logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Chapter 2: Ang Pagkawala
Kasalukuyan na kaming nakasakay ngayon at pinapaandar na ni Kate ang sasakyan. Pumapatak na rin ang mga butil ng ulan at mas lalo nang lumalakas ang hangin sa paligid.
"Nagmessage ulit si President sa group chat," excited na wika ni Desiree na siyang nasa passenger seat. "Magready na raw tayo para sa trip."
Napahiyaw na si Kate habang naglolollipop. "Saan na nga ulit ang punta natin? Sa tagal nang pagpaplano, nakalimutan ko na tuloy ang mga gagawin."
"Wait!" Inilabas naman ni Desiree ang invitation. "Sin Forest, Mount Dinukot!"
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Desiree. Anong klaseng pangalan yon?
"Sin Forest?" Tanong ko.
Napatango siya, "Sin short for Sinakuban Forest!" aniya. "Ngayon ko nga lang din narinig yang Mount Dinukot na yan hahaha! Ang weird."
Napahiga na lang ako sa gilid ng bintana at napahinga nang malalim.
"Gusto kong sumama pero siguradong hindi ako papayagan ni nanay." Sabi ko at ipinikit na ang mga mata.
Gusto ko naman talagang sumama. Syempre sino bang may ayaw? Last trip na nga namin ito sa batch namin last year hanggang ngayon tapos hindi pa ako makakasama?
Kung papayagan lang ako. Alam ko yung ugali ni nanay. Hindi niya ako papayagan dahil malayo ang pupuntahan namin at wala pa siyang kasama sa bahay. Ayoko rin namang iwan siya pero gusto ko ring sumama.
Lumipas ang ilang mga minuto at nahatid na rin ako sa bahay namin. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkababa ko ng sasakyan.
Nakita ko na agad si nanay na nakangiti sa akin at may hawak na walis sa bakuran. Lumapit ako para magmano.
"Ang aga niyo namang umuwi ngayon, anak?" Tanong ni nanay.
"May bagyo raw po kasi kaya sinuspend na yung klase," sagot ko naman.
Napatango nalang si nanay at inakay na ako papasok ng simpleng bahay namin.
Maliit lang ang tinitirahan namin na gawa sa kahoy. Hindi kami mayaman at wala na akong tatay. Sabi ni nanay ay namatay na raw ito hindi pa ako pinapanganak.
"Kumain kana anak," alok sa akin ni nanay.
Pumunta na agad ako sa lamesa at paupong humarap sakaniya. Sakto nagugutom na rin ako.
Nagsimula na kaming magdasal at magsandok. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin yung tungkol sa vacation namin. Subukan ko kayang magpaalam?
"Nay..." pag umpisa ko.
"Bakit anak?"
"Mag-papaalam lang po sana ako," kinakabahang wika ko.
Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Hmm? Para saan?"
Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako sa sasabihin ko. Baka hindi siya pumayag?
"Ano po kasi, ahm. May napagplanuhan po kasi yung batch namin na magkaroon ng trip kasi malapit na rin po matapos yung school year at gusto po nila na sumama ako."
Napahinto sa pagnguya si nanay at matalim akong tinignan. Alam ko na agad ang susunod na mangyayari.
"Hindi ka pwedeng umalis, anak," sumeryoso ang mukha ni nanay. "Napakadelikado ng gagawin ninyo. Diba kakasabi mo lang na may paparating na bagyo? Hindi kita mapapayagan, Lypse."
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga balikat ko dahil sa sinabi ni nanay.
Nanlulumo ako. Alam kong malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko pero bakit hindi pa rin ako pinapayagan. Simula pa lang noong bata ako ay laging ganito si inay. Hindi niya hinahayaang lumayo ako sakaniya maliban na lang sa eskwela lalo na kung nasisiguro niyang marami akong kasama.
Pero kailangan kong sumama. May gusto rin akong makita. Gusto ko ring makalaya. Para akong nasa preso na hindi man lang ako makaangal.
"Nay, bakit ba hindi pwede? Lagi nalang pong makakasama sa akin tuwing lalayo ako sa inyo? Ano po bang nangyayari?" May halong inis na tanong ko kay nanay.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga kasabay ng pagtayo niya.
"Makinig ka na sa akin, Lypse! Hindi pwedeng malayo ka. Mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa akin ulit..." Makahulugan niyang wika bago ako iniwan sa hapag.
Hindi ko alam pero biglang kumutob ang puso ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Mawala ulit? Nawala na ba ako dati?
***
Araw ng biyernes, hindi kami nagpansinan ni Nanay.
Gusto ko siyang pilitin. Gusto ko siyang mapapayag. Pero hindi ko alam kung paano dahil natatakot din akong magalit siya sa akin.
Malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin pagbaba ko ng sasakyan ni Kate mula sa backseat. Naging hobby na kasi niya na ihatid-sundo kami palagi.
Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod na sakanilang maglakad.
Bakit pa kasi kami pinapasok ngayon e samantalang nung isang araw ay nasuspinde naman. Ang sabi sa akin ay hindi na raw kasi lumakas yung bagyo kaya kailangang ituloy ang klase.
Biyernes ngayon at hindi na ako nagtaka nang kakaunting estudyante na lamang ang pumapasok.
Ganoon pa rin ang paligid. Makulimlim, mahangin at may kaunting pagkulog at pagkidlat na naririnig sa hindi kalayuan.
"Hindi na rin lang sana ako pumasok. Edi sana nakabili pa ako ng make-up ko na magagamit ko..." bulong ni Thalia.
"Kaya nga, edi sana bumili nalang tayo ng mga dagdag na snacks." Pagsang-ayon ni Desiree.
"Wala na akong problema, last week pa ako handa.." Natatawang wika ni Kate sabay kindat sa amin.
Napansin kong bigla silang napatingin na tatlo sa akin kung kaya't tinignan ko na rin sila pabalik.
"Oh, ba't ganyan kayo makatingin?" Nagtatakang tanong ko.
"Kailangan mong sumama, Lypse! Promise, sagot ko na ang budget mo!" Pamimilit ni Desiree.
Kate smiled, "Kami na rin bahala mag- paalam sayo kay tita!"
Napailing na ako at pabalang silang sinagot. "Hindi nga pwede."
Bumakas ang pagkainis sa mga mukha nila at matalim akong inirapan. "Pero gusto mo?"
Saglit akong natahimik at napaiwas ng tingin sakanila. Syempre, oo. Sino ba namang hindi gustong sumama sa mga ganoong okasyon.
Dahan-dahan na lamang akong tumango at bumuntong hininga. "Oo."
Agad akong napatakip sa aking mga tenga nang bigla silang maghiyawan at mag apir-an. Mga baliw.
"Okay, so kami nang bahala! Don't worry, everything will be okay. Papayag din si tita. Tiwala lang." Positibong wika ni Kate sabay kindat ulit sa akin.
Napatango na lang ako kahit sa loob ko ay labis akong nagdarasal na sana ay payagan nga ako ni nanay.
Gustong gusto ko talagang sumama.
Araw ng biyernes, malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin pagbaba ko ng sasakyan ni Kate mula sa backseat. Naging hobby na kasi niya na ihatid-sundo kami palagi.

Lumipas ang ilang oras ay dumating na rin ang pinakahihintay ko. Ang uwian. Sabay-sabay kaming naglalakad sa hallway habang busy ang isa't isa sa mga kaniya-kaniyang ginagawa.
Mas lalong lumalamig ang simoy ng hangin at ang pagdilim ng kalangitan lalo pa't hapon na.
Ngunit bigla na lamang natawag ang atensyon ko nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko.
Hinarap ko ang likurang bahagi ng hallway. Pero wala akong nakita. Doon ko kasi mismo narinig yung boses.
"Sino yon?" Takang tanong ko sa mga kasama ko pero patay malisya lang sila.
"Isa. Sino yung tumawag sa'kin?"
Sunod-sunod na kumunot ang mga noo nila habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Are you crazy? Ano bang sinasabi mo? Walang tumatawag sayo." Umirap sa akin si Desiree.
Narinig ko ang pag 'tsk' ni Kate habang malalim na bumubuntong hininga. "Lypse, can't you see? Halos wala nang tao, sino namang tatawag sayo?"
Nagpauna na silang naglakad habang ako ay nakatanaw pa rin mula sa likuran. Pakiramdam ko nandito pa rin talaga yung tumawag sa akin.
"Lypse! Tara na!" Yaya sa akin ni Desiree. Nagpahila nalang din ako sakanya.
Dire-diretso lang kaming naglalakad dahil totoong halos wala na nga talagang estudyante sa paligid.
Napahinto kami nang biglang tumunog ang cellphone ni Desiree at agad siyang napatili.
"Anong nangyare?!" Tarantang sigaw namin nang humagalpak sa tuwa si Desiree.
Sumigaw pa siya bago humarap sa amin. "Omg! Omg! Omg! Tignan niyo 'to, dali!" Sigaw niya sabay pakita sa amin ng phone niya.
From: President
Good day everyone. I just want to inform everybody that our departure time in the evening will move to 11 pm. Sorry for the late update, hope to see you later. Please be ready and bring everything that you'll need. Thank you and take care.
Parang literal na nalaglag ang panga ko nang malaman ang nakasaad sa text message.
Mamayang gabi na ang byahe!
"Whoaaaaah! I'm so excited! Mabuti nalang at naayos ko na yung mga gamit ko!" Hiyaw pa ni Kate habang tumatalon-talon.
"Magiging masaya ang gabing 'to... I can't wait." Dagdag pa ni Thalia at nag-apir sila.
Habang ako ay walang ibang nagawa kundi ang magpakawala ng malalalim na buntong hininga.
Mariing humarap sa akin si Desiree at binigyan ako ng naninigurong ngiti.
"Kaming bahala. Tara, ihahatid kana namin para makausap na rin namin si tita!" Aniya at pakaladkad akong hinila.
Sana payagan na ako...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (75)

  • avatar
    MontallanaRizza

    😘😘😘

    8d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    jjxjfjfjferjjrjfjfnxndndjjdjfjjfjfjdjfnncncjdjej me and mama not sure if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺 djdhd

    19/07

      0
  • avatar
    PhoebeTheylove

    I have a tip bc it also gave me lol

    11/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด