logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6: HIS FIRST HEARTBREAK

CHAPTER 6: HIS FIRST HEARTBREAK
Uwian na nang mapagdesisyunan nina Nic, Dree at Ray na magpahangin muna sa campus matapos ang napakahabang araw nila. Pumasok na rin ngayong araw si Ray hindi dahil sa ayaw niyang maunang mamatay kapag may na-missed siyang lesson kay prof. Dela Peña, pero pumasok ito dahil may kailangang gawin for Carolina. She is his first girlfriend, kaya nag-a-adjust pa si Ray kung pa'no nga ba manligaw or simply treat her special.
"Dree, ano'ng nangyari when you came home galing sa bahay?" tanong ni Ray kay Dree habang nagpapahangin sa second floor nang aviation department.
Nakatingin lang si Dree sa langit, "Nothing's change," aniya.
Tumahimik ang buong paligid, parang nag-automatic na hindi na umimik pa sina Nic at Ray when it comes sa family ni Dree. Alam nila kung ano ang sitwasyon ng pamilya Reyes, kung ano ang nararamdaman ni Dree at kung anong klaseng pamilya ang meron si Dree.
"Nic, ikaw? Natatandaan mo pa ba kung pa'no ka nakauwi?" pag-change topic ni Ray.
"Sabi nang MAGANDA kong ate ay, inuwi daw ako ni Dree," pagdiin niya pa.
Napatingin sa kanya si Dree, "And about that. May atraso kapa sa'kin!" pagharap pa sa kanya ni Dree.
"Ano?!" Kunot-noo na tanong ni Nic.
"Hindi mo matandaan?" tanong ni Dree habang palapit nang palapit kay Nic.
"Well, I will let you remember," dag-dag pa niya.
Na-corner na ni Dree si Nic, habang wala itong alam sa kung ano ang sinasabi niya, "Ray, anong nangyayari?! Tulong!!!" Sigaw ni Nic kay Ray, na nakatingin lang sa kanila.
"I don't know. Away niyo 'yan, I have nothing to do with it. I'm not involve either," aniya.
Hinanda na ni Dree ang kamao niya para sapakin si Nic, nang ibaba niya ito at tinapik sa likod si Nic, "Masyado ka pang bata para mamatay," sarkastikong saad ni Dree at ngumiti kay Nic.
"Huyy!! Ano'ng nangyayari? Ba't wala akong alam?" sunod-sunod na tanong ni Nic.
Nang biglang tumunog ang relo ni Dree. Alarm niya para mag-practise na naman kasama si Mr. Reyes, "I need to go," saad niya.
"Dude, you got this!" pagtapik pa ni Ray sa balikat ni Dree bago ito umalis.
"Huyy ano na!!!" sigaw ni Nic habang papalayo na si Dree.
"Ray, ikaw? May alam ka sa nangyayari?" pagbaling ni Nic nang tanong kay Ray.
Tinignan ni Ray ang kanyang relo,"Nic, mauna na ako. May kailangan pa akong sunduin. Kaya mo namang umuwi mag-isa, hindi kana bata," saad ni Ray at saka dali-daling bumaba nang hagdan.
Alas kwatro trainta na nang hapon at may usapan sila ni Carolina na susunduin siya nito. Kaya dali-dali na umalis si Ray papunta sa Escuela de Unibersidad. Nagbabakasakali ito na hindi pa umuwi mag-isa o 'di kaya'y hindi na siya nito nahintay. Hindi niya alam kung saan ang Escuela de Unibersidad kaya sinabi niya lang sa driver kung saan siya pupunta at bahala na kung saan siya nito dadalhin.
Binaba siya ng driver hindi kalayuan sa Ford Academy, "Dito na po ba manong?" tanong niya.
Tinignan siya ng driver sa salamin,"Escuela de Unibersidad. Dito nga iho," sagot ng driver.
Bumaba siya nang taxi at bumungad sa kanya ang isang University na malapad pero wala gaanong ingay. Ang Escuela de Unibersidad ay isang tertiary University na may piling mga courses. Hindi lahat nang kurso ay nasa University na 'to. Hindi masyadong kilala ang University when it comes to academic and extra curricular activities. Nangunguna pa rin ang Ford Academy kapag talino at at talento na ang pinag-uusapan. Nakilala lang ang University nila dahil sa bullies kung saan dito raw hinahasa ang ibat-ibang bullies na patago. Mapa fraternity pa ay nandito sa University na 'to.
Naghintay si Ray sa labas nang gate dahil iniisip nito na baka may klase pa si Carolina at hindi naman siya papapasukin ng mga guards. Halos kalahating oras ang paghihintay niya sa labas nang gate nang biglang lumapit sa kanya ang isang guard.
"May kailangan ka ba, iho?" tanong ng guard.
Lumapit si Ray, "Ah, hinihintay ko lang po si Carolina. I'm from Ford Academy, dito na lang po ako maghihintay sa labas," nakangiting sagot niya.
Pinagmasdan siya ng guard, "From Ford Academy? Halata naman, sige pasok," sagot ng guard habang nakatingin kay Ray mula ulo hanggang paa.
Nang nalaman ng guard na sa Ford Academy nag-aaral si Ray ay agad na pinapasok ito. Tinitingala nang ibang school ang mga student na galing sa Ford Acdemy dahil walang lumalabas sa Academy na hindi nagiging successful. Paglabas nila sa campus at the end of school year ay nahasa na sila.
"Ah iho, pwede kang pumasok. Mag fill-up ka lang nang visitors' attendance, at pwede ka nang maghintay dito sa loob, " dag-dag pa ng guard. At saka binuksan ang gate.
After 30 minutes
"Ah iho, ano ka nga pala ni Ms. Dela Puente? Ba't mo siya hinahanap?" tanong pa ng guard sa kanya.
"Ah, boyfriend niya po ako at susunduin ko lang po siya," maamong sagot ni Ray.
"Hintayin mo na lang, iho. Hindi pa rin kasi dismissal, malamang nasa klase pa 'yun," aniya.
Ngumiti si Ray sa guard. He's trying to be more nice, lalong-lalo na dahil wala siyang kakilala dito at dahil hindi niya kabisado ang lugar. Lalo na't alam niya na dito nag-aaral si Vad, ang ex-boyfriend ni Adel na bumugbog sa kanya. Pinagmasdan niya ang buong campus pati na ang pamamalakad dito about security kung saan, hindi strikto ang mga guards sa mga trespassers. Unlike sa Ford Academy na, hindi talaga papapasukin ang kahit sino sa kalagitnaan nang school hours maliban na lang kung employee ka, may ID, kilala sa school, at parents nang students. If you have no business to do inside the campus, then better leave. Wala kang makukuha sa guards kahit na kakilala o kapamilya ka pa nila.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mrs. Warren, "Ma," nakangiting bungad niya.
"Anak, bakit ka napatawag? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Mrs. Warren.
"Wala po ma," aniya.
"Oh bakit ka napatawag, dismissal niyo na ba?" tanong ni Mrs. Warren.
"Dismissal na po namin."
Ilang saglit pa, "Ma, do you remember when you asked me to find a girlfriend?" dag-dag ni Ray.
"Oo."
"Ma, may girlfriend na ako," nakangiting sagot ni Ray.
"Talaga?"
"Yup. She's from Escuela de Unibersidad. She's kind, gorgeous and nice woman. I'm sure you will love her."
She sigh,"Hayy anak, masaya ako at masaya ka. Kahit sino pa mang babae diyan, basta masaya ka."
"Anak, may tiwala ako sa'yo. Huwag mong sasaktan ang kahit sinong babae lalong-lalo na ang mahal mo. Huwag mong iwan, gaya nang—" putol na saad ni Mrs. Warren.
"Don't mentioned his name," salubong na kilay na sagot ni Ray.
"Anak, alam ko hindi madali, pero tatay mo pa rin siya. Hindi sa nakalimutan ko ang ginawa sa'tin ng tatay mo pero wala na tayong magagawa, nangyari na. Ilang taon na rin, anak."
"Ma, I will never be him."
"Alam ko anak. Huwag mo sanang isara ang puso mo para sa tatay mo."
"Ma, I'll call you later. May kailangan lang akong gawin," aniya at binaba ang tawag. Ayaw niyang pag-usapan ang tatay niya o banggitin man lang ang pangalan niya.
Halos isang oras na ang paghihintay ni Ray sa security house. Tumayo siya at saka nagpasalamat sa lahat ng guards, "Thank you po, manong," sabay ngiti niya.
"Hindi mo na ba siya hihintayin?" tanong pa sa kanya ng guard na nagbukas sa kanya nang gate.
"Ah, hindi na po siguro. Maybe, she's already at her home," aniya.
Tumango-tango lang ang guard. Papalabas na sana si Ray sa gate nang may tumawag sa kanya, "Love!!!!!!" malakas na sigaw ni Carolina.Napatingin sa kanya ang buong tao na dumadaan sa harap at likod niya.
"Oh, I'm sorry," mahinang saad niya matapos makita na nakatingin sa kanya ang buong tao.
Lumapit si Ray sa kanya at saka niyakap ang isat-isa. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanila, "All eyes are set to us," bulong ni Ray matapos halos magkumpulan na ang mga tao sa palibot nila.
"Maybe, because you wear different uniform from us," sagot ni Carolina.
"Lumipat kana kaya rito. Magkasama na tayo sa isang University and people will know you as my boyfriend. What do you think?" dag-dag pa ni Carolina.
Napa-isip si Ray sa sinabi ni Carolina, "Ah, hindi na. Graduating na ako sa Ford Academy at kapag lumipat pa ako ay mag-a-adjust naman ako. At isa pa ay hindi ko pwedeng iwan sina Nic at Dree."
"Pag-isipan mo muna," sagot ni Carolina.
"But before I melt here. Can we go?" pag-ayaya pa ni Ray para maka-alis na.
Hinawakan ni Carolina ang kamay niya at saka umalis. Ngumiti naman si Ray sa mga guards dahil sa pagpayag na papasukin siya. Kilala rin si Carolina sa Escuela de Unibersidad dahil sa yaman ng pamilya niya na halos lahat nang shares sa University ay nanggaling sa kanila.
"Are you sure na maglalakad lang tayo, all the way sa bahay niyo? Baka mapagod ka," pag-aalalang tanong ni Ray habang palabas na nang gate.
Tumingin sa kanya si Carolina, "It's fine," matamis na sagot niya.
"Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school," dag-dag pa ni Carolina.
Tumingin si Ray sa kanya at saka ngumiti. Inabot sila nang kalahating oras sa paglalakad bago makarating sa village ni Carolina, "Are you fine?" tanong ni Ray.
Ngumiti si Carolina, "Of course!"
Nasa entrance na sila nang village nang mapatingala sa ibabaw si Ray at napansin ang pangalan nang village kung saan nakatira si Carolina. His jaw dropped habang nakatingin sa naka-arkong pangalan. "What?" tanong ni Carolina.
"Is this true? Kayo ang may-ari nang village na 'to?" his eyes widen, matapos makita ang Mansion Dela Puente.
"Isn't it obvious? Yup, my family and I owned this village," aniya.
"So, can I come in? Or I'll stay here?" tanong ni Ray. At nag-aalangan pang pumasok dahil sa laki nang pag-aari ng pamilya Dela Puente.
"No, you can." Hinawakan niya ang kamay ni Ray para pumasok.
Pagpasok sa entrance ay binati si Carolina nang guard, "Good day, Ms. Dela Puente," maamong bati ng guard.
"Hello kuya. I want to ask you a favor to know this face," sabay tingin pa niya kay Ray.
"May I know, of who is this person, ma'am? For your safety and for everyone in the village," tanong pa ng guard sabay kuha nang papel at bolpen.
"He's my boyfriend. And I want you to let him pass, once he'll enter the village, " pagsugo pa ni Carolina.
"Copy that, ma'am!" sabay ngiti ng guard.
"Thank you!" sagot ni Carolina at saka pumasok na.
Habang naglalakad sila papunta sa mansion ni Carolina," You don't have to do that," saad ni Ray.
"I wanted too," sagot naman ni Carolina.
Pinagmasdan ni Ray ang mga bahay sa paligid na nagsisitaasan. Nalula si Ray habang pinagmamasdan ang paligid. Nang napatanong si Carolina.
"Hey love, are you okay?" tanong ni Carolina.
"Ah yeah. By the way, is your parents know about us?" aniya.
"Not yet, 'yung parents mo, alam na ba nila?"
"Yes. I talked to my Mom awhile ago," sagot ni Ray.
Napahinto si Carolina sa paglalakad at saka humarap kay Ray,"Ano'ng sabi niya?"
"She's fine with it," nakangiting saad ni Ray.
Ilang saglit pa ay napahinto sila. Pinagmasdan pa ni Ray ang mansion at saka napatulala na lang sa ganda, "Is this your house?"
Tumango si Carolina at saka ngumiti, "Do you want to come in?" tanong niya.
"Ah no, I'm good. Maybe next time," nag-aalangang saad niya.
"You sure?"
"Yeah, sure," nakangiting sagot ni Ray.
"Fine! Thank you for coming with me. I really appreciate it, hope we can do this next time," masayang saad ni Carolina.
Ngumiti si Ray, "No worries, my love!"
Bago pa pumasok si Carolina sa gate ay niyakap niya si Ray at pumasok na rin. Lumakad siya papalayo sa bahay ni Carolina, at saka tinignan ang kanyang relo. Napahinto siya nang makita na alas sais na nang gabi. Dali-dali na lumabas sa village si Ray.
Tinignan niya ulit ang kanyang relo, "It's almost seven o'clock. Sana maabutan ko siya," napakunot-noo na saad niya.
"Ah, manong. Pwede po pakibilisan?" pagsugo niya pa sa driver.
After 10 minutes
"Manong, I'm a student here in Ford Academy. I'm an aviation student, heres my ID and you can see the logo of the school," sabay pagpapakita pa ni Ray nang ID niya at pinakita ang logo sa uniform niya.
"Anong kailangan mo, iho?
"Magtatanong lang po sana, kung may student pa na nasa loob nang theater room?" mahinahong tanong ni Ray sa guard na nakabantay sa Ford Academy.
"May mga tao pa sa theater room. Pina-extend ni Ms. Eysi dahil sa urgent na meeting kanina," saad ng guard.
Nakahinga si Ray nang maluwag, "Salamat,manong."
Naghintay pa si Ray nang ilang minuto sa labas nang gate, bago nagsilabasan ang mga tao sa theater room. Napangiti siya nang makita si Adel na nakayuko papalabas nang gate. Unti-unti siyang lumapit at saka tumayo sa harap niya. Napahinto si Adel sa paglalakad at saka tumingin kay Ray. Napangiti siya nang makita si Ray na nasa harap niya. Tumihin siya at niyakap si Ray.
Napalaki ang mata ni Ray dahil sa pagkakayakap ni Adel. Agad din namang bumitaw si Adel, "Oh, I'm sorry!" aniya, nang mapukaw na nakayakap na siya kay Ray.
"It's fine. You can hug me, eveytime you want. I mean, if you need someone to be with or you know," nakangiting saad ni Ray.
Pinagmasdan ni Adel ang mukha ni Ray, "What's wrong with that?" nakakunot-noo na saad niya at saka tinuro pa ang mga pasa at galos sa mukha ni Ray.
"Ah this? This is the reason kung bakit hindi ako nakapasok kahapon. Napa-away lang sa kalsada kaya gan'to," pagsisinungaling pa ni Ray.
"Let's go?" pag-ayaya ni Ray.
"Yeah," she shortly said.
Sa kanilang paglalakad papasok sa Gran Planes ay may nakita silang fishbolan. Hindi ito napansin ni Adel, huminto si Ray sa paglalakad habang dire-diretso lang si Adel, "Babes!" tawag niya kay Adel na naka dalawang dapa na mula sa kanya.
Lumingon siya,"What?" aniya.
Ngumiti si Ray, "You want to eat?" tanong niya.
"My treat!" dag-dag pa ni Ray.
Lumapit sa kanya si Adel at saka sabay silang lumapit sa fishbolan, "Bakit nga pala ginabi naman kayo? Akala ko wala kayong schedule."
"Ah, pinatawag kami kanina ni Ms. Eysi for an urgent announcement. For now, I can't tell you what it is, hindi pa kasi final. Baka this month or two ay magbago pa," sagot ni Adel sabay wink kay Ray.
Nang makarating sa bahay nila ay napatanong ulit si Ray, " Hindi ka ba pinapagalitan nina Tito at Tita?" Kunot-noo na tanong niya, nang makita na patay na ang ilaw.
"Hindi na. Sanay na rin kasi sila. Alam naman kasi nila pag ginabi ako ay dahil may rehersal sa theater, wala nang iba. Noong una, oo, especially my mom. But they all immuned to it, " nakangiting sagot ni Adel.
"Ohh.. So, you better rest," nakangiting saad ni Ray.
"Thank you for the treat, babes! Till next time, nighty-night!" saad ni Adel bago pumasok sa loob nang kanilang bahay.
Ngumiti si Ray, "No worries."
Papalabas na sana siya nang village nang mag-ring ang phone niya. Kinuha niya ito sa bulsa niya at tinignan kung sino ang tumawag, "Carolina," nakangiting saad niya.
Napahinto siya paglalakad, "Love?" tanong niya.
"Where are you?" walang emosyong sagot ni Carolina.
"Ah, I'm going home, why?" Kunot-noo na sagot ni Ray.
"Liar!" malakas na saad ni Carolina.
"Wa-what? What's wrong?"
"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay mga sinungaling!!!" Sigaw pa ni Carolina.
"Anong sinungaling?" mahinahong tanong ni Ray.
"You still deny it?! You still deny it, that you cheated on me!!!" napalayo pa bigla ni Ray ang phone sa tenga niya dahil sa malakas na sigaw ni Carolina.
"What?!" malakas na sagot ni Ray.
"Oh yes. The guard called me, nagmamadali ka raw na umalis sa village. And I found out na may kasama kang iba!!"
"You both hug each other na parang walang kang girlfriend. And you even call her 'babes', what a cheap. Don't you deny it, dahil huling- huli kana. You cheated on me kahit na kahapon lang naging tayo. I have proof, Ray," dag-dag pa ni Carolina.
"Cheated!! What the heck!" napahawak pa si Ray sa noo niya dahil sa sinabi ni Carolina.
"Yes, I mean it. Nagmamadali ako na umalis sa village niyo. And that girl is just my friend. Hindi niya alam na may girlfriend ako. Hindi niya alam na may tayo. Hindi niya alam, so bare with it!" Ray was trying to explain his side.
"At isa pa, wala naman sigurong mali if my friend hug me. I know my place, Carolina. Kaya sana pagkatiwalaan mo ako. Pero anong nangyayari ngayon? May tiwala ba? May pagmamahal pa ba?. I'm not a cheater and will never be, pero yung ginawa mo na pinapabantayan mo talaga ako at inalam mo talaga ang ginagawa ko, to the point that it's controlling or malicious ay hindi na tama, " matapang na saad ni Ray. She stand his ground.
"So what, ako pa ngayon ang mali? Babae pa rin 'yun, Ray," sagot ni Carolina.
He sigh," I'm not saying na kasalan mo o kasalan ko, ang punto dito ay sana pinagkatiwalaan mo ako. Sana binigyan mo ako nang kaunting privacy. There's nothing wrong to asked kung ano at bakit."
Nag-smirk si Carolina, "Hindi eh, may pinupunto ka. Baka siya 'yung dahilan kung bakit ayaw mo na lumipat sa Escuela de Unibersidad. Is she?!" she said sarcastically.
"This talk is nonsense. Let's talk tomorrow," aniya. Ibaba-ba na sana ni Ray ang phone nang bumato pa ulit si Carolina.
"Bakit 'di ka makasagot? No...no...no. Alam ko naman no'ng una pa lang that you didn't love me afterall. The way you call me love ay hindi galing sa puso dahil ang totoo ay hindi mo naman talaga naramdaman. Kaya 'wag na nating pahabain pa, Ray. Let's end this sh*t."
"No, wait!!" pagpigil pa ni Ray.
"Let's talk tomorrow," Ray tried to fight for the sake of their relationship.
"No Ray. Lets end this.'Wag na tayong maglokohan. Mabuti na ngayon bago pa lumipas ang mga buwan bago nangyari 'to. Ayaw kong magmahal nang may kahati, sinong babae ba naman ang gusto na may kahati. Thank you for a day that you showed na mahal mo ako," aniya at binaba na ang phone.
"Wait!!" malakas na saad ni Ray. Pero tanging ring na lang ang naririnig niya.
Napahawak siya sa kanyang tuhod nang mistulang manghina. Napayuko siya and then he cried. Huminga siya nang malalim at saka tumayo siya nang tuwid habang may mga luha pa rin na pumapatak sa kanyang pisngi.
Kumatok siya habang pinapahiran ang kanyang mga luha. Ilang saglit pa ay binuksan ito ni Adel na naka pajama at naka-glasses, "What's wrong with you?" Kunot-noo na bungad ni Adel nang makita si Ray.
"What happened?" dag-dag pa ni Adel.
Nang bigla na lang siyang niyakap ni Ray at umiyak. Niyakap siya pabalik ni Adel at bumitaw din agad sa pagkakayakap, "Anong nangyari sayo? Gabing-gabi na, akala ko umuwi kana sa inyo?" aniya.
"I can't," sagot ni Ray.
"Come in," aniya at saka pinapasok si Ray sa bahay nila at pinaupo sa sofa.
"Stay there," dag-dag pa niya.
Hinay-hinay lang siya sa paggalaw dahil tulog na sina Mr. and Mrs. Manzano at baka magising pa. Kumuha siya nang tubig at inabot ito kay Ray,
Umupo si Adel sa tabi ni Ray at hinarap ito, "You mind, if you tell me, what's happening?" tanong ni Adel.
Hindi umimik si Ray habang patuloy pa rin ang pagdaloy nang mga luha sa kanyang pisngi. Pinagmasdan pa ni Adel si Ray na nakayuko lang habang umiiyak, "Okay, you're not ready to talk."
After 12 minutes
Nasa sala pa rin sila na nakaupo sa sofa habang hinihintay ni Adel na tumahan si Ray. Umayos nang upo si Ray at humarap kay Adel na naka cross arm, "You should rest. Kaya ko na ang sarili ko. Uuwi na rin ako," mahinang saad ni Ray.
Napatingin sa kanya si Adel, "No, I'm fine. I could stay here," sagot ni Adel.
"Can I tell you something?" tanong ni Ray.
Umayos nang pagkakaupo si Adel," Of course."
Huminga si Ray nang malalim, "I had a girlfriend from Escuela de Unibersidad. She's Carolina and he helped me when I can't get up and asked for help. The night no'ng hinatid kita is the night na nakilala ko siya. The first time I saw her ay sabi ko na siya na talaga, but I was wrong. Naglakas loob ako na manligaw sa kanya pero sinagot niya na ako kaagad, for the reason na dahil kilala niya na ako and he waited for me for a long time. Weird but, she's my first girlfriend and my first heartbreak," nakayukong saad ni Ray.
"Go on. I'm listening."
"Kahapon lang naging kami. Pero no'ng pauwi na ako ay tumawag siya and acused me as a cheater dahil nakita niya daw tayo hugging each other sa school. Pero hindi 'yun ang point, ang sa'kin lang naman ay sana pinagkatiwalaan niya ako, sana pinanghawakan niya ang sinabi ko sa kanya. She broke up with me, I asked her na pag-usapan na lang namin bukas,pero hindi siya nagpapigil. She insisted na 'di ko siya mahal na cheater ako. Kahit ano pa'ng sabihin ko, hindi naman siya maniniwala. I could fight for our love pero anong magagawa ko, kung bumitaw na siya."
"Oh, I'm sorry kung nabigla ako kanina at niyakap kita. Hindi ko alam na may girlfriend ka in the first place, I feel sorry."
"Its not your fault. Sadyang hindi lang talaga pwede. You know what, I just question myself, anong mali sa'kin? Palagi na lang iniiwan. I know it's my first love, and I'm sorry kung wala man akong idea of what a romantic relationship is. I just did the best I can para mag-work ang relationship namin but what happened now, iniwan pa rin," aniya habang tumutulo naman ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Im sorry if I didn't gave them all the love that they deseved," he sobbed.
Tumabi si Adel nang malapit kay Ray, "Come here," aniya at saka pinahiga niya ang ulo ni Ray sa kanyang balikat.
Sinandal ni Ray ang kanyang ulo sa balikat ni Adel, "You know what, you can't please people to love you back or to like you. Hindi kasi lahat ng tao mahal ka, you should learn to be okay that those failed relationships that you had is not worth it for your love. Hindi lahat ng tao deserve ka o deserve ang pagmamahal mo, so you should be patient to find the real ones," saad ni Adel.
"I've been there, Babes. That the love turn into possesion at nakakasakal na but it's up to you kung magsi-stay ka to that relationship or you will break the chain and start to have a life again. Trust me, I've been there. I know mas masakit lang dahil first love mo that broke your heart, but you can get through it. It's gonna be a slow process of healing but its still a process," mahinahong dag-dag ni Adel.
And she started to sing na mahinahon at mahina.
(Lean On Me By Will Withers)
With a soothing voice she has. Pinatapos niya ang buong kanta at tinignan si Ray na nakahiga pa rin sa balikat niya. Tulog na ito at kunting galaw lang ni Adel ay babagsak na si Ray, "Goodness!" mahinang saad niya.
Unti-unti niyang hinawakan at binuhat ang ulo ni Ray at saka pinahiga ito sa sofa. Tumayo siya at saka hinubad ang sapatos ni Ray pati na rin ang ID na nakasabit sa leeg niya. Umakyat siya sa kwarto niya para kumuha nang unan at kumot. Binuhat ni Adel ang ulo ni Ray at saka nilagay ang unan at saka ito kinumutan.
"Sleep tight, babes," mahinang saad niya habang pinagmamasdan si Ray na mahimbing na natutulog, habang may mga bakas nang luha pa ring namumuo sa mga mata niya. Tinignan niya ang orasan at ala una na nang madaling araw. Saturday bukas walang pasok pero kailangan niyang pumunta sa school for the upcoming event.
Pagbaba niya nang alas singko nang madaling araw ay nakita niya ang maamong mukha ni Ray na mahimbing na natutulog. Lumapit pa siya kay Ray at saka pinagmasdan ito, "The same guy, I've met before," aniya at napangiti.
Ilang saglit pa ay bumaba sina Mr. Luke at Mrs. Yvette Manzano, ang parents ni Adel. Sisigaw pa sana si Mrs. Yvette matapos makita na may lalaking natutulog sa kanilang sofa, 'buti na lang at tinakpan ni Mr. Luke ang baba niya, "Shhh!!!" saad ni Mr. Manzano.
Napatingin si Mrs. Yvette sa asawa niya, "Okay."
Nilapitan ni Mrs. Manzano si Ray at pinagmasdan ito. Tumingin siya kay Adel at sinabing, "Is this Ray?" mahinang tanong ni Mrs. Manzano.
Napakunot-noo si Adel,"Yup, but how did you know?"
"Nakilala ko dahil sa itsura niya, kamukhang-kamukha niya ang nanay niya," aniya at saka napangiti.
Pinagmasdan pa nilang mag-asawa nang maiigi si Ray, "Bakit dito natulog 'to?" tanong ni Mr. Manzano.
"Ah, he went here late at night na and he was crying deeply dahil nag-break sila nang ex-girlfriend niya. Hindi ko na rin pinauwi dahil baka ano pang mangyari sa kanya sa labas," sagot ni Adel habang nakatayo sa sala kasama ang kaniyang mga magulang.
"O bakit may mga pasa? Ikaw ba ang bumugbog dito?" pabirong tanong ni Mr. Manzano.
Nag-eye roll si Adel, "Dad, seriously?!"
Hinayaan lang nila na makapagpahinga si Ray sa sofa.
"Mom, Dad, I gotta go," saad ni Adel.
"Take care!" saad ni Mr. Manzano.
"Kayo na po ang bahala kay Ray. Pagtrabahuin niyo o pauwiin niyo na agad. He can take care of himself," saad ni Adel habang papalabas nang bahay nila.
"Good day, Creatives. It's Saturday and supposedly ay pahinga niyo pero nandito kayo ngayon, for a very important meeting. But for your own sake ay half day lang tayo ngayon. We, as a team value you as a human being and not just a performer. We will have a little meeting about the said event, and we're done," saad ni Ms. Eysi na naka pwesto sa ibabaw nang stage.
Their meeting went as smooth sailing dahil lahat ng tao ay naka-contribute nang kanilang idea. And as a talented director which is Ms. Eysi ay na-compile niya lahat nang idea and turn ito something fabulous and magical that everyone can experience and witness.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    AlexXanderaroso

    yo it's nice

    24d

      0
  • avatar
    Kim Ashley

    goods

    24d

      0
  • avatar
    JulianoCaiden

    good story

    17/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด