logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

01 | Up in Arms

Chynna
Ako ay kasalukuyang naglalakad sa pasilyo ng school. Nasa administration office ako at papunta na sa library. Mahahalata talaga na prestigious ang school na ito mula sa structural design, awards and credentials at pati na rin sa mga estyudanteng mayayaman.
Nang makapasok ako sa loob ng library, namangha ako dahil sa laki nito at ang kumpleto pa ang mga kagamitan dito. Uunti lang ang mga estyudante na nandito at lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa mga librong binabasa.
Napadaan ako sa second to the last column dahil doon ko makikita ang history section. Makakapal ang mga libro dito at mukhang mapapabasa talaga ako ng matindi dito.
Pero okay din naman sa akin dahil nasanay na rin ako sa madaming babasahin. Sa bahay pa lang tadtad na kami ng mga libro.
Sinubukan kong abutin ang libro na nasa taas pero ang ibabang parte lang ang naabot ko kaya nabagsakan ako nito sa mukha.
Namula ang mukha ko at bumakat ang makapal na libro. Dinampot ko na lang ang libro sa lapag at napahinto nang makarinig ako ng kalabog mula sa dulong column. Lumingon ako ng dahan-dahan at nakita ko na naman sina Ate Letlet at Felix at naglalandian na naman sila as always.
Mga busy makipagchugchugan sa isa't isa. Si Felix 'yung nakasandal sa wall while Ate Letlet was cornering him. Nabigla ako nang magkatinginan kami ni Felix kaya agad niyang pinahinto si Ate Letlet.
Nagpunas ng labi si Ate Letlet at napatingin din sa akin. Sumandal siya sa shelf at nag-crossed arms na. Ito na ba ang sign na magagalit siya sa akin?
"Ano pa lang ginagawa mo dito, Chynna?" masiglang tanong ni Felix sa akin habang nakikisilip sa librong hawak ko. Napaatras ako ng bahagya nang titigan ako ng masama ni Ate Letlet. "Oh wow, world history book iyan ah?" kinuha niya ang libro sa akin at binuklat ito.
Lumapit sa kanya si Ate Letlet at niyakap ang braso nito. "Felix, tara na." pagyaya nito sa boyfriend at hinahatak na paalis. Kaya hindi pumapasa sa mga exam 'yun eh. Inuuna kasi ginhawa kaysa t'yaga. Hindi rin nagpaparamdam sa mga kamag-anak namin. Dadating ang araw na kukunin sa kanya ang mga dapat niyang pahalagahan.
"Capsi Caps, kaya nga tayo nagpunta dito para mag-aral para sa exam di'ba?" umupo siya sa bakanteng upuan habang nakatuon pa rin ang atensyon sa makapal na libro.
"Akala ko para makipag-make out sa akin." lantaran itong sinagot ni Ate Letlet kaya napahawak na lang ako sa noo para itago ang kakahiyan.
"Can't we not talk about this? Nasa library tayo." alma ko at sa napaupo na rin.
"So? Kaya nga nasa library kami kasi walang istorbo eh."
Hinatak ko paupo si Ate Letlet at binigyan ng librong babasahin para mabaling ang interes niya sa ibang bagay.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Felix sa akin.
"Magkakaroon na ng monthly test kaya naghahabol ako para makasunod sa latest na lesson namin." sagot ko at sa binigyan ko siya ng abot tainga na ngiti. Dahil sa magkatabi kami ni Ate Letlet, madali niya rin akong nakurot sa bewang at pinanlisikan ng mata.
Ang possessive naman nito. Unting ngiti nagseselos na agad. Akala aagawin. Magkaiba tayo ng standards!
Gwapo naman si Felix but eh. Mas gusto ko ang mga lalaking medyo ka-height ko lang at may dimples.
"Chill ka lang Ate, may iba akong gusto."
"Spill!"
"Next time na lang, medyo masakit pa." natahimik ang dalawa sa sinabi ko kaya binalik ko na lang ulit ang oras at atensyon ko sa pagbabasa.
Halos isang oras na rin ang nakalipas at mahimbing na natutulog si Ate Letlet. Pinagmamasdan siya ni Felix pero agad din umiwas ng tingin. Siguro para hindi ko mahalata pero kitang-kita ko ༎ຶ‿༎ຶ
Kahit kailan talaga tinutulugan lang niya ang pag-aaral, pero kapag kalandian ang pinag-uusapan, ang hyper niya. Buti na lang talaga ay mabait si Tita sa kanya. Kung naging nanay niya ang mama ko, tiyak na iiyak siya.
Hindi ko naman sinasabi na pine-pressure ako ni mama sa academic aspect, strict lang talaga siya at may sense of responsibility.
Napansin kong nagba-vibrate ang cellphone ni Ate kaya agad ko siyang ginising upang masagot niya ito.
Kinusot niya ang mata niya at inayos ang buhok. Napatingin siya sa akin kaya tinuro ko ang cellphone niya na naglabas ng notification na may tatlong missed calls na siya.
"Sino tumatawag, Capsi Caps?" tanong ni Felix na nakisilip sa notification bar.
"Si Kuya, as usual." sinagot ni Ate ang tawag ni Kuya at agad din nilayo ang cellphone sa tainga. Dama kong pinagsasabihan na naman siya.
Ibinigay niya sa akin ang cellphone at ako ang pinagsasagot niya.
"Capulet, bakit ang aga mong umalis kanina? Di'ba sabi namin ni mama, ako maghahatid sa iyo?"
Napatingin ako kay Ate Letlet na nakangiti sa akin.
"Pati baon mo, iniwan mo dito. Hindi porket nanggaling ka sa maginhawang buhay, papabayaan mo na ang mga bagay na ganito. Hindi na talaga kita bibigyan ng daily allowance." hindi pa man ako nakakapagsalita nang ibaba na ang tawag mula sa kabilang linya.
Ibinalik ko ang cellphone ni Ate sa kanya, "so?"
"Lagot ka kay Kuya, Ate. Wala ka na daw daily allowance." pananakot ko.
"What?" napatayo siyang bigla na labis kong ikinatawa. Itinago ko ang tawa ko at sa pinanood ko siyang lumabas ng library kasama si Felix.
Kabataan talaga ngayon, mga walang respeto sa desisyon ng ibang tao. Kung ako naging bunsong kapatid ni Kuya Jan, Baka naging hayahay at masaya ang buhay ko dahil may gwapo at mabait akong kapatid.
Nakita ko si Peruianna na pumasok kaya napatayo ako at agad siyang pinuntahan. Inalalayan ko siya papunta sa pwesto ko at pinaupo.
"Chynna?"
"Oo, ako ito! Musta klase kanina?" tanong ko at sa hinawakan ko siya nang mahigpit.
"Madami akong natutunan," ngumiti siya sa akin at parang bumukas ang langit dahil sa inosente nitong mukha. Ang cute niya talaga, gusto ko siya maging kapatid. "Sana nga hindi ako bulag para maging magkaklase tayo."
Niyakap ko siya nang mahigpit hanggang sa pumiglas siya. "Ay sorry, masaya lang."
"Okay lang!" tumawa siya nang mahinhin. "Bakit ka ba masaya?"
"Wala naman," sagot ko at hinawi ang buhok niya. "Ewan ko rin pero sumasaya ako kapag nakikita kita!"
"Masaya rin ako dahil ikaw ang isa pa sa mga tao na kumausap sa akin at hindi ako hinusgahan dahil sa kondisyon na mayroon ako." masaya niyang sambit na nagpalungkot naman sa akin.
Lahat kasi ng mga kakilala ko may mga sakit kaya nasanay na ako na magkaroon ng madaming kaibigan at kamag-anak na physical challenged.
Atsaka, need ba maging perpekto ng tao bago mo siya kaibiganin? Kakaiba talaga mentality na mayroon ang tao.
"Lahat kasi nang mga nakakakita sa akin, lagi akong iniiwasan." dagdag niya pa na napapaluha na pero pinunasan niya ito agad.
"So thank you Chynna for everything!" Taas noo niyang sambit habang nakangiti.
———
"Kuya, hindi mo p'wede itigil ang pagbibigay sa akin ng daily allowance!" naabutan kong nagtatalo ang dalawang magkapatid kaya tahimik akong pumasok ng bahay para hindi mapansin.
"And why not? Ako ang may say kung ano gusto kong gawin sa pera na ibinibigay ko." sigaw pabalik ni Kuya Jan at napatingin siya sa akin. "Oh nakauwi ka na pala." masaya niyang sambit pero sumimangot ulit nang lumingon kay Ate Letlet.
"If ayaw mo, edi wag! Sino tinakot mo?" padabog na lumabas si Ate Letlet ng bahay at hindi na siya nagawang sundan ni Kuya Jan. Umupo ito sa couch at ipinatong ang paa sa maliit na lamesa.
"Kakausapin ko na lang si Ate mamaya para sa iyo kuya."
"Huwag na, sa akin nga hindi nakikinig, sa iyo pa kaya..."
Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinato ang gamit sa kama. Tinawagan ko si Ate Letlet pero hindi niya ito sinasagot. Nakaisip ako ng paraan paano siya makakausap at naisip kong si Felix na lang ang tawagan.
Sa unang ring pa lang ay sumagot na ito. "Hello?"
"Nandiyan ba si Ate Letlet?"
"Oo, natutulog. Bakit? Tumakas ba? Sabi niya kasi pinayagan daw siya dito muna matulog."
"Ayun na nga eh... Nainis siya kay Kuya Jan kaya umalis siya." panimula ko. "Pabantayan na lang muna siya habang hindi pa humuhupa tension nila sa isa't isa."
"Sige sige, kakausapin ko siya pagkagising niya." saad niya at sa binaba niya na ang tawag.
Buti na lang talaga at matino si Felix.
Kinabukasan.
Nagulat ko nang makita ko si Ate Letlet na kumakain sa sala at namumula ang mata nito. Nilapitan ko si Tita at tinulungan mag-hugas. "Anong oras po siya umuwi?" tanong ko.
"Sinundo siya ni Jan kagabi," sinabunan niya ang mga plato habang nakatitig sa anak. "Lagi na lang sila nag-aaway, hindi naman sila ganito dati."
"Baka dahil na rin po sa interest," tugon ko sa sinabi niya kaya napabuntong-hinga siya. "Or baka dahil na rin sa isang bagay na nangyari sa past na hindi pa nila nakalalimutan kaya sila ganyan." napahugot tuloy ako ng wala sa oras.
Lumapit si Kuya Jan sa kanya at inabutan ito ng pera. Pinunasan niya ang namumulang mata nito. Ang heartwarming naman, sana all may kapatid. Hinalikan niya sa noo ang nakababatang kapatid at sa kinuha na niya ang jacket sa upuan. "Aalis na ako ma, male-late na ako."
"Nakuha mo na na 'yung baon mo?" tanong ni Tita. Tumango si kuya Jan at sumenyas sa akin na bantayan si Ate Letlet.
Tumango na lamang ako at pinanood kumain ang pinsan ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (19)

  • avatar
    ComonsadElizabeth

    great

    09/05

      0
  • avatar
    Rheg Nerval

    nice story i like it

    09/04

      0
  • avatar
    Nitiwa Rk

    mag aral Ng mabuti

    16/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด