logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Chapter 3: Ang Kasabihan
Sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil nakatagpo ako ng mga kaibigan na katulad nila. Kahit may pagka baliw at maselan sila, hindi nila nakakalimutan yung totoong ibig-sabihin ng pagkakaibigan.
Hindi ko alam kung deserve ko bang magkaroon ng mga kaibigang katulad nila. I mean, mahirap lang ako at simple lang. Pero sila, mga sikat, mayayaman, magaganda, at halos perpekto na. Walang-wala ako sa kalingkingan nila.
Napakarami na nilang naitulong sa akin, at malaki ang pagpapasalamat ko sakanila. I can't see my life without them. Masasabi kong napakaswerte ko.
Kahit hindi kami pantay ng level sa buhay ay hindi iyon naging hadlang para mabuwag kami at mahiwalay sa isa't isa.
Habang nasa byahe kami pauwi sa bahay ay biglang nag-iba ang ihip ng panahon.
Biglang lumakas at lumamig ang hangin dahilan para magsiyukuan na ang mga puno sa paligid. Dumidilim na rin ang kalangitan na muling nagbabadya sa paparating na bagyo. Teka, akala ko wala na?
"Geez girls, kailangan na nating bilisan." Ani Kate at pinabilis na nga ang pagpapatakbo sa sasakyan.
Nakatingin lang ako sa bintana habang tinatanaw ko ang mga matatayog na puno sa paligid ng kalsada.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay parang nakakita ako ng isang taong nakatayo. Sinundan ko ito ng tingin at pilit na hinahabol ng aking mga mata. Ngunit unti-unti nang lumalayo ang sasakyan namin doon.
"Anong nangyari, Lypse? May problem ba?" Mukhang napansin ni Desiree ang ikinilos ko.
Huminga ako ng malalim. "Wala lang, ang weird lang nung nakita ko."
Hindi na rin siya nangulit pa at nagpatuloy lang siyang magbasa ng mga magazines na kaugnay sa mga daily outfits. Busy naman si Thalia kakalagay ng lipbalm sa labi niya. At si Kate na kumakanta pa habang nagmamaneho. May kaniya-kaniya kaming trip ngayon. Pero blanko pa rin ang isip ko sa mga nangyayari.
Hindi na rin nagtagal pa ang byahe namin dahil wala nang masyadong sasakyan ang nakakasalubong namin kung kaya't madali na rin kaming nakarating sa aming destinasyon.
"Owkey! We're here! Sana naman mapakiusapan natin si tita!" sambit ni Desiree habang naglalakad na pababa ng sasakyan.
Agad naman akong naalerto nang makita ko si nanay na nakaabang na sa pintuan namin.
Alam kong peke lang ang pinapakita niyang mga ngiti sa amin dahil sa loob niyon ay nagtatago ang pagtataka.
"Hello po Tita Lina!" Sabay-sabay nilang wika at nagsimano sila kay nanay.
Pagkatapos nila ay sumunod na rin akong lumapit kay inay. Nagulat ako nang bigla-bigla na lamang silang nagsipasukan sa bahay.
Feel na feel nila sa loob dahil nagsiupuan na sila sa hapag kainan at parang handang-handa nang kumain.
Bilib ako sakanila dahil kahit anak mayaman sila ay marunong silang makisama sa mga hindi nila kabilang na level. Depende nalang kapag hindi talaga nila close ang isang tao dahil mga husgador talaga sila.
"Mabuti na lang at nakapag luto ako ngayon." Ngiting wika ni nanay habang inihahanda na sa lamesa ang mga niluto niya.
"Wow! Favorite ko po 'to, Tita! Yumyum!" Pumalakpak si Desiree habang kumukuha na ng kutsara at tinidor.
Habang si Kate ay nauna nang tumikim ng sinigang kaya't natawa sakaniya si nanay.
Nang matapos nang maghanda ang lahat ay nagkaniya-kaniya na kaming upo at inumpisahan na rin ni nanay ang dasal.
"... Amen..." Sabay-sabay naming wika at bigla nang nagsikuhaan ng pagkain.
Kahit napuno ng tawanan at hagalpakan ang paligid ay hindi ko magawang maging masaya dahil alam kong pagkatapos nito ay may malungkot na mangyayari.
"Tita, kumusta po ang buhay? Mas lalo po kayong bumabata, Tita Lina. Skin care routine reveal naman po." nakangiting tanong ni Desiree.
Siniko ni Kate si Desiree, "Hey! Stop!"
Natawa si nanay at sinagot ang tanong. "Maayos naman ang buhay, pero wala naman akong skin care ganyan-ganyan.."
Tumawa sila Desiree.
Ngunit matapos ang pag-bibiruan nila ay sandaling katahimikan ang namutawi sa aming lahat bago ko nahalatang nakatingin na pala sila sa aking tatlo.
Nangungusap ang mga mata nila na tila kinakausap ako gamit iyon. Tumango na lamang ako at huminga ng malalim.
Kinakabahan ako.
"Ahm, tita..." Pag-uumpisa ni Desiree. Napapikit na akong mabuti habang taimtim na dinadasal ang pagkalma nilang lahat. "Payagan niyo na po si Lypse, please po..."
Mahinahon lang ang tono niya pero bakas pa rin ang pagiging masungit niya.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang makita na ang pag-iiba ng emosyon ni nanay. Wala na talaga...
"Pasensya na pero hindi talaga pwede." Seryosong wika ni nanay.
"Pero tita, kami na po ang bahala sa Budget niya! Kasama naman po namin siya!" Pagpupumilit pa ni Kate.
"At promise! Babalik din po kami agad," halos pabulong nang saad ni Thalia.
Ngunit mas lalo lamang nag-iba ang timpla ni nanay at napatayo na siya sa hapag.
"Huwag niyo nang ipilit ang gusto ninyo." Naiinis na niyang wika.
Napahawak na ako sa aking sentido at napatingala kay nanay.
"Gusto ko pong sumama, nay... Pwede ba? Kahit isang beses lang po... Pakawalan niyo naman ako!" Nanunumbat kong sigaw. "Lagi na lang bawal! Paano naman yung gusto ko?"
Kumabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang kasi napagtaasan ng boses si nanay. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
"Manahimik kayo!" Sumigaw na rin si nanay. Senyales na nagagalit na rin siya. "Alam niyo bang napakadelikado ng gagawin niyo? Masama iyan! Hindi kayo pwedeng maglakwatsa o pumunta kahit saan! Malapit na kayong umakyat sa entablado! At masama ang pumunta kahit saan kapag ga-graduate na kayo. Makinig kayo sa akin pakiusap!" Mahabang litanya ni nanay habang unti-unti nang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
Ngunit pagkatapos din ng katahimikan ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagtawa.
"Lypse," sarkastikong tumawa sa akin si Desiree. "Your mother is crazy..." Wika niya habang umiirap sa akin at nagsimula nang naglakad palabas.
"Tsk." Pabulong na nagmura si Kate at sumunod na rin kay Desiree na nauna nang lumabas.
Tuluyan na ngang bumagsak ang balikat ko at nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam pero napakabigat sa pakiramdam.
Dumako ang atensyon ko kay Thalia na nakatingin din sa akin. Lumapit ito at hinawakan ang balikat ko bago bumulong.
"Maghihintay kami sayo mamayang 11pm sa Forester Plaza, naghihintay yung bus doon. Mag-ingat ka." Aniya bago nagmartsa palabas.
Sumagi sa isip ko ang ibig niyang sabihin kung kaya't napatango na lamang ako at hinayaan na silang makaalis.
Narinig ko pa ang busina ng sasakyan nila na nagsilbing senyas na sila ay aalis na.
Nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa amin ni nanay habang mataman kaming nakatitig sa isa't isa. Ngunit binasag ko na agad iyon.
"Anong klaseng nanay ka," bulong ko at padabog siyang iniwan sa hapag.
Alam kong mali na sabihin ko iyon pero hindi ko na kaya. Sobrang bigat na sa pakiramdam. Kailangan ko nang ilabas ang mga hinanakit ko.
Habang pinupunasan ko ang mga luha ko ay dumiretso na ako sa aking kwarto at inilock iyon.
Mahihinang hikbi ang kumakawala sa akin habang dahan-dahan akong nag-iimpake ng aking mga gamit.
Narinig ko ang boses ni nanay mula sa sala ngunit pinagsawalang bahala ko iyon.
"Anak! Makinig ka sa akin, masama ang pagpunta sa ibang lugar lalo pa't malapit ka nang magtapos. Pakinggan mo naman ako anak, ginagawa ko ito dahil ayokong mapakahamak ka!" Bakas sa tono ni nanay ang sensiridad habang patuloy siyang nagsasalita. "May mangyayaring masama, anak. Maniwala ka sa akin, may hindi kanais-nais na magaganap. Nangako akong poprotektahan kita... kailangan ka pa niya..."
Wala sa sariling napatakip na ako sa aking tainga habang nagtalukbong na ng kumot. Ayoko nang marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya. Ayoko nang makinig sa kaniya. Nababaliw na siya.
"Matutulog na ako!" Sigaw ko at pilit na ipinikit ang aking mga mata.
"Pakiusap anak, makinig ka sa akin. Binabalaan ko kayo, huwag niyo nang ituloy anak..."
***
10:05 pm.
Nagising ako mula sa ingay ng alarm ko sa phone. Bigla kong naramdaman ang sakit ng mga mata ko.
Napamulagat naman ako agad nang makita ang oras. Kailangan ko nang maghanda.
Dahan-dahan pa akong kumilos at agad na kinuha ang mga bagay na dadalhin ko.
Isinukbit ko na ang kulay itim kong hoodie sa aking balikat at isang malaking backpack na naglalaman ng mga gamit ko para sa tatlong araw.
Akmang magpapalit na ako ng damit nang makitang nasa labahan na pala ang dapat kong isuot. Lumapit naman ako sa cabinet ko at tanging nag-iisang dress na lamang ang natira. Tsk, nakalimutan kong maglaba ng pang-alis.
Wala akong choice kundi isuot ang dress na iyon na hindi ko man lang alam kung saan nagmula. Hindi naman iyon mahahalata dahil nakahood ako.
Hindi bumagay ang rubbershoes ko kaya't napilitan nalang din akong magsuot ng flat shoes.
Nang natapos na ay mahina akong naglakad pasilip sa silid ni nanay. At nang makitang mahimbing na ang kaniyang tulog ay huminga ako nang malalim.
"Patawad, nay..." Bulong ko.
Pinatay ko ang ilaw sa aking kwarto at ekspertong tumalon mula sa bintana nito.
Dahan-dahan ko iyong sinara at nagmadaling pumunta sa garahe upang kunin ang bisikleta ko roon.
Nang makuha ay agad ko na rin itong pinaandar at tinungo ang destinasyon ko.
Malalim na ang gabi ngunit hindi man lamang ako nakaramdam ng takot. Hindi ko alam pero parang sanay na ata ako sa ganito.
Parang pakiramdam ko tuloy ay nangyari na ang senaryong ito. Hindi ko lang alam kung kailan at kung paano.
Bago ako makalabas ng bakuran namin, ay huli ko munang tinignan ang aming tahanan.
Hindi ko alam, pero mukhang matatagalan bago ako muling makabalik dito. Samantalang tatlong araw lang naman.
"Paalam..." ang huling naibulong ko bago ko pinaandar ng mabilis ang aking bisikleta.
Kasabay ng pag-alis ko ay ang paghampas sa akin ng napakalamig na simoy ng hangin na dinagdagan pa nang napakadilim na kalsada na aking tatahakin.
Tumibok ng mabilis ang puso ko. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Ngunit tila sanay na ang aking sistema roon. Sino siya? Bakit niya ako pinagmamasdan? Anong kailangan niya?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (75)

  • avatar
    MontallanaRizza

    😘😘😘

    8d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    jjxjfjfjferjjrjfjfnxndndjjdjfjjfjfjdjfnncncjdjej me and mama not sure if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺 djdhd

    19/07

      0
  • avatar
    PhoebeTheylove

    I have a tip bc it also gave me lol

    11/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด