logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7 Girlfriend ko

Shinjae's pov.
Hmmm.. ang bango naman ng naa-amoy ko. Nagluluto ba si eomma? Himala kung gan'un. Its been a long time since the last time she cooked for us and to be honest, hindi ko na matandaan kung kailan ang huli. Ang bango talaga! pakiramdam ko tuloy gusto ng kumawala ng dragon sa tiyan ko.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata.
"Jeoneun achimeyo oppa!" Good morning. Naka-ngiting bungad sa akin ni Eula. Napangiti nalang ako at bahagyang iniling ang ulo ko para alisin ang munting lungkot na umu-usbong sa dibdib ko ngayon.
Ang tanga ko talaga, umaasa pa din akong babalik sa lahat, na gaya ng dati  ang pamilya ko kahit napaka imposible namang mangyari.
malabong ipagluto pa ulit ako ni eomma.
"Shinjae oppa," Tawag pansin sa akin ni Eula. "Gwaenchanh-a?" are you okay. Napakurap ako.
" Ne" kako tsaka ko siya muling nginitian. Saglit niya akong tinitigan kaya mas pinasaya ko pa ang ngiti ko sa kanya.
"Bangon kana po,  kakain na tayo." anya makalipas ang ilang sandali.
Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang sarili ko. Nagtuloy-tuloy na pala yung tulog ko kagabi, joke ko lang dapat yun eh.
"Oppa, seulpeoboyeo. munjeiss-eo?" you look sad. May problema ka ba?
Napatitig ako sa kanya. I'm still amaze how good she is in speaking Hangul, sila ni Euri.
"neo.. jeongmal gwaenchanh-a?" Aniya, habang matamang nakatitig sa akin.
Bumuntong-hininga ako at bahagyang ngumiti tsaka muling tumango. " ne, gwaenchanh-ayo. Geokjeong geumanhae "
Gan'un na ba ako kahalata?
" jinjja?" Really. Naninigurado niyang tanong. Tumango ako ulit at pinilit na ngumiti ng mas masaya kesa kanina. Saglit niya pa akong tinitigan na para bang sinisigurado kung okay lang ba talaga ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti  ng  malapad dahil naaalala ko sa kanya si Shinney.
"Okay, tara na po. Baka magwala na talaga si eonnie" An'ya ng masiguro na okay lang talaga ako tsaka ako hinila papunta sa kusina nila.
"Umupo na kayo." anang Euri ng makita kami.
"Ang bango naman eonnie, kahit hindi ganun kaganda yung presentation" Naka-ngiting sabi ni Eula, tsaka ako hinila paupo sa tabi niya. Umupo na din naman si Euri sa katapat kong upuan habang tinitingnan ng masama si Eula.
Napangiti nalang ako sa isiping mukha niya ang makikita ko habang kumakain kami dahil nasa harap ko siya. Napatingin ako sa mga pagkaing nakahain sa harapan namin.
Our breakfast:
*fried rice
*hotdog
*tocino at
*dried pusit..
Ito pala yung mabangong naaamoy ko kanina. Napangiti ako ng malungkot. Ngayon nalang ulit ako makaka-kain ng may kasabay. Hindi ko tuloy mapigilang maalala ang pamilya ko. Kailan nga ba yung huling beses na nakasama ko sila sa isang hapag? Sa subrang tagal, hindi ko na matandan.
" Ya! bakit ang tahimik niyo? parang wala akong kasama ah " reklamo ni Eula.
"Kumain kana nga lang diyan! nang makaligo kana. " Mataray na sabi ni Euri. Gwiyeoun. Cute.
"At ikaw!" Baling naman niya sa akin
"Kumain kana din, hindi ka nakapag dinner kagabi kaya kumain ka." Anya tsaka tinuon ang atensiyon sa pagkain. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-ngiti ng malapad habang maganang kumakain.
Uyyy! may concern siya sa akin.
"Oh." Napalingon ako sa kanya ng i-abot niya sa akin ang isang kulay blue na nakatuping  papel. Naglalakad kami ngayon papunta sa terminal ng mga jeep. May pasok daw siya ngayon sa school at wala naman sa shop. Gusto ko sana siyang ihatid hanggang school para malaman ko kung saan ba siya nag-aaral. Hindi niya kasi sinabi sa at wala talaga siyang balak sabihin sa akin ng tanungin ko siya kanina dahil ayaw niyang puntahan ko siya doon para sunduin.
"Ayaw ko ng tatawagan mo ako sa oras ng klase ko at trabaho ko okay?" Masungit niyang sabi. Pero kahit na masungit siya hindi ko pa din mapigilan ang mapa-ngiti lalo na ng makita ko kung ano ang nakasulat sa papel.
"Wag kang ngumiti lang diyan.  Naiintindihan mo ba ako?"
"Oo"
"Good! sige na, dito mo nalang ako ihatid. Umuwi kana din sa inyo para makapag freshen up kana."
"Wait" Pigil ko sa paglalakad niya.
Nilingon naman niya ako.
"Thanks!" Tinaasan niya lang ako ng kilay and give me 'huh' look. "Thanks kasi tinanggap mo ako sa bahay niyo. Thanks for the delicious breakfast and for this!" Tinaas ko yung papel na may number niya. "Thanks for trusting me!"
Saglit niya akong tinitigan tsaka siya dahan-dahang tumango. "Sige umuwi kana." Nangingiti niyang sabi. Kaya mas napangiti ako.
"See you later Mine. " Sabi ko nalang tsaka nagsimulang maglakad palayo. Matapos ko siyang mapasakay sa jeep na sasakyan niya.
Tsaka nagmadali ng umuwi dahil may pasok din ako sa school ngayon. Pagdating ko sa bahay agad akong nag-asikaso at di na pinansin pa ang katahimikan ng buong bahay dahil wala pa din si eomma at eobuji. Pagkatapos kasi ng pag-aaway nilang dalawa hindi na sila umuwi pa. Tsk! ang galing! ni hindi nila ako naisip. Napabuntong-hininga ako.
Haist.. hindi man lang nila naisip na may anak silang naghihintay pa din sa kanila. Ilan gabi na din akong hindi nakakatulog ng maayos, kagabi nalang nga ulit ako nakatulog eh. Kinuha ko ulit yung papel na binigay sa akin ni Euri.
"Miss na agad kita, tawagan kaya kita?"
'Ayaw kong tatawagan mo ako sa oras ng klase ko at ng trabaho ko okay?'
Napanguso ako ng parang may magic button na bigla nalang nag play yung boses niya. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Tsaka na nga lang kita tatawagan, baka magalit ka pa"
"Bro! shit man your late!" Napangiti nalang ako bago naupo sa tabi ng pinaka o.a kong kaibigan.
"San kaba galing, bakit late ka? don't tell me nambabae ka?"
"Tsk! hoy Aaron wag ka ngang OA.para ipaalam ko sayo 3 minutes lang akong late. Si sir nga late din eh at about dun sa kung nambabae ako, men babae ang lumalapit sa akin hindi ako." Hindi naman ako nagyayabang, nagsasabi lang ng totoo.
"Yun oh taas talaga ng fighting spirit mo," naka-ngisi niyang sabi. Napa-iling nalang ako.
"Hindi fighting spirit yun. Katotohanan ang tawag d'un."
"Haha.. okay sabi mo eh." Napa-ngisi nalang din ako sa sinabi niya.
"San ka pala pumunta kagabi?" Napa-angat ako ng tingin  kay Aaron mula sa pagkakayuko ko sa pagkain. Nandito kami ngayon sa may canteen. Hindi talaga namin ugali ang pumunta dito para kumain dahil madalas nagpapa-deliver nalang kami at sa tambayan namin kami kumakain. May kalayuan kasi ang building namin sa canteen at isa pa palagi ng mahaba ang pila dito dahil ito ang nag-iisang canteen sa campus. Ganun paman dahil sa sobrang lawak nito kayang-kaya nitong i-accommodate ang halos kalahati ng population ng buong Campus at dahil absent ang professor namin sa Dissertation  napagpasyahan naming dito nalang muna kumain.
"Pinuntahan ka kasi namin nila Alex at Tim kagabi yayayain ka sana namin mag-basketball pero wala ka, saan ka ba nagpunta? Late ka pa kanina."
"Babae ka ba?" Nangingiti kong tanong habang nakataas ang isang sulok ng labi ko.
"Naknak ba yan?" Kunot-noo niyang ani. Nginisihan ko lang siya
"Hindi."
"Eh bakit mo ako tinatanong?" Tsk! slow talaga. Hindi ba niya naisip na daig pa niyang nanay ko kung  magtanong?
"Para ka kasing babae kung mag usisa"
"Tado! Hindi mo naman kasi ako sinasagot. "
"Galing ako sa bahay ng girlfriend ko" Balewala kong sabi tsaka nangingiting  pinagpatuloy ang pagkain ng maalala si Euri. I'll call her after this.
"Whah! wait dude, is that for real? may girlfriend kana talaga? Sino sa mga manliligaw mong babae ang ma-swerteng sinagot mo?" Todo-ngiti at taas baba pa ang kilay nito.
"Soon you'll meet her and one more thing she didn't do the first move. It's me." Hindi makapaniwala niya akong tinitigan tsaka napailing.
"I wonder what's with her for you to move first. Sigurduhin mong ipakikilala mo siya sa amin. Anyway, kailan ka pa nagka girlfriend? Bakit hindi ko alam yun? di ba bestfriend mo ako? You're hurting me," hinawakan pa niya ang dibdib niya at umaktong nasasaktan napa-iling nang ako at hindi  ko nalang pinansin ang pagda-drama niya.
" What the fudge Dude, hindi mo talaga ako sasagutin?"
"Kumain kana nga lang  konti nalang maniniwala na akong babae-" di ko pa man natatapos ang sinasabi ko napatigil na ako sa  pagsasalita ng marinig ko ang pagtawag ng isang babae sa pangalan ni Euri.
"Sige na Euri sumali kana kasi sa amin sumayaw para naman yun sa grades naten eh"
"What?" Nakataas ang isang kilay.  Confusion was visible on his face dahil sa bigla kong pananahimik.
Pero sa halip na sagutin siya, ibinaling ko ang paningin sa grupo ng mga babaeng dumaan sa gilid namin.
Malapit kasi sa exit ang pwesto namin  kaya halos lahat ng lumalabas kita namin at hindi ko napigilan ang mapangiti ng malapad ng makita ko ang babaeng kanina ko pa ini-isip.
"Mine." Hindi ko alam na sa isang school lang pala kami nag-aaral at mukang hindi rin niya alam base sa reaksiyong nakikita ko sa mukha niya ngayon.
"Mo-Mokz?" Nanlalaki ang mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon. How adorable. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Dito ako nag-aaral" Binigyan niya ako ng di maka-paniwala na tingin. Pero nginitian ko lang siya. I actually feel the same way, hindi ako maka-paniwalang nasa iisang university lang kami pero hindi niya ako kilala. But anyway, I'm still happy to see her here. "I'm glad to see you here."
"Hi Shinjae oppa!" Nakangiting bati sa akin ng mga kasamahan niya.
Nginitian ko din sila.
"Kilala niyo siya?" Kunot-noo  niyang nilingon ang mga kasamahan niyang sabay na tumango.
"Oo naman noh, halos buong university kilala siya. Don't tell me hindi mo siya kilala? Hindi mo ba alam na siya ang captain ng boys basketball naten?" Sabi n'ung medyo chubby niyang kasama.
Nagtatanong ang mga mata niya ng binalingan ako kaya tumango lang ako bilang  pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan niya.
"Wait! Anong tinawag mo kanina kay Euri?" Biglang tanong  sa akin nang kasama niyang payat. Sasagot na sana ako nang ..
"Ah.. Tara na may klase pa tayo di ba? male-late na tayo" Aniya bago pa man ako makapag salita sabay hila sa mga kasama niya palabas ng canteen.
"Sandali naman Euri may tinatanong pa nga ako e "
Narinig ko pang reklamo n'ung payat habang hinihila sila palayo sa akin. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang likod niya hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
"Sino yun Dude?" tanong sa akin ni Aaron ng bumalik ako sa pagkaka-upo.
"Girlfriend ko."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (54)

  • avatar
    Madeline Medina Abriam

    it's wonderful story

    28/07

      0
  • avatar
    BahandeNelsie

    kshsgsosgusisgshshshdgdhxbdbxvchchxhfhfhdhdhdhdhdhdhfhrhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjdjdhdhdhdhdhfhfhfhfhfufhfhfududududuhrdhdhdhdbxof7wtsishsjhshsbsjbzhsjaspjegrhroshshdnako si jaspherjajvsishsgsjshsghsjsvsissjsjvsjsgsjshshshshsjshsjdjsjsjhshshashsuiejshsushehehehuhùtitisi5ue5uetnnxnhcvdbtxhvffvfjrnghgbgzhg md.gdtjlsttististiztipstisoyxtisitsilfziltsiltt8pitpsitsiptitlitlstipfulitt9drupsuorsurlurlitpsripspsirurpspr8s48pst8ps58psr7oa7ps474ps58s85s8tps8rp7rs749s794a7eoas7rpufzkg igx9uffufutg0ug7gugyr6f

    02/07

      0
  • avatar
    Mark Rennier Agustin Bauit

    love

    06/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด