kilala niya si Tito Darwin, kapatid ni Papa. Humarap ako sa kaniya at tama nga akong nakangisi ito. Hindi pa rin nagbabago.
Si Tito Darwin ang isa sa dating nakalaban ni Carlos sa politika. Hindi ko pa rin makalimutan kung anong uri ang naging labanan noon ng dalawang nag-aagawan sa isang mataas na posisyon. Maingay, magulo at marumi. Napailing ako nang biglang may maalala.
"Ano naman ho sainyo, Carlos?" Saad ko. Napasinghap ang ibang estudyante dahil sa pagiging bastos ko sa pagsagot.
Humalakhak ito. Biglang bumigat ang tensyon sa kumpulan, nag-aabang sa kung ano ang isasagot ni Carlos. "Nakakatuwa ka." Ngumiti ito at tinignan ako na parang biglang naging interesado.
"Pwede mo ba akong bigyan ng kaunting oras?"
"Wala ho akong oras na maibibigay sa inyo, may klase pa ho ako." Ngumiti ito. Ngiti na kung hindi ako familiar ay talagang kikilabutan ako. Pero masyado nang laos ang ngiting iyon sa paningin ko.
"Natutuwa ako sa'yo, lalo na sa pagiging prangka at totoo mo." Lumakas ang mga bulungan dahilan kung bakit mas napangiti ang lalaking nasa harapan ko.
Hindi ako sumagot, bumaling ito sa lalaking nasa likuran niya. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siya. Napatigil ako nang mapansin ang mga pamilyar tingin nga lalaki. Agad din naman akong nakabawi nang mapagtanto na imposible iyon.
Nakakunot ang lalaking nakatingin sa akin. "Yes, dad?" narinig ko ang mga hagikhik ng mga babaeng nasa gilid, ang iba pa ay impit na mahinang napatili animo'y kinurot sa singit. Napailing ako, narinig lang ang boses ng lalaki ay nagmukha nang mga kiti-kiti.
"Do you know this girl--" mabilis akong tumalikod at naglakad na palayo. Napatingin ako sa oras at napansin kong huli na ako klase. Napapikit nalang ako dahil nasayang ang oras ko sa walang kwentang bagay.
Pagkarating ko sa room ay kakaunti lang ang mga kakaklase kong na andoon. Nakita ko ring nagliligpit ng gamit ang prof namin sa unahan. Nagtataka akong lumapit sa upuan ko.
"Oh Amanda? walang klase ngayon dahil may gaganaping pangangampanya sa hall. Halika tulungan mo nalang akong dalhin itong mga gamit ko sa faculty." Lumapit ako sa kaniya at binitbit ang mga folder portfolio na nasa mesa niya, pinipilit kong isabay ang mga notebooks pero masyado nang mabigat at madami iyon, baka mahulog ko pa.
"Wag na muna 'yan-- Ay ito Mr. Gomez! tulungan mo nga muna si Ms. La Silva na dalhin ang mga ito sa faculty ko." Siya iyong lalaking nakita ko kanina. Anak ni Carlos.
Lumapit naman ito at agad na binuhat ang mga notebooks na hindi ko madala. Sabay kaming sumunod kay Mrs. Roxas na naglakad na palabas.
"Thank you. Punta kayo sa hall, may attendance pa iyon." saad ni Mrs. Roxas, tumango lang ako at mabilis nang naglakad palabas ng faculty. Wala naman akong plano makinig sa mga walang saysay na sasabihin ni Carlos sa hall.
Tahimik nalang akong naglakad papunta sa likod kung saan mayroong maliit na garden at fishpond.  Dumaan ako sa wishing well kung saan nasa gitna ng maliit na hardin.
Naalala kong tinatawag nila itong mini forest. Bukod kasi sa hardin ay mayroon ding mga matatayog na puno sa likod noon. Doon ang daanan ng mga karamihang nagccutting.
Umupo ako sa bench kung saan sa harapan noon ay isang fishpond. Mayroong maikling tulay na pakurba sa gitna kung saan daanan para makapunta sa kabilang gilid ng fishpond. Pero meron din namang daanan sa gilid.
Walang tao dahil ang lahat ay nasa hall, nakikinig sa mga kasinungalingan. Tahimik akong kumuha ng libro para magbasa. Magandang pumunta rito kapag ka walang tao dahil tahimik. Pangalawang beses ko palang naman dito dahil madalas marami talaga ang mga estudayanteng tumatambay rito.
"Malas, akala ko pa naman masosolo ko ang lugar na ito ngayong araw." mabilis akong napalingon sa lalaking nagsalita mula sa likod ko.
Son of Carlos. Nangunot ang noo ko dahil sa pagpaparinig niya. "Maganda sana rito kapag ka mag-isa." dagdag pa nito.
"Ang lawak lawak nito. Pumunta ka sa kahit saang sulok ng mini forest, hindi mo mararamdaman ang presensya ko." saad ko.
"How can you be so sure?"
Tinignan ko siya at hindi nalang sinagot. "Paano ako makakatulog dito kung alam kong may kasama ako." muling sambit nito. Napairap ako.
Nilagay ko ulit ang libro sa bag at agad na tumayo ako, mabilis kong sinukbit ang bag na dala bago naglakad.
"Where are you going?" tumaas ang kilay nito. Huminto ako sa paglakad at hinarap siya.
"Aalis."
"Why?"
"Wala akong oras para makipagtalo sa  bata." mabilis akong naglakad palayo bago pa siya sumagot. Napailing ako. Anak nga ni Carlos.
Pagkabalik ko ay rinig na rinig ko na agad ang ingay sa hall. Tirik din ang araw. Maganda kasi talaga roon sa mini forest kasi hindi rinig ang mga ingay sa hall, hindi rin mainit dahil sa mga puno plus mahangin pa. Lintek kasi.
"Ms. La Silva" napalingon ako kay Mr. Fuego,adviser namin sa General Chemistry.
"Nakita mo ba si Mr. Gomez?" nalukot ang mukha ko sa tinanong niya. Gustuhin ko mang umiling, baka konsyensya ko kapag hindi niya nahanap. Mukhang importante ang sasabihin e.
"Mini forest" Ngumiti ito saka ako tinanguan, "Salamat" saad niya bago naglakad papunta sa mini forest.
Naglakad ako sa lobby para sana bumalik nalang sa room at doon magbasa. Pero nakita ulit ako ni Mrs. Roxas. "Miss La Silva, mabuti nalang at napadaan ka rito. May iuutos sana ako." napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
"Pwede pakikuha ng brown envelope sa principal office? sabihin mo yung brown envelope para sa akin." tumango ako bago lumabas.
Ang init-init, masakit na paa ko kakalakad. Gusto ko lang naman magbasa. Naglakad nalang ako papunta sa principal office. Pakatapos talaga nito, uuwi na ako.
Pagpasok ko ay nangunot agad ang noo ko nang makita kung sino ang kausap ng principal. Son of Carlos na naman.
"Yung brown envelope raw ho ni Mr. Fuegos." Rinig kong sambit niya. Kaya pala siya hinahanap ni Mr.Fuegos kanina ay para utusan ding kunin ang envelope nito rito sa office. Napalingon sa akin ang principal kaya napatingin na rin sa akin ang lalaki.
"Anong kailangan mo iha?"
Pumasok ako at agad na sinabi ang kailangan. Ayoko na kasi makita ang mukha ng lalaking katabi ko. Nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Simula noong nangyari kanina, nairita na ako bigla sa mukha niya. Kung hindi dahil sa kaniya hindi naman ako ma-uutusan papunta rito. Tahimik sana akong nagbabasa ngayon sa mini forest.
"Iyong brown envelope ni Mrs. Roxas daw ho." saad ko. Ngumiti ito sa akin saka sabay na binigay sa amin ang envelope.
"Salamat ho" sabay rin na sambit namin. Naglakad agad ako palabas dahil baka makasabay ko pa siya.
"Thank you Miss La Silva." pilit akong ngumiti bago naglakad palayo ng room. Pinagpapawisan na ako, kung saan saan kasi ako nakakapunta. Ang lawak lawak pa naman ng campus.
Sumilip muna ako sa baba, marami pa rin ako tao. Hanggang nga rito rinig pa rin ang boses ni Carlos na nasa mikropono. Naglakad ako agad palabas para umuwi na.
Muntik pa ako matumba nang biglang pagliko ko ay mukha ng Anak ni Carlos ang bumungad sa akin. Napaatras ako agad sabay na inayos ang pagkasukbit ng bag sa balikat. Lintek
Naiirita akong tumingin sa kaniya. Pikon din itong tumingin sa akin. Sino ba naman kasing matutuwa, nakailang beses ko na siyang nakakatatagpo.
"Ikaw ulit." saad ko habang kunot ang noo.
"Pinagbubunggo yata ang landas natin." mas nairita ako sa sinabi niya. Imbes na pinagtatagpo ang salitang gamitin, pinagbubunggo ang ginamit niya. He's really something.
Hindi ako nagsalita at irita nalang akong umiling at agad na naglakad pababa ng hagdan. Dumiretso muna ako sa cafeteria para bumili ng sandwich. Gutom na rin ako, kanina pa ako paikot-ikot dito.
Umupo ako sa mesa at agad na nilantakan ang burger na nabili. Sandwich sana ang plano ko pero ubos na raw. Nilibot ko ang paningin at marami ng tao ngayon sa cafeteria. Sa bagay, Dalawang oras na rin silang nakaupo sa hall kanina.
Bumuntong hininga ako at agad na inikot ikot ang buko buko. Masakit kasi ang paa ko. Sa laki ng campus,kung saan saan pa ako nautusan at nagsisipunta.
Ang boring talaga rito. Dapat pala ay kanina pa ako umuwi. Mas may silbi pang matulog sa bahay kaysa isali ang sarili ko sa maraming tao. Nakakadrained, tumatagiting din kasi ang araw sa init. Umiinit ang ulo ko dahil sa pawis.
Kinuha ko ang tubig sa bag at tahimik akong napamura nang makitang wala nang laman na tubig 'yon. Tumayo ako para pumunta sa tabi ng clinic kung saan doon kumukuha ang mga estudyante ng inuming tubig. Libre lang kasi, hindi na kailangan gumastos sa cafeteria.
Kunot na kunot ang noo kong tumawid sa malawak na hallway. Masakit sa balat ang araw, Marami na ring nagsilaglagan na buhok sa mukha at batok ko dahilan kung bakit mas naging mainit ang pakiramdam ko.
Nilagpasan ko sila Masoy at Ikay na nakaupo sa bench, katabi ng pine tree. Busy silang nanonood ng kung ano sa selpon nila kaya hindi ako nakita.
Binuksan ko agad ang gripo para maglagay ng tubig sa lagayan ng tubig na dala. Anim ang gripo, magkakadikit dikit lahat. Tatlo sa pwesto ko at tatlo rin sa harap ko. Magkatalikuran ang pwesto ng mga gripo. Kaya magkakaharap ang mga kukuha ng tubig. Parang salamin.
Hindi ko itatangging maganda talaga ang paaralan na ito. Kompleto ang mga gamit kaya halatang pulos mayayaman ang nag-aaral dito. Kawawa nga lang ang mga tamad maglakad dahil sa lawak ng buong lugar.
Agad akong napamura sa isip nang makitang naglalakad papunta sa gawi ko ang anak ni Carlos. May dala rin itong tubigan. Hindi ko pa napupuno ang tubigan ko ay umalis na ako agad.
Kinginang 'yon, siya na naman. Ilang beses na ha. Napailing ako at mabilis na uminom ng tubig.
Napahinto ako nang marinig na magring ang selpon na nasa bulsa ko. Si Guido.
"Baki--"
[ A-ate! si Lola! ] agad sinakop ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang nanginginig na boses ni Guido. Pinatay ko agad ang tawag at mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot. Dali-dali kong kinapa sa bulsa ang susi saka lumapit sa sariling motor.
Hindi ko halos mapasok ng maayos ang susi dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Mabilis kong pinaharurot palabas ng eskwelahan ang motor at laking pasalamat ko dahil bukas ang malaking gate roon.
Habang pinapaharurot ang motor ay walang nasa isip ko kundu kung ano ang nangyari kay Lola. Baka may kung anong masamang nangyari na sa kaniya. Hindi pwede.
Mas binilisan ko ang pagpapatakbo dahil wala naman halos mga sasakyan na dumadaan. Dire-diretso at hindi ko napansing nasa crossing na pala.
Nanlaki ang mata ko nang biglang may mabilis na dumaan na motor sa harap ko dahilan kung bakit nasabit ang unahan ng motor ko sa dulo ng motor nito. Napapikit ako bigla nang sabay kaming sumemplang sa kalsada.
Nahilo ako nang bigla akong dumilat, nanlabo rin ang mata ko pero mabilis ding luminaw.
Napahawak ako sa ulo ko at nakahinga ako ng maayos nang mapagtanto na nakahelmet ako. Parang nabugbog ang katawan ko sa pagkatalsik ko mula sa motor.
Naramdaman ko ang hapdi sa sariling braso at binti. Tinignan ko at may nakita nga akong mga gasgas roon. Dahan-dahan akong tumayo at paika-ikang lumapit sa sariling motor. Nicheck ko ang motor at may mga gasgas at tupi na ang harap. Lintek.
Nakahinga ako ng maayos dahil sa kahit ang lakas ng impak noong pagkasabit sa dulo ng motor ko ay hindi naman tumabingi ang gulong.
Mabuti nalang at wala talagang sasakyan ngayon dito. Tinignan ko ang motor sa di kalayuan at agad na hinanap ang nagpapaandar no'n.
Napapikit ako nang biglang nakaramdam ng sakit kapag ka humahakbang. Paika-ika akong lumapit sa taong nakabunggo ko. May galos din ito at napunit ang suot na nasa parteng tuhod.
Pansin kong pareho kami ng uniporme kaya hindi na ako nagtaka na galing din siya sa HMPS. Pero sa ibang daan siya dumaan. Crossing kami e.
Dahan-dahan itong tumayo, kahit ako ay naramdaman din ang sakit ng katawan niya. Sa paggalaw niya pa lang, napapangiwi rin ako.
"Ayos ka lang? 'yong ulo mo?" tanong ko nang makalapit ito sa sariling motor. Napatingin ako sa relo ko, takte si lola.
Sinenyasan akong nitong ayos lang siya kaya bumalik na ako sa motor. "Wala ka bang pilay?" Lumingon ulit ako sa lalaking pinapatayo na ang motor niya.
Ni-stand niya iyon bago sinabit roon ang suot na helmet. Nakayuko siya at tinitignan ang galos sa tuhod. Hindi ko makita kung may sugat ba ang mukha o ulo kasi natatabunan ng magulo at may kahabaan nitong buhok ang mukha niya.
Inalis ko ang helmet at agad na kinapa kapa ang sariling ulo. Mabuti nalang at wala naman akong naramdaman na masakit o nakapa na dugo.
"Daan ka nalang sa ospital, Nagmamadali kasi ako." sambit ko.
Inangat nito ang ulo at parehong nanlaki ang mata namin sa gulat nang makilala ang isa't isa.
Gago.
"Tangina." sabay na saad namin. Siya na naman.
Sa dinami-dami ng tao, siya na naman.
Anak ni Carlos.
Gusto ko nalang magdabog dahil sa irita. Kung hindi lang masakit ang buong katawan ko, kanina ko pa sana siya sinapak.
"Damn." iritang sambit niya.
Ilang mura na yata ang na-asik ko sa utak dahil sa lalaking 'to. Ang sarap na ihampas sa kaniya 'tong helmet na hawak ko.
Napailing ako. Sabay na nagmura.
"Literal nga talagang pinagbunggo tayo." saad ko. Napangiwi ako sa sakit ng katawan dahil sa pinilit kong umangkas sa motor.
Narinig ko siyang malutong na nagmura ulit bago ko pinaharurot ang motor, mapalayo lang sa lalaking 'yon.
________
ಥ_ಥ

หนังสือแสดงความคิดเห็น (53)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank po

    05/07

      0
  • avatar
    CoronelAkisha

    may part 2 po? hindi pa tapos story eh huhu, hindi pa nalalaman ni Amanda na si Adam at si Adi ay iisa. ☹️

    13/06

      0
  • avatar
    RanayBlesie

    good

    30/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด