logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Six

“Ang aga mong gumising ngayon, ah.” rinig kong pang-aasar ni Kuya Nic.
“Well!” may pagmamalaking sambit ko habang nagsusuklay.
Alas siete pa naman ang pasok ko pero nagising ako kaninang alas sinco. 
Pinangakuan kasi ako ni Kuya kagabi na ililibre ng milk tea kapag inagahan ko ang gising ngayon.
“’Wag mong kalilimutan na puntahan ako sa school mamaya, ah! Kapag ’di mo ako dinalhan ng milk tea ay kalimutan na!" banta ko pa
“Oo na,” natatawa nitong sagot. “Wait for me on your school's parking lot.”
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, “Aba, may kotse ka?” intrigang tanong ko
He laugh and shook his head. Ngayon ay nasa salamin na siya nakaharap para tingnan ang sarili.
“Sasabay ako kay Ez mamaya. He’s going to your school, too. May date ata.” sambit niya habang inaayos ang basang buhok.
“Grabe, senior high na pala ang trip ng mga college ngayon? I need to be careful!” pang-aasar ko pa
Kitang kita ko ang pagtaas ng isang kilay niya na nakapagpangiti sa akin. Napakadali niya talagang asarin!
“Magtigil ka. Pumasok ka na at napakadaldal mo.” pagtataboy niya sa akin na ikinataray ko naman.
Napaka pikunin talaga! Biro lang naman ’yon.
“Kung makataboy naman! Fine! Goodbye, Niccolo!”
Kinuha ko ang bag kong nakalapag sa sofa bago dumiretso palabas ng bahay.
Maagang umalis si Papa ngayon dahil may duty siya sa Village nila Raine kaya walang mamimiliit sa aking mag-agahan.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko agad si Von na nakatulala sa kawalan habang nakaupo sa gilid ng bahay nila.
“Hey,” tawag ko na nakapagpalingon sa kaniya. “What’s up? Bakit parang ang laki ata ng problema mo?” asar ko na nakapagpabusangot pa sa kaniya lalo.
“Hinihintay kasi kita. Ang tagal mo.”
He stood up and walked towards my direction.
“Hindi kita pinilit kaya bakit parang kasalanan ko pa?”
Umakto akong nasasaktan na agad namang nakapagpatawa sa kaniya.
Sabay kaming naglakad patungong sakayan habang nag-uusap. Masaya rin kasing kausap ito at mabait din.
“May itatanong kasi ako sa’yo.” mahinang ani niya habang naglalakad kami papuntang sakayan.
Medyo maaga pa kasi at wala pang dumadaang tricycle sa lugar namin kaya kailangan naming dumiretso sa terminal upang makasakay.
“Sure, go on.” sambit ko.
Naalala kong may kinuha nga pala akong dalawang ice coffee na nakabote sa fridge kanina kaya kinuha ko agad iyon sa bag at iniabot ang isa kay Von. Dapat ay kay Raine ko ibibigay ang isa, pero hayaan mo na.
“Salamat,”
“Go na. Ano bang meron? Is this the reason why you look so heart broken earlier?” asar ko rito habang sinusubukang buksan ang bote.
“Kasi ganito yon,” huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. “’Yong kaibigan ko kasi, may gusto siya sa isang babae…”
Uminom ako sa dala kong kape habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
“This girl kasi… she’s an achiever, mayaman, tapos sobrang ganda at talented. Tapos ’yong kaibigan ko naman… uh, normal lang na estudyante, gano’n.”
Hindi ko napigilan ang pagtawa nang matapos niya ang ikinukwento niya.
I didn’t mean to offend him. Sobrang halata lang kasi kung sino ang tinutukoy niyang ‘kaibigan’ niya.
“Sabihin mo riyan sa kaibigan mo na ’wag na siyang umasa. That woman is almost perfect based on what you said. Siguradong almost perfect din ang type no’n”
Rinig na rinig ko ang lakas ng buntong hininga niya. Mukhang seryoso talaga siya sa babaeng tinutukoy niya.
“Sino ba kasi ’yan?” tanong ko bago uminom sa kape ko.
“Kaibigan ko nga…”
I looked at him, not convinced.
“’Wag ako, Von. That ‘friend of mine’ thing is kind of old. Alam kong Ikaw ang ‘kaibigan’ na tinutukoy mo.” sagot ko sa kaniya.
Halata naman kasi talaga. Dapat ay dineretso niya na lang, nandamay pa siya ng kaibigan.
“You really think that… I don’t have a chance? I know that she’s out of my league, but…”
Inamin niya rin sawakas.
“Well, gwapo ka naman. You're friendly, too. Wala naman sigurong masama kung susubukan mo, ’di ba?”
He then looked at me. Mahahalata na mabigat talaga ang iniisip niya.
“I don’t know if I should try…”
Tiningnan ko nang maigi ang itsura niya. He’s really serious on that girl that he's been talking, huh?
I’ve been friends with him since grade high school, at kilala ko rin ang iba niyang nakarelasyon dati na mga ka-batchmate namin, pero ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-kabado.
Well, kung almost perfect nga naman ’yong babae, siguradong maraming magkakagusto sa kaniya.
“Can you tell me who’s this girl we’ve been talking about? Baka naman pwede mong i-share. Hindi naman ako others, eh.” asik ko na may kaunting biro pa.
We continued walking, dahil medyo malayo pa kami sa terminal ng tricycle, at malapit na rin ang oras ng klase.
He drink on his coffee before answering, “Don’t tell this to anyone, okay? Baka masira diskarte ko.” biro nito
I just laugh and nodded. Wala naman talaga akong balak sabihin sa iba ang mga napag-usapan namin ngayon. It’s between us only.
“So, what's her name? Share mo na, dali!”
Huminga siya ng malalim bago ibinaling ang tingin sa kalsada, “Zari,”
Muntik na akong matapilok dahil sa gulat nang marinig ang pangalang binanggit niya,
“Zari? That model? ’Yong mukhang anghel na babae?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Is he serious? I mean, wala namang duda na nagkagusto siya rito dahil totoong almost perfect na ito. Maganda, mabait, athlete, constant with honor, at model pa!
Masasabi ko talagang totoo ang sinasabi nila dahil ako mismo ay kilala siya. I once talked to her. Nakilala ko siya noong entrance exam day sa school at siya ang kasa-kasama ko hanggang sa matapos ang araw.
Ni hindi ko nga alam na napaka-competitive pala no’n. Paano ba naman kasi, parang hindi makabasag-pinggan ang hitsura niya at mahihinhin din.
Nang malaman kong ganoon siya kagaling ay feeling ko ay may multiple personality ito.
Grabe kasi talaga!
Nakarating na kami ng classroom pero patuloy ko pa rin siyang pinapayuhan. Hindi naman ako expert sa ganito pero may sense naman at siguro’y makakatulong din ang mga sinasabi ko.
“Remember that. Don’t lose your hope that fast.” sambit ko bago dumiretso sa aking puwesto.
“Ang aga mo, ah! Is this a miracle? May himala na bang nagaganap sa mundo?” rinig kong pang-asar ni Raine habang papasok siya ng room.
Naunahan ko kasi siya ngayon. Actually, ilang minuto lang ang agwat nang pagpasok namin.
“Syempre naman. Nandito ang dahilan ng paggising ko, ’no.”
She just laugh before going to her seat.
“Ay, oo nga pala, kailan daw iaannounce ang mga nakapasok?” biglaang tanong niya.
“Next week daw, pero ’di ko sure kung anong araw.”
Kahapon kasi ay pumunta kami sa office ni Coach pero wala siya roon. Sabi ay may emergency meeting daw at imo-move ang announcement next week.
Nagplano na kami patungkol sa pag o-overnight ko sa kanila next week habang wala pa ang teacher namin. Pinagpaalam na kasi niya ako at pumayag naman ang mga magulang niya.
“Kagabi pa ako nakapag-impake.  I’m a hundred percent ready.” pagmamayabang ko.
“Jennelyn,” napalingon ako sa tumawag at nakita si Lea sa may pintuan.
I stood up and went to her, “Hi,” bati ko.
She smiled at me shyly and hand over something, “Baka naman pwedeng pakisuyo. May practice kasi si Vince ngayon. Wala rin akong ibang kilala rito maliban sa’yo…”
Tiningnan ko ang iniaabot niya at nakitang folder ito. Ito siguro ang project niya na due ngayon.
“No worries. Ako nang bahala.” sambit ko bago tinanggap ang iniabot niya.
Sinilip ko ang laman ng folder at nakitang drawing ito. Pigil ko ang sariling mapahanga, dahil hindi ko pa nakalilimutan ang ginawa niya sa uniform ko.
Natapos ang lahat ng klase namin ng walang nagpapakitang Ian. Bakit absent siya ngayon? Sana naman ay wala siyang sakit.
“Hey,” ani ni Raine. “Bakit parang problemado ka riyan?"
Napalingon ako sa kaniya at tipid siyang nginitian, “I’m just curious why Ian doesn’t attended school today. Tingin mo may sakit siya?”
Once again, I saw a familiar expression on her face. Ito rin ang nakita ko noong tinatanong ko siya kung sino ang manliligaw niya.
“W-Wag mo na muna siyang isipin. L-Libre na lang kita ng milk tea.” masiglang sambit niya.
I can’t help but to notice her movements. Bakit parang kinakabahan siya?
Isinawalang bahala ko na lamang iyon at sumagot, “Hindi pala ako makakasabay ngayon. Kuya Nic will pick me up.”
She nodded slowly, “Ganon… ayos lang. Makakatipid ako ngayon.” rinig kong pang-aasar niya.
We chat a little before bidding our goodbyes.
“Bukas mo ako ilibre. I’ll wait for it!” habol kong sigaw.
She just laugh and wave her hand. Nang hindi ko na siya matanaw ay agad akong naglakad ako papuntang parking lot. Naabutan ko pang ipinaparada ni kuya Ez ang kotse niya. Sakto lang ako.
Patakbo akong pumunta sa puwesto nila para batiin si Kuya Ez.
“Kuya!”
Kitang kita ko ang paglingon nilang dalawa, pero sa direksyon ako ni Kuya Ez dumiretso.
“Little girl! Kamusta?"
I smiled at him. Sasagot na sana ako nang magreklamo si kuya Nic,
“Bakit siya ang sinasalubong mo? Ako ang may dalang milk tea.” pagmamaktol pa nito
“Masama bang bumati?” pagtataray ko bago dumiretso sa kaniya at kinuha ang hawak niyang milk tea.
I immediately went back to kuya Ez’s direction. “Kuya, nanliligaw ka pala ngayon ng senior high? Bawal ’yan! Eighteen na ba ’yan? Baka pedo—”
“Yes, Jen. She’s eighteen. Hindi rin naman ako pumapatol sa minor.” sagot niya. “Dumaldal ka ata?”
I just shrugged. Dati pa naman akong ganito. Hindi lang siguro niya napansin.
“Sino ba ’tong malas na napuntirya mo? Baka kilala ko, tutulungan kita!” pang-aalok ko.
Totoo naman, malay mo naman ay kilala ko. Pwede ko siyang i-good shot!
Sumandal siya sa kotse niya at nakatingin lang sa kawalan habang nakangiti, “Sa susunod ko na sasabihin sa’yo. Baka siraan mo ako, eh.”
I rolled my eyes on him. “If you don’t want my help, then don’t." sumbat ko bago uminom muli sa milk tea ko.
They both laugh that makes me feel so mad. Bakit ba nila ako tinatawanan? I’m not even joking!
“Sige na. I’ll see you next time, Jen. I need to go." paalam niya na sinagot ko lang ng kaway dahil umiinom ako sa hawak na milk tea.
Kitang kita ko ang excitement ni kuya Ez. Kapansin-pansin iyon sa paglalakad niya.
Grabe, bakit parang lahat ng kilala ko ay may love life na? Kailan kaya ang akin?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (184)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด