logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Four

“H-He just said that someone wants to give it to me. Wala naman siyang nabanggit kung sino… Tsaka wala akong manliligaw.”
After I heard her explanation, I questioned myself. Mukhang mali nga talaga ang narinig ko kanina. Raine will not lie to me about it. Alam niyang may gusto ako kay Ian.
Uminom ako sa binili niyang milktea bago nagsalita, “Gusto mong itanong ko kay Liam? Nakakausap ko naman siya. Sasabihin no’n sa akin panigurado.” suhestiyon ko.
“’Wag!”
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa biglaang pagsigaw niya. Inabot ko ang nakapatong na tissue sa mesa para punasan ang bibig ko.
“Bakit ka sumisigaw?”
Her reaction makes her look suspicious. Hindi ko na alam ang dapat isipin.
“Sino ba kasi ’yang manliligaw mo at ayaw mong sabihin? Hindi ko naman ipagkakalat. Saka ba’t parang may tinatago ka na sa’kin? Don’t you trust me?”
“A-Ano ka ba! Sinabi ko na kasing ’di ko nga ’yon manliligaw. B-Baka nang-aasar lang si Liam o ano… Wala lang talaga ’yon.” sambit niya bago uminom sa binili niyang milktea. Sa itsura niya ay halatang kabado siya. 
“You know you look suspicious, right?” biro ko sa kaniya.
Pansin ko ang pagputla ng mukha niya. Lumapit agad ako sa kaniya at hinipo ang noo niya. “Hey, ayos ka lang? You look pale.”
Umiwas siya at tipid na tumawa, “Oo naman. Medyo inaantok lang ako, don’t worry.”
“Dumiretso ka ng uwi mamaya. ’Wag ka na munang gumala. You look really pale, Raine.” paalala ko rito.
Bumalik na ako sa inuupuan ko at inabala na lang ang sarili sa pag ubos ng binili kong meryenda.
“Tatawag ako mamaya sa village niyo. Si Papa naman ang nakaduty ngayong araw sa guardhouse. Itatanong ko kung dumiretsong uwi ka ba. Don’t try to fool me.”
Guard si Papa sa isang village kung saan sila nakatira kaya madalas akong makapasok doon kahit na hindi na ako tumawag sa bahay nila. May kaya kasi ang pamilya ni Raine at nasa isang exclusive village sila.
“Fine.” rinig kong sambit niya habang nakabusangot.
Natapos ang lahat ng klase na nakatuon lamang ang atensyon ko kay Raine. Sa sobrang pag-aalala ko rito ay nakalimutan ko na nga ang madalas kong gawin— ang pagsilay kay Ian.
“Tara na, uwi na. Kumuha ka ng tricycle na special para diretso na sa inyo.” suhestiyon ko
“Ayoko, ’no! Napakamahal kaya kapag special ang sinakyan! Saka malapit lang naman ang babaan sa amin. Okay na ’yon.” reklamo niya habang naglalakad na kami palabas.
Pabiro kong hinampas ang braso niya, “Akala mo talaga ay kapos siya sa pera.”
Hindi ko alam kung bakit napaka-kuripot niya. Hindi naman niya kailangang mag-ipon dahil kayang-kaya niyang bumili ng mga gusto niya.
“I want to try saving money. May mga gusto rin akong bilhin na ayokong ihingi pa ng pangbayad kina Mommy.”
I nodded as I agree. “Sabagay, hindi nga naman pinupulot ang pera…” komento ko.
Dito ako hanga sa kaniya. Even if her parents are both doctor, she knows how to be humble. Hindi siya ’yong aakalain mong spoiled na tao dahil lang mga may pera.
“Kuya, special po!” sigaw ko para makuha ang atensyon ng kakapasok pa lang na tricycle sa terminal.
“Teka! Sabi ng ayaw ko, Jen!” reklamo niya habang itinutulak ko siya papasok ng tricycle.
Nang tuluyan ko na siyang maipasok ay dali-dali kong binayaran ang driver. “Kuya, sa Montevista po siya. Ipaturo niyo na lang po sa kaniya ang daan.”
Wala na siyang ibang nagawa nang pasakayin na siya ni kuyang driver. Agad din naman akong nagpaalam para makauwi na rin.
Kinabukasan ay inihanda ko na ang lahat ng kailangan ko, lalo na ang extra shirts and pants. Nagdala rin ako ng pabango para sigurado.
“Pa! Kuya! Aalis na ako!”
Pababa na ako ng hagdan habang nagtatali ng buhok nang maabutan ko sila Papa na nasa hapag-kainan.
“Kumain ka muna. Tignan mo nga ang itsura mo at para kang hindi pinapakain ng maayos.” rinig kong utas ni Papa habang nagbabasa ng diyaryo.
“Kumain ka muna.” aya ni kuya Nic na inilingan ko na lamang.
“Nagkape at tinapay na po ako kanina.” sambit ko bago kinuha ang bag ko sa sala at lumabas.
Papara na sana ako ng tricycle nang marinig ko ang boses ni Kuya. I looked at him and saw that he’s holding my wallet. Agad kong kinapa ang bulsa ko at narealize na naiwanan ko nga ito.
“Thanks! Libre kita next time!” masiglang sambit ko nang maiabot na niya ang hawak.
“Dinagdagan ko na ’yan,” sambit niya bago ginulo ang buhok ko. “Mag-aral ka ng mabuti, ah. It doesn’t really matter if you would get a high grade. Ang importante ay nag-aral ka, okay?” sambit niya bago bumalik sa loob ng bahay.
I made an ‘woah’ reaction to tease him before going.
“Opo! I’ll do my best!” pahabol ko pa rito bago itinuloy ang paglalakad paalis.
“Jen,”
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Von na papalabas ng bahay nila. Kakalipat lang kasi nila rito sa lugar namin.
I waved at him before walking towards his direction. “Libre mo ’ko pamasahe!" masiglang sambit ko.
He chuckle before walking, “Wala rin akong pera ngayon. Next time na.”
Pabiro kong sinuntok ang braso niya. Sabay kaming pumasok at nalate. Bumili pa kasi ito ng kape kaya nahuli tuloy kami nang pasok. Buti na lang at wala pa ang proffesor namin nang makarating kami sa loob ng room.
Lumipas ang oras at dumating na nga ang pinakahihintay kong P.E. class. We changed our uniforms into rush guards.
“Ang sexy naman po!”
Hampas ang inabot ko nang marinig ako ni Raine. Lahat kami ay nakaayos na at si Raine ang pinaka agaw pansin sa lahat. Maganda kasi talaga ang shape ng katawan niya at may pagka fitted pa ang suot niya.
“By pair ang pag aattendance kaya hanapin niyo na ang partner ninyo.” announce ni Sir Adam.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita si Ian na naglalakad papalapit sa akin. “Ian!”
After checking our attendance, we put all of our stuff on the benches. May taga bantay rin ng mga iyon kaya panatag kaming lahat.
“Punta na tayo sa pool.” aya ko habang nag-aayos ng mga gamit.
Hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa gawi nito. I thought he’s busy fixing his things and he didn’t hear me, but on my surprise, it’s not the reason.
He’s looking at her direction. Ang mga mata niya ay sa kaniya lang nakatingin na para bang natatakot siyang mawala ito sa paningin niya.
When their eyes met, Ian flashed a small smile at her. He smiled… at her.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (184)

  • avatar
    Cristine Garcenila Carpio

    Very nice story you have here author.. Keep writing and inspiring other through your story.. shine brightly author!!❤❤

    24/05/2022

      0
  • avatar
    Arnelsept

    Keep the good work!

    17/05/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! sobrang ganda ng book cover and also ang galing gumawa ni author ng mga plot twist! keep it up and keep writing! (. ❛ ᴗ ❛.)

    13/05/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด