logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3

CHAPTER THREE
CHICO’S POV
        “ANO na?! Nakontak mo na ba?” Bea’s mother asked.
        “Hindi pa, Tita. Her phone's still can't be reached,” nag-aalala ko na ring saad.
        “What if. . . what if there’s something bad happen to them!”
        I don’t know what am I feeling right now. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mayroon mang masamang mangyari sa kanila, lalo na kay Bea.
        I know and I regretted being such a bastard. Marami pa akong dapat ayusin sa relasyon namin ni Bea.
        “Chico!” Agad akong napatingin sa kinaroroonan nang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang mag-asawang Marquez. Sigurado akong nag-report na sila sa mga pulis.
        Isang araw nang hindi nila kami kino-contact or even answering all of my calls.
        “We can’t even contact, Maureen. We don't know what to do. Please Chico, help us find them,” Nickza's mother  emotionally said.
        “I’ll do my very best to find them, Tita. Kasalanan ko rin naman dahil pinauna ko pa sila,” saad ko. I wanted to punch myself for being careless.         
                        
CHANLY’S POV
“OUCH!” ingit ko. Sobrang sakit ng katawan ko but I manage to walk pa rin naman.
        Hinanap ko ang mga kaibigan ko for almost one hour at tanging si Fiona, Kira at Benedict lang ang nakita ko. I don't know where are the other two. Bea and Nickza Maureen.
        Napagpasiyahan na muna namin na huminto at magpahinga muna mula sa paglalakad. Sobrang sakit na ng katawan ko lalo na ang mga paa ko. Maiiyak na ako sa sitwasyon namin ngayon. Nickza’s right, hindi sana namin tinigasan ang mga ulo namin. Ang ending, kamalasan ang nangyari sa ‘min.
        “Paano na sila?” pagbasag ni Benedicto sa naging katahimikan. Sobrang hina ng boses niya at gusot-gusot na rin ang polo na suot niya. Kami naman siguro lahat ay hindi na mahitsura ang outfit ngayon.
        “Hahanapin natin sila, saka we’re all aware naman na may pagkakamali tayong lahat 'di ba?” I faced Benedict while saying it.
        He just laugh at me as if I was telling a funny story. Then I saw his eyes became cold and look at me with his furious face.
        What’s the matter?
        “  ‘Wag mong isisi ang pagkakamali mo sa iba, Chanly!” nagulat ako dahil first time niya akong tinawag sa aking pangalan. “You never listen to Maureen! And that— that was not everyone’s fault! That was you!”
        “Excuse me?” Pinagtaasan ko siya ng kilay. “I am not the only one who agreed about it. So, pinapalabas mo na kasalanan ko lahat ang nangyari sa ‘tin?! Sa tingin mo gusto ko ‘to?!” tumaas na ang boses ko dahil sa inis.
        “Oh, bakit hindi ba?!”
        Gusto ko siyang sugurin at sabunutan kung hindi lang talaga masakit ang katawan ko.
        “Guys, stop. Okay? Hindi natin mahahanap ang iba pa nating kasama kung puro kayo bangayan. We need to cooperate,” mahinahong saad ni Fiona.
        “Yah, I agree with Fiona,” pagsang-ayon naman ni Kira.
        I sigh and look at Benedict.
        “I am sorry for making you feel like that. I am also guilty for being insensitive,” I apologize.
        Tiningnan niya lang ako saka siya tumayo.
        “Kailangan nating hanapin kung nasaan ang helicopter na sinasakyan natin baka naroon sila Bea at Nickza.” Nauna na siyang naglakad. Tumayo naman kami nina Kira at Fiona upang sundan siya.
        Sana mahanap namin sila,dahil hindi namin alam kung ano pa ang kakaharapin namin sa kagubatan na ‘to. This is gonna be a big lesson for all of us. I wish it doesn't happen.
        “GUYS? YOHOO! NASAAN NA KAYO? BEA! MAUREEN!" ‘yan ang paulit-ulit naming sinisigaw baka sakaling nasa paligid lang sila.
        Patuloy lang kami sa paglalakad nang biglang magsalita si Fiona.
        “Guys, I think that’s the helicopter,” may itinuro si Bea habang sinasabi niya iyon.
        “Where?” agad kong tanong saka tiningnan kung saan siya nakatingin.
        “Oh my. . .” Agad kong natakpan ang bunganga sa nakita. Sobrang tupok na tupok ang helicopter at halos ang ibang parts nito ay wala na.
        “Let's find out what’s in there,” Benedict said kaya agad kaming pumunta roon.
        Tinitingnan namin kung may natira pa'ng mga gamit na naroon pero wala na kaming makita. Sa sobrang lakas ng ipo-ipo ay baka nadala na iyon.
        “Aaaaaa!!!” agad kaming nagulat nang bigla nalang sumigaw si Kira. “No! No! No!”
        “Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. May itinuro siya malapit sa malaking bato kaya naman sinundan ko ng tingin on where she pointed it. Only to find out what she have seen.
        Nasuka ako sa nakita.
        “Anong nangyari sa kanya?!” tanong ni Benedict.
        “No! ‘Wag kang lumapit diyan! Sobrang kadiri!” Agad akong napatili nang akmang lalapitan ito ni Benedict.
        He just look at me with his deadly glare like he always does.
        Naririnig ko na ang maarteng hikbi ni Fiona like yah maarte siya pero mas maarte ako.
        “Hindi ko kayang masikmura ang nakita ko!” Dumigwa ito matapos sabihin iyon.
        “Lalo naman ako no!” Tatalikod na sana ako nang marinig kong magsalita si Benedict.
        “Paanong wala lahat ang laman loob ng Piloto? Anong nangyari sa kanya?” takang tanong niya.
        “Aba’y malamang! Sobrang lakas ng umatakeng ipo-ipo sa ‘tin baka—” hindi ko na natapos ang sasabihin nang singitan niya ako.
        “Look at us! Sugatan lang tayo pero hindi umabot sa paraang gaya ng nangyari sa piloto!”
        “  ‘Wag niyong sabihing may aswang dito, guys?” humagulgol na usal ni Fiona. Agad ko siyang hinarap saka ko hinablot ang buhok niya.
        “Gaga! Tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa rin sa pangmalakasang pampatakot ng mga magulang mo sa ‘yo?! Tigilan mo ‘ko Fiona!” gigil na saad ko.
        Binalingan ko naman si Benedict.
        “What if, may mabangis na hayop dito and then patay na 'yan nang makita si Manong Piloto,” I said.
        Bumuntonghininga lang siya saka ay umiiling na tinignan ang wala nang buhay na Piloto.
        “Oh my gosh! Baka kinain 'yung laman niya ng Lion or baka ng Tiger!” Tinaasan ko na ng kilay si Fiona.
        “Tigil-tigilan mo ako sa katangahan mo Fion. Walang Lion o kahit tigre sa Pilipinas! Gaga ka!” singhal ko.
        “Sorry naman, natatakot na ako eh.”
        Bagama’t tumigil na siya sa pag-iyak ay hindi pa rin niya magawang  ihinahon ang sarili. Ganyan ‘yan si Fiona kapag natatakot or even kinakabahan.
        “Let’s find the other two. Hangga't 'di ko sila nakikita, hindi ako makakampante,” Benedict commanded so we started our search for the two of our beloved friends.     
                             
NICKZA’S POV
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko. Gabi na at halos hindi ko na makita ang paligid.
        Nasaan ako? Anong lugar ito?
        Dahan-dahan akong tumayo pero nabigo rin nang matumba ako. Sobrang sakit ng katawan ko na halos hindi ko na maigalaw ang aking magkabilang paa.
        “Guys!” sigaw ko kahit na nahihirapan pa akong gumalaw. “Guys, are you there?” nagsimula na akong mabahala dahil hindi ko sila mahagilap.
        Tanging tunog ng iba’t-ibang mga insekto o hayop lamang ang aking naririnig. Nagpapasalamat ako dahil sumilay ang buwan na nagsilbing ilaw. Kahit konti ay naaaninag ko na ang paligid.
        Kahit na sobrang sakit pa ng katawan ko ay sinubukan ko pa ring tumayo nang dahan-dahan. Ininda ko ang sakit kahit na nahihirapan na ako ay ginawa ko ang paraan upang makatayo pero nabigo pa rin ako.
        “Hello? Somebody help me here?! Please!” sigaw ko na naman. “Urghh!” Impit akong napahiyaw dahil habang gumagalaw ako ay mas lalong sumasakit ang paa ko.
        Parang may nararamdaman akong sobrang hapdi sa bandang kanang paa ko. Agad ko itong hinawakan at may nakapa akong parang likidong dumaloy rito. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak dahil sa idinudulot na sakit niyon.
       “I don’t wanna die in here! Please help me!”
        Ilang minuto pa ang nakalipas na puro nalang ako iyak at nang mapagod ang mga mata ko ay huminto na ako. Agad kong iginala ang mga mata sa paligid baka sakaling may makita akong bahay pero puro mga puno at halaman lang ang nakapalibot.
        Gusto ko nang umalis sa kinaroroonan ko dahil baka may mabangis na hayop ang makaamoy sa 'kin dito, baka maya-maya ay may ahas dito at kagatin ako.
        Saktong may nakita akong sanga ng kahoy malapit sa kinauupuan ko. Kinuha ko ito at napag-alamang matibay pa ito.
        I pour all of my strength just to make this possible. I have much difficulty on standing. Hope it’ll works.
        “Hah! I made it!” saad ko nang makatayo ako sa tulong ng tuwid na sanga na nakuha ko. “Ouch!” Agad din akong napahiyaw dahil hindi pa man naabutan ng isang minuto ay agad din akong natumba.
        Ilang ulit ko pa ‘yong ginawa at sinubukan pero bigo pa rin ako. Nang mapagod ay wala na akong nagawa kun’di ang sukuan ang pagtayo.
        Napatingin ako sa kawalan. Ilang ulit ko na ring sinisigaw ang pangalan ng mga kaibigan ko baka sakaling may kahit ni isang sasagot man lang sa kanila, pero bigo rin ako.
        Nakarinig ako ng kaluskos sa unahan kaya naman sinubukan ko ring mag-ingay.
        “May tao ba riyan? Please, tulungan niyo ako, nandito ako!” Pinukpok ko ang dalawang sanga upang makabuo ito ng tunog at hindi nga ako nagkamali.
        Agad akong natahimik nang hindi ko na  narinig pa ang kaluskos. Imposibleng hindi niya ako maririnig.
        Agad kong naiyuko ang aking ulo at hindi na naman mapigilan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.
        May tila naramdaman akong nakatingin sa ‘kin kaya dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko dahilan upang lalo akong kabahan.
        Mamamatay na ba ako?
        Ito na ba ang katapusan ko?
        “Oh, please." Kinuha ko ang sanga na ginamit ko kanina. Iniharang ko ito sa harapan ko at pilit na pinapaalis ang nilalang na nakatingin sa akin.
        Kitang-kita ko kung gaano nanlilisik ang mga mata nito. Nakikita ko na ang pangil niya na parang gusto niya na akong kainin. Parang galit na galit na itong nakatingin sa 'kin at handa na akong lapain anumang oras.
        “  ‘W-wag k-kang lalapit!” sobrang kaba na ang aking naramdaman. Paano ako maiintindihan nito kung isa naman itong mabangis na hayop.
        If I’m not mistaken, the animal that is now in front of me is a WOLF? Totoo ba ito? Wolf is a very dangerous animal that lives in the forest. And, I am now in the. . . forest. Pero nakakapagtaka lang, is it possible?
       If this is the end of my life. I would rather accept the way I die in here. This is my fault.
        I slowly close my eyes for the last time.
        But—
        I can’t feel any pressure of an animal bites my skin. I open my eyes but all I can see is blurry. Kinusot ko ang mga mata ko at nakikita ko na nang malinaw ang dalawang mababangis na hayop na nagtatalo at kinagat ang isa’t-isa.
       Gusto ko mang tumakbo papalayo pero alam kong hindi ko iyon magagawa dahil na rin sa iniinda kong sakit sa katawan.
        Nakita ko ang pagkatalo at duguan nang lobo. Natalo ito ng bagong dating na lobo. Kinakabahan ako dahil baka ay siya ang kakain sa akin kaya niya pinatay ang una. Kasabay nang pagtulo ng mga pawis sa aking noo ay siya ring pag-uunahang tumulo ng aking mga luha.
        Paano kung— Paano kung kinain nila ang mga kaibigan ko?
        No!
        Handa na sana akong saksakin ang lobong paparoon sa kinaroroonan ko ng sanga na kanina’y napulot ko nang bigla akong nagulat sa sunod na nangyari.
        Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
        Hindi ako makapaniwala na ang lobong nakita ko ay naglaho at bigla na lamang nag-anyong. . . TAO?!
        Hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil malapit na ring mawala ang buwan. Tanging pag-anyong tao nalang ang nakita ko sa kanya.
        “Y-you. . . you’re a h-human w-wolf?!” nauutal kong ani. Please sabihin mong panaginip lang lahat ng ‘to!
        Gagalaw na sana ako pero nakaramdam na ako nang pagkaantok. Naramdaman ko pa ang pagbuhat niya sa 'kin bago ako nawalan ng ulirat at bigla na lamang nagdilim ang paligid.
       “Sleep tight, my queen.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (193)

  • avatar
    Nosal Niljay

    500

    2d

      0
  • avatar
    Michael Magallon

    yes gusto kong mag laro para manalo at mag kapera para matolong ang aking pamilya

    11d

      0
  • avatar
    Aaron Mondigo Lopez

    Kasama ko Ngayon dito SI kuya sa labas ng ataing Bahay gayagya Siya na lumabs. kaya sinabi nag aking naji. ksjshsbbaa nsjhdbsbsbshhsbsbsbsbsbhs.bshshshshwuhsbsbbsbsbdbdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhshshhshshshshshhshshshshhshshshhshhdufxyfxyffutfyxfxfyyfxyfuxfydy😁🥱☹️🥱😁☹️fujfifftfuffhgcugufgucuffucyfyxfyfxxtddyyfxyfxfyxfyfyxfxyyxrrxyryxryxryxrcyfcytyffyxrycrycfycyrccryfycfyccfyfcycftfycycfdctfcycyrfcyytctcyyfcfcfyctfcfyctcffcyfycfctfftdxftxdttcdtcdfxfctftctcfctfyctcyrtccfyyfcyfyfftcrxxrdtcrxx

    22d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด